Chapter 13
UMUPO si Vanessa sa kama at kinuha ang unan na nasa tabi niya at ginamit niya upang ihampas sa guwapo at flawless na mukha ni Gian. Mukha na alagang-alaga. Napamura ang asawa niya dahil sa ginawang paghampas niya ng unan dito. Napangiwi siya, mukhang napalakas yata ang paghampas niya.
Inilagay niya sa gilid ang unan at lumapit siya sa asawang nakapikit pa rin at minamasahe ang ilong na natamaan ng unan. Nakagat niya nang mariin ang ibabang labi nang tumabi siya sa asawa at tiningnan ang matangos na ilong nito. Nasa tamang form pa naman ang ilong ni Gian. Walang dapat ikabahala.
Loko-loko rin naman kasi, ang bastos ng bunganga. Kasalanan din naman nito kung bakit niya ito nahampas ng unan, wala kasing preno magsalita. Sinabi ba namang siya na lang daw ang kakainin nito. Hindi naman siya pagkain eh. Napangiti siya nang maalala niya ang sinabi ng asawa kanina.
Paano kaya kung kainin siya ni Gian? Masarap kaya? Kung kakainin siya ng asawa, promise, hindi siya mag-iinarte. Napailing siya, umaandar na naman ang kalandian niya.
“Ako ba ang dahilan kung bakit ka ngumingiti, Vanessa? Na-iimagine mo ba kung paano ko kakainin at padadaanan ng dila ko ang —” Hindi natapos ni Gian ang mga sasabihin nito nang muli niya itong hampasin ng unan.
Ang gaan lang ng kamay niya. Hindi siya paaawat.
Ewan, pero hindi niya kayang marinig ang mga dirty talks nito. Hindi sa nandidiri siya pero hindi siya sanay na ganito si Gian sa kaniya. Sanay siya sa rito na maginoo pero hindi bastos. Oh well, mali pala. Dalagang Pilipina ang Gian na nakilala niya. Gian na palaging may dalang make up kit.
Nahawakan ni Gian ang pulso niya at kinuha ang unan na hawak niya. Hindi na siya nakapalag dahil talagang mahigpit ang pagkakahawak ni Gian sa kaniya.
Ngumiti ng nakaloloko si Gian bago nagsalita. “Nakararami ka na, honey. Can I taste your lips now?”
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay kinindatan siya ng asawa at walang sabi-sabing sinakop nito ang mga labi niya.
“MABAIT naman si Sir Carlo pero hindi ko alam kung bakit siya galit sa ‘yo, Ma’am. Dati nga pinapasobrahan noʼn ang sahod ko,” wika ni Nanang Delia sa kaniya habang maghihiwa ng sibuyas. Nakatingin lang siya sa kutsilyo na hawak nito at sinusundan ang bawat galaw ni Nanang Delia. Ewan pero damang-dama niya ang bawat paghiwa nito sa sibuyas, gustong tumulo ng mga luha niya.
Hindi lingin sa kaniya ang rason kung bakit kinasusuklaman siya ng Daddy ni Gian, sa totoo lang ay naiintindihan pa niya ito. Dati naman hindi ganoʼn ang pakikitungo nito sa kaniya pero nagbago ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari. Pangyayaring kung bibigyan lang siya ng pagkakataon ay hihilingin niyang baguhin iyon.
“Ano ba kasi ang dahilan at bakit ganoʼn na lang kung magalit ‘yon sa ‘yo, Vanessa?” tanong ulit ni Nanang Delia. Gusto pa yata ungkatin ng ginang ang nakaraan niya. “Alam mo bang sinira ni Sir ang flower vase roʼn sa sala nang malaman niyang ikaw ang pinakasalan ng anak niya?”
Namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Nanang Delia. Ang dami na niyang problema, pati ang Tito Carlo niya ay dumagdag pa.
“Wala na siyang magagawa pa, Nanang. Kasal na kami ni Gian,” walang gana niyang saad at muling tumingin sa sibuyas.
“Meron, dahil maghahanap daw siya ng abugado para mapawalang-bisa ang kasal niyo.”
Naalarma si Vanessa. Ganoʼn na pala katindi ang nararamdaman nitong galit sa kaniya. Gusto niyang magmalinis at sabihing wala siyang kasalanan pero sarado ang utak ng Tito Carlo niya at siya talaga lang ang sinisisi nito sa lahat. Binugahan niya ng hangin ang mga hiniwang sibuyas. Sana sibuyas na lang siya para kaya niyang magpatangay sa hangin.
“Ikaw talagang bata ka! Seryoso ang pinag-uusapan natin, nagawa mo pa talagang maglaro.”
“Ngayon mo sabihin sa ‘kin Nanang na wala akong kasalanan.” Seryoso niya itong tiningnan.
“Bakit? Ano bang nagawa mo?”
“Ako ang dahilan kung bakit nama—”
“Vanessa! Go back to our room!”
Nabitin sa ere ang mga salitang sasabihin niya sana nang tinawag siya ni Gian. Namimihasa na yata ang asawa niya. Nilingon niya ang lalaking sabog na sabog ang buhok at walang suot na pan-itaas.
“You want second round?” natatawang biro niya sa asawa at kinindatan ito.
Pagod na siyang magseryoso. Pagod na siyang sisihin ang sarili niya. Pagod na pagod na siya.
Panahon na siguro para hindi niya seryosohin ang buhay ‘no? Panahon na siguro para mag-move on. Panahon na siguro para maging chill lang, nakakapagod na kasi. Ang gusto lang naman ni Vanessa ay maging masaya siya, pero napakalupit ng tadhana.
Gusto ng Tito Carlo niya na mapawalang-bisa ang kasal niya at ng anak nito. Hindi naman siguro mangyayari ‘yon kung hindi siya papayag diba? Kailangan noʼn ang perma niya. Napaismid siya, may laban pa rin siya kahit papaʼno.
Pero hindi tumatanggap ng pagkatalo ang Tito Carlo niya na ama ni Gian, ano ang gagawin niya?
Remember, Vanessa. What Vanessa wants, Vanessa gets, mahinang wika niya bago sumunod sa asawa.
TIKOM ang bibig, nagmamasid, at nanunubig ang mga mata. Ganito kung ilarawan ni Vanessa ang sarili.
Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya. Ayaw niyang bigyan ng tuwa ang ama ng asawa niya na nais sirain ang pagsasama nila ng asawa. Sa halip na umiyak, ngumiti pa si Vanessa para ipakitang hindi siya naaapektuhan sa ginagawa nitong pagdadabog upang ipahiwatig ang pag-disgusto sa kaniya.
Hindi niya binura ang ngiti sa labi at nilapitan ang ama ng asawa niya na siyang father-in-law niya. Gusto na talaga niyang umiyak. Ganitong ganito si Gian dati. ‘Yong mukha sa mukha na kung ipakita ang pag-ayaw nito sa kaniya.
Ngumiti lang siya. Ngayon pa ba siya susuko? Malayo na ang narating niya. ‘Yon nga lang nasa pinakamahirap na level na siya. Hindi ito laro pero parang isa siyang player, nasa kamay niya lahat. Depende sa kaniya kung kaya niya itong ipanalo.
Napapitlag si Vanessa nang lumingon ang matanda sa kaniya. Pansin niya rito ang pagkunot ng mukha nito, halata na rin ang medyo may halo ng puti ang buhok. Kumunot ang noo ng Tito Carlo niya, pagkunot ng noo na paborito ring gawin ng asawa niya.
“Ginagawa mo riyan? Binabantayan mo ba ako?” malamig na tanong nito sa kaniya.
Umiling siya pagkatapos ay ngumiti. “Hindi po. Natutuwa lang ako na pagmasdan ka, Papa.”
“Huwag mo akong matawag-tawag na Papa. Hindi kita anak,” matigas nitong sabi at binalik ang tingin sa binabasang newspaper.
“Pero ikaw po ang ama ng asawa ko.”
“Maghihiwalay din kayo. Mark my word, Vanessa. Hindi ako papayag na mahaluan ng itim na dugo ang lahi ko!”
Napahinto siya, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Pakiramdam niya, huminto at nawala ang lakas ng loob na mayroon siya kanina.
Bumuntonghininga siya at pinagmasdan muli ang matanda.
“Bakit po kayo ganʼyan, Tito? Bakit ganito ang pagtrato niyo sa ‘kin?” hindi niya napigilan na itanong sa Tito Carlo niya. Parang gusto niyang matawa, alam na niya ang dahilan pero nagtatanong pa siya.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pakalmahin ang sarili niya. Hindi niya gusto ang nararamdamang tensyon na bumabalot sa katawan niya ngayon. Gusto na lang niyang umiyak pero pinipigilan niya. Pinipikit-pikit niya ang mga mata para mapigilan sa pagtulo ang luha.
Naguguluhan siyang tumingin sa ama ni asawa niya nang humalakhak ito. Bumalot sa kabuuan ng bahay ang walang buhay nitong mga tawa. Pagkatapos ay sarcastic itong ngumiti sa kaniya.
“Tinatanong mo talaga ako kung bakit ganito ako saʼyo?” tumawa na naman ito at ibinaba ang hawak na diyaryo. “Iba ka rin, ‘no? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa pamilya ko o nagmamalinis ka lang?”
Sabi na nga niya eh. Bakit nagtanong ba siya?
Huminga siya nang malalim at pinahiran ang luha niya, luhang hindi niya namalayan na tumulo na pala.
“Huwag mo akong iyak-iyakan, Vanessa. Kung ang anak koʼy napatawad ka na, ako hindi pa.” Huminto ito sa pagsasalita at tiningnan si Vanessa mula ulo hanggang talampakan. “Hindi kita mapapatawad. Alam mo kung bakit? Sobrang sakit, hapdi at kirot ang dinulot mo sa buhay ko. Kayamanan ko ang kinuha ko!”
Hinarap niya ang ama ni Gian habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya. “Tito, aksidente ang lahat. Hindi ko ‘yon ginusto. In fact, hindi lang naman ikaw ang nawalan eh, pati pamilya ko rin. Kung gaano kasakit ang nararamdaman mo, ganoʼn din saʼmin.”
Napaatras si Vanessa nang tumayo ang kaharap.
Gumagalaw ang panga nito at madilim ang mata na tiningnan siya. “Hindi! Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko! Asawa ko ang nawala dahil sa katigasan ng ulo mo! Kung nakinig ka lang, buhay pa sana ang asawa ko at ang ina mo!”
Biglang nag-flashback ang lahat sa utak ni Vanessa. Ang pag-aaway nila ng Mommy niya, ang pagtakbo niya, ang paglabas niya ng bahay at ang pagsakay niya ng kotse ng Mommy niya upang pumunta sa Samal Island. Ang rason kung bakit naging ganito ang buhay niya.
Napaluhod siya sa malamig na tiles at sinapo ang mukha niya upang doon dumaloy ang mga luha niya. Pilit niyang kinalimutan ang pangyayaring iyon pero patuloy siyang minumulto. Nilabas niya ang lahat ng luha niya, hindi na niya pinigilan na lumabas ang mga hikbi niya.
Tumigil lang siya sa pag-iyak nang wala ng lumabas na luha sa mata niya. Tumayo siya at naglakad papunta sa silid nila ng asawa. Gusto na niyang matulog. Gusto na niyang matulog habang-buhay.
“SAʼN ka pupunta?” malamig na tanong ni Gian sa kaniya nang makita siya nito na naglilipit ng mga gamit.
“Uuwi muna ako sa bahay, babalik na lang ako kapag umuwi na ang ama mo.” Patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.
Narinig niyang bumuntonghininga ang asawa niya. “Palagi na lang bang ganito? Kung may problema tayo ay uuwi ka sa inyo?” malamig nitong tanong.
“Hindi ba gawain mo ‘to dati? Ginagaya lang kita.” Tumigil siya sa pagliligpit at hinarap ang asawa. “Now, you know what it feels.”
Hindi niya alam kung bakit niya sinasabi ito kay Gian. Nalilito na siya. Punong-puno na. Nakaramdam siya ng konsensiya nang makitang lumungkot ang mga mata nito at parang hapong-hapo nang umupo sa kama.
“Look, Vanessa. Sinubukan kong magbago. Hindi mo ba napansin ang pagbabagong ginagawa ko? Kung ano man ang maling ginawa ko dati—” Sinapo nito ang ulo at yumuko. “God knows that I’m guilty and I’m sorry.”
Cat got her tongue. Wala siyang mahagilap na maaaring maisagot sa asawa. Makita lang itong malungkot ay parang kinukurot ang puso niya. She really love this man and she’s willing to do anything for him.
Tumayo si Gian at nilapitan siya. His arms embraced her. Vanessa felt his kisses around her nape down to her shoulders. She don’t know what and how to react. She stayed calm even though she want to answer her husband’s kisses.
“Please, Vanessa. I want you to stay.”
Tumulo ang mga luha niya hindi dahil sa naaawa siya sa asawa niya kunʼdi nasasaktan siya dahil hindi iyon ang mga salitang gusto niyang marinig galing kay Gian. Kailan ba niya maririnig ang tatlong salitang ninanais niyang sambitin nito.
Nilingon niya ang asawa, umiiyak din ito. Bakit? Nasasaktan ba ito sa plano niyang pag-alis ulit? Nasasaktan din kaya ang asawa niya?
“Vanessa, don’t leave me please. I’m begging you,” wika nito at niyakap siya.
Gumanti siya ng yakap sa asawa. Nagmamakaawa itong huwag niyang iwan, iisipin na lang niya na mahal na nga siya ng lalaki. Maaari naman sigurong mag-imagine na lang si Vanessa diba? Tutal doʼn naman siya magaling.
Pinahid niya ang luhang bumalisbis galing sa kaniyang mga mata. Huminga siya nang malalim at pumikit. Umaasa pa rin siya na balang araw ay sasabihin din ng asawa ang mga katagang matagal na niyang pinapangarap.
Humigpit ang pagyakap ng asawa niya. Ang mabigat nitong paghinga na dumadampi sa balat niya. Matagal na niya itong pinangarap na yakapin siya ni Gian nang ganito, ngayon pa lang natupad.
May tamang panahon talaga ang lahat, basta matiyaga ka lang. Hihintayin na lang ni Vanessa ang tamang araw para sa kaniya.
PINADAANAN niya sa kaniyang daliri ang buhok ng asawa niya na ginawang unan ang kaniyang binti. Payapa ang mukha nito at paminsan-minsan ay humihilik ang lalaki. Pinagmasdan niya lang itong natutulog, ang guwapo kasi. Hindi niya magawang magsawang pagmasdan ang asawa.
Malungkot siyang ngumiti. Ang weird kasi ng buhay niya. Iyong tipong abot kamay na niya ang lahat tapos may lalabas na kontrabida galing sa nakaraan niya.
Sabagay, sabi nga ng pambansang bayani, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”
Ibig sabihin, kailangan niyang lumingon sa nakaraan niya? Kailangan niya kayang balikan ang nagdaan? Paano? Anong silbi pa noʼn? Naka-move on na siya, kaya bakit kailangan pa niyang balikan?
Pinagtutuunan niya ng pansin ang labi ni Gian. Hinawakan niya iyon at pinagdaanan ng hintuturo niya. Mapula, malambot, at nakaaakit.
Si Gian kaya ang dahilan kung bakit kailangan niyang balikan ang nakaraan niya? Kung si Gian nga ang dahilan, mukhang mapapasabak siya sa karera. Mukhang muling mabubuksan ang nakaraan niyang pilit niyang kinalimutan.
Ang nakaraan na humubog sa kaniya. Ang nakaraan na naging dahilan kung bakit siya naging ganito. Ang pag-alaala ngaʼy hindi niya kayang gawin pero para kay Gian ay pipilitin niya. Kung ito man ang huling susi para tuluyan na siyang maging masaya ay gagawin niya.
Masakit, oo. Pero kung hindi siya kayang patawarin ng Daddy ng asawa niya, she left with only one choice — ang humingi ulit ng tawad, paulit-ulit.
Hindi naman niya hiniling na mawalan na may magbuwis ng buhay. Hindi niya hiniling na masira ang relasyon ng pamilya niya sa pamilya Saldivar. Ang gusto lang naman niya noon ay maging malaya at masunod ang kagustuhan niya.
Kung alam niya lang na ang pag-alis ng bahay ay magiging dahilan ng kamalasan niya sa buhay ay hindi na niya gagawin. Hindi naman siya tanga at lalong mas masasaktan siya. Pero ang akala kasi ng lahat, manhid siya at hindi siya nasasaktan.
Nawalan din naman siya, nasaktan din siya. Pero bakit hindi iyon makita ng iba? Siya ba talaga ang bulag o sila mismo?
Hinalikan niya ang noo ni Gian.
“Kung kaya mong magbago. Kakayanin ko rin. Ganoʼn kita kamahal.”
“Mahal mo ko because?”
Pinitik niya ang ilong ng asawa, gising pala ang loko pero nagtulog-tulugan. Lintik! Naisahan siya ni Gian!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro