Epilogue
Hi!! Akalain mo 'yon tapos na ang CYO. Thanks for being with me in this journey! Salamat at sinubaybayan niyo ang story ni Indigo at Ingrid.
Gusto ko lang din na sabihin na huwag kayong magalit kay Indigo dahil pinili niya ang pangarap niya. Siguro noon kinikilig pa ako kapag may nababasang ganern pero as I grow older, narealize ko lang na kung mahal ka talaga ng isang tao they'll be willing to grow with you. So I would like to say lang na huwag niyong gawing mundo 'yong isang tao. Kapag hindi willing na makita kang naggogrow as an individual, cut them out.
I also want to say na proud ako kay Ingrid sa lahat ng pinagdaanan niya. Sa mga nanay na piniling maging ina, saludo po ako sa inyo.
Epilogue
Indigo’s POV
Napangiti ako nang makita ang anak na kumakaway sa gawi ko. Napatawa naman ang ilang guest sa kaniya. She’s the epitome of happiness to us. I’m glad that she was there when Ingrid need someone the most. Sa palagay ko’y paniguradong palihim na umiiyak si Ingrid hanggang sa makakatulog na lang siya. Naninikip ang dibdib ko sa isipang wala ako noong mga panahon na ‘yon.
I still vividly remember when her mother died, wala atang araw na hindi siya tulala at malalim ang iniisip. Wala atang araw na hindi niya kakailanganing umiyak para makatulog. Lagi, kailangang mabigat ang talukap ng mga mata para lang kainin siya ng antok. That’s how she is.
“Love, kain ka na rin,” saad ko sa kaniya dahil she always think about her siblings habang nakakalimutan niya namang alagaan ang sarili niya.
“Wala akong gana…” mahinang saad niya na tulala lang sa isang tabi. Naalala ang Mama niya at maski na rin siguro ang bahay nila.
“Hindi naman pupwedeng magpalipas ka na lang ng gutom. Kumain ka kahit kaunti,” sambit ko sa kaniya. I can’t help but to be worried about her. Minsan ay maski sa pagkain, bigla-bigla na lang din siyang umiiyak. But she always act strong kapag kaharap na ang kaniyang mga kaatid. Mas lalo lang akong nanindigan na I want to stay by her side. I want to be that someone na maiiyakan niya whenever she needs to.
“Mama’s in heaven now, huwag na kayong umiyak. She’s probably happy right now,” nakangiti niyang saad subalit kita ang kungkot sa kaniyang mga mata. Maski siya’y para ring isang batang gustong umiyak. Inalo niya lang ang mga kapatid.
“Pabati ako kay Papa, Ma, narecieve niyo na po ba ang regalo ko kay Paa?” tanong ko kay Mama mula sa kabilang linya.
“Oo, anak! Nakita na ng Papa mo, salamat! Nasaan ka na ba? Pauwi ka na? Ang tagal mo. Kanina ka pa namin hinihintay,” sambit niya sa akin kaya napatingin ako kay Ingrid na siyang tulala sa visual na hawak niya.
“Ma, hindi po ko makakauwi,” sambit ko kay Mama. Kadalasan kasing umuuwi ako ng linggo para bumisita sa bahay kahit na madalas ay ayaw naman akong makita ni Papa roon. Isa pa ay birthday niya ngayon subalit kailangan ako ni Ingrid. Hindi ko gusto na araw-araw itong umiiyak.
“Kailanman ay hindi ka nawala sa birthday ng papa mo…” Bakas ang pagtatampo sa tinig ni Mama kaya nakaramdam ako ng kirot. Bahagya rin akong naguilty dito pero hindi ko gugustuhing umalis. Baka kapag alis ko’y wala na akong maabutan. Alam ko kung paano maglaro ang isip ni Ingrid. Hindi malabong maisip niya rin ‘yon.
“Sorry po, Ma, babawi na lang po ako… I love you…” ani ko. Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Mukha ngang nagtatampo talaga ito sa akin.
“Date tayo sa susunod na linggo, Ma,” nakangiti ko pang saad kahit hindi niya ako nakikita. Narinig ko naman ang buntonghininga nito.
“Fine, bakit ba kasi hindi ka na naman uuwi? Ilang linggo ka ng hindi bumibisita rito, huh?” tanong niya sa akin.
“Ma, kailangan po ako ni Ingrid…” ani ko kaya mas lalo siyang natahimik sa kabilang linya.
“Ingrid na naman,” puna niya.
“I love you, Ma, I’m sorry,” ani ko. Natapos naman ang tawag na panay lang din ang suyo ko sa ina. Hindi naman kasi ako nawawala sa celebration sa bahay kaya natural lang na magtampo ito.
Maraming events din ang tinanggihan ko dahil mas gugustuhing makasama si Ingrid. Madalas kapag nag-aaya silang uminom ay automatic ng si Ingrid ang naiisip ko. Hindi niya ako kailanman pinagbawalan. Sa totoo nga lang ay siya pa ‘tong nagpupumilit sa akin na bumisita sa mga ito subalit hindi rin naman ako pumapayag.
“Chasing after your dream o naghanap ka lang ng pabigat? Pabigat ka na nga sa bahay na ‘to, nagdagdag ka pa!” Dad really knows how to ruin a mood. Alam na alam ko na ang mga linyahan nito. Hindi pa rin siya nagsasawa kakapamukha sa akin niyon.
“Hanggang ngayon ay matigas pa rin talaga ang ulo mo. Imbis ata magtino ka’y you even engage yourself to people who doesn’t have class.” Hindi ko mapigilan ang sumagit dito.
“Kung babastusin niyo lang ang mga taong nagparamdam sa akin na may silbi ako, mabuti pang tuluyan na nating putulin ang ugnayan natin sa isa’t isa tutal ay ‘yon naman ang gusto mo noon pa man.” Seryoso ang tinig nang sabihin ‘yon. Lagi niya rin naman kasing sinasabi sa akin noon na itatakwil niya ako. Na malas siya dahil ako ang naging anak niya. Well, medyo true. Pero kailangan ba talagang ipangalandakan?
Sa huli’y naguilty rin ako sa nasabi dahil nakita ko ang sakit na dumapo sa mukha ni Mama. I can’t hurt her. Kahit na galit ako kay Papa, ayaw na ayaw ko rin naman na nasasaktan ang Mama ko.
“I’m sorry, Ma,” bulong ko sa kaniya. Alam ko kung gaano ako kamahal ng ina. Ako lang ang nag-iisang anak nito.
“Usap kayo ni Papa, Nak,” aniya na sinenyasan pa ako na kausapin si Papa na mainit ang ulo.
“Pa, I’m here to apologize, sa pagiging bastos. Pero hindi ko po babawiin ang sinabi ko,” sambit ko sa kaniya.
“That girl is important to me, Papa. She’s not actually pabigat dahil sa katunayan ay ayaw magpabuhat, sa katunayan she wants to do everything in her own.” Hindi naman madaling bumigay si Papa. Maprinsipyo ‘yan kaya alam kong aabutin pa ng taon bago mo siya makukumbinsi. Ako nga na ilang taon na siyang pinipilit sa kagustuhang maging producer hindi pa rin niya natatanggap hanggang ngayon.
What I said is true, she’s the type of person na kahit hindi siya aware, nabibigyan niya ako ng lakas ng loob. She always believe that I can. Hindi niya ata alam kung gaano kataas ang kumpiyansa ko sa sarili dahil sa kaniya.
“Then your film, baka hindi lang pang pilipinas, pang worldwide pa! Oscar na ba this?” Hindi ko maiwasa ang ngiti sa mga labi dahil doon. Ang dami niyang pangarap para sa akin and she was there noong mga panahong unti-unti ko nang naabot ito.
Sa tuwing napupuyat ay naroon siya para labg makipagkwentuhan sa akin habang nag-eedit. Kahit pa nakakatulog pa siya minsan ay ayos lang dahil ang mahalaga nasa tabi ko siya, nakasuporta.
I was always focus on film kapag nasa sinehan na but when our film started to play. I was nervously looking at her. Gustong-gusto kong panoorin ang reaksiyon nito at hindi ako nabigo. Sa kaniya pa lang, panalo na.
When I was feeling down, she’s there. Lagi akong cinocomfort. Kapag tinatanong ko ang sarili kung magaling ba ako, nandoon siya oara lang ipaalala kung gaano siya humahanga sa akin. She saw me at my worst that’s why I was really happy when she was there when we won the best film.
“Ako na nga,” aniya dahil wala akong lakas ng loob na buksan ang email. She was the one who red it at hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mukha niya.
“What?” tanong ko na ramdam ang kaba.
“You won!” aniya na lumapit sa akin para yakapin ako nang mahigpit. Heck. Ang sarap naman. Dito pa lang panalo na ako.
Pero hindi pala talaga lahat ng relasiyon, ayos. Everything break apart when I got an offer na magtungo sa US.
“Think about it, Indigo, it will be a good experience for you. Baka pagbalik mo sa pilipinas ay pinag-aagawan ka na ng mga network,” anila sa akin.
“Hindi pa ba? Ang dami ng offer niyan!” natatawang sambit ng isa sa mga kasama kong magintern.
“You’re good, Indigo, huwag ko sanang palagpasin ang oportunidad,” nakangiting saad ni Ms. Tina sa akin.
Napatitig lang ako sa contract. Ingrid will be probably happy kapag nakita niya ‘to. She’s always happy in every little achievement I have. Ito pa kaya?
Nawala lang ang excitement na nararamdaman ko nang mapagtanto na kasama nga pala namin ang stepmom niya. I don’t really care about her but I know how she affects Ingrid. Galit siya roon katulad ng pagkamuhi niya sa ama. I don’t know how to tell her.
“Okay. Bahala ka,” malamig ang tinig niya. Alam ko na agad na hindi ito sang-ayon sa kagustuhan ko. Mas naging malamig nga lang ang naging trato niya sa akin nang malaman niyang tatanggapin ko.
I just don’t want to turn off the offer. Since day 1 ay pangarap ko na ‘yon and I know na maiintindihan niya rin ‘yon. Sa una lang naman ‘to manlalamig subalit kilala ko si Ingrid. Alam kong suportado niya ako sa pangarap ko. Ang hindi ko lang gusto ay ang pagseselos niya kay Ms. Tina.
I don’t want her to feel that way, siya lang naman ‘tong mahal ko. As much as possible, pinaparamdam ko naman sa kaniya na siya lang dahil siya lang naman talaga.
“Paano kung sabihin ko sa’yong huwag ka ng tumuloy?” Agad akong napatingin sa kaniya roon. Ramdam ko na sa ilang araw ‘yon pero isinasawalang bahala ko.
“You know that this is my dream, right?”
“Hindi ba pupwedeng nasa tabi kita while you are chasing after your dream?” Isang taon akong mawawala sa tabi niya. Alam ko na nasanay na ako na laging nasa tabi nito at ganoon din siya sa akin. Alam kong mahihirapan kaming dalawa but I want us to grow together.
“Hindi ba pwedeng nasa tabi kita while I was chasing my dream?” Hindi ba’t kapag mahal mo’y magagawa mong suportahan ito? I know na mahirap pero kakayanin because we trust each other. I trust her.
Selfish na kung selfish pero wala akong gustong bitawan sa pangarap at sa kaniya. I want her to be there with me when I reach my dream.
I thought we’re already fine but when contract signing came. She called me with her shaky voice.
“Huwag ka ng tumuloy…” aniya sa kabilang linya. Nakaawang lang naman ang mga labi ko at hindi rin alam ang sasabihin.
“Please… dito ka na lang sa tabi ko.” Fuck. She’s crying. Alam ko na agad.
“Huwag mo akong iwan dito, please…” Parang ayaw ko ng tumuloy. I just want to stay by her side.
“I need to go sign the contract, Ingrid. Sorry.” No, Indigo, chase after your dream.
Nang matapos ang tawag namin napatulala lang ako sa isang tabi. She’s hurting. Fuck. I just don’t know what to do. Sa huli’y pinirmahan ko rin ang kontrata dahil sa sinasabi ng utak ko.
Hindi ko rin ata talaga kayang bitawan, mula umpisa, pangarap ko na ito. Maiintindihan niya naman ‘yon. She also know how much I want my father to recognize me. She also dream with me together na dadalhin ko rin ang mga pelikula ko sa ibang bansa. Ayaw kong biguin siya.
Subalit… hindi ko alam na sa pagpili ko pala sa aking pangarap kasabay niyon ang unti-unti niyang paglayo sa akin. Hindi ko alam na makakawala pala siya.
Ilang araw na malamig lang ang trato niya. Para nga lang akong hangin dahil talagang hindi niya ako pinapansin then I saw her crying. Para akong dinudurog habang pinagmamasdan ko siyang umiiyak.
“Love,” tawag ko sa kaniya.
“I’m sorry…” bulong ko, mas lalo lang siyang napahagulgol doon.
“Hindi na lang ako aalis,” ani ko habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko ata kayang umalis. I want to be by her side… I just want to take care of her. But she was the one who left me…
"Usap tayo," aniya. I know it’s different. The way she looks at me, alam na alam kong may iba na siyang gustong iparating.
"Ayaw ko, iiwan mo lang ako.” Kanina niya pa ako tinititigan at hindi sinusungitan. Kanina niya pa ako pinagbibigyan.
“Indigo…” tawag niya. No. I don’t want to. Hindi ko kayang mawala siya.
“Let’s take a break.” Sa isang iglap parang huminto ang mundo. She really did break up with me. Ayaw ko subalit nang mapagtanto na ako na nga talaga ang iniiyakan nito tuwing gabi… na nasasaktan ko na siya.
After that day, she really did leave. Hindi ko na talaga siya nakita pa. I don’t even know kung nasaan siya. Ayaw kong alamin dahil baka habulin ko lang.
“Hindi ka na aalis?” tanong ni Cho sa akin mula sa kabilang linya. Naghintay munang makagraduate bago magtungo sa ibang bansa subalit bago ‘yon ay halos mawalan din ng gana. Araw-araw na nasa bar at araw-araw na niyayaya ang mga kaibigang mag-inuman.
“Cheers para sa mga iniwan,” natatawang saad ni Carver. Isang malutong na mura naman ang pinakawalan ko sa kaniya kaya agad siyang napatawa.
“Why galit?” natatawang pang-aasar ni Bren.
“Drunk call mo na, ako ng pipindot,” ani Carver.
“Bobo kung pwede lang ay ako na mismo ang gumawa,” ani ko kaya nagsitawanan sila. Totoo naman talaga. Hindi ko alam kung nakablock na ba ang number ko o nagpalit na agad ito ng ibang numero. Anuman sa dalawa, hindi ko alam.
I tried to forget about her subalit sa kaniya pa rin talaga ako dinadala ng bawat araw. I even make the Ing&Ind better. Sa kaniya ‘yon nakapangalan.
Hindi naging madali ang pagiging producer ko, sometimes I still wonder kung ano na ring ganap kay Ingrid. I want to give her business back to her at kapag sineswerte ka nga, umayon pa sa akin ang tadhana.
I like watching film. Madalas na ang magaganda ay galing pa sa mga indie film kaya laking gulat ko nang mapanood ang short film na ginawa galing sa Nueva Ecija. Nakita ko rin ang pangalan niya roon.
Ingrid Galang.
Ilang ulit ko pang pinlay para tignan kung namamalikmata lang ba ako subalit totoo talaga ito. I did go to Nueva Ecija. At first, I just want to look for a place dahil nga gusto nina Mr. Polido na maghanap doon hanggang sa nakita ang eskwelahan kung saan madalas mabanggit ang pangalan ni Ingrid bilang producer ng mga short film at kung ano-ano pa.
Then I saw her… sa kabila ng malakas na ulan, kabisadong-kabisado ko pa rin ang mukha nito. Ni hindi ko alam kung paano ko siya babatiin gayong ang lakas na ng tibok ng puso. Para akong bumalik sa pagiging highschool student ngayong nakita ko na siya. I even give her my personal number. Nakahanda lang kung magkita sana ulit kami.
Nang may tumawag ay halos mapatalon pa ako sa gulat nang sagutin ‘yon subalit laking dismaya ko nang malamang si Carver lang pala.
“Bakit parang galit ka? Ano na namang ginawa ko sa’yo?” natatawa niyang tanong.
“Tangina mo, bakit ka ba tumawag?” reklamo ko sa iritasiyon na nadarama. Umasa ako na si Ingrid ‘yon. Ang hinayupak lang pala.
Carver @Carwash: Galit na galit na naman si Papi @Indigoat
Indigo @Indigoat replying to @Carwash: Bobo, tawag kasi nang tawag, akala ko ‘yong crush ko na.
Carver @Carwash replying to @Indigoat: Awts, may iba ka na?
Halos pagsisihan ko naman na nagtweet pa ako dahil sunod-sunod ang tawag ng mga kaibigan ko. Parang mga walang ganap sa buhay. Akala mo’y hindi abala sa mga trabaho kung makapang-asar.
“Hoy, ano? Nakita mo na Ingrid?” tanong sa akin ni Cho at nagtitili pa.
“Magising anak mo, loko,” ani ko.
“Hayaan mo si Atlas naman magpapatahan,” aniya na tumawa pa. Napailing na lang ako roon. Simula noong magkabalikan sila ay masiyado ng naging mabilis ang pangyayari dahil agad ding nagpakasal. Pinikot ni Cho e. Joke. Patay na patay si Atlas kaya itinali na agad.
Handa at excited ako nang magtungo sa school ni Ingrid subalit lahat ng lakas ng loob na mayroon ako’y nawala nang napagalaman kong may nobyo pala siya.
“Talaga bang may magagalit?” tanong ko. I want to know so I can stop earlier.
“Huh?” naguguluhan niyang tanong.
“May magagalit kung may poporma sa’yo?” tanong ko ulit. I want to court her again. Napagpasiyahan ko na ‘yon.
“Mayroon.” Fuck. Hindi ko mapigilan ang disappointment na nadarama. I really want her to take me back. I want her to be mine again.
I tried to distant myself from her. I want to respect her relationship with someine. Tangina. Ilang araw ko lang ‘tong nakita subalit araw-araw ko na namang naalala ang mukha niya. Ilang taon na naman ba ang gugugulin ko para lang kalimutan siya. Ni hindi ko nga ‘yon magawa. Paano pa ngayon?
But destiny is really fuck up, kung kailan nilalayuan mo na saka pa kayo pagtatagpuin. I saw her on the academy kung saan ako nagpapaworkshop. I don’t even know how to react nang makita siya.
“Ingrid, nahulog.” Ako sa’yo.
“Oh, thanks,” aniya na ngumiti pa. Dapat talagang lumayo sa kasalanan. Tumalikod na ako para lumayo sa kaniya subalit narinig ko ang tinig nito na tinatawag ako.
“Indigo,” tawag niya kaya nilingon ko pa rin. Hindi ko rin kayang hindi gawin.
“It took me years to say this to you but I really want to congratulate you. Sincerely. I’m proud of you, Indigo,” aniya kaya mas lalo akong natigilan. Hindi ba illegal ito? Pinapaasa niya ba ako? Ulol, Indigo, kahit naman tawagin ka lang para ka ng asong ulol.
“Bakit tulala ‘yan?” Narinig kong tanong ni Chora sa mga kaibigan namin.
“Bumalik kasi ex niya,” natatawang sagot ni Andra. Girlfriend ito ni Bren kaya madalas din naming kasama. Nakilala nila ang isa’t isa dahil sa akin noong nagbirthday ako rito. They kinda suit each other kaya naging sila.
“Bumalik si Ingrid? Saan? Hala, bakit hindi mo ako sinasabihan? ‘Yan! Magaling ka lang kapag may kailangan!” panunumbat pa ni Chora sa akin kaya napailing na lang ako sa kaniya. Hindi ko na sana siya papansinin pa subalit mas lalo lang na nangulit.
“Pupunta ako sa academy!” agad niyang sambit kaya binantaan ko siya.
“May boyfriend na ‘yong tao,” sabi ko.
“We? Totoo ba? Baka naman wala? Tinanong mo ba?” tanong naman nila. Simple lang akong tumango bago sumimsim sa alak na inumin ko.
Subalit para lang akong sinampal paulit-ulit nang marinig siyang kausap ito.
“Hello, baby?” Yes, baby? Huh! Ni hindi niya nga ako tinatawag nang ganiyan dati. Sobrang lambing pa ng tinig samantalang kapag nilalambing ko siya’y agad na nagkicringe! Unfair!
“I can’t wait to see you too, I’ll kiss you hundred times too. Siguraduhin mo lang na hundred times ‘yan, huh? Ingat kayo, mahal ko,” aniya. That’s it. Ang sakit pala talaga. Doon na ako tuluyang natahimik. I still love her. Hindi naman kasi ako huminto.
We both distant ourself from each other. For a month ay ganoon lang until I accidentally found Sandro’s account. Nag-add ito kaya agad kong inaccept. Hindi na ito palapost ngayon. Ni wala nga siyang profile.
Santino Galang: Kuya Indigo! Sup?!
Indigo Cornel: Hey, how are you?
Santino Galang: Goods lang, Kuya. Bigatin ka na. Libre na ba ticket namin sa sinehan??
Santino Galang: AHSGSGSHSHHAA JOKE BAKA KURUTIN AKO NI ATE MEDYO HINDI PA ‘YON NAKAKAMOVE ON SA’YO
Nahinto naman ako dahil sa chat nito. Kusa na lang napakunot ang noo.
Indigo Cornel: Baka umasa ako AHSGSGSGHSHAA
Santino Galang: Pwede naman, single Ate ko, ireto na ba kita? Looking for jowa ‘yon. Joke, Kuya. Baka isumbong mo ako AHSGSGSGSHSHSHDGHSHAHAHAHA KITAKITS TAYO SOON
Single? Akala ko ba may nobyo siya?
Indigo Cornel: Seryoso ba ‘yan?
Santino Galang: Luh, di ka pa nga nakakamove on kay Ate, Kuya?? Goods ‘yan kung ganoon! Irereto na talaga kita! May bayad ‘to, ah! Libreng mogu-mogu araw-araw!
Indigo Cornel: Single nga??
Hindi naman na ako mapakali lalo pa’t hindi na nagreply si Sandro. Pabitin ampotek! Sa sobrang kuryoso ko ay nagawa ko pa siyang tawagan.
“Hello, Kuya? Sorry, inutusan akong magdilig ng halaman,” aniya.
“Single si Ate, ready to mingle. May isa nga lang balakid,” natatawa niyang saad kaya kumunot ang noo ko.
“Sino?” tanong ko. Hindi naman siya nagsalita kaya mas lalo lang akong naguluhan.
“Pero single talaga siya, promise,” aniya pa.
“Reto na kita? Mogu-mogu ko, ah!” sambit niya.
“Kahit isang box pa ng mogu-mogu ay bibigyan kita.” Tumawa naman niya dahil sa sinabi ko pero seryoso ako roon lalo na’t nang mapagtanto nga talaga na wala siyang nobyo.
Fuck. Talagang nagsayang na naman ako ng isang taon. Hindi ko lang talaga maiwasan ang panghihinayang but it’s here now. Atleast I already have my chance.
But heck. I didn’t know na hindi lang isa, get 1 take 1 pa. The first time I saw my daughter. I didn’t know what to do. I didn’t know how to react. Nakaramdama ako ng panibugho lalo na sa sarili. Wala man lang ako noong mga panahong kailangan na kailangan niya ako. Wala man lang ako noong mga panahong kailangan niya ng makakapitan at wala rin ako noong mga panahon na lumalaki na ang anak ko.
“Producer ka po?” tanong ng isang batang babae sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.
“Ikaw po ang tatay ko,” aniya sa akin kaya napatawa ako nang mahina.
“Nako, bata, wala akong anak, bukod sa single at isang babae lang ang gusto ko. Wala akong kahit sinong nabuntis,” ani ko subalit nahinto sa naisip. Isang babae lang. Napatingin pa ulit ako sa batang babaeng nakatitig lang sa akin ngayon, bahagya pa siyang sumimangot at lumayo na sa akin. Kinausap niya na lang ang mga kasama namin sa trabaho.
Sabi nila’y kamukha ko ito pero sa mukha niya’y isang tao lang ang pumasok sa aking isipan. Ingrid. I don’t know if it’s real but I felt like I’m connected to her. Unti-unti ko ring napagtanto ang sinabi ni Ingrid sa akin.
May magagalit.
Pero wala siyang nobyo. Is it real? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo na nang nanggaling na mismo kay Ingrid ang mga katagang anak ko nga talaga ito.
I tried to ignore Ingrid not knowing that she’s hurting too. Para akong sinaksak ng ilang punyal nang makita itong umiimom ng atindepressant.
“I was about to tell you but you’re already chasing your dream. I can’t be that selfish… siguro noong una oo but no… I’ll probably regret it kung hahayaan kitang matali lang sa akin na hindi hinahabol ang pangarap.” Fuck. How can I hurt this girl?
“When you called…” Ni hindi ko matuloy ang hinuha ko.
“I’m sorry if I was selfish that day… that was the time when I realize that I was really pregnant…” aniya. That broke me. I can believe na iniwan ko siyang mag-isa. Ni hindi ko na nakayanan at naiyak na lang ako nang marinig ang mga pinagdaanan niya. Wala ako… wala man lang ako…
That’s why I hated Mama when she said something to her.
“Ma, ang tagal bago bumalik muli sa akin si Ingrid at anak ko… Ma, kayang-kaya niyon na wala ako pero ako hindi… I don’t think I can live the same way before without them both…” sambit ko kay Mama bago siya tinalikuran.
I was too scared nang umalis silang dalawa ni Raya para akong mababaliw sa ideyang hindi na sila babalik at ganoon din noong umalis siya. Akala ko’y mawawala na naman siya sa akin.
But now… she’s here wanting to spend her lifetime with me…
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko habang nagtatanong-tanong tungkol sa kaniyang mga estudyante.
“How about Michael, matalino?” tanong ko.
“He’s not that excellent academically but he’s really a great athlete, kahit loko-loko ay may pangarap,” nakangiti niyang saad na memoryado ang bawat estudyante niya.
“How about Lia?” tanong ko na tinuro pa ang nakalagay sa class record niya. Nagchecheck kasi ‘to ng mga activities ng estudyante niya.
“She’s not good academically and she doesn’t show yet her passion but I know there’s something she’s good at,” aniya na ngumiti pa.
“What about Ryan?” tanong ko.
“He’s good when he talk, magaling sa public speaking,” aniya kaya naningkit lang ang mga mata ko. Paano niya nagagawang kilalanin lahat ng estudyante niya?
Sumandal naman na ako sa kaniya at mas napagod pa kakatanong. Naging abala na rin ako sa panonood ng film ko. We both ended up talking about our film. She’s a part time producer at mas maiinggit ka pa dahil stage mom na, ang dami pang ganap sa buhay.
“I can’t believe we’re really here now, randomly talking about these things. We are living our dreams,” aniya nang matapos siya sa ginagawa. Parehas na kaming nakatingin sa mga scene sa laptop ngayon.
“Should I cut these scene out?” tanong ko na pinakita ang isang scene sa movie na ginagawa namin.
“Don’t. It was one of the thing that made your character strong.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro