Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

“You may now kiss the bride.”

Mga salitang inaasam ng mga kababaihan, salitang matamis talagang pakinggan. Salitang nais niyang balik-balikan. Sa lahat nga ng mga kuwentong nababasa niya sa pocketbook ay minsan iyon pa ang ginagawang happy ending nga mga writer — kasal.

Pero sa kuwento niya, ito pa ang simula at maliit lang ang porsiyento kung magiging masaya.

Idagdag pa ang magandang wedding gown. Plano pa nga niya noon na siya ang magtatahi ng wedding gown niya. Oh, diba? Hanggang pangarap na lang talaga siya. Magandang set-up ng wedding, with full of flowers around the venue, and of course, a church wedding. Pero mas bet talaga niya ang beach wedding. Iyon bang sunset style. Iba talaga ang hatid niyon sa kanya.

Oh, sige. Libre lang naman mangarap eh. Libre lang talaga.

Napabuntonghininga siya. Malas lang kasi parang hindi na talaga yata matutupad ang dream wedding niya. Nakakalungkot mang isipin pero ‘yon kasi ang katotohanan. Ang saklap lang, ganito siguro ang tadhana niya. May ginawa yata siyang masama kay tadhana, pinapahirapan siya eh.

“Gian, kiss your bride,” ulit ng Tito ni Gian na siyang nagkasal sa kanila. Magkasalubong na nga ang mga kilay ng Tito ng lalaki, halatang pati ito ay hindi nagustuhan ang mga pangyayari. Sino ba namang may gusto?

Ikaw, bulong ng utak niya.

Napilitan si Gian lumapit sa kaniya. Mabibigat ang bawat paghinga nito at madilim ang mga mata. Nais niya sanang kiligin pero sa bawat pagkakataon na titingin siya sa lalaki, takot at pangamba ang nararamdaman niya. Pero pilit niya iyong isinawalang bahala. Kasal niya ito kaya dapat, happy lang.

This is it , hahalikan na niya ako. Wait a minute, nakapag-toothbrush ba ako kanina? Natigilan siya. Siguro naman, imposible na hindi siya nakapagsipilyo.

Nakakatawa, halos patayin na nga siya ni Gian gamit ang tingin pero may panahon pa siyang tanungin ang sarili kung nakapag-toothbrush ba siya.

Pumikit siya, para mas maramdaman ang halik ni Gian. But then, his kiss landing on her forehead. She open her eyes, really disappointed. Sino bang hindi madidisappoint? Nag assume siyang hahalikan siya nito sa labi pero sa noo nag-landing ang halik nito. Ano ‘yon? Halik Lola? Kairita talaga itong pinakasalan niya.

“Gian Saldivar!” sigaw ng Tito ni Gian. Dumako ang tingin niya sa Tito nito, kung puwede lang na iluwa nito ang ugat sa leeg, ginawa na siguro ng matanda.

“Yes, Tito.”

“Kiss her in the —”

“Lips? No way!” putol nito sa sasabihin pa sana ng Tito nito. “Kissing her in the lips is so disgusting,” dagdag pa nito na ikinalungkot ng kaniyang mga mata.

Disgusting? Well, sino ba namang gustong halikan ako, diba?

Gusto niyang umiyak, gusto niyang ilabas lahat ng hinanakit niya sa buhay. Gusto niyang iparating sa lalaking kaharap niya na nasasaktan din siya. Pero kung iiyak siya, wala rin naman siyang mapapala. So what’s the use of wasting her tears?

“Gian, just this once,” narinig niyang bulong ng kaniyang Daddy.

No, Dad, please don’t beg.

Bumuntong hininga si Gian at galit na tumingin sa kaniya. “You fucking win, Vanessa, you win again.” At hinalikan siya sa labi.

Halik ba talagang matatawag iyon? Idinampi lang naman ng binata ang labi nito sa labi niya. Ni hindi nga man lang ito gumalaw.

What do you expect, Van? A passionate one? Pinikot mo siya, remember?

Pumalakpak ang mga nakasaksi sa kasal nila kunwari. Only her Dad, her cousin. Her brother Jason and Lloyd. Iyan lang ang mga taong tanging nakasaksi sa kasal nila ni Gian. Mas mabuti na lang din iyon para kunti lang ang nakakaalam sa katarantaduhan niya.

Ang tanong nga lang, kasal ba talagang matatawag ito? Bakit parang nagmistulang araw ng mga patay?

Yeah right, I’m dead.

“GET in the car!” sigaw ni Gian sa kaniya na nagpabalik sa kaniyang huwisyo. Iba na ang boses na gamit nito. Iba sa boses na nakagawian niyang marinig dati kapag nag-le-lecture ito sa kanila.

Gian Saldivar is one of their instructors. Life and Works of Rizal pa nga ang subject nito sa kanila dati pero ‘yon nga lang, ang alam ng lahat ay bakla ito. Hanggang sa…

“Vanessa, huwag mong hayaang ulitin ko pa ang sinabi ko,” may diin na saad ni Gian sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin. Ang sakit sa mata, ang sakit sa puso. Ang sakit sa lahat.

“Hindi ako sasabay sa ‘yo. Kay Ate Sha—”

“Vanessa!” galit na muling sigaw nito.

Wala na siyang nagawa kun’di sundin ang utos ni Gian. Hindi niya inakalang magiging ganito na ang turing nito sa kaniya. Dahil lang sa isang pagkakamali niya.

Pero hindi ako nagkamali na lalaki talaga siya, bulong niya sa sarili.

Kung pagkakamali mang ituring ang ginawa niya para maging lalaki ito, aba! Sayang kaya ang lahi nito kung hindi mapapakinabangan eh ‘no?

Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa bahay ng pinsan niyang si Sharon. Ang pinsan niyang ginawang cover girl ng asawa niyang si Gian.

Hmm? Asawa? I like that.

Naging asawa lang naman siya dahil may prinsipyo ang binata.

Gusto nito ng obligasyon? Edi bigyan natin. Total, mabait naman ako eh. Slight nga lang.

“Baba!” Narinig niyang sumigaw ulit ito. Mahilig pala sa sigaw-sigawan itong napangasawa niya. Sumisigaw din kaya ito sa kama?

Parang hindi ko yata narinig na sumigaw si Gian no’ng nag sex kami.
Natawa siya sa naisip. Dios mio, naisip pa niya talaga iyon?

“Bingi ka ba o bobo? Nakakaintindi ka naman siguro ng tagalog, ano?” sigaw na naman nito.

Again, wala na naman siyang nagawa kun’di lumabas ng sasakyan. Ang init talaga ng ulo ng baklang iyon. Nasa menopausal stage na siguro.

“Oh, nakalabas na ‘ko sa mamahalin mong car, Janine! Anong gagawin ko?” natatawa niyang tudyo sa asawa niya. Natatandaan niya dati, Janine ang pangalan nito kapag gabi. Wala eh, sirena raw kasi dapat pero nang ikasal sila naging shokoy na.

Janine, Janine my ass! She rolled her eyes.

“Kunin mo ang gamit mo sa loob. Do’n ka na sa bahay titira.”

Biglang nag-party ang mga bubwit niya sa tiyan nang marinig ang sinabi ni Gian. Is this for real? Pumapayag itong tumira siya sa bahay nito?

“As my maid,” dagdag ni Gian.

Ang kaligayahang nararamdaman niya kanina ay biglang nawala. Nakalimutan niya yatang baliw pala ito. Tumalikod na siya rito at dahan-dahang naglakad papasok sa bahay ng pinsan niya. Bigla siyang nawalan ng lakas. Maid? Maid talaga? As in katulong? Sa ganda niyang ‘to? Seryoso?

Pisting yawa! Mura niya.

MABILIS na bumaba si Gian pagkatapos nitong i-park ang sasakyan nito. Hindi talaga siya nito kinibo o kinausap man lang. Kung talagang napapanis ang laway, mabaho na siguro ang hininga niya. Tumagilid pa siya at inamoy ang hininga niya.

“Mabango pa naman, fake news talaga.”

Nang tingnan niya si Gian at nginitian ay hindi ito ngumiti, sa halip ay naglakad ito palayo sa kaniya.

Okay fine! Tingnan natin kung hindi mo mapansin ang alindog ko! No one can ever resist my beauty! Bulong niya sa sarili o sa mas tamang salita, pagkukubinsi.

Sumunod siya kay Gian at pumasok ng bahay nito.

Correction, bahay namin. Asawa ko na siya, kung ano ang kanya ay akin din. Except kung minana niya ito sa parents niya. Period!

Parampa siyang sumunod sa kaniyang asawa. No’ng nasa may bandang pinto na siya papasok ng bahay, huminto si Gian sa paglakad at liningon siya.

“Kunin mo ang mga gamit mo sa kotse. Do’n ka sa servant’s quarter matutulog. Ciao!” sabi nito at umakyat na sa kuwarto.

“Putang—” Umungol si Vanessa dala ng iritasyon! “Tangina naman, oh! Buwesit!” sigaw niya dahil sa inis. Binato niya ang sling bag niya.

Kairitang bakla ‘yon! Pasalamat siya mabait ako. Nako! Kung hindi, ay pisti! Ewan ko na lang!

NAPAHAWAK siya sa kaniyang batok bago umupo sa sofa. Hila-hila niya mag-isa ang kaniyang dalawang maleta. Napaka-ungentleman kasi ng asawa niya.

Sabagay, feeling bakla ang isang ‘yon eh. Ayaw no’n na maging gentlemen siya. Hiyang-hiya naman ang beauty ko.

Nagpahid siya ng pawis matapos makuha ang panyo niya na palaging nasa bulsa niya mula pa kanina. Bakit ba naman kasi naging bakla pa ‘yon? Sayang talaga ang beauty, sis! Puwede pang i-donate ang sperm cell at pagkakitaan. Joke lang! Napailing na lang si Vanessa. Kahit talaga nabibigatan na, nagawa pa niyang magbiro.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at isinandal ang likod sa sofa.

Hay! Kung ganito man ang kapalaran kong hinanda mo, Lord. Maraming thank you po. Pero please lang po, gawin mo namang mabait na asawa itong si Gian. Ang sakit niya po kasi sa ulo eh.

Hinilot niya ang kaniyang batok patungong sintido. Hindi man halata pero parang sinalo niya yata ang lahat ng stress at kamalasan sa buong mundo. Pero pasalamat na nga lang siya dahil hindi nagtila-bulkang Mayon ang Daddy niya nang malamang naging ganito siya.

Inaasahan pa naman niya na magiging dragon ito tulad ng dati. Iyong tipong isisigaw nito sa lahat na nagkaroon ito ng anak na suwail at sakit sa ulo. Iyong tipong kukunin lahat ng gadgets niya pati credit card at grounded sa lahat ng bagay. Pero naging taliwas ang lahat sa inaasahan niya.

Ang hindi nga lang niya maintindihan kung bakit ayaw talaga sa kaniya ni Gian. Maganda naman siya, hindi rin naman nahuhuli ang tangkad niya, maganda ang kaniyang katawan.

Hindi naman sa nagmamalaki pero matalino rin siya, sa totoo nga’y palagi siyang nasa dean lister ng university nila, ang problema nga lang ay hindi masiyadong maganda ang ugali niya.

Hindi naman maikakailang mabait siya, slight nga lang. Ang problema nga lang daw, sakit siya sa ulo. Ang ayaw lang naman niya ay ‘yong ipagpilitan sa kaniya ang mga bagay na ayaw niya talagang gawin. Anong masama do’n, ‘di ba?

Masama na bang ayawan ang mga bagay na hindi mo talaga gusto sa simula pa lang?

“Hoy!” Boses iyon ni Gian kaya nagmulat siya. Nakabihis na ito, white V-neck t-shirt ang suot nito at blue short.

Pinasadahan niya ito ng tingin. Mula sa buhok nitong halatang bagong ligo, pababa sa leeg na minsang kinagat niya, pababa pa sa namunutok nitong dibdib, pababa sa tiyan na niyayakap ang mga abs na tila ginaya ang porma ng pandesal na kinaadikan niya, hanggang sa kaibagan nito na nasa loob ng short nito.

Lumunok siya. Ang sharap.

“Sa mukha ang tingin, maharot!” nandidiri nitong saad. “Ang landi mo! ‘Di para sa’yo ‘yan.”

Hindi niya pinansina ang pag-iinarte nito. “Bakit ba? Ano na namang drama mo sa buhay?” tanong niya.

Kahit simple lang talaga ang suot nito, bumabagay sa lalaki. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot nitong t-shirt at bakat ang mga muscles nito sa braso. Kaya dati pa lang, hindi na siya naniwalang berde ang kulay ng dugo nito. In short, bakla.

“Ang kuwarto mo, do’n malapit sa kusina. May isang cabinet do’n, kasya naman siguro iyang mga—” Dumako ang tingin nito sa dala niyang mga maleta. “Kung hindi, pagkasyahin mo,” bawi nito.

“Bakit do’n? Maids quarter mo ‘yon dati ah?” tanong niya rito, kumunot ang magandang noo ni Gian.

“Ano bang akala mo? Maid nga kita diba?”

She rolled her eyes.

“Every Wednesday at Saturday lang pumupunta si Nanang Delia,” tukoy nito sa katulong nito dati na hindi naman niya nakita no’ng dito siya tumira. “Siya ang maglalaba ng mga damit. At ikaw, ikaw ang gagawa ng lahat.” Pagkatapos nitong sabihin sa kaniya iyon ay tinalikuran na siya nito at nagrampa na parang beauty queen paakyat sa kuwarto.

“Hoy aba! Teka lang,” tawag-pansin niya sa lalaki. “Nakalimutan mo yata, asawa mo ako rito at hindi katulong,” marahan niyang sabi.

“Nakalimutan mo rin siguro na pinakasalan lang kita, hindi kita asawa.” Bumalik ito sa pagrampa paakyat sa kuwarto. “At isa pa, hindi kita pinangakuan na magkakaroon ka ng magandang buhay. Ako na ang bubuhay sa’yo ngayon. Wala ng libre ngayon, Vanessa, kaya pagtrabahuan mo lahat ng ibibigay ko. Hindi ka magiging reyna sa pamamahay ko. Dahil ako lang dapat ang reyna dito!

“Kasal lang tayo sa papel pero sa totoong buhay? Hindi! Dalaga pa rin ako. Well, ginusto mo ito diba? Kaya nga pinikot mo ‘ko. Kaya ipinagpilitan mo ang sarili mo kahit sa simula palang ay nagkakaintindihan na tayo na hindi talaga kita gusto. Ngayon, panindigan mo!” Padabog nitong isinarado ang pinto.

Dalaga pa rin daw ito? Bakla pa rin pala si Gian.

Pinahid niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Naging ilog iyon na rumagasa ang tubig. Tila may sumuntok sa kaniyang dibdib. Sinuntok iyon gamit ang mga nasasakit na salita ng lalaki. Nasaktan siya, oo. Hindi niya kasi inakalang lulubha ang pagtrato nito sa kaniya.

Akala niya magiging madali lang ang lahat. Akala niya kaya niyang harapin ang mga nagawa niya. Akala niya mapapatawad siya ng binata. Pero, akala lang pala niya ang lahat.

Sino ba namang tanga ang mapapatawad agad ang ginawa niya? Pinikot niya si Gian. Kinuha niya sa lalaki ang kalayaan nito. Ipinilit niya ang sarili sa lalaki. Ginamit niya ang kahinaan nito. Wala, walang tangang mapapatawad agad siya.

Sana, hindi niya tinuloy ang plano niyang iyon. Sana, hindi niya inakit ang lalaki. Sana wala sila sa ganito kalalang sitwasyon. Pero ano pa bang magagawa niya? Gustohin man niyang ibalik ang dati pero hindi na maaari. Hindi na niya maisasaayos ang nasira na.

Nagpakawala siya ng isang malakas na buntonghininga at kinuha ang dalawa niyang maleta.

“Cheer up, Van.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro