Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

HINANG-HINA ang pakiramdam ni Vanessa nang ibinuka niya ang kaniyang mga mata. Parang ayaw pa nga niyang magdilat sa dahilang hinihila siya ng antok at may tumutulak sa kaniyang muling pumikit.

Ang mga talukap niya sa mata ay kusang pumipikit at naging triple pa ang bigat niyon pero pinilit niyang magdilat. Para kasi siyang pilit na idinuduyan kaya nagising siya sa kaniyang mahimbing na pagtulog. Kotse ng asawa ang kaniyang namulatan.

“Gian,” tawag niya sa pangalan ng asawa. Sigaw na ang ginawa niya pero halos pabulong lang ang lumabas sa kaniyang bibig. Ni halos hindi nga niya maibuka ang mga labi niya.

“Honey, hold on. Malapit na tayo sa hospital.” Kahit nasa kalsada ang tingin ni Gian ay hindi nito binitawan ang kamay niya. Ramdam niya ang lamig ng kanang kamay nito na mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.

Pero sa lahat ng salita na binigkas ng asawa niya ay umalingawngaw ang sinabi nitong hospital. Paulit-ulit itong nag-echo sa pandinig ni Vanessa at tila nagkaroon pa ng mga letra na lumulutang sa isipan niya.

“Hospital,” mahina niyang bigkas. Dadalhin siya ni Gian sa hospital.

Muli siyang nakaramdam ng hilo at hinihila siya ng matinding antok.




MULI siyang nagising dahil sa ingay na hindi niya matukoy kung kaninong boses iyon, halo-halo. May boses ng lalaki at boses ng babae. Bakit kaya?

Pilit minulat ni Vanessa ang mga mata upang tingnan ang paligid, bumungad sa kaniya ang isang kulay puti na kisame. Ito na ba ang langit? May darating bang mga anghel sa susunduin siya? Siyempre, wala. Hindi siya sa langit mapupunta. Baka si Satanas ay may posibilidad pa.

Really, Vanessa? Nangarap ka talagang mga anghel ang susundo sa ‘yo ngayon? Sa lahat ng mga maling nagawa mo sa bahay ay sa tingin mo magiging martyr ang mga anghel at magpapanggap na tanggap ka nila? Really? Ha? Really?

Maliit lamang ang buka ng mga mata ni Vanessa at nakikiramdam. Nanuot sa kaniyang ilong ang amoy, amoy na may halong alcohol at mga amoy na sa isang hospital lang nalalanghap.

Hospital, bulong niya sa sarili.

“Gising na si Vanessa.” Boses iyon ng Ate Sharon niya at nakaramdam siya na may humawak sa kamay niya. Hindi pa siya patay, nahahawakan pa siya eh. Walang demonyong susundo sa kaniya ngayon.

Bigla na kasi agad siyang na-imagine na mukha ni Satanas. May balak na nga rin siya kung paano maiiwasan ang demonyo na ‘yon. Planado na ang lahat pero hindi pa siya patay.

Agad niyang pinalibot ang paningin at nakita niya si Gian, ang Daddy niya, si Jason, at ang Ate Sharon niya. Anong nangyayari? Bakit nandito silang lahat? Mamamatay na ba ako?

“Am I dying?” tanong niya sa asawa na nagulat din sa kaniyang tanong.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala naman siyang nararamdaman na kakaiba o masakit sa katawan niya bukod sa inaantok siya. Itinaas niya ang dalawang kamay pero wala siyang makitang kung ano-anong nakakabit doon na iyon pa naman ang inaasahan niya. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi pa siya mamamatay. Sobra lang talaga ang imagination niya. Bakit hindi na lang kaya siya lumusong sa pagsusulat?

“Ang arte mo naman, patay agad?” tanong sa kaniya ni Jason na nakataas ang kilay habang tinitingnan siya. “Ano ‘yon? Pumunta lang ng Samal, mamamatay na?” patuloy pa nito.

“Gusto mo ibato ko saʼyo itong cellphone ko?” sagot naman niya sa kapatid. Ewan ba, pero tuwing nakikita o naririnig niyang nagsasalita ang kapatid ay tumataas ang dugo niya. Hindi naman siya ganito noon.

“Magtigil nga kayo! Para kayong mga bata!” saway ng Daddy nila. Inirapan niya ang kapatid, alam niyang siya ang lalabanan dahil siya ang nakaratay sa hospital.

“Siya po ang nagsimula, Dad—”

“Tigil na sabi!” naputol ang litanya ni Jason nang sawayin itong muli ng Daddy nila.

“Paanong ako?” tanong naman niya. Hindi maaaring hindi siya malinawan.

“Hindi mo sinabi sa akin kung nasaan si Ellena!”

“Hindi kayo titigil?” sigaw ng Daddy nila na halos umalingawngaw sa loob ng kuwarto.

Niyakap ng katahimikan ang buong kuwarto. Hindi niya tinapunan ng tingin ang kapatid, tutubo lang ang sungay niya kapag dinaanan niya ito ng tingin. Siya pa talaga ang sinisisi sa kaduwagan nito. Wala siyang magawa kunʼdi ang kagatin ang kaniyang pang-ibabang labi.

“Hon.” Si Gian ang bumasag sa katahimikan nila. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya upang bumangon. “Hindi ka na nahihilo?” tanong nito.

Umiling siya bilang tugon. Nawala yata bigla ang hilo niya dahil sa pakikipagsagutan niya sa walang modo niyang kapatid.

“'Buti naman.” Huminga ito nang maluwag. “Oo nga pala, may sasabihin ako saʼyo.”

Bago pa matapos ni Gian ang sasabihin ay nakita nilang padabog na lumabas ang kapatid niya. Agad niyang tiningnan ang Daddy niya na nagkibit-balikat at lumabas din ng kuwarto upang sundan si Jason.

“Dios mio, hindi ako magpapa-iwan dito. Mag-usap muna kayo,” paalam ng Ate Sharon niya bago lumabas ng silid.

Nang sila na lang dalawa ng asawa niya ay ngumiti ito sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Halos hindi mabura-bura ang ngiti nito sa labi.

“Hon, you’re four weeks pregnant.”




Matamis ang ngiti niya habang sinusuklay ang buhok at nakaharap sa salamin. Payapa silang nakauwi sa bahay at nakakikilig dahil mas naging malambing ang asawa niya. Kung noʼng isang araw ay natatakot siyang mag-buntis, parang biglang nagbago ang lahat.

Kung magiging sweet ang asawa niya, bakit aayawan niya diba?

Oportunista ka rin eh, natatawang bulong niya sa sarili.

Tumayo siya at tinahak ang cabinet nila para kumuha ng damit. Towel lang kasi ang tanging tumatakip sa kaniyang katawan.

Binuksan niya ang cabinet at kumuha ng pantulog. Kinuha niya rin ang pantulog ni Gian at nilagay iyon sa ibabaw ng kama nila. Hanggang ngayon ay nasa banyo pa rin ang asawa.

“Akala ko ba kapag lalaki, mabilis maligo?” tumatawang saad niya. “Bakit parang mas matagal pa si Gian?”

Muli siyang humarap sa salamin at pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok.

“Ang tagal naman ni Gian, dalagang-dalaga.”

Natatawa pa rin talaga siya kapag naaalala niya ang mga nangyari dati. Gaya na lang ng kabaklaan ni Gian. Minsan nga ay hindi siya naniniwala sa binigay na rason ng asawa niya kung bakit naisip nitong mag-bakla-baklaan.

Pero masamang mag-isip ng ganoon. Hindi tama na pag-isipan niya ng ganoon ang asawa niya. Hindi tama na hindi siya maniwala kung iyon ang binigay na rason nito.

Hindi kasi talaga kapani-paniwala ang rason na sinabi ng asawa niya.

“Ayan ka na naman, Vanessa. Over-think pa balae,” wala sa sariling wika niya.

Hindi rin pala nakabubuti ang mag-isip ng mag-isip, kung ano-ano na lang kasi ang pumapasok sa utak niya. Baka kung ano pa ang magawa niya.

Ibinalik niya sa mesa ang hair brush niya at kinuha sa kama ang pajama niya. Lumingon siya sa pinto ng banyo ngunit sarado pa rin iyon. Ang tagal lumabas ng asawa niya.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto ng banyo habang hawak ang mga pantulog niya. Sisilipin niya si Gian, kahit saglit lang.

“Maninilip ka pa talaga, ang landi mo rin, Vanessa.”

Nang nasa pintuan na siya, hinawakan niya ang doorknob upang buksan ang pinto kaso naka-lock iyon. Kahit anong gawin niyang pagpihit sa doorknob ay hindi niya iyon mabuksan.

“Bakit naka-lock?” wala sa sariling tanong niya.

Simula noʼng sa kuwarto na siya ni Gian natutulog ay hindi ito nagsasarado ng pinto ng banyo kaya nga minsan ay nasisilip niya ito habang naliligo.

Inilapat niya ang tainga sa dingding ng banyo upang pakinggan kung anong nagaganap sa loob pero wala siyang marinig na agos ng tubig.

“Tapos na kaya siyang maligo?”

Mas inilapat pa niya ang tainga. Parang may kung anong halinghing siyang naririnig.

“Anong nangyayari? Parang nahihirapan siyang huminga?” tanong ni Vanessa sa sarili.

Pinakinggan niyang maigi ang mga halinghing sa loob ng banyo kahit mas malakas pa ang pagkabog ng dibdib niya. Kinakabahan siya na hindi niya mawari.

Hanggang sa palakas ng palakas ang halinghing na nagmumula sa banyo. Ang halinghing ay naging malinaw sa pandinig ni Vanessa.

“Bakit umuungol si Gian?”

Natutop niya ang kaniyang bibig. Anong nangyayari?

Agad na lumayo si Vanessa at patakbong tumungo sa bedside table upang kunin ang susi ng banyo. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdob niya. Tila ba nag-uutos sa kaniya na kailangan niyang buksan ang pinto ng banyo.

Nang makuha na niya ang susi ay muli niyang tinakbo ang pinto ng banyo at nanginginig ang mga kamay niya. Pinakalma niya ang sarili bago binuksan ang pinto.

“Gian!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro