Chapter 48
Chapter 48
Ingrid’s POV
“Saan ang Tatay mo, Nak?” tanong ko kay Raya.
“May biglaang meeting daw po, Nay,” ani Raya kaya kumunot lang ang noo ko.
Hindi man lang nagpaalam sa akin?
Napasimangot na lang ako bago nagbuntonghinga. Nagawa ko pa siyang itext dahil hindi man lang niya ako nagawang iinform. Tamad akong nahiga sa sofa namin dito sa bahay. Noong nakaraang buwan pa ito gawa kaya nakalipat na kami.
Ako:
Huwag ka ng umuwi
Ako:
Diyan ka na tumira
Safe Place:
Huh??
Safe Place:
Hoy, bakit?
Safe Place:
Sorry, biglang nagpatawag ng meeting
Safe Place:
Kakapaload ko lang, hindi ko na ako nakapagpaalam
Safe Place:
Galit ka?
Safe Place:
Luh
Safe Place:
Hindi nagrereply amp
Nang makita kong tumatawag na ito’y pinatay ko lang ang cellphone. Bahala siya sa buhay niya. Napairap na lang ako roon.
“Ate, tumatawag si Kuya, paka-usap daw sa’yo,” sambit sa akin nina Sandro subalit umirap lang ako.
“Busy ako sabihin mo,” ani ko kaya nagtataka akong tinignan ni Sandro.
“Tapos mo na ang mga records mo, ‘di ba, Ate?” tanong niya dahil nakahiga lang ako.
“Busy akong magpahinga,” masungit na sambit ko kaya napakamot siya ng ulo.
“Anong sasabihin ko kay Kuya? Lq ba kayo?” tanong niya.
“Hayaan mo siya, huwag na siyang umuwi kamo,” ani ko.
Kahit na lumipat na kami ng bahay, tambay pa rin ang mga kapatid ko rito sa amin. Nakikiwifi at malaki rin naman ito kaya ayos na ayos lang. Maski sina Tita ay madalas ding bisitahin si Raya kapag may oras sila. Kasundong-kasundo ni Tito si Raya at mukhang stress reliever na rin nila ang pagbisita rito sa Nueva Ecija. Madalas din naman kaming magtungo sa kanila kapag may mga shoot kami ni Indigo sa Manila.
Nanonood lang ako sa tv namin, nakatapos na rin ako ng ilang movie na hindi pa dumadating si Indigo. Hindi ko maiwasan ang maluha nang makita ang pangalan nito sa screen ng tv bilang producer ng movie. Hindi ko alam kung proud lang ba ako sa kaniya o sadyang sa sobrang inis ay naiiyak na lang talaga.
“Hala, bakit ka umiiyak?” tanong ni Indigo na kararating lang. Kita ko ang mga mata niyang nag-aalala sa akin. Ipinalis ko ang luha mula sa akin bago ko siya masamang tinignan.
“Umuwi ka pa, hindi ka na lang doon natulog,” ani ko kaya agad siyang napatikhim at napatayo pa nang diretso.
“Hala, bakit galit? Sorry na, nawalan ako ng load at biglaan din ang meeting. Nasa school ka pa kanina kaya hindi kita nasabihan,” pagpapaliwanag niya.
“Pero nagpaalam naman ako kay Raya,” aniya pa na napakamot sa ulo. Tinignan ko lang siya at inirapan.
“Doon ka nga, naiirita ako sa mukha mo, umay,” ani ko kaya agad siyang napanguso na lumapit pa para yumakap.
“Sorry na, Love, huwag ka ng magalit,” panlalambing niya. Sa huli’y nagpalambing din naman ako. Hindi rin natiis ang hinayupak.
Kinabukasan ay lumabas kami at naglakad para bumili ng pandesal subalit sobrang yamot ako nang makitang wala ang nagtitinda.
“Ang aga-aga, Love, galit na galit ka na naman,” ani Indigo kaya nilingon ko siya at pinagtaasan siya ng kilay.
“Kanino mo ako gustong magalit?” tanong ko. Alam na agad niya na mapapasa sa kaniya ang init ng ulo ko kaya naman agad siyang nagsalita.
“Sige na pala, ituloy mo na ‘yang inis mo,” natatawa niyang sambit kaya hindi ko mapigilan ang mapairap.
Nang umuwi tuloy kami’y nakasimangot lang ako. Nagtataka tuloy sina Jolie nang madaan ako sa harapan nila.
“Bakit nakasimangot si Ate, Kuys?” tanong niya kay Indigo.
“Wala ‘yong nagtitinda ng pandesal sa tapat,” anito.
“Mayroon naman sa kanto,” ani Jolie na nagtataka.
“Kina Aling Lorin lang ang gusto ko,” ani ko na napasimangot na nagtungo sa sofa. Buong umaga tuloy ay badtrip lang ako. Si Indigo’y pilit na pinapagaan ang loob ko subalit napapasa lang sa kaniya ang inis ko.
“Ang hirap mo namang suyuin, Love,” reklamo niya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Edi doon ka!” inis na sambit ko at tumayo na sa sofa. Hindi na siya pinansin pa hanggang sa maggabi ay wala lang akong kibo sa kaniya. Kung noong una’y sinusungitan ko pa siya, noong sabihin niyang mahirap akong suyuin, hindi na talaga ako nagsalita pa.
“Aalis akong may sama ng loob misis ko,” ani Indigo sa akin kinabukasan na hindi ko man lang siya nilingon.
“Sorry na,” aniya na sinubukan pa akong halikan sa pisngi subalit iniwas ko lang ang mukha at hindi siya pinansin.
“Kain na tayo, Raya,” ani ko na nginitian pa ang anak.
“Nag-away po kayo?” tanong niya nang mapansin na nakasunod lang sa akin si Indigo. Ngumiti lang naman ako sa kaniya at umiling. Nagsimula naman na kaming kumain. Nanunuyo pa rin si Indigo subalit hindi ko na rin pinapansin pa. Two days siya sa shoot niya at two days ko siyang hindi makikita.
“Ang hirap namang umalis kung may tampo si Ma’am,” aniya kaya umirap lang ako.
“Bye, Love,” aniya na humalik sa pisngi ko. Hindi ko naman na iniwas ngayon dahil aalis na siya. Gustong-gusto ko naman ang amoy nito kaya pasimpleng suminghot.
“Bati na tayo, I’ll call you later,” sambit niya pa na ngumiti nang malapad sa akin. Simple lang akong tumango.
“Ingat,” tipid kong saad. Umalis na rin ito mayamaya. Sakto naman dating ng mga kapatid na makikitambay, mukhang nasa store na si Papa kaya nandito na sila.
Ilang linggo ata na madalas akong magtampo at madalas na uminit ang ulo. Idagdag mo pa ang pagiging emosiyonal sa mga simpleng bagay.
“Love, baka buntis ka?” tanong ni Indigo sa akin. Kinunutan ko naman siya ng noo. Lagi niya na lang sinasabi ‘yan sa akin, sa kagustuhan niyang mabuntis ako’y kahit masuka lang sa tae ng aso’y sasabihan niya na agad akong buntis.
“Tigilan mo nga ako, matulog ka na lang,” ani ko.
“Pacheck up na kaya tayo?” tanong niya pa sa akin na nangungulit na naman.
“Nag-iinit lang dugo ko sa’yo, binibigyan mo na agad ng meaning,” ani ko na napailing pa. Subalit katulad ni Indigo ay ganoon din ang naiisip ko at nina Irah. Ayaw ko lang madisappoint si Indigo kapag wala dahil ang tagal niya na ring hinihiling ang magkasecond baby kami pagkatapos niyang makabawi kay Raya. Although bumabawi pa rin talaga hanggang ngayon.
“Ang bilis uminit ng ulo mo ngayon, Ate,” sambit nina Irah at Jolie sa akin habang nagpepedicure kami.
“Hindi kaya… buntis ka?” sabay pa nilang tanong. Napaawang naman ang labi ko dahil doon. Pakiramdam ko’y ganoon nga. Kung gaano ako kaemosiyonal nang ipinagbubuntis ko si Raya ay ganoon din ako ngayon.
“Bilhan ka na ba namin ng pregnancy test, Ate?” tanong nila sa akin.
“Diretso na lang siguro ako sa clinic sa bayan,” ani ko.
“Sama kami!” agad nilang sambit at mababakasan din sa mukha ang excitement. Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon.
Nagtungo kami sa ob-gyn habang ang tatlong kasama’y mas mukha pang excited na malaman ang resulta kaysa sa akin.
Nang makalabas ako’y agad silang napatayo at nagtatanong na agad ang mga mata. Maski si Raya ay mukhang naghihintay rin ng sagot ko.
“Ano, Ate?” tanong nila.
“I’m pregnant!” Masaya ang tinig ko nang ibalita ‘yon.
“Wow! I’ll help little sibling na po?” excited niyang tanong. Tumango naman ako sa kaniya at pinangigilan pa ang kaniyang pisngi.
“Babae po ba o lalaki?” tanong niya kaya natawa ako.
“Wala pa, Baby,” ani ko. Napangiti naman ako nang haplusin ng maliliit na kamay niya ang tiyan ko.
“Hi, I’m your Ate,” aniya kaya hindi na nawala ang ngiti mula sa mga labi ko. Bukas pa ang uwi ni Indigo kaya hindi ko mapigilan ang maexcite habang nilalagay sa box ang result. I can’t wait to see his reaction, paniguradong masaya ang isang ‘yon.
“Hi,” nakangiting bati ko sa kaniya kinabukasan. Talagang nag-abang ako sa gate para lang hintayin ang pag-uwi niya. Nagtataka naman siya dahil talagang sa labas pa ako naghintay.
“What’s with you today? You look extra happy,” aniya na nakangiti na rin ngayon.
“Hulaan mo,” ani ko.
“Birthday mo?” tanong niya kaya napasimangot ako. Parang gago.
“Joke lang! Alam ko naman na December 2 ang birthday mo,” biro niya pa subalit hindi ako nakikipagbiruan kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Ito naman March 2 ang birthday ng mahal ko kaya anong mayroon? Hindi ko naman birthday, huh?” tanong niya. Masama ang loob nang iabot ko sa kaniya ang box. Kunot noo niya naman akong nilingon dahil doon. Dahan-dahan niya namang binuksan ang box. Pinanood ko lang kung paanong nagbago ang mapaglaro niyang mukha sa pagiging gulat at seryoso ngayon. Nakaawang lang ang labi niya habang nakatingin sa result.
“Bakit parang hindi ka masaya?” nakataas kilay na tanong ko.
“Ito naman, hindi ba pwede late reaction lang?” tanong niya bago niya ako nilapitan at niyakap nang mahigpit. Nang tignan ko siya’y kitang-kita ko ang pamumula ng gilid ng kaniyang mga mata.
“Hi,” bati niya sa tiyan ko.
“I’m your tatay,” aniya na hinawakan pa ang tiyan ko.
“My Ing-ing,” aniya kaya napasigaw ako.
“Irah!” malakas kong sigaw. Kabadong-kabado naman silang nagsilapit, ganoon din si Indigo na siyang nataranta dahil sa sigaw ko.
“Kapag nawalan na ako ng malay sa hospital don’t let Indigo fill out the form, please lang!” Halos maghesterikal ako sa takot na ‘yon nga ang ipapangalan niya sa anak namin.
“Bakit, Ate?” natatawa niyang tanong.
“He likes to name our child Ing-ing, siraulo,” ani ko kaya mas lalo namang natawa si Irah habang napanguso lang si Indigo.
“Cute naman, ah,” reklamo niya kaya mas lalo lang sumama ang tingin ko.
“Subukan mo!” banta ko na napairap pa sa huli’y napanguso na lang siya at pinakalma na lang ako. Hindi ko ata magagawang kumalma sa ideyang ‘yon talaga ang ipapangalan niya sa anak namin kung sakali.
Sa loob ng ilang araw ay madalas ko lang sungitan si Indigo at madalas na emosiyonal ako pero sa pagkakataong ito’y talagang nagtitiis siya. Ni hindi niya nga ako nilulubayan. Kapag may mga cravings ako’y talaga hinahanap niya pa sa kung saan.
“May trabaho ka pa, huh?” tanong ko sa kaniya.
“Yup, uwi rin ako today,” aniya kaya napakunot ang noo ko. Ang alam ko’y 3 days dapat sila roon.
“Hindi na kailangan, masiyado ka lang mapapagod kung magpapabalik-balik ka. I’ll just call you,” ani ko dahil kahit paano’y ayaw ko naman na maapektuhan ang trabaho niya.
“It’s fine,” aniya subalit hindi ko rin naman gustong isaalang-alang ang safety niya kaya pinilit ko siya na magvideo call na lang kami kaya lang ay kada 30 minutes ata’y tumatawag ito para lang magtanong kung may cravings ba ako o kung may nararamdaman bang kakaiba.
“Talagang may mararamdaman ako. Iritasiyon sa’yo! Matutulog na sabi ako,” inis kong sambit dahil siesta time na sana ngayon pero eto siya’t tawag nang tawag. Sa huli’y napabuntonghininga na lang siya.
“I miss you,” sambit niya kaya palihim na lang akong napangiti. When he came home, ang dami niyang pasalubong na dala-dala para sa amin ni Raya.
“How’s my Ing-ing, are you okay, mahal ko?” tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Tigilan mo nga!” inis kong sambit kaya tumawa siya nang mahina.
“How’s Ma’am? Sungit pa rin ba ng mahal ko?” tanong niya na hinalikan pa ako sa pisngi at kung ano-anong parte ng mukha. Hindi ko naman mapagkakailang namiss ko rin ito.
Inanyayahan niya lang akong kumain. Nag-iinarte pa ako noong una subalit ang dami ko ring nakain.
“Love,” tawag ko sa kaniya kaya agad niya akong nilingon. We’re already on our bed now. Hinalikan ko naman siya sa labi nang mapatingin siga sa akin.
“Hmm?” patanong na saad niya.
“I’m sorry for being moody, salamat sa pagtitiis,” ani ko kaya nginitian niya ako bago inipit ang mga takas na buhok.
“Kahit 10 times pa ‘yang pagiging moody mo ayos lang, basta may ganitong kiss pagkatapos ng araw,” natatawa niyang sambit.
“Really tho… nakakainis man minsan, I’ll bear with it. I’ll take care of you 20 times,” aniya na ngumiti pa sa akin ngunit imbes na kiligin ay naningkit lang ang mga mata ko dahil sa una niyang sinabi.
“Sinasabi mo bang nakakayamot ako?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro