Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6

Ingrid’s POV

“Hi,” bati ni Indigo sa akin.

“Good evening, how’s the movie fest?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akim dahil do’n.

“It’s cool. Ang daming magandang indie movie ang naroon,” aniya. Nagsimula siyang magkwento habang ako naman ay interesadong-interesado na pakinggan ito.

“How about you? How was your day?” tanong niya na nginitian pa ako.

“It’s fine, nothing unusual,” ani ko.  

“Maraming customer kahapon?” tanong niya pa.

“Sakto lang naman,” ani ko na napaisip pa. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan habang wala pang customer. Bahagya naman akong napakunot ng noo sa kaniya nang iabot niya ang isang ticket sa akin.

“Ano ‘to?” tanong ko na kumunot pa ang noo.

“Let’s watch that kapag day off mo,” aniya na nginitian ako. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n. Gusto kong matempt subalit sayang din ang oras para makasama ang mga kapatid at of course si Mama.

“Hindi ako pupwede,” ani ko kaya agad siyang napanguso.

“We can watch then after that uwi na rin tayo agad. Isipin mo na lang na treat ko ‘yan no’ng grumaduate ka,” saad niya.

“Hindi ko ‘yan matatanggap. Bukod sa nakakahiya, kailangan din ako ng mga kapatid ko,” ani ko na tipid siyang nginitian. Napatitig naman siya sa akin dahil do’n. Sa huli’y bumuntong-hininga siya.

“Alright, if you ever change your mind go there. Hindi ko na babawiin wala rin naman akong pagbibigyan,” natatawa niyang sambit.

“Why are you good to me?” hindi ko maiwasang itanong sa kaniya dahil talaga namang nakapagtataka na ang bait-bait niya sa akin. People usually tend to be kind para bumalik sa kanila ang kabutihang pinapakita. Ganoon ang mga taong nakapaligid sa akin kaya nakapagtataka na hindi pa siya humihingi ng kapalit.

“Kailangan ba masama ako sa’yo?” tanong niya naman na kumunot pa ang noo.

Sa huli’y hindi ko na lang maiwasan ang mapaisip tungkol doon.

Nang makauwi sa bahay ay hindi ko maiwasang mapatitig sa ticket na ibinigay niya sa akin.

“Wow, bumili ka ng movie ticket, Ate?” namamangha na tanong ni Irah na lumapit pa sa akin para silipin ‘yon.

“Ah, hindi. Ibinigay lang, hindi ko rin naman gagamitin,” aniya ko kaya agad niya akong tinignan na nagtataka.

“Huh? Bakit naman, Ate? Minsan ka lang magkaroon niyan!” ani Irah.

“Wala akong oras para rito, Irah,” ani ko na nailing pa.

“Ano pang silbi ng day off, Ate?” natatawa niyang tanong sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko sa kaniya dahil do’n.

“Kung inaalala mo po kami, hindi naman kami lumalabas ni Sandro rito. Malalaki na po kami,” aniya sa akin. Grade 6 pa lang ‘tong si Irah sa pasukan subalit ang matured na rin kung mag-isip.

“Magpapahinga ako. Dito sa bahay, Irah. Huwag kang mag-alala,” ani ko na natawa na lang.

“Sus, kung hindi niyo po gustong pumunta riyan, bakit titig na titig ka?” tanong niya sa akin na nanliliit pa ang mga mata. Napatikhim naman ako dahil sa tanong nito.

“Ayos lang po talaga, Ate, promise! Babantayan ko sila! Wala ka na pong time para sa sarili mo,” aniya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang guluhin ang buhok nito. I’m kinda thankful dahil sa kanila but at the same time, naaawa rin ako para sa mga kapatid ko.

“Is it really okay?” tanong ko. Agad naman siyang tumango.

“Enjoy ka po, Ate,” aniya sa akin kaya napangiti na lang din ako.

Nang ibalita ko ‘yon kay Indigo ay talaga namang tuwang-tuwa ito.

And now, the time has come. Hindi ko alam kung anong susuotin ko gayong halos lahat ata ng damit ay kupas na dahil hindi pa ako nakakabili ng bago. Magagamit pa naman kasi. Mag-uukay na lang siguro ako sa susunod na linggo kaya lang ay baka manghinayang lang ako kung hindi ko man magamit.

Sinuot ko lang ang fitted na pantalon ko at ang puting t-shirt bago sinuot ang nag-iisang sneakers. Nang matapos ay lumabas na rin ako at nagpaalam na sa aking pamilya. Bago pa ako umalis ay nakathumbs up ang dalawa sa akin. Hindi ko maiwasan ang matawa roon dahil sobrang considerate ng mga ito sa ganoong edad.

“Hi,” bati ko kay Indigo. Sa may tapat ng convenience store ang meeting place namin. Bahagya naman akong natawa nang marinig ang pangangantiyaw nina Aling Gloria. Nailing na lang ako roon.

“Ganda mo naman, Lodicakes,” aniya na malapad pa ang ngiti nang tignan ako.

“Huwag mo akong bolahin, ganito rin ang mukha ko araw-araw,” ani ko. Maliban sa lip gloss na pasimpleng nilagay, wala namang nagbago sa style-an ko kaya alam kong binobola lang ako ng hinayupak na ‘to.

“’Yon nga e, araw-araw kang maganda,” sambit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakakahiya lang na binobola ako nito.

“Tigilan mo nga ako, Indigo. Huwag ka ng sumubok na pormahan ako, wala akong oras para sa jowa,” ani ko kaya narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa bago ako sinundan.

Nagjeep lang kami patungo sa sinehan. Nang makarating doon ay hindi ko rin mapigilan ang maexcite. Ngayon na lang ulit ako makakapasok dito. Noong hindi pa hiwalay si Mama at Papa, madalas kaming nandito subalit ngayon ay wala na.

Tahimik naman kami nang magsimulang panoorin ang film. Ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Pareho lang nakafocus sa pinapanood. The film is good, ang daming aral ng kwento.

“I can say na it’s kinda cool, iisa lang ang setting na ginamit but the whole plot is wholesome,” ani Indigo sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang mapatango roon.

“Sinabi mo pa! I live for the transition. Kita mo ba?” tanong ko na hindi pa maiwasang mapangiti habang inaalala ‘yon. Bagoatuloy lang kami sa pahkukwentuhan habang naglalakad sa mall.

“They said we never watched the whole movie,” random niyang saad.

“Huh?” naguguluhan kong tanong. Kakatapos nga lang namin ng isang buo. Anong pinagsasabi nito?

“We never watched full movie because we blink all the time,” aniya kaya napahinto ako sa paglalakad at matagal na napatanga sa kaniya.

“Tangina mo, Indigo, masiyado na akong maraming iniisip sa buhay. Huwag mo ng dagdagan,” ani ko nang mapagtanto ang sinabi nito. Napatawa rin tuloy siya sa akin dahil do’n.

“Hindi pupwedeng ako lang ang mag-isip nito bago matulog, Ingrid,” natatawa niyang saad na napailing pa. He’s really random but it’s really intertaining. I know I was boring to talk to dahil madalas ay wala akong nasasabi but with him? Parang hindi siya nauubusan ng baon na topic.

We’re eating an ice cream nang may biglang humawak sa akin.

“Ate Ingrid!” Bahagya akong nagulat nang makita si Marga, kapatid ni Jayvee.

“Hey?” naguguluhan kong tanong.

“Can you come with me? Naaksidente si Kuya, Ate!” aniya sa akin kaya agad akong dinaluyan ng pag-aalala. Kahit paulit-ulit ko pang sabihing niloko niya ako, may pinagsamahan kami. Nandoon siya no’ng mga panahong walang-wala ako.

“I’m sorry, Indigo, I need to go,” ani ko sa kaniya. Ni hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito. Dire-diretso lang ako sa pag-alis.

Sumakay naman ako sa kotse nina Marga. Nilingon ko siya after that.

“Paano mo nalamang nandito ako?” tanong ko.

“Tinanong ko po ang mga kapatid niyo, Ate. They said you’re here,” aniya.

“Anong nangyari sa Kuya mo?” tanong ko.

“Car accident po,” aniya na kingat pa ang labi.

Nang makarating kami roon ay hindi ko maiwasan ang kumunot ng noo dahil sa bahay lang nila kami nagtungo.

“Sabi na nga ba, hindi mo rin ako matitiis, Ingrid,” nakangiting saad ni Jayvee nang makita ako. Nawala ang pag-aalala sa mukha ko. Napalitan ‘yon ng galit at pagkasuklam. What the fuck is wrong with him? Does he really think na lahat ng bagay ay umiikot lang sa kaniya. Putangina. I have a plan pero pinuntahan ko ‘to dahil lang nag-aalala ko.

Tinignan ko si Marga na siyang agad na nag-iwas ng tingin.

“I’m sorry, Ate,” she murmured. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero isa lang ang nanaig. Galit.

“Hija, nandito ka pala,” ani Tita sa akin. Malapad ang naging pagngiti niya nang tingnan ako.

“Kain ka muna rito, Hija, sakto at lunch na,” aniya sa akin. Naging mabait sa akin si Tita at hindi ko ata magagawang pakitaan ‘to ng kasamaan kung sakali. Tipid lang akong ngumiti bago tumango sa kaniya.

Nang pumasok kami sa loob ay welcome na welcome ako sa bahay nila. Katabi ko si Jayvee sa hapag. Sanay na sila sa amin dahil madalas akong dinadala nito rito sa bahay nila bilang kaibigan.

Tahimik lang kami habang kumakain, si Tita’y nagtatatanong-tanong tungkol sa akin.

“Bakit hindi ka na madalas bumisita rito, Hija?” tanong niya sa akin.

“Ah, busy na po ako, may trabaho po kasi,” ani ko.

“Oh, nasabi nga rin sa akin ni Jayvee. Naghahanap ka ba ng scholar for this school year? Sabihan mo lang ako, naghahanap ang papa ni Jayvee ng mga batang masisipag mag-aral,” aniya na nginitian ako bago pasimpleng sinulyapan ang anak.

“Hindi na po,” ani ko na tipid lang na ngumiti. As much as possible. Susubukan kong tumayo sa sarili kong paa.

Hanggang sa matapos ang pagkain ay ang dami nilang itinatanong sa akin na tipid ko namang sinasagot. Nang matapos doon ay nilingon ko si Jayvee.

“Can we talk?” ani ko na nginitian siya.

“Tungkol ba sa atin? Gusto mo bang makipagbalikan?” tanong niya. Sinenyasan ko lang siyang lumabas kami. Mapuno ang village nila kaya hindi naman mainit.

“I still remember how we first talked to each other, ‘yong mga panahong walang kahit ni isang kumakausap sa akin but you… you chose to talked to me.”

“Naalala ko pa na ikaw ‘yong naging kakampi ko sa nakakatakot na mundo. You’re always been that person na naiisip ko kapag kailangan ko ng masasandalan.” Ngumiti pa ako nang lingunin siya. Kita ko namang nakatulala lang siya habang nakikinig.

“Hindi ko alam kung bakit? Kung saan? Kung paanong bigla na lang nagbago ‘yong nararamdaman mo para sa akin pero masaya pa rin naman ako na kahit paano nakilala kita,” ani ko kaya agad siyang lumingon sa akin. Umiling-iling.

“Ingrid, huwag namang ganito, ayaw kong pakinggan. Baka wala na talaga akong panghawakan,” aniya na tinatakpan pa ang tainga. Tinignan ko lang siya bago tipid na nginitian. Nang alisin niya’y saka ako nagpatuloy.

“Thank you for those 2 years, Jayvee. Salamat sa masasayang memorya. Salamat sa pagiging nobyo sa akin. Salanat sa lahat.  I’m sorry too, hindi ko alam kung saan ako nagkulang pero patawarin mo pa rin ako dahil hindi ako naging sapat. I’m sorry kung kinailangan mo pang maghanap ng ibang tao sapagkat I wasn’t good enough,” ani ko.

“No, Ingrid, ako ang mali. Ako ang nagkasala, I’m sorry…” aniya. Ngumiti lang ako sa kaniya.

“Now, I’m closing our book, ito na ang huling bahagi niyon at ito na rin ang huling beses na kauusapin kita tungkol dito, seryoso na ako sa pagkakataong ‘to,” ani ko na nginitian siya bago tinapik sa balikat. Nanatili lang siyang nakatulala roon ng iwanan ko siya.

Imbis na maisip ko ang hiwalayang ‘yon, hindi ko alan kung bakit hindi siya ang naiisip ko kung hindi si Indigo.

For one week, hindi ko halos nakikita ito kaya hindi ko maiwasang isipin kung nasaan ba siya. Nasanay na ako na lagi siyang tambay dito sa convenience store. Napakagat ako sa aking labi nang maisip na baka nagalit ‘to no’ng iwan ko siya dahil lang kinailangan ako ng kung sino. Hindi pa man din ako nakahingi ng tawad dahil una sa lahat hindi ko alam kung saan talaga ‘to nakatira. Pangalawa, wala akong cellphone para tawagan ang numero niya. Pangatlo, hindi na siya bumalik dito sa convenience store.

Nahinto lang ako sa pag-iisip nang makita ko ang papasok sa loob. Agad akong napadiretso ng tayo nang makita ang iniisip. Si Indigo.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro