Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Ingrid’s POV

“Hello? Saan ka?” tanong ko mula sa kabilang linya kay Indigo.

“Malapit ba ako, Lods,” aniya sa akin. Ngayon ko kasi isasauli ang cellphone niya. Hindi niya pa kinuha no’ng nakaraan at nagawa pang ipagamit sa akin pati na rin kina Irah kapag naroon siya. Talagang tuwang-tuwa tuloy ang dalawa kapag nagtutungo siya roon.

Sinabi niyang bestfriend niya lang ang tumawag sa kaniya noon na hindi ko naman pinaniwalaan, although mukha siyang hindi naman nagsisinungaling pero kasi ang sabi nila’y wala namang magbestfriend na babae at lalaki so I thought na baka lowkey lang ang relasiyon nila.

“Hi!” malapad na ngiti ang ibinigay nito sa akin nang makita ako. Hindi ko naman maiwasang ibalik din sa kaniya ang ngiti niyang abot hanggang langit.

“Ito na, salamat sa pagpapahiran.” Iniabot ko lang sa kaniya ang cellphone niya subalit hindi niya tinanggap.

“Sa’yo muna. Para alam ko ang tatawagan kapag magtutungo ako sa bahay niyo,” aniya sa akin kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

“Naroon naman na ako sa bahay niyon kahit na dumeretso ka na agad,” ani ko ngunit nagkibit lang siya ng balikat.

“Sige na, sa’yo muna para hindi hassle,” aniya sa akin kaya mas lalo namang nalukot ang noo.

“Kung ganoon ay bakit mo pa ako pinapunta rito kung hindi mo rin kukunin? Isa pa, ayaw kong hawakan ang phone mo, baka mawala ko pa. Wala akong pambayad diyan.” Patuloy ko pa ring iniaabot kahit hindi niya kinukuha.

“Fine, then use this one,” aniya na iniabot ang mas luma lang ng isang taon na model sa ipinahiram niya. Gusto kong umangal subalit agad siyang nagsalita.

“Ikaw ang kausap ng mga nag-iinquire, hiramin mo muna,” aniya kaya sa huli’y napapayag din ako.

“Tara na,” sambit niya pa na kinuha ang bag ko sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil dito.

“Anong tara na?” tanong ko.

“Sabay na tayong pumasok,” nakangiti niyang sambit. First day ng pasukan namin ngayon at balak na isingit lang naman talaga ang pagkikitang ‘to. Hindi rin naman pala niya taganggapin kaya hindi ko lubusang maisip kung ano bang saysay.

“Anong gusto mo?” tanong niya nang madaan kami sa jelexie para bumili ng tinapay. Umiling lang ako dahil kumain naman ako sa bahay kanina. Hindi ko rin naman gustong magutom kung sakali.

Nang lumabas ay iniabot niya lang sa akin ang ensaymada.

“Busog pa ako,” ani ko kaya nagkibit siya ng balikat. Inilagay niya sa bag ko kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko na masama pa ang tingin sa kaniya.

“Palagay,” aniya.

“May bag ka,” ani ko kaya napanguso siya.

“Kainin mo na lang mamaya, dami pang sinasabi. Detective ka ba?” natatawa niyang tanong. Nailing na lang ako sa kaniya habang naglalakad kami. Nang makasakay sa jeep, magkatabi lang kami. Siksikan na rin agad kahit na maaga pa.

“Thank you, ingat ka,” sambit ko kay Indigo bago siya kinawayan.  

“You too,” aniya na ngumiti rin sa akin. Bago pa siya makaalis ay humarap siyang muli sa akin kaya nagtataka ko siyang tinignan.

“Hihintayin kita mamaya rito,” aniya sa akin kaya aangal pa sana ako subalit malapad lang ang naging ngiti niya sa akin bago kumaway. Napaawang naman ang labi ko sa kaniya dahil do’n. Hindi niya namn na kailangan pang gawin ‘yon. Pupwede naman na siyang dumeretso sa bahay. Ang sabi niya rin ay tatawagan niya ako kung nasa bahay na ba. Ang gulo rin talagang kausap niyang si Indigo.

Hinanap ko lang ang building ko. Tahimik lang ako ng pumasok sa room ng educ.

“Oh, here she is,” ani Steffanie nang makita ako. Aware naman ako educ din ang kukunin niyang kurso, hindi ko lang akalain na sa up din pala. Akala ko sa senior high na magtatapos ang lahat pero ngayon? Hindi ko na alam.

“Kaibigan ko siya last year,” pagpapakilala niya sa akin sa mga bagong nakilala. Ngumiti lang naman ako ng tipid bago naglakad palayo sa kanila. Narinig ko pang bumulong si Steffanie sa mga bagong kaibigan. Hindi ko naman na pinagtuonan ‘yon ng pansin. Tahimik lang ako habang naghihintay ng prof subalit dahil first day nga, hindi rin naman nagklase.

Ang ibang kaklase’y nakikipagkaibigan na sa isa’t isa habang ako naman ay tahimik lang talaga sa isang gilid. I don’t really like to be friends with anyone anymore. I don’t want to be disappointed after this. Baka mamaya’y iba lang din ang turing sa akin.

May ilang lumalapit at sinusubukang makipagkilala na kinakausap ko rin subalit tipid lang ang aking mga naging sagot. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin sa mga ‘to.  

“Hi, I’m June,” nakangiting saad ng isang lalaki sa akin bago siya naglahad ng kamay. Nginitian ko lang din naman ito ng tipid.

“Ingrid,” ani ko na panandaliang tinanggap ang kaniyang kamay.

“Kapag lalaki, ang daling nakipagkaibigan.” Hindi ko alam kung ako ba ang pinatatamaan ng isa kong kaklaseng babae subalit napagtanto ko na ako nga nang makita silang nakatingin sa akin. Ganoon din si Steffanie na nagawa pang ngumisi. Hindi ko na lang din sila pinagtuonan ng pansin.

Abala ako sa paglilista ng mga ingredients na bibilhin ko para sa ititindang mga kakanin nang maramdamang nagbavibrate ang cellphone ni Indigo.

Nakita ko namang may text mula sa kaniya roon. Bahagya akong napangiti dahil sa pagkakatext nito.

Indigo:

Hindi kami nagklase ajujuju

Hindi ko maiwasang magpigil ng tawa dahil sa ‘ajujuju’ nito. Parang sira.

Ako:

It’s first day of school. Natural lang ‘yan. Ganoon din kami.

Wala pa atang ilang segundo pagkatapos ko ‘yong isend ay tumatawag na ito. Hindi ko naman alam kung paano ko ‘to sasagutin dahil bahagyang nataranta pero sa huli’y napakalma rin naman ang sarili.

“Hey,” bati ko sa kaniya mula sa kabilang linya.

“May klase pa ako. Bakit ka tumawag?” tanong ko.

“Sabi mo wala?” tanong niya.

“I mean wala namang ginagawa pero nasa harap ang prof namin,” pabulong na sambit ko.

“Oh, sorry. I’m really bored,” aniya mula sa kabilang linya.

“And do I supposed to entertain you?” natatawa kong saad.

“Hmm, I’m already entertain just by talking to you,” aniya kaya napatikhim ako at bahagyang natahimik.

“Ewan ko sa’yo. You’re friendly, paniguradong marami kang makakausap diyan,” ani ko. Hindi rin pinutol ang tawag naming dalawa. Pakiramdam ko nga’y ako itong mas naeentertain sa kaniya dahil ako ‘tong hindi naman palakaibigan.

Nagkwentuhan pa kami subalit naipatay ko ang tawag nang makita ko si Steffanie na nakatingin sa akin at sa phone na hawak ko.

“Oh, may bago ka na palang cellphone, Ingrid. Galing sa trabaho mo ba ‘yan?” sinubukan niyang magtunog kuryoso subalit nananaig pa rin ang pang-iinsulto mula sa kaniyang tinig.

“Nauna ka pang bumili ng cellphone kaysa bayaran ang utang mo? No offense, hindi naman sa sinisingil kita dahil gusto lang talaga kitang tulungan pero sana naman huwag mong bastang unahin ang sarili mo. Kawawa naman ang mga kapatid mo,” aniya sa naaawang tinig.

“Concern lang ako,” aniya pa kaya tinitigan ko lang siya sandali. Gusto kong natawa rito subalit nananatili na lang seryoso ang mukha habang nakatingin sa kaniya.

“Hindi ito sa akin, Steffanie. Salamat sa concern mo. Huwag ka ring mag-aalala, babayaran kita,” ani ko sa maayos na tinig at nginitian pa siya. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya. Mukha pang hindi ito naniniwala kaya tipid ko na lang siyang nginitian. Nag-iipon naman na rin ako ng pamabyad sa kaniya.

Natapos ang araw na ‘yon na wala rin kami halos ginawa. Hindi ko alam kung anong pinagkalat ni Steffanie subalit kapag napapatingin sa ilang blockmates, nakikita ko ang tingin nilang mapanghusga. Hindi ko na lang din pinansin. Sa totoo’y sanay naman na talaga ako sa mga tingin ng tao sa akin. Ganoon na ganoon din no’ng high school. Siguro’y masiyado lang akong umasang may mababago.

“Ingrid!” tawag sa akin ni Steffanie nang palabas na ako ng school. Ayaw ko na sana siyang pansinin subalit sa huli’y nilingon ko rin.

“Sina Jayvee, oh!” nakangiti niyang saad na tinuro sina Jayvee. Sa Ateneo ang mga ito nag-aaral kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito sila ngayon. Tipid lang naman akong ngumiti. Walang balak na kausapin ang mga ‘to.

“Ingrid,” tawag ni Brian sa akin, isa sa mga kaibigan ni Jayvee.

“Uuwi ka na? Sabay ka na sa amin!” sambit nito. Ngumiti pa sa akin si Jayvee doon.

“Hindi na,” ani ko. Sakto naman na nakita ko si Indigo na nakatayo sa gilid. Mukhang hinihintay ako nito. May ilan pang napapatingin sa kaniya dahil agaw atensiyon din naman kasi talaga ang mukha ng isang ‘yan.

“Parang others naman, Ingrid. Parang hindi tayo naging magkaibigan, huh?” tanong nila sa akin. Hindi naman talaga. Hindi nila ako tinuring bilang isa.

“May kasama ako, pasensiya na,” sambit ko. Dumapo naman na sa akin ang mata ni Indigo. Agad na namuo ang ngiti mula sa mga labi niya bago kumaway sa akin. Bahagya na lang din akong napangiti roon.

“Una na ako,” paalam ko sa kanila.

“Hala, halos ilang months pa lang na naghiwalay, may bago na agad,” puna ng ilang kaibigan niya. Bahagya naman akong napangisi roon bago hinarap silang muli.

“Siya nga, hindi pa kami naghihiwalay, mayroon na.” Ngumiti pa ako ng tipid sa kanila bago dire-diretsong naglakad patungo kay Indigo na papalapit sa akin.

“Hi,” nakangiti kong bati sa kaniya.

“Nandiyan na naman ‘yang tukmol mong ex,” puna niya kaya nailing na lang ako.

“Hindi para sa akin. Dinaanan lang nila si Steffanie,” ani ko na nagkibit ng balikat.

“Sus, kung hindi para sa’yo, bakit kung makatingin ‘yang ex mo parang iiyak na?” natatawa niyang tanong kaya pinagkunutan ko siya ng noo bago sinubukang lingunin si Jayvee subalit hinila na ako ni Indigo.

“Hayaan mo na, hayaan mong iyakan ka,” natatawa niyang sambit.

“Anong gusto mo? Ililibre kita,” aniya sa akin.

“Basta hindi mamamahalin,” agad niya pang dugtong kaya bahagya akong natawa.

“Huwag na, may extra pa naman ako. Kkb na lang,” ani ko.

Bumili naman na kami ng buko at ng fishball subalit imbis na ako ang magbayad. Hindi pa rin siya nagpaawat.

“Nag-iipon ka, ‘di ba?” nakangiti niya pang tanong.

“May baon ako, hindi ako kumain kanina,” reklamo ko kaya agad niya akong nilingon.

“Nagpalipas ka ng gutom?” kunot noo niyang tanong.

“I mean hindi ako gumastos kanina. Kinain ko ang ibinigay mo,” ani ko kaya napakibit naman siya ng balikat doon. Nagpatuloy na lang din kami sa pagkukwentuhan.

“How’s your day?” tanong niya sa akin.

“Nothing unsual,” sambit ko na nagkibit ng balikat.

“How about you?” tanong ko sa kaniya.

“It’s kinda boring,” aniya naman. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng mga pinamili. Nang matapos ay nagtungo naman na kami sa sakayan ng jeep. Isinisiksik niya naman ako sa tabi niya dahil siksikan na sa loob.

“So you’re going to start working tomorrow?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. Magpapart time na rin kasi ito malapit sa conevenience store.

Napatingin naman ako sa kaniya nang ipatong niya ang bag niya sa lap ko.

“Medyo mabigat, diyan muna,” aniya kaya tinignan ko lang siya na naniningkit ang mga mata. Napakibit naman siya ng balikat doon.

“Manong, dalawa po.” Iniabot niya pa ang bayad para sa aming dalawa. Nilingon ko naman siya dahil dito.

“May pera naman ako. Anong palagay mo sa akin? Pulubi?” tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin.

“Ikaw bukas,” sambit niya dahil alam na magtatalo pa kami.

Mayamaya lang ay bumaba na rin naman kami sa tapat ng eskinita patungo sa bahay.

“Teka lang,” aniya kaya nilingon ko siya. Napakunot naman ang noo ko nang umupo siya sa tapat ko para isintas ang sapatos. Nahinto naman ako dahil do’n. Tuluyan ng naestatwa nang tumayo siya.

“Aalisin din naman, isinintas mo pa!” ani ko na naunang naglakad patungo sa bahay. Sa hindi ko malamang dahilan, hindi na normal ang tibok ng puso.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro