Chapter 47
Chapter 47
Ingrid’s POV
I can’t believe that I’ll be marrying the man of my dream today. Ramdam ko ang kabog ng tibok ng puso. Para bang gusto nitong kumawala sa aking dibdib. Tila isang kabayong desididong manalo sa isang karera.
“Ang ganda naman ng anak ko,” ani Papa habang nakatitig sa akin. Nginitian ko naman siya dahil dito. I remember hating my father so much na wala na akong pakialam kung siya ba ang maghahatid sa akin sa altar o ano but he’s here. Siya ang mag-aabot ng palad ko sa lalaking nakikitang makasama habang buhay.
Hindi ko maitatanggi na kapag naaalala ko si Mama’y nakakaramdam pa rin ako ng galit kay Papa. Panibugho dahil wala siya noong mga panahong kailangan namin siya subalit kahit paano’y bumabawi naman ngayon lalo na sa anak ko.
“You’re really strong woman, you know?” ani Papa habang nakangiti sa akin. Kita ko ang paglandas ng luha mula sa kaniyang mga mata.
“I can’t believe I’ll remember your Mom today,” bulong niya. Bahagya namang kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nito. Kapag nababanggit na si Mama’y naalala ko lang ang mga bagay na nasabi namin sa isa’t isa noong nakaraan.
“I felt really bad na iniwan ko kayo noong kailangan na kailangan niyo ng taong makakapitan. Pasensiya na, Anak, kung nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Pasensiya na kung masiyado akong nabigatan sa responsibilidad na pagiging Nanay at Tatay sa inyong magkakapatid,” aniya sa akin.
“Sa takot mo’y tinalikuran mo kami at pinasa sa akin ang responsibilidad,” ani ko. Napatawad ko naman na siya subalit hindi ko pa rin makakalimutan ang lahat. Tila nakatatak na talaga sa aking isipan.
“Patawarin mo ako, Anak, sa lahat-lahat. Deserve mong sumaya, kayo ni Raya… ang dami niyo ng napagdaanan… mas matatag ka pa sa akin, Nak… I wish for your happiness,” aniya sa akin na umiiyak na ngayon.
“Napatawad naman na kita, Pa… noon pa man… pero hindi ka lang sa akin dapat humihingi ng patawad,” ani ko. Alam na alam niya naman na ‘yon dahil alam kong araw-araw rin siyang bumibisita kay Mama nang malipat namin ang labi niya rito sa Nueva Ecija.
“No more dramas na, Pa, dapat masaya lang tayo rito e,” natatawa kong sambit na tumayo na. Nakita ko namang ngumiti lang sa akin si Irah na nakatayo sa isang gilid. Si Irah ang pinakamatigas sa amin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napapatawad si Papa. Hanggang ngayon ay malamig pa rin ang trato niya.
“Congrats, Ate, alam mo naman na lagi ko lang gusto ang ikasasaya ng puso mo, ‘di ba?” tanong niya na ngumiti pa sa akin.
“I know, thank you, Irah. For being there with me noong mga panahong hindi ko na kilala ang sarili ko,” sambit ko na niyakap pa siya nang mahigpit.
“Nah, that’s nothing compare to your sacrifices, Ate, mahal kita sobra,” aniya na binalik ang yakap ko sa akin.
“Ano ba ‘yan? Nagdadrama na naman kayong dalawa! Masisira mga make up niyo!” ani Sandro na nakisingit pa sa amin. Hindi ko naman maiwasan ang matawa nang lumapit siya para makiyakap din. Parang punong-puno ang puso ko ngayon.
“I love you, Ates!” aniya pa. Mayamaya lang ay lumabas na rin sila ng dressing room dahil pinapatawag na sa labas. Magsstart na ang ceremony. Ramdam na ramdam ko naman ang kaba habang nakaupo ako sa harap ng salamin.
Nang ako na ang pinapatawag ay nanlalamig lang ang mga kamay ko. I was just on the car, waiting for my turn.
“Stop being nervous,” natatawang saad ni Papa sa akin.
“Paano kung matapilok ako, Pa?” kinakabahang sambit ko na tinawanan niya lang. Napailing na lang siya sa akin dahil doon. Nang lumabas kami’y ganoon lang din ang naisip ko but when the music started to play and I saw the man I love, lahat ng naiisip ay tila bigla na lang naglaho.
“Down The Aisle”- by Issa Rodriguez
When I was younger I used to say
If ever fall in love someday
It'll be my first and last
But I was told as I grew old
If Inever get a hard to hold
Not all kinds of love will last
And ooh I held on to that
Hindi ko mapigilan ang ngiti dahil it’s true, I always date someone thinking that they will be my last.
When I had my first love thought it would be
The right kind of love now finally
But I have never been so wrong
It took some time to heal my heart
After that love has been torn apart
But it didn't take that long
Until ooh I made another mistake
But you came along and proved them wrong
He was one of the best thing that came into my life. Akala ko noon I would end up hating every person na dadaan sa buhay ko but he changed it. He changed that.
And I had to climb the highest mountain
To find the prettiest view
Like how I had to have my heart broken
Before I could get to you
I had to make all those mistakes to say
I finally got it right
And darling you were worth every fight
I never thought the time would come
When I could say I've found the one
I'd want to spend a lifetime with
Though it's been tough just getting through
As I was on my way to you
I don't regret the time we've lost
Cause ooh our love was worth the wait
I don’t know why the song is so accurate. I’m happy na sa kabila ng mga pinagdaanan namin ay nandito pa rin kami. Pakakasalan ang isa’t isa. Ito na talaga ‘yon.
You may not be my first love
But you will be my last love
I know this will last love
You may not be my first love
But you will be my last love
I know this will last love
I don’t think I can love someone as I love him. He will be the last. I’m sure of that.
“Hi,” bati niya sa akin.
“Bakit ka umiiyak?” natatawa kong tanong.
“Sino bang nagsabing umiiyak ako?” tanong niya pa na inirapan ako.
“Finally, akin ka na talaga,” bulong niya sa akin.
Nang magsimula ang seremonya’y parehas lang kaming seryosong nakikinig sa pari hanggang sa dumating na ang palitan ng vow. Parehas naman kaming napangiti nang lumapit si Raya, siya ang ring bearer namin. Ngumiti pa siya sa amin kaya gusto ko na agad siyang kurutin.
“We’ll live together now, right, Nay, Tay?” tanong niya. Ngumiti naman kami at tumango. Kita ko naman ang saya sa kaniyang mukha kaya kahit ako’y ganoon din.
“In the name of God, I, Indigo Cornel take you, Ingrid Galang, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow.” He was just seriously looking at my eyes.
I also said the wedding vow.
“In the name of God, I, Ingrid Galang take you, Indigo Cornel, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until we are parted by death. This is my solemn vow,” I sincerely said.
“I love you,” bulong niya bago ako isiniil ng halik.
When the ceremony ended, dinala lang din kami sa reception. Nang dumating kami’y nandoon na rin ang mga kaibigan ni Indigo. Mga direktor at maski mga artista ay narito. Kaya nang mabalingan ko ng tingin si Jolie, kita ko na agad ang saya sa kaniyang mukha. Napatawa na lang ako nang mahina dahil nakahanda na ‘tong magpakuha ng litrato sa iba’t ibang kakilala.
“Ms. Asterin! Idol na idol po kita! Ang ganda mo talaga sa personal!” aniya na binati pa ‘yong isang magandang babae na mukhang sopistikada kung tignan. Ang alam ko’y schoolmate ‘yan ni Indigo dati at naging artista rin subalit inihinto rin dahil iba ang passion niya. She’s really pretty lalo na pala sa personal. May kasama rin itong matangkad na lalaki sa isang tabi. Para silang may sariling mundo. Lahat naman ata ng kaibigan ni Indigo’y gwapo. Walang tapon.
Si Chora lang ang malakas ang tinig sa grupo nila. Napatawa na lang ako nang mahina lalo na nang makita niya kami.
“Omg! Congrats!” aniya na lumapit na sa amin. Niyakap niya pa ako nang mahigpit dahil doon.
“Pasalamat ka kay Ingrid, kung hindi tatanda kang single,” aniya kay Indigo na nginiwian lang siya. Kunwari lang itong walang nakita para hindi masira ang araw samantalang si Chora ay hyper na hyper habang bumabati sa ibang tao.
“Kita mo ‘yang gwapings na ‘yan, Girl?” tanong niya na tinuro pa ang isang sikat na artista. Pagkakaalam ko’y Zeno ang pangalan. Napapanood ko rin kasi sa tv.
“Wala lang, nakita ko lang din,” aniya kaya napatawa ako at napailing na lang din.
“Ang daming gwapo ‘no? Nanghihinayang ka na ba nagpakasal ka?” tanong niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang matawa lalo na nang nakasimangot siyang hinila ni Atlas at si Indigo naman ay sinasamaan na siya ng tingin.
Nanatili lang kami sandali sa table ng mga kaibigan niya nang mapagpasiyahan kong magpaalam dahil may mga inimbita rin ako rito.
Nang salubingin ako ni Gracia ay halos tumili-tili na siya sa daming artista.
“Sana pala hindi ko muna sinagot ang isa riyan, dami pa pala choices,” parinig niya sa nobyo niya kaya naging matalim ang mga mata nito. Napatawa naman ako roon dahil ang lakas niya rin kasing asarin ang kaniyang boyfriend. Halos napatagal din ako sa table ng mga co-teachers ko sa dami nilang bumabati sa akin. Saka lang ako nabigyan ng pagkakataon na lumipat ng table nang may kumantang artista sa harap.
“Uy, kumusta?” nakangiti kong tanong kina Alexandro nang lapitan ko sila.
“Ayos naman, congrats ulit sa kasal mo, Ingrid,” nakangiti niyang sambit. Kumaway rin ako kay Yanie at Cheska. Sina Yanie na ang kumukupkop kay Cheska, high school pa rin ito ngayon at talaga nga namang ang sipag mag-aral dahil ang tataas ng grado. Katulad ni Steffanie, nakita ko rin kasi si Yanie sa isang competition niyon at nagkapalitan din kami ng numero kaya nakakausap ko rin siya minsan patungkol kay Cheska. Kapag nagkakabatian ng happy birthday ganoon ba.
“Congrats po, Ma’am,” bati ni Cheska sa akin kaya nginitian ko siya. Nakipagkwentuhan lang ako sandali sa kanila hanggang sa maramdaman ko na ang pagpulupot ni Indigo ng kaniyang kamay sa aking baywang. Nilingon ko naman siya at pinagtaasan ng kilay.
“Why are you here? Tapos na kayo mag-usap ng mga kaibigan mo?” tanong ko sa kaniya. Sabay naman naming inentertain ang mga guest.
Matapos ang ilang performance ay nagsimula na rin ang mga palaro. Nang ihagis ko ang bulaklak. Si Gracia ang nakakuha niyon. Kilig na kilig naman ang bruha dahil doon.
Humupa rin ang mga guest namin nang magmadaling araw na. Natulog na rin ang mga bata kaya natira ang mga nag-iinuman na mga kaibigan namin. We are in the middle of entertaining our guest nang bumulong si Indigo sa akin.
“Love, tara na sa loob,” bulong sa akin ni Indigo.
“Maghintay ka, may mga bisita pa,” ani ko na sinamaan siya ng tingin. Sus, Ingrid, gusto rin. Imbes na makinig ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan namin na nag-iinuman pa.
“Basta ninang na ako riyan, ah!” natatawang sigaw ni Chora kaya pinamulahan ako ng mukha. Ang ingay pa ng mga kaibigan niya kaya napailing na lang ako.
“Legit na ‘to, sundan na talaga natin si Raya.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro