Chapter 5
Chapter 5
Ingrid’s POV
“Para saan ‘to?” tanong ko na kumunot ang noo kay Indigo nang iabot niya ang ilang vcd sa akin nang makapasok siya sa loob.
“Old films galing sa baul ng lolo ko. I’ll lend it to you,” aniya na ngumiti pa. Well, I’ll be glad to take it. Ang daming magandang old films na hindi na makita ngayon. Wala rin naman akong panood sa internet kaya madalas ay nakikihiram lang ng vcd para sa dvd player namin sa bahay.
“Wala bang bayad ‘to?” tanong ko na pinanliitan din siya ng mga mata. Tumawa naman siya dahil do’n.
“Bakit ba sa tingin mo lagi’y may kapalit ang lahat ng bagay?” natatawa niyang tanong sa akin na naniningkit pa ang mga mata. Napakibit naman ako ng balikat dahil do’n.
“Walang bayad. Basta pakisauli kung hindi’y aabangan kita,” biro niya pa na inirapan ko lang. Tinignan ko naman ang mga vcd.
“Napanood mo na lahat ‘to?” tanong ko. Mayroong mga pamilyar sa akin. Napanood ko na ang iba rito.
“Yup, I highly recommended this,” aniya na tinuro pa ang isang vcd.
“Oh, I already watched that and I was left hanging sa ending,” sambit ko.
“Parang may kulang,” ani ko na napanguso.
“I think we have different opinion in this one,” aniya. Inexplain ko naman kung bakit nakukulangan ako, pinakinggan niya ako at ganoon din ako nang siya ang magpaliwanag. Iba ang pananaw namin sa movie and it’s kinda entertaining na marinig ang kaniya.
“Mukhang nagkakamabutihan kayong dalawa, huh?” Napatingin ako kay Aling Gloria nang pumasok siya.
“Oh, may naiwan po kayo?” tanong ko.
“Wala, Hija, ibibigay ko lang ‘to sa’yo. Iuwi mo sa mga kapatid mo.” Iniabot niya sa akin ang carbonara na mukhang niluto nito. Nagpasalamat naman ako roon.
“Ganiyan din ako no’ng kabataan ko sa inyo,” aniya pa sa amin ni Indigo. Hindi ko naman maiwasang kainin ng hiya dahil dito.
Nang-asar lang siya bago niya kami iniwan ni Indigo rito. Kapag walang customer ay nagkukwentuhan lang kaming dalawa. Magaan ang loob ko sa kaniya kaya hindi ako makaramdam ng pangamba kapag siya na ang kausap.
“There’s movie festival next Sunday, want to come with me?” tanong niya sa akin. Nahinto naman ako dahil do’n. Gusto kong sumama subalit nanghihinayang sa trabaho. Sayang din ang kikitain ko sa araw na ‘yon.
“I don’t think I can.”
“Sagot ko, wala kang gagastusin maski singko,” aniya sa akin.
“Hindi pa rin pupwede,” ani ko.
“Why? May boyfriend ka ba?” tanong niya kaya kumunot ang noo ko rito. Kapagkuwan ay natawa na lang dahil sa biglaang tanong nito.
“Kapag hindi pwede, ibig sabihin ay may boyfriend na?” natatawa kong tanong.
“Baka mamaya’y tinatanong mo lang ‘yan dahil gusto mo akong pormahan, ah?” ani ko na nakangisi pa sa kaniya. Tumawa naman siya at nailing sa akin.
“Pero bakit nga hindi pwede?” tanong niya.
“Busy ako,” ani ko.
“Hindi ba uso sa’yo ang pahinga?” pang-uusisa niya pa.
“You know, sometimes, hindi mo kailangan sagarin ang sarili mo hanggang dumating ka sa puntong pagod na pagod ka na,” aniya sa akin. Mayamaya ay nagsimula siyang magkwento.
“Narinig ko lang ‘to noong nakimisa ako. May dalawang taong nagpuputol ng puno, ‘yong isa tuloy-tuloy lang samantalang ‘yong isa’y kada kalahating oras nagpapahinga mga five mins ganoon ba. Habang nagpapahinga siya, hinahasa niya ang itak niya kaya kapag nagtutuloy sa pagputol ng puno, mas bumibilis. Ang ending nanalo pa ‘yong nagpapahinga,” sambit niya. Nakikinig lang naman ako rito.
Right, ako na rin mismo ang nagsabi na minsan kailangan mong huminto para magpatuloy subalit hindi pa ngayon ang oras para huminto. Gusto kong mag-aral. Hindi ako pupwedeng magsayang ng oras.
“Ano? G na ba?” tanong niya sa akin.
“Ayaw ko pa rin. Balitaan mo na lang ako,” ani ko na napakibit pa ng balikat. Napanguso naman siya dahil do’n.
“Sayang,” aniya kaya ngumiti na lang ako at nagkibit ng balikat.
“Akin na, tulungan na kita,” aniya nang makitang may mga bubuhatin para ayusin sa kabilang bahagi ng convenience store.
“Hindi na, Indigo, customer ka rito. Manahimik ka na lang sa isang tabi,” naiiling kong saad sa kaniya subalit malapad niya lang akong nginitian bago binuhat ang mga ‘yon. Napapailing na lang ako habang tinititigan ‘to.
“Teka, huwag mo akong titigan,” aniya sa akin na natatawa pang lumalayo.
“Nahihiya na ako, wala na,” sambit niya pa kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Ang laki-laking tao nahihiya, parang sira. Nagtatawanan lang kaming dalawa nang may pumasok at dire-diretso siyang kinwelyuhan.
Napaawang naman ang mga labi ko nang makita si Jayvee na nagpupuyos ng galit.
“Kaya naman pala hiniwalayan mo ako, Ingrid!” malakas na sigaw niya sa akin nang nasuntok si Indigo na siyang nakangisi ngunit kung titignan ang mga mata nito’y isang salita ang mabubuo sa’yong utak. Kapahamakan. I felt sorry for him dahil pati siya’y nadamay pa rito.
“Huwag dito, please lang,” ani ko.
“Ano ba, Jayvee?” sigaw ko nang hilain niya ako subalit bago niya pa matuluyang gawin ‘yon ay nakabawi na rin sa kaniya si Indigo.
“Huwag naman kayong manggulo rito,” ani ko dahil muntikan ng tumumba ang isang shelve ng pagkain. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling masisante ako sa kagagawan nila. Nakita kong huminto si Indigo at nilingon ako. Ang kaninang galit na mukha nito’y napalitan ng pag-aalala sa akin. Hindi niya tuloy namalayan ang pagsuntok sa kaniya ni Jayvee dahilan din ‘yon nang pagtumba ng bote ng mga alak. Natulala na lang ako at hindi alam ang gagawin sa mga alak na nabasag.
“Sa labas? Pwede?” tanong ni Indigo sa akin. The next thing that I knew ay nasa labas na ang mga ‘to. I don’t even know if I can’t think of them when now nadagdagan pa ang problemang mayroon ako.
Napapikit na lang ako habang pinagmamasdan ang mga alak. Gusto kong maiyak dahil wala akong pambayad nito kung sakali. Isa pa, hindi ko alam kung mananatili ako sa trabahong ‘to. Alam kong mabait sina Aling Gloria subalit hindi ko alam kung saan ba aabot ang kabaitan nito.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang pumasok muli si Indigo at Jayvee. Hawak-hawak ni Indigo ito mula sa kwelyo habang binibitbit palapit. Nakita ko ang mga pasa mula sa mukha ni Jayvee. Hindi ko mapigilan ang sariling maawa rito kahit na galit ako. May pinagsamahan kami kaya kahit na anong gawin ko, hindi ko pa rin maiiwasang mag-alala rito.
Siguro noong una nagalit ako sa kaniya but I’ll always want to see him happy kahit na hindi pa sa akin.
“I’m sorry, Ingrid,” ani Jayvee sa akin.
“Babayaran ko ang lahat ng ‘yan,” sambit niya pa. Nanatili lang akong nakatingin dito bago sa huli’y nilapitan siya para gamutin ang ilang pasa na nasa kaniyang mukha.
“Stay still,” ani ko sa malamig na tono. Hindi por que ginagawa ko ito, ibig sabihin ay babalik ako. Hindi rin ibig sabihin na pinapatawad ko na siya. Nanatili naman siyang tahimik. Ramdam kong pinapanood niya ang galaw ko pero hindi ko sinalubong ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. Nanatili lang malamig ang tingin ko sa mga sugat mula sa kaniyang mukha.
Nang matapos ‘yon ay tatayo na sana ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.
“I miss you damn much. I’m really sorry for everything that I’ve done. Mahal na mahal kita, Ingrid,” aniya sa akin kaya inalis ko lang ang pagkakahawak niya bago siya nginisian.
“We’re done. Tapos ang usapan,” malamig kong saad. Kita ko naman ang lungkot mula sa mga mata niyo subalit hindi niya ako madadaan doon.
“Bakit ba ang tigas-tigas mo, Ingrid? Hindi mo ba talaga magagawang magpapatawad? Walang namamagitan sa amin ni Sarah, lahat ng ginagawa ko para sa’yo. Para magselos ka, para balikan mo ako. Please, Ingrid, balikan mo na ako,” aniya sa akin kaya hindi ko maiwasang matawa bago napailing. This jerk really knows how to piss me off.
“I don’t really care about you and Sarah, Jayvee. Sa ginagawa mo, mas lalo ko lang gugustuhing mag-isa. Minahal kita. Sapat at totoo,” nakangisi kong saad na napailing pa.
“Really? Minahal mo ba talaga ako? Bakit parang ang bilis mong itapon ang lahat? Ngayon ay nakikipagrelasiyon ka pa riyan sa lalaking ‘yan!” aniya na tinuro pa si Indigo. Saka ko lang din namalayan na nandito pa nga pala siya. He was just watching us. Napaiwas ako ng tingin ng magsalubong ang mga mata namin. Nandito na naman siya, watching this embarrasing things.
“Huwag mong ipasa sa akin ang kalokohang ikaw ang gumagawa. Umalis ka na, tangina ka.” Kalmado subalit nagpupuyos sa galit na saad ko. Tinalikuran ko na siya at wala ng balak pakinggan ang mga pinagsasabi nitong wala namang kabuluhan.
“Bago ka umalis, bayad muna. Bobo mo e,” Narinig kong saad ni Indigo na hinabol sandali si Jayvee na magwawalk out na. Inayos ko lang ang mga nagulong gamit bago ako tumayo.
“What about me?” tanong ni Indigo na siyang nakatayo sa tabi ng shelve. Hinihintay akong matapos.
“What about you?” tanong ko na kumunot pa ang noo sa kaniya. Tinuro niya naman ang mga pasa sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit para bang sa isang iglap ay nawala ang inis na nararamdaman ko. Bahagya pa akong natawa sa kaniya dahil do’n.
“Your ex is really lucky,” aniya nang maupo kami sa upuan dito sa convenience store. Mabuti na lang talaga’y walang dumadating na customer.
“Eventhough you aren’t together. I can still see that you care. I don’t really know why he cheated on you when in fact he already have the rarest emerald…” aniya sa akin at ngumiti.
“Baka hindi ako sapat,” ani ko na napakibit pa ng balikat habang ginagamot ang sugat sa gilid ng kilay niya.
“Silly, that’s not how you supposed to answer,” sambit niya sa akin na pinitik pa ako sa noo. Sinamaan ko naman siya ng tingin at kalaunan ay nagtataka siyang tinignan.
“Kahit na sa tingin mo hindi ka sapat, cheating is cheating. Mali kahit anong anggulo mo tignan,” aniya sa akin.
“Now, you should rephrase what you said,” turan niya kaya hindi ko mapigilan ang mapailing at matawa. Hindi ko na sana uulitin pa subalit mas lalo akong kinulit nito.
“Come on,” aniya. Hindi talaga hihinto hangga’t hindi ko sinasabi.
“I know right? Swerte niya na sa akin, nagawa pa akong lokohin.” Napatawa naman ako nang guluhin niya ang buhok ko.
“Tapos na,” ani ko nang magamot ang maliit na sugat.
He also give the money that was given by Jayvee. Hindi naman ako nagdalawang isip para tanggapin ‘yon lalo na’t wala naman akong pera para magmataas pa.
I spend my night doing my remaining works. Napatingin ako kay Indigo nang makitang nandito pa rin siya.
“Hindi mo ako kailangan hintayin,” hindi ko mapigilang sambitin sa kaniya dahil madalas niya akong hinihintay na makauwi bago siya umaalis.
“I’m not waiting for you, oras lang ng pag-alis ko,” aniya kaya pinaningkitan ko lang siya ng mata. Natawa naman siya sa akin dahil do’n. Sabay lang kaming naglakad sa kalsada bago naghiwalay ang landas.
“Ingrid,” tawag ni Indigo sa akin bago ko pa siya malagpasan.
“Hmm?”
“Here,” aniya na inabutan ako ng pepper spray na may kasama pang flashlight na maliit. Napatingin naman ako sa kaniya roon.
“I know na you’ll say kaya mo ang sarili mo but I still want to give this to you para sigurado. It’s scary to walk late at night,” sambit niya.
“May I ask for your phone?” tanong niya pa sa akin.
“Wala akong cellphone,” ani ko kaya tinignan niya lang ako.
“Seryoso nga,” natatawa kong saad at bahagya pang napailing. Mahal ‘yon, mas maganda na gatusin na lang sa pangangailangan ang perang mayroon ako.
“Fine,” aniya na napakamot pa sa ulo.
“See you tomorrow, Ingrid. Good night,” aniya na ngumiti sa akin bago kumaway. Nginitian ko lang din siya bago nagpasalamat at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makauwi’y hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa pepper spray na binigay nito.
Delikado na nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro