Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Ingrid’s POV

Napatikhim naman ako habang pinagmamasdan ko ito. Pinag-aaralan kung galit ba ito subalit para mas makasigurado ay nagsalita na ako.

“Galit ka ba? Pasensiya na kung iniwan kita bigla,” ani ko na napatungo na lang dahil buong linggo ata akong nakokonsensiya.

“It’s fine, naintindihan ko naman na kaibigan mo pa rin siya,” aniya na ngumiti lang ng tipid sa akin. Hindi abot mula sa mga mata ang ngiti nito kaya sa palagay ko’y galit nga ito.

“Galit ka.” Hindi ‘yon tanong. Sigurado na ako roon. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay bago naiiling na ngumiti.

“Medyo nainis lang,” aniya na napanguso.

“Pasensiya na,” ani ko kaya ngumiti siya bago ginulo ang buhok ko.

“Ayos na, tapos naman na ‘yon. Ngayong nakita na kita parang hindi ko matitiis na mainis,” naiiling niyang saad.

“Kaya ba hindi ka nagpunta rito ng ilang linggo? Dahil naiinis ka?” tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya bago niya ako inilingan.

“No, it’s not like that.”

“Umuwi lang ako sa amin for a week,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya.

“Hindi ka tigarito?” Naguguluhan kong tanong.

“Hindi, I’m from cavite. Nito lang ako lumipat sa manila for academic purpose,” aniya sa akin.

“Oh, akala ko tigarito ka na. Where are you studying tho?” hindi ko maiwasang maging kuryoso rito.

“Upfilm,” aniya kaya agad na napaawang ang mga labi ko at napatingin sa kaniya.

“Wow, seryoso ba?” tanong ko kaya ngumiti siya sa akin bago tumango.

“Perhaps do you want to become director or something like that?” tanong ko.

“Producer,” aniya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko.

“Really? That’s my dream too!” hindi ko mapigilang sambitin at malapad pang napangiti dahil do’n.

“Wow! Destiny talaga tayo!” aniya kaya hindi ko maiwasang matawa.

“Maganda ba sa UP?” tanong ko.

“I don’t really know, magsisimula pa lang din ako ngayong taon,” natatawa niyang sambit kaya agad na napaawang ang labi ko. Hindi ko rin naman kasi naitanong dito kung ilang taon na ba siya. Akala ko’y nasa second year college na ito dahil talagang matangkad siya.

“So you’re going to enroll there?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako.

“I’ll stop for this year,” ani ko kaya agad niya akong nilingon.

“Huh? Bakit naman?” tanong nito.

“Baka hindi kayanin ng budget,” ani ko na ngumiti lang ng tipid.

“What? You can apply for scholarship,” aniya sa akin.

“I will pero baka hindi pa rin kayanin at kung mag-aaral man ako, hindi filming ang kukunin ko, masiyadong mahal ‘yon. Mageeduc ako,” Masiyadong maraming gamot na kailangan bilhin para sa pamilya ko. Hindi ko alam kung magkakasiya ba kung sakaling iwanan ko ang trabaho sa resto.

“Sayang, it’s seems like you really like it,” aniya sa akin. Ngumiti lang ako at nagkibit ng balikat. I’m not really sure what to do. 

“If you ever need help, I can find a scholarship with you,” aniya sa akin at ngumiti. Tumango lang naman ako sa kaniya.

“It’s fine, salamat,” ani ko bago sinulyapan ang bumibili. Nang umalis ‘to’y tumaas lang ang kilay ko nang makitang nandito pa rin si Indigo.

“May scholarship for education, tulungan kita,” aniya pa. Ngumiti lang ako bago nagkibit ng balikat. Bahala na.

“How’s your ex?” tanong niya kaya napakibit na lang ako ng balikat.

“Natuluyan na ba?” tanong niya kaya pinitik ko ang noo niya at sinamaan ng tingin.

“Gago,” ani ko kaya napanguso siya.

“He’s fine. Gawa-gawa lang pala,” ani ko kaya agad kong narinig ang mahinang mura niya.

“You ex is kinda manipulative,” aniya sa akin.

“Don’t let him manipulate you just like that,” aniya pa sa akin kaya tumawa ako ng mahina.

“Wala na, tinapos ko na,” ani ko.

“Totoo na ba ‘yan?” natatawa niyang tanong kaya hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin at irapan. Nangulit lang ‘to sandali bago umalis nang may customer na, bumili na rin siya ng makakakain.

I was talking with one of the customer when the guy I kept on seeing for the past few days appear again. Sa hindi ko malamang dahilan, madalas ko ‘tong nakikitang nakaabang sa labas ng convenience store at kapag titignan ko, bigla na lang magtatago. Kapag pumapasok naman sa loob ay naroon ang ngisi mula sa mga labi at ang madalas na pagsulyap niya sa aking kabuoan. Hindi ko tuloy maiwasang matakot kahit hindi naman dapat. Baka mamaya’y masiyado lang akong nag-ooverthink.

Naging balisa na tuloy ako pagkalipas ng mga oras dahil nakikita ko ‘tong nasa labas lang at nakatingin pa rito sa loob.

“Hey, are you okay?” Halos hampasin ko si Indigo nang hawakan niya ako sa braso.

“Ayos lang, bakit ka nanggugulat?” tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin.

“I’m not. Hindi ko alam na ganiyan ka na pala kagugulatin,” natatawa niyang sambit sa akin. Napairap na lang tuloy ako roon. After that, inabala ko na lang sa pagtatrabaho ang sarili. Sinubukang hindi isipin ‘yon subalit hindi naman nawawala sa akin ang takot.

Kahit tuloy nang magsasara na ako, patingin-tingin pa rin sa paligid. Nang lumabas ay nakita ko ‘to sa madilim na parte at nakatingin pa sa amin. Nang mapansin ang tingin ko’y agad itong napatago. Humigpit lang ang pagkakahawak ko sa aking pepper spray. Kampante pa ako no’ng una dahil sabay naman kami ni Indigo subalit nang nasa kalagitnaan na ng lakad ay kinakabahan na ako.

Halos mamamatay ako sa kaba nang may humawak sa palapulsuhan ko. Naihampas ko pa sa kaniya ang bag na hawak at balak ng ispray ang pepper spray dito. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako kay Indigo.

“Aray ko naman, Ingrid,” reklamo niya na napanguso pa.

“Bakit ka kasi nanggugulat? I almost had a heart attack!” hindi ko mapigilang maibulalas habang nakatingin sa kaniya.

“You look tense, hindi ko lang maiwasang mag-alala para sa’yo at kanina pa rin kita tinatawag,” aniya na kunot na kunot pa rin ang noo habang nasa akin ang kaniyang mga mata.

“Pansin ko rin ang pagiging balisa mo kapag napapatingin sa labas,” sambit niya.

“Bakit?” tanong niya pa sa akin.

“Wala naman, akala ko ba’y gusto mo na agad matulog. Bakit hindi ka pa umuwi?” tanong ko.

“Nag-aalala ako para sa’yo. Pupwede ba kitang ihatid?” tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kampante ako kapag galing sa kaniya, kapagkuwan ay napapayag niya na ako. Habang naglalakad ay maingat naman kami. Naging magaan lang dahil nagkukwentuhan ng kung ano. Natatawa pa ako dahil nambabluff pa ito.

“Kahit piso wala rin ako. Nako, subukan lang nakawan baka ako pa ‘tong magkaroon ng instant money kung sakali! Nag-aarnis pa naman din ako no’ng high school,” pagpaparinig niya para lang kung sakaling may magtangka.

“Bobo, wala ka namang arnis ngayon,” natatawa kong sambit sa kaniya.

“Ano ba dapat? Boksingero? Nag-aral ng taekwondo?” pabulong niya pang tanong kaya hindi ko maiwasang mapailing.

“Ewan ko sa’yo, huwag mong sabihing hanggang pag-uwi ay ganiyan ka? Dapat ay hindi mo na ako inihatid,” ani ko sa kaniya. Natawa naman siya bago niya ako pinitik sa noo.

“I was more scared if may mangyaring masama habang kasama kita ngayon,” aniya na nailing pa.

“Good night, Ingrid,” aniya nang tuluyan na akong maihatid sa bahay. Sineyasan niya lang akong pumasok na subalit pinanood ko lang siyang umalis na. I felt really grateful but I don’t think na makakatulog ako ng matiwasay kung hindi ko malalaman na ayos ‘to. Tinawag ko lang sandali si Indigo at ibinigay ang numero ng cellphone na pinapagamit ko kina Irah at Sandro para kung sakaling may biglaang mangyaring kung ano.

“Itext mo kung nakauwi ka na,” ani ko kaya tumango siya sa akin. Kumaway lang nang umalis.

Nang pumasok ako sa loob ng bahay, tulog na rin ang mga kapatid ko. Naglinis lang ako ng katawan. Nang matapos na sa mga kailangang gawin, nahiga na ako para silipin ang mensahe galing kay Indigo. Napangiti na lang ako nang nakauwi ito ng maayos.

For the past few days ay ganoon lang ang nangyari, madalas niya akong ihatid at itext na nakauwi na siya. Sa loob ng ilang linggo ay mas lalo pa kaming napapalapit sa isa’t isa katulad na lang din ng papalapit na pasukan at hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko pa ba. Gusto ko. Gustong-gusto.

Sa mga nakaraang linggong nagdaan, nag-isip ako ng iba pang pagkakitaan habang nag-aaral and I think of online selling. May kaunting ipon ako, pupwede ko ‘yong palaguin at pupwede pa rin naman akong magtrabaho rito dahil panggabi naman at ilang oras lang din. Kakayanin ko rin naman siguro.

Habang naglalakad papasok ay may humawak sa braso ko, kampante ako na si Indigo ‘yon subalit nanlaki ang mga mata ko nang makitang ito ‘yong lalaki noong nakaraan. Hindi ko na naiwasan pa ang mapatili dahil dito subalit agad niyang tinakpan ang bibig ko.

“Huwag kang mag-ingay, Miss. Hold-up ‘to,” aniya sa akin kaya nanlaban ako. Mayamaya lang ay biglang sinabi na nasa tv show ako na tinatawag na ‘Wow, may tama’. They are producing a variety show. Hindi ko naman mapigilan ang samaan ng loob, variety show na halos mamamatay ka sa kaba. Humingi sila ng patawad subalit hindi ko magawang matuwa sa prank nila ngunit sa huli’y isinawalang bahala ko na rin.

Laking pasasalamat na for filming lang ‘yon kung hindi’y baka araw-araw talaga akong magkaroon ng anxiety kung makakauwi ba ako ng maayos o kung ano-ano pa.

“Badtrip ka ata?” tanong nang kakapasok lang na si Indigo. Ang ngiti’y abot pa rin hanggang langit. Naiwala naman sa isipan ko ang nangyari kanina lalo na nang magkausap kami nitong si Indigo.

“Scholarship form.” Iniabot niya sa akin ang isang papel. Hindi ko naman mapigilan ang matigilan dahil do’n.

“I know na expensive ang filming and you probably have a plan in your mind. As of now, scholarship for education muna ang maitutulong ko sa’yo,” aniya na ngumiti sa akin.

“You’re really a living sign for me to continue studying,” natatawa kong sambit bago tinanggap ang form ba ‘yon. Ang sabi ko lang sa sarili ay bigyan ako ng sign. Talagang binigyan Niya nga ako, naglalakad pa.

“So what’s your plan?” tanong niya sa akin.

“I have list here ng pupwede mong pagkakitaan,” aniya na iniabot pa ang papel sa akin. Hindi ko naman siya mapigilang tignan dahil do’n.

“Why are you doing this?” tanong ko.

“Because I want to help you?” patanong na saad niya naman.

“Bakit?” tanong ko ulit na nakataas pa ang kilay. Bahagya naman siyang natawa sa akin dahil do’n.

“Anong klaseng tanong ‘yan?” tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya sandali bago ko nilingon ang papel. Ang dami ngang nakalista rito.

“As of now, online selling ang mabenta sa online ngayon,” aniya sa akin.

“Hmm, wala akong social media account at wala ring cellphone,” ani ko. Gusto ko rin sana ‘yon kaya lang marami ring kailangang isaalang-alang.

“I can be your business partner, you know,” aniya na ngumiti pa sa akin.

“I can use my social media account at kung sakali’y pupwede rin tayong gumawa ng sariling page if you want,” aniya sa akin kaya hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya. Bahagya pa akong natawa nang maimagine siyang nagtitinda online.

“What was that laugh for?” tanong niya na pinaningkitan pa ako ng mga mata. It’s not like I’m laughing because his a man. It’s just that knowing Indigo? Paniguradong ang dami nitong sasabihin para lang ibenta ang mga ititinda namin and I find it really cute.

“Is it fine with you? Hindi ka ba nahihiya sa mga friends mo?” tanong ko.

“Bakit naman ako mahihiya? It’s a job,” aniya na nagkibit pa ng balikat.

“So, now, are you in?” tanong niya sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan talagang napapapayag ako nito.

“It’s a deal now, Ma’am,” aniya na nakipagkamay pa sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro