Chapter 14
PADABOG siyang umupo sa sofa upang ipakita na hindi niya nagustuhan ang desisyon ng Mommy at Daddy niya. At her age, seventeen, she want to explore on her own and make her own decision but unfortunately, she just can’t. Kailangan kasi na ang mga magulang niya ang palaging nasusunod.
Inis niyang tiningnan ang kaniyang Daddy. “Dad naman! Gusto ko ngang pumunta roʼn!”
“Ang tigas talaga ng ulo mo, Vanessa. Masama nga ang panahon, kung babyahe ka ay may tendency na mapahamak ka. Hindi mo ba ako maintindihan?” kalmadong wika ng Mommy niya. “Kapakanan mo lang naman ang iniisip namin.”
“But, Mommy, birthday ni Mae bukas at doʼn sa isla ang venue. Kung hindi ako luluwas ngayon, hindi ako makaka-attend ng party niya,” hirit niya. Baka sakaling makalusot at payagan siya.
“You’re worried about your cousin’s birthday but you’re not thinking about your safety! Walang lalabas ng bahay without my consent. Go up to your room, Vanessa!” her Dad commanded.
Ang Daddy niya ang batas kaya wala na siyang nagawa, kahit pa tingnan niya ang Mommy niya at magmakaawa ay wala naman itong gagawin. Padabog siyang umakyat sa kuwarto niya, marahas ang pagbuga niya ng hangin. Pakiramdam niya, wala siyang kakampi sa bahay na ‘to. Pakiramdam niya, hindi gusto ng pamilya niya na maging masaya siya.
Nang nasa kuwarto na siya ay lumundag siya sa kaniyang queen size bed, yinakap naman siya ng malambot niyang kama. Anger eats her system wildly. Gusto niya talagang pumunta sa Isla Berde pero wala naman siyang kotseng magagamit. Dahil sa inis niya, sinuntok niya ang unan.
Yes, her parents provide her needs and wants. Pero hindi nagtatapos doon ang kuwento. Of course gusto niya rin na mag-explore, she’s not a kid anymore. Gusto niya ring gumawa ng sariling desisyon.
But her parents didn’t let her. Hindi siya pinapayagan na gumawa ng bagay without their permission. ‘Yon ang kinaiinisan niya.
Niyakap ni Vanessa ang unan niya. Pinahiran niya ang luhang rumagasa sa kanʼyang itim na mga mata. Kailangan niyang gumawa ng plano upang makaalis sa bahay na ‘to. Kailangan niyang makapunta sa Isla Berde.
Dumako ang paningin niya sa wristwatch niya. Pasado alas-otso na ng gabi. Kailangan niyang makaalis dito ng alas-onse para makarating siya roon ng alas-sais ng umaga.
Debut ng pinsan niya, ang pinsan niyang kasing daldal yata ng inahing manok na malapit ng mangitlog. Sayang naman kung hindi siya makadadalo. At isa pa, nakapangako siya sa pinsan. Panahon na siguro para gumawa ng sariling desisyon.
But the question is “how”? Anong hakbang ang gagawin niya upang makapunta sa Isla at makadalo sa kaarawan ng pinsan niya? Hindi nga siya pinayagan na gumamit ng kotse ng Mommy niya.
Huminga siya nang malalim pagkatapos ay bumangon. Hihintayin na lang niya na makatulog ang lahat bago gawin ang nabuo niyang plano.
“HONEY, wake up.” Napilitan siyang imulat ang mga mata nang hindi siya tinigilan ng asawa niya. Umungol siya upang iparating na ayaw pa niyang gumising. Pakiwari niya’y kung didilat siya agad ay sasakit lang ang kaniyang ulo. “Hon, gising na. Breakfast in bed, oh,” dagdag nito.
Muli siyang pumikit. Hinihila pa talaga si Vanessa ng matinding antok, pinagod ba naman siya kagabi ng asawa. Sa tingin nga niya, pasado alas-dos ng madaling araw na siya tinigilan ni Gian. Walang kapaguran ang asawa niya. Daig pa yata ang lakas ng sampong tao.
Kahit pagod na siya but she’s willing to open her legs to satisfy her husband’s needs. Medyo malandi siya sa part na ‘yon.
Napangiti siya nang maramdaman niyang hinalikan siya ng asawa niya sa leeg. Ayan na naman si Gian, kinukuha na naman siya sa kiliti.
“Kakain ka o kakainin kita?” narinig niyang tanong ng asawa niya.
Hindi niya napigilang mapahalakhak.
“Ano ka wattpad character?”
“I’m trying to be your dream guy,” nakasimangot nitong sagot sa kaniya.
“You don’t have to. Hindi mo kailangang gayahin ang mga characters sa libro na binabasa ko,” wika niya at hinawakan ang labi ng asawa niya para pangitiin ito.
“But that’s what you like, right?”
“You’re wrong. Ikaw ang gusto ko,” nakangiti niyang sabi na nauwi sa halakhak nang makita niyang nagkulay pula ang mukha ni Gian. Kinikilig din pala ang baklang ‘to!
Buo na ang desisyon ni Vanessa. Handa na siyang harapin ang nakaraan niya. Kung kaya ng iba, kaya niya rin. Bakit nga ba kinatatakutan niya ang nakaraan niya? Isa siya sa mga taong duwag, hindi niya iyon ikahihiya. Pero kung si Gian ang reward niya kung gagawin niya ito, she’s willing to take the risk.
“Why you’re smiling? Huwag mo kong pagtawanan, hon,” nakasimangot nitong reklamo sa kaniya.
Napailing siya habang nakangiti pa rin. Ang cute kasi ng asawa niya.
“Hindi naman kita pinagtatawanan ah?”
“But you’re smiling!” nagdadabog nitong pagreklamo sa kaniya. Hindi rin nagtagal ay lumapit ito sa kaniya at binigyan siya ng matamis na yakap.
“Bawal bang ngumiti? Ikaw nga kinikilig eh,” natatawa niyang puna na nauwi sa halakhak nang kagatin ng asawa niya ang tainga niya. Hanggang sa nauwi sa nakaaakit na ungol na yumakap sa kabuuan ng kuwarto.
“SAʼN mo ba kasi ako dadalhin?” reklamo niyang tanong sa asawa habang nakahawak sa isang braso nito upang mabalanse ang hakbang niya. “Bakit kailangang takpan ang mata ko nitong panyo.”
“Surprise nga diba?”
“Che!” kinurot niya ang braso nito. “Nakaganti ka ah!” Kung puwede pa lang niyang paikutin ang mga niya ay ginawa na niya. “Ilang hakbang pa ba?” tanong ulit ni Vanessa.
“Malapit na.”
“Kanina pa ‘yang malapit ah? Bakit ‘di mo sabihing thousands of steps ang gagawin ko?” Natawa lang si Gian sa pagdadabog ni Vanessa.
Ilang hakbang pa ang ginawa ng dalawa upang marating ang hinandang surprise ni Gian para kay Vanessa.
“Nandito na tayo?” tanong ni Vanessa nang maramdaman ang kamay ni asawa sa ulo niya at hinubad ang takip na panyo sa mga mata niya.
“Yep. Ready ka na?”
“Kanina pa,” sagot kay Gian. “Ano ba kasing drama ‘to?”
Muling humalakhak ang asawa niya, ang hulig talaga nitong tumawa kapag hindi na maipinta ang mukha niya. Nang makuha na ang panyo ay kinusot niya ang mga mata para mag-adjust agad ang mga mata niya.
Madilim. Iyon agad ang rumehistro sa utak ni Vanessa. Pero laking gulat niya nang biglang umilaw ng kulay light red ang bawat puno sa paligid. Tila naging christmas lights iyon na nagbigay ilaw para sa kanila ng asawa.
Mangha siyang tiningnan ang buong paligid. Parang nasa gitna sila ng gubat pero hindi tumayo ang mga balahibo niya. Maraming puno na napapaligiran ng mga ilaw, parang bawat dahon ng mga puno ay may bitbit na maliliit na bumbelya.
Humakbang si Vanessa, lumikha iyon ng mahinang kaluskos. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang mga paa, nakasuot lang siya ng doll shoes na kulay pula at isang Sunday dress. Natawa siya nang mahina, akala niya kasi simpleng date lang, bongga pala, hindi tuloy siya nakapaghanda.
Bumalot sa kaniyang baywang ang mga braso ng asawa. Rumagasa ang masarap na sensasyon ng dumaan ang hininga ni Gian sa bandang leeg niya.
“Nagustuhan mo ba?”
“I love it.” Matamis siyang ngumiti. Pinaharap siya ni Gian at hinalikan sa labi.
“Mabuti naman.”
“Nasaʼn ba tayo?” takang tanong niya pero wala naman siyang nakuhang sagot sa asawa.
Hinawakan ni Gian ang kamay niya at sabay nilang hinakbang ang daan patungo sa lugar na hindi niya alam. Nakatatawa pero kinikilig din naman si Vanessa. Puwede pa lang maging sweet ang Gian niya.
Gian niya? Nakakakilig naman itong pinagsasabi niya. Parang gusto niya iyon ah. Puwede naman sigurong angkinin niya si Gian diba? Isa pa, kasal sila. Ibig sabihin lang noʼn, pagmamay-ari niya si Gian. Pagmamay-ari niya ang lalaking hawak-kamay niya ngayon.
Lumilikha ng ingay ang bawat yapak na ginagawa nila ng asawa niya. Bumabalot iyon sa mga huni ng ibon sa paligid. Hindi niya talaga alam kung nasaan sila ngayon, hindi rin naman siya sinasagot ni Gian. Parang nasa gitna sila ng gubat pero hindi rin naman siya sigurado.
Hanggang sa may nadaanan silang ilog, medyo may kalakasan ang current sa ilog na iyon. Walang basura na nag mistulang isda na lumalangoy doon. Nasaan kaya talaga sila? Saan kaya siya dinala ng asawa niya?
Lumingon siya kay Gian nang makarinig siya ng isang musika. Palagay niyaʼy galing iyon sa isang piano. Her husband smiled at her.
“Malapit na tayo.” Mas humigpit ang pagkahawak nito sa kamay niya.
Lumakas nang lumakas ang musika na naririnig niya, hudyat na malapit na talaga sila. Tila sumasabay sa musika ang kabog ng dibdib niya dahil lumalakas din iyon at tila umiindayog.
Pagdaloy ng tubig, huni ng ibon, ilaw na dala ng mga alitaptap, magandang musika, at isang mesa na may dalawang upuan na pinalilibutan ng mga rose petals.
Literally, her eyes widen. Walang salitang namutawi sa labi niya. She was really amazed on the set-up. Mas lalong na amazed siya ng tingnan niya ang design sa mesa. It was all covered by light red silk cloth, may candle light paired by roses vase, may table napkin flower din sa tabi ng plates at wine glass.
“You prepared these? All of these?” manghang tanong niya sa asawa, tumango naman ito at hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi.
“Only for you.”
Naging speechless na naman si Vanessa. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Ito ang unang beses na may nag-effort para sa kaniya, nakakikilig pala. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.
“Vanessa,” tawag sa kaniya ni Gian at hinigpitan ang pagkakahawak ng kaniyang kamay. Nilingon niya ang asawa.
“Gusto kong bumawi, please let me. Tama na ang panahon na ginugol mo para magkabati tayo. I know, I’m a coward kasi ikaw pa talaga ang gumagawa ng paraan, takot kasi ako. Takot ako, Vanessa.”
Pinagmasdan niya ang asawa. “Saan ka takot?” takang tanong niya. She’s confused.
“Takot akong mahulog sa bitag mo. Takot akong mahalin ka, kahit sa una palang mahal na talaga kita. Ta—”
“Wait, mahal mo ‘ko?” pagputol niya sa sinasabi ng asawa.
Totoo ba ang naririnig niya? Tama bang sinabi ni Gian na mahal siya nito? Hindi naman sa nag-aassume siya pero baka naman diba? Ito ‘yong mga salitang gusto niya talagang marinig sa simula pa lang. Kaya mas mabuting malinaw niyang marinig.
Lumapad ang ngiti niya nang makitang tumango ang asawa.
“Please, say it again.”
“I love you, Vanessa. Kahit medyo isip bata ka at matigas —”
“Oh, please stop. Huwag mo ng dagdagan,” tumatawang putol niya. Ano ba naman ‘yan, sasabihin na nga lang ang tatlong salita, may pasobra pa.
“Mahal pa rin naman kita kahit matigas ang ulo mo, hon. Hindi naman magbabago ‘yon. Kahit pa nga umakyat ka ulit sa puno at mahulog ka—”
“Gian naman, ibang klase ka rin magmahal, ‘no? Kikiligin na sana ako eh.” Pinaikutan niya ng mata ang asawa. Paakyatin ba naman ulit siya sa puno.
“Eh doʼn ako na-in-love sa ‘yo dati eh. ‘Yon kaya ang first meet natin. Still remember?” natatawang tudyo sa kaniya ng asawa.
“Kinahihiya ko ‘yon kaya ‘wag mo nang ipaalala.” Nakitawa na rin siya kahit kinakain na siya ng hiya. Parang gusto na lang niyang ibalik sa sinapupunan ng ina nito si Gian. Ipaalala ba naman ang nakahihiyang kaganapan sa buhay niya.
“Bago ka magalit sa ‘kin, hon. Kain muna tayo para may energy ka,” tumatawang wika nito sa kanya.
Kusang umikot ang mga mata niya. “Parang ibang galit ang gusto mong mangyari ah? Nako, Gian!” Nilapitan niya ito para sana kurutin kaso mas mabilis ito sa kaniya kaya agad siya nitong naiwasan.
Hindi niya inakalang ganito pala kaloko ang napangasawa niya. May tinatago pala itong kalokohan. Akala niya seryoso ito, mali pala siya.
Nakangiti siyang hinabol si Gian, gusto niya talagang kurutin ito sa singit. Kahit sa simpleng sweet moves ng lalaki ay kinikilig si Vanessa. Normal pa naman siya siguro diba?
Kailan may hindi rin niya inakalang mangyayari pa ito sa kanila. Hindi niya inakalang mangyayari ang ganito pagkatapos nang nagawa niya sa pamilya nito. Pangyayaring nagpabago sa mundo nila.
Nang mahawakan niya si Gian ay huminto ito sa pagtakbo. May nais lang siyang linawin. Mga katanungang matagal ng nagbigay lito sa kaniya.
“Hon, may tanong ako,” aniya, nilingon naman siya ng lalaki at iginiya sa mesa na hinanda nito. “Bakit ka nga pala naging bakla?” diretso niyang tanong.
“Kailan may hindi ako naging bakla. Bakla-baklaan ang tawag doʼn,” sagot nito. “Wine? Gusto mo?”
She nod. “So, bakit? Anong rason mo?”
“Gusto kong lumayo ka sa ‘kin.”
Lito siyang tumingin dito. Lumayo siya rito? “Anong ibig mong sabihin?”
“Matagal na kitang gusto, Vanessa. Kaso, ayaw kong lumalim iyon kaya nag-isip ako ng paraan. Sa kagustuhan kong lumayo ka sa ‘kin, naisip kong maging bakla para ikaw mismo ang lumayo sa 'kin. But, failed. Mas minahal kita.”
Ang nalilitong isip niya ay nabigyan ng kaliwanagan. Mahal pala talaga siya ni Gian. Puwede na ba siyang kiligin? Kahit medyo hindi siya sang-ayon ay tumango na lang siya at inabot ang binigay nitong wine.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro