Chapter 17
KASAMA niya si Mae na namalengke sa araw na iyon pagkatapos nilang bumili ng ilang damit at underwear. Tinatawanan pa siya ng pinsan nang malamang si Gian ang sumisira sa mga panties niya. Ang sabi pa nito, “Grabe, ang wild pala ni Sir sa kama.
Nasapo na lang niya ang noo, walang preno talaga ang bibig ng pinsan niya. Hindi naman siya dapat magtaka dahil mula pa noon ay ganiyan na talaga ang bibig ng pinsan niya. Daig pa ang bus sa highway kung makapagsalita, ang bilis. Sobrang bilis.
Marami silang pinamili, halos nga karne ng baboy ang mga pinili niya pero si Mae naman ay puro guloy. Hindi niya tuloy mapigilang mapailing, mukhang gulay na naman ang magiging pananghalian nila mamaya. Kaya nga siya nag-ayang mamalengke para sana magkalaman naman ng karne ang tiyan niya.
Hinayaan na lang niya ang pinsan kung ano ang nais nitong bilhin. Buntis pala ito at sabi nga nila na bawal hindian ang buntis.
Bawal nga ba?
Pero sabagay, healthy foods naman ang mga pinili ng kasama niya kaya wala na siyang magagawa. Hilaw niyang ibinalik ang mga kinuha niya kanina.
“Hay nako, ang bigat na talaga nitong tiyan ko,” reklamo ni Mae nang makaupo na sila sa tricycle habang sapo pa rin nito ang tiyan. Agad nitong kinuha ang diyaryo na bigay ng bata kanina habang namimili sila, agad nitong pinaypayan ang sarili.
“Ilang buwan na ‘yan, Mae?”
“Eight.” Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy, “Next month, lalabas na ‘to. Sa wakas.”
Ngumiti siya. “Magiging Mommy ka na.”
Nakita niyang bumuntonghininga ito at tumingin sa gilid ng tricycle pagkatapos ay marahang kinagat ang ibabang labi. “'Yon na nga eh, hindi pa ako ready maging Ina, Vanessa.”
NAPAPITLAG siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya, halos hindi siya magkamayaw kung anong gagawin niya. Sa ringtone palang ay alam na niyang ang Mommy niya ang tumatawag. Pero sa bandang huli ay nanaig ang isapang hindi niya sasagutin ang tawag. Kaya hindi na siya nag-abalang kunin pa ang cellphone.
Makapunta siya sa Samal Island, ‘yan ang goal niya. Nais niyang makadalo sa debut ng pinsan. Balita niya ay lahat ng classmates nila ay invited. Hindi puwede na wala siya sa event na iyon, sa birthday ni Mae. Hindi siya papayag na lahat ng classmates niya ay nandoon tapos siya ay nasa kuwarto lang at kausap ang mga butiki.
Nang dumako ang tingin niya sa side mirror ay nakita niya ang sasakyan ng Tita Faye niya at tila hinahabol siya sa bilis ng pagmamaneho njto. Hindi siya maaaring magkamali, sakay ng kotseng iyon ang Mommy niya.
Tumunog muli ang aparato niya, sa oras na iyon ay ang Daddy naman niya ang tumatawag. Mas bumilis ang pagtibok ng puso niya kumpara kanina. Alam na ng Daddy niya na umalis siya sa bahay.
Kinuha niya ang tumutunog na aparato habang nasa daan pa rin nakatuon ang kaniyang tingin. Pinatay niya ang hawak na aparato para hindi siya ma-distract at para wala ng makatawag. Walang maaaring makahadlang sa pupuntahan niya.
Pero ilang minuto lang ang nakalipas matapos niyang ibalik sa upuan ang aparato ay nakarinig si Vanessa ng isang malakas na pagsabog. Marahas ang kaniyang paghinga at pinihit niya ang preno ng sasakyan.
Ano iyon? Takang tanong niya sa sarili.
Nagpasya siyang buksan ang pinto ng sasakyan ng Mommy niya at bumaba siya roon.
Pakiramdam niya ay biglang huminto ang lahat. Huminto ang oras, ang kaniyang paghinga, at tumulo ang kaniyang mga luha.
Hindi maaari! Hindi!
“Mommy!” sigaw niya nang mag-sink in sa utak niya na ang narinig niyang sumabog ay ang mismong sasakyan ng Tita Faye niya, ang sasakyan na siyang ginamit ng Mommy niya upang mahabol siya sa pagtakas.
“MOMMY!” sigaw niya.
“Hon, binabangungot ka.”
Agad siyang nagdilat at nakitang hawak ni Gian ang balikat niya. Muli siyang pumikit at hinayaang tumulo ang luha niya.
“You want water?”
She nod.
Paulit-ulit talaga siyang binabangungot sa nakaraan niya. Nakaraan niyang nais na niya talagang kalimutan, pero paano iyon gagawin ni Vanessa kung palagi siyang dinadalaw nito? Dinadalaw siya ng pagkamatay ng dalawang ina sa buhay niya.
Hanggang iyak at sigaw na lang ang nagawa niya noong panahon na ‘yon. Kahit yakap-yakap siya ng malakas na hangin at ulan ay dinig na dinig ni Vanessa ang pag sigaw niya na sinasabayan ng pagtulo ng kaniyang luha.
Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman noʼn. Kung kailangan o dapat ba niyang sisihin ang sarili niya sa mga pangyayari. Erase, siya pala talaga dapat ang sisihin dahil siya naman ang sinisisi ng lahat.
Pamilya niya, pamilya ni Gian at lahat ng taong nakakakilala sa dalawang celebrities ay siya ang sinisisi. Nasasaktan man ay tinanggap niya.
Wala siyang magawa nang tanggalin lahat ng Daddy niya ang pagbibigay nito ng sustento sa kaniya at kunin lahat ang mga gadgets niya bilang parusa sa nagawa niyang kasalanan. Hindi niya alam kung bakit ginagawa pa iyon ng Daddy niya samantalang hindi na naman mababalik pa ang buhay ng Tita at Mommy niya.
Ang akala ng lahat ay hindi siya nagsisisi sa mga pangyayari dahil naging happy-go-lucky siya pagkatapos ng lahat pero ang hindi nila alam ay gabi-gabi siyang binabangungot. Dinadaan lang naman niya sa pagiging matigas ang ulo ang lahat niyang pinagdaanan. Total ay iyon naman ang pagkilala sa kaniya ng lahat.
“Here, inom ka.” Narinig niyang bumukas ulit ang pinto at iniluwa niyon si Gian. Agad naman nitong inabot ang isang baso ng tubig.
“Thank you.” Pilit siyang ngumiti.
“Dreaming about your Mom?” tanong nito sa kaniya pagkatapos niyang iabot ang basong wala ng laman.
Tumango siya pagkatapos ay yumuko. “And also your Mom, too.”
Narinig niya itong bumuga ng hangin. “Ibabalik ko muna itong baso, Vanessa. Take a rest,” casual nitong sabi at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Tumayo si Gian at tinungo ang pinto. Bago pa nito tuluyang mabuksan ang pinto ay tinawag niya ang asawa. Huminto lang ito pero hindi siya nito nilingon.
“Gian, I’m sorry.” She sob.
“It’s okay. Matagal na ‘yon. Move on.”
“Hindi mo ba ako kayang patawarin?”
“Matagal na kitang pinatawad, Vanessa. Sadyang hindi ko lang kayang kalimutan.”
“SAMAHAN mo ‘ko, sige na,” pilit sa kaniya ng kaniyang pinsan. Hindi yata nakaiintindi sa sinabi niyang wala siya sa mood.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Gian ay hindi na ito muling bumalik sa kuwarto nila. Ano ba naman iyan! Hindi pa nga natatapos ang problema niya sa Daddy ni Gian, mukhang may bagong problema na naman siya.
Nasaan ang hustisya?
“Mae naman.”
“Doʼn lang naman tayo sa dagat eh, bibili tayo ng isda. Tumayo ka na diyan,” pamimilit pa rin ng pinsan niya.
“Kung kailan ka pa naging buntis, saka ka pa naging energitic,” sagot niya at muling ipinikit ang mga mata.
Itinulog niya lang kasi ang naganap kanina. Namuti na lang kasi ang mga mata niya kahihintay sa asawa pero hindi na ito muling nagpakita.
“Bakit ka ba tulog ng tulog? Parang ikaw pa yata ang buntis sa ating dalawa eh!”
“Hindi nga ako bun—”
Naiwan sa ere ang mga sasabihin pa niya sana nang maalala ang pagsusuka niya kaninang umaga. Hindi niya iyon ininda kasi akala niya dahil lang iyon sa hindi niya nagustuhan na ulam nila.
“Ano ba! Hindi nga ako buntis,” pag-ulit niya sa sinabi niya kanina.
Hindi pa naman siguro siya buntis. Hindi pa ito ang tamang panahon para magbuntis siya. Hindi pa nga naaayos ang mga kinasasangkutan niyang problema. Paano na lang kung magtagumpay ang Daddy ni Gian sa mga plano nito? Paano na lang kung hindi sila magkaayos ni Gian? Paano kung magkahiwalay sila? Paano na lang ang magiging anak niya?
Paano na lang siya?
“Ano bang problema mo kung buntis ka? May asawa ka naman? Ako nga, walang asawa pero tingnan mo, malapit na manganak.”
“Mae—”
“Alam mo, masuwerte ka. Alam mo kung bakit?” Tumabi ito ng upo sa kaniya saka nagpatuloy, “Kasi may totoo kang pamilya tapos may Gian ka pa.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Vanessa, hindi ako totoong Alvarez.”
Tulala siyang napatingin kay Mae, wala kang makikita sa mukha nito na nagbibiro lang ang pinsan niya. Pero paano? Paano nangyaring hindi ito isang Alvarez? Ibig bang sabihin ay hindi ito totoong pinsan niya?
“Ha? Paano? I mean—” Hindi niya tinapos ang tanong niya. Umayos siya ng upo sa kama at inalis ang kumot na nakapatong sa katawan niya bago muling tiningnan ang pinsan. “Anong ibig mong sabihin na hindi ka totoong Alvarez?”
“Mahabang kuwento. Ayoko munang pag-usapan iyon.” Tumayo ito pagkatapos ay tiningnan siya.
“Pero Mae—”
“You’re not my cousin, Vanessa. But I still care about you. Tumayo ka riyan at puntahan mo ang asawa mo dahil pinapaligiran na ng maraming pusit. Kagigil ka, puro ka drama.” Hinawakan nito ang braso niya at marahan na hinila. “Tayo!” dagdag nito.
“Bakit? Nasaan ba si Gian?” tanong niya.
“Nasa tindahan ni Aling Bebe. Si Janeth pa ang tindera ngayon. Alam mo naman ‘yong babaeng iyon, kahit pa siguro kahoy na dinamitan ng panlalaki ay papatulan na noʼn eh.”
“Grabe ka naman. Malaki ba galit mo roʼn?” natatawa niyang biro sa pinsan.
“Oo, sobrang malaki.”
“Bakit?”
“Ayaw pautang ng sardinas eh.”
Ang kuwarto ay binalot ng halakhak nila ng pinsan. Kung totoo man ang sinasabi nitong hindi ito totoong Alvarez ay ituturing niya pa rin itong pinsan niya. Hindi naman sa dugo nababase ang pagiging pamilya. Mas marami nga siyang nababalitaan na tinatraydor ng sariling pamilya.
Pag-ibig. Sa pag-ibig nagkakaugnay ang pamilya, dahil kahit pa kadugo mo pa ang isang tao pero walang pag-ibig na nag-uugnay sa inyo ay hindi pa rin lalago ito.
Sa pag-ibig din nabubuo ang tiwala ng isang tao. Kung mahal mo ang isang tao ay may tiwala ka sa kaniya. At kapag pinagkakatiwalaan mo rin ang isang tao ay may pagmamahal ka rin na nararamdaman sa kaniya.
Medyo complicated ano? Parang buhay lang niya, medyo magulo.
Paano kaya nangyaring hindi isang Alvarez si Mae? Ibig bang sabihin ay ampon ang pinsan niya? Pero paano naging ampon? Kung titingnan ang ina nito at ang pinsan niya ay para nang photocopy ang dalawa.
Hindi niya talaga maintindihan kung paano naging ampon ang pinsan niya. Paanong hindi ito isang Alvarez?
“LOLA, maaari po bang magtanong?” tawag-pansin niya sa matandang busy kakapindot sa hawak nitong cellphone. Lumingon ito sa kaniya.
“Nako, Vanessa. Kung tungkol ito sa kung paano ko nabingwit itong honey my love so sweet ko, hindi kita bibigyan ng tips. Pinaghirapan ko ‘to. Kahit sabihin mo pang madamot ako—”
“Lola naman,” pagputol niya sa kadaldalan ng Lola ni Mae. Kung saan-saan na ito narating.
“Sinabi ng hindi nga ako magbibigay ng tips eh! Ang kulit mo talaga!”
“Hindi naman ako nanghihingi ng tips, Lola.”
Gulat itong napatingin sa kaniya. Hello? Bakit naman siya nanghihingi ng tips kung may asawa na siya?
Speaking of her Gian, hindi pa rin siya pinapansin ng asawa. Mukhang mapuputol ang kaligayahan niya.
“Ha? Akala ko gusto mo rin ng foreigner eh. Ang landi-landi mo talaga, Vanessa. May Gian ka na nga naghahanap ka pa ng foreigner.”
Vanessa rolled her eyes. Bakit ba siya nagtatanong sa Lola ni Mae? Puro foreigner lang ang lumalabas sa bibig nito eh.
“Hindi nga po tungkol sa foreigner—”
“Ahh, gusto mo ng Arabo? Sabagay malalaki ang talong ng mga noʼn, Vanessa. May taste ka rin naman pala. Alam mo noʼng isang araw, may Arabong nag send sa akin noʼng ano niya. Ang laki, Vanessa. Sa tingin ko nga ay abot hanggang lalamunan ‘yon.”
Nasapo na lang niya ang sariling noo. Dios ko, patawarin niyo po si Lola, wala sa sariling naisaloob ni Vanessa. Bakit ba kasi hindi siya nito pinapatapos? Akala niya si Mae na ang pinakamadaldal, mas malala pa pala ang Lola nito.
“Tapos kanina rin, Vanessa. May taga-Africa ring nag-send sa akin. Wait, tingnan mo. Parang hindi ko pa iyon nabubur—”
Hinawakan niya ang kamay ng matanda.
“Lola, kalma. I am not asking for those things. Ang gusto ko pong malaman ang tungkol kay Mae, sa apo niyo po.”
Kitang-kita niya sa mga mata ng matanda ang gulat.
“Ha? Anong gusto mong malaman?”
“Totoo bang hindi siya isang Alvarez?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro