Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Chapter 46

Ingrid’s POV

“Parent ‘to, kung ano-anong nirereply mo!” inis kong sambit na humingi ng paumanhin sa ilang parents na nireply-an niya. Siraulo kasi talaga. Hindi ko maiwasan ang mapailing at mairita sa kaniya dahil dito.

“Sorry na, nireply-an ko lang naman dahil ang tamad mong magreply,” biro niya pa kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

“Next time ay hindi mo na talaga mahahawakan ang phone ko!” reklamo ko sa kaniya. Tumawa naman siya sa akin dahil sa pikon kong mukha sa kaniya.

“Sorry na, last na ‘yan. Natakot na rin naman ang iba,” aniya kaya agad akong napatingin at sinamaan siya ng tingin.

“Hehe, joke,” sambit niya nang makitang pikon ko siyang tinitignan.

Bumalik naman na kami sa pagiging abala dahil tapos na rin ang siesta time. Si Indigo at Raya ang nagbabalot ng mga binili ng costumer. Hindi rin naging mabigat ang trabaho dahil nakakakwentuhan ko ang mga ito.

Nang unti-unti ng humupa ang costumer ay nagpaalam si Indigo na aalis lang sandali. Hinayaan ko naman, baka may tropapips na naman na nakita sa labas subalit nagulat na lang ako nang bumalik siya at may dala-dala ng cheesecake.

“Hala?” tanong ko na nagtataka.

“I thought you’re craving about this. Nakita ko ang retweet mo,” aniya na ngumiti. Nakakatakam lang ang itsura pero hindi naman ako nagcecrave.

“So kapag niretweet ko bibilhin mo lahat?” tanong ko na nakataas ang kilay sa kaniya.

“Bakit hindi kung may pera naman?” patanong na sagot niya. Iniabot niya rin ang pinabiling burger with vegetables ni Raya.

Napatitig lang ako sa kaniya bago unti-unting napangiti.

“Ano ba ‘yan? Inlove ka na naman sa akin niyan,” natatawa niyang biro kaya inirapan ko siya.

“Kapal mo,” ani ko na tumawa na lang din.

Madalas na ganoon lang ang ganap kapag nandito siya. Bonding lang kaming tatlo kahit na pare-parehas kaming busy. Madalas pa nga’y nasa bahay lang talaga kami. Bukod kasi pagod din siya sa byahe, sayang din ‘yong oras na nasa kalsada kami gayong mas masusulit namin kung nasa bahay lang.

Our house and Ing&Ind ay nagsisimula na ring gawin. I tried to transfer the shop to his name kaya lang ay binalik niya lang sa akin. Nagtatalo pa kami noong una hanggang sa napagpasiyahan na katulad noon ay dalawa ulit kaming nagmamay-ari.

“Nay! Tay! Handa na po ako!” excited na saad ni Raya na siyang tumakbo pa patungo sa amin.

Maghahanap kami ng costume for our halloween party dito sa barangay namin. Gusto niyang sumali at todo support naman ang ama kaya agad na sinabing bibili kami ng costume. Spoil na spoil ang batang ‘to kaya hindi rin talaga matanggian ng ama.

“Tay, ikaw na lang si Victor then si Nanay si Emily, tapos ako po is mini emily na lang ng the corpse bride!” aniya kaya agad na sumang-ayon si Indigo.

“Alright, if that’s what you want,” aniya na ngumiti pa sa anak.

Akala ko’y sa mall lang kami pupunta subalit tinawagan niya pa ang kilalang designer kaya hindi ko na mapigilan ang magsalita at maging practical na lang.

“Minsan lang namang gagamitin, sayang lang ang pera mo kung sakali,” ani ko.

“Exactly, minsan lang naman ‘to,” sambit niya na ngumiti pa nang malapad sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapabuntonghininga sa kaniya dahil dito. Kahit kailan ay magastos talaga. Lagi niyang dinadahilan na pambawi raw sa mga taon na wala siya.

Nang makarating kami sa designer na pagbibilhan ng gown. Naunang nagsukat si Raya. Napangiti naman ako habang minomodel niya sa harapan namin ang gown niya.

“I like this one po,” aniya nang sa wakas ay makapili na.

“Next ka na po, Tay,” aniya. Mabilis lang naman din na nakapili ng susuoting si Indigo. Aba’t isang araw lang ang halloween party subalit ang laki na agad ng gastos niya.

“May puting gown ata sa bahay, ‘yon na lang siguro ang gagamitin ko. Halloween party lang naman,” ani ko na nilingon si Indigo subalit agad na napaawang ang mga labi ko nang nakaluhod siya sa harapan ko habang may singsing na hawak.

“Would you like to finally live with me and Raya, Ingrid? Sundan na ba natin si Raya?” tanong niya pa kaya natawa ang ilang staff sa loob samantalang si Raya ay tinatakpan lang ang tainga sa ama. Hindi pa rin naman ako makapaniwala habang tinitignan siya. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Yes and not yet,” natatawa ko ring saad nang makabawi. Kita ko naman ang saya sa mukha nila ni Raya dahil doon.

“I love you, My constant,” bulong niya sa akin.

“I love you too, My safe place,” ani ko.

I ended up looking for a gown para sa kasal namin. Nahihiya pa ako nang lumabas pagkatapos kong mamili ng mas simpleng gown.

Lumabas naman ako na suot-suot ‘yon. Napatitig lang si Indigo sa akin habang si Raya ay pumapalakpak na. Hindi ko naman mapigilan ang matawa dahil sa lapad ng kaniyang ngiti.

“Heck, I can’t wait to marry you,” ani Indigo na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa akin. We ended our fitting na nakahanap na rin agad ako. Gusto niya pang magpatahi ng panibagong design but it’s not really needed. Hindi naman ako naghahangad ng engrandeng kasal dahil kontento na ako sa kanilang dalawa ni Raya.

Habang nasa sasakyan kami’y naptitig lang ako sa diyamanteng singsing na suot. Hindi pa rin makapaniwala na sa isang iglap ay ikakasal nga talaga kami.

“Where do you want to get married?” tanong niya sa akin.

“Sa National Shrine of La Virgen Divina Pastora rito sa Nueva Ecija,” ani ko.

Doon ang unang tapak ko rito sa Nueva Ecija. I felt like it welcome me.

“Ikaw ba?” tanong ko sa kaniya.

“It doesn’t really matter, basta ikaw ang pakakasalan,” nakangisi niyang saad sa akin. Inirapan ko lang naman siya dahil doon.

“Ako na lang kung kailan,” aniya.

“Duda ako sa’yo, bahala ka riyan,” natatawa kong sambit dahil paniguradong bukas lang ay gusto na niyang magpakasal. Napatawa naman ako nang mapagtanto na tama nga ang hinuha ko.

“Ulol, bahala ka riyan,” ani ko na inirapan pa siya.

“I’ll live with you and Raya,” aniya na nakangiti sa akin.

“Nakatira naman na tayo sa iisang bahay,” ani ko.

“But still, it’s different,” aniya.

“I can’t wait to sleep after waiting for you to be done with your works,” sambit niya sa akin.

“I just can’t wait to spend my lifetime with you both and of course with our next child,” aniya na ngumisi pa.

Nang makauwi kami sa bahay ay todo tili sina Jolie nang makit ang singsing sa kamay ko.

“Omg! Finally! Wala ng sermon kada umaga!” aniya kaya nagtawanan silang tatlo habang ako naman ay nakahanda ng kurutin siya sa singit.

“Hala, congrats, Ate!” ani Irah na niyakap pa ako ng mahigpit. Napangiti naman ako dahil doon.

“Nice, Kuya!” ani Sandro na nakipag-up here pa kay Indigo.

“Congrats, Anak,” bati ni Papa sa akin.

“Thank you po, Pa,” ani ko na nginitian din si Papa.

Nagluto sila ng spaghetti at niyaya lang ang mga kapitbabay namin na kumain. Nang nasa kwarto na kaming tatlo, nagkukwentuhan lang ng kung ano-ano.

“Love, tingin ka rito,” ani Indigo na tinapat ang camera ng cellphone niya. Tinaas ko naman ang mga daliri habang nakangiting napakit.

Pinanood ko lang ang paglapad ng ngiti mula sa mga labi ni Indigo at ang pagpapalit niya ng wallpaper sa kaniyang phone.

“Is it fine if I’ll post it on my ig?” tanong niya sa akin.

“Bakit hindi? May magagalit ba?” tanong ko na pinaningkitan siya ng mata.

“Yeah, you,” aniya na tumawa pa bago niya kami niyakap ni Raya. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti nang makita ang post niya sa ig. 

‘Malapit na mapikot hehe.’

 

Hindi ko naman mapigilan ang mapairap sa kaniya. Napatawa lang siya nang mahina dahil doon. Inaantok na si Raya kaya bagsak na agad ito. Nagkakatuwaan naman kaming dalawa ni Indigo nang magring ang phone niya.

“Your Mom is calling,” ani ko kay Indigo nang makita ang tawag mula sa Mommy niya.

“I don’t want to answer it,” mahinang saad niya. Mukha rin naman na gusto niya ring sagutin ang tawag subalit nag-aalinlangan lang.

“She did you wrong,” aniya sa akin.

“No, she didn’t. She just care about you… a lot. You know what I realize? Siguro kung may taong nagiging dahilan kung bakit nalalayo ang loob ni Raya sa akin, magagalit din ako. Napagtanto ko rin ang pinagkukuhanan ng hinanakit ng Mama mo,” ani ko.

“Napagtanto ko na masiyado mong pinaikot ang mundo mo sa akin noon, Indigo, masiyado tayong naging depende sa isa’t isa na parehas tayong nawasak but now we should learn from those mistake. We shouldn’t derive each other from the world. Alam ko na mahal mo ako at minsan hindi naman natin kailangan na araw-araw na magkasama para lang masabing mahal natin ang isa’t isa,” ani ko na nginitian siya.

“Answer your Mom’s call, I bet she really miss you…” sambit ko na inilahad pa muli sa kaniya ang phone niya. Tinitigan niya lang ‘yon bago siya ngumiti sa akin at tumango.

“I’m really lucky to have you, you know?” tanong niya sa akin. Inirapan ko lang siya dahil doon. Sinagot niya rin naman ang tawag ng Mommy niya. He’s really serious. Ni hindi mababakasan ng mapaglarong Indigo habang kausap ito. Mayamaya lang ay napangiti na rin siya.

“I miss you too, Mom. We will visit you… yes,” sambit niya mula sa kabilang linya. Napatingin naman siya sa akin kaya nginitian ko siya.

Talagang kasama nga kami nang bumisita sa cavite. Ramdam na ramdam ko naman ang kaba nang patungo kami roon samantalang si Raya ay bakas sa mukha ang excitement.

“Do you really want to visit?” tanong ni Indigo sa akin. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.

“Oo, I also want to apologize with your Mom,” ani ko kaya napatitig siya sa akin.

“I’m really so—” Hindi ko naman siya pinatapos.

“Kulit,” natatawa kong sambit. Mayamaya lang ay nakarating na kami sa bahay nina Indigo. Agad din kaming sinalubong ng ilang maid nila. Bumaba na rin si Raya na siyang mahigpit ang hawak sa akin. Nginitian ko lang naman siya at ginulo ang buhok.

“Don’t worry, they will like you,” sambit ko. I know they will.

Sumalubong naman ang parents ni Indigo. Bakas ang gulat nila nang makita si Raya. Titig na titig sila rito.

“Kamukhang-kamukha mo ang Tatay mo, Nak,” sambit ng Mama niya. Mayamaya lang ay kumurba ang ngiti sa kaniya. Nagpakilala pa si Raya kaya maski ang Papa ni Indigo ay namamangha itong tinignan. They were already talking with Raya. Kusa na lang kumurba ang ngiti mula sa aking mga labi dahil kita kong nagkakasundo sila. They like her. Noong una’y doble doble ang kaba ko para sa anak but now that I’m looking at them, hindi ko mapigilan ang maging masaya.

“I also have one Lolo po,” nakangiting saad ni Raya.

“Oh, that’s one of the rarest plant in the Philippines,” sambit niya na tinuro pa ang isang halaman. Hindi ko naman na sila nasundan pa ng Papa ni Indigo. Pinapanood lang naman sila ng Mama ni Indigo. Ngumiti siya sa anak at niyakap pa ito.

“Thank you, I’m sorry again, Son,” bulong ni Tita sa kaniya.

“It’s nothing, Ma, I’m sorry too,” ani Indigo na yumakap pabalik sa kaniyang ina. Napangiti na lang din ako roon.

“Can we talk?” tanong sa akin ni Tita. Lumingon naman sa aming dalawa si Indigo. Kita kong mukhang nag-aalinlangan siya subalit ngumiti lang ako at tumango.

Nagtungo naman kami sa tahimik na parte ng bahay nila.

“I’m sorry for what I’ve said the last time we talked po,” sincere kong saad subalit umiling lang siya.

“Ako dapat ‘tong humingi ng tawad sa’yo, pasensiya ka na sa mga nasabi ko, Hija. Ina rin ako. Dapat alam ko kung ano man ang nararamdaman mo,” aniya sa akin.

“I’m really sorry kung ganoon ang naging trato ko. Pasensiya ka na kung sinisisi kita kung bakit unti-unting lumalayo ang loob ni Indigo sa amin ng Papa niya. I just want the best for my son. Hindi ko gusto na natatali lang siya sa isang tao. Hindi ko gusto na ginagawa niyang mundo ang isang tao dahil alam ko agad ang epekto niyon kapag nawala sa kaniya ‘yon. And it happened, noong nawala ka’y parang hindi na rin umiikot ang mundo niya. I don’t like that. Natakot lang ako na ganoon ulit ang mangyari ngayong bumalik ka na,” sambit niya. Napatango naman ako dahil maski ako’y alam na tama rin naman siya. Parehas nga talaga naming pinaikot ang mundo namin na kaming dalawa lang.

“I’m sorry po, hindi ko na rin po namamalayan na ganoon na po pala ang nangyayari noon…” ani ko na napayuko lang.

“No, I’m sorry for being harsh on you. Dapat ay kinausap kita ng maayos, I’m really sorry… I really do.” Ngumiti naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang mga kamay ko.

“Pasensiya na rin po…” ani ko. Ngumiti naman siya at tumango sa akin.

“It doesn’t matter anymore. I’m happy for the both of you,” aniya na nakatingin na sa singsing ko ngayon. Bahagya naman akong nahiya roon. Tinignan niya naman ako na nakangiti. It was really genuine.

“Invited ba ako sa kasal niyo?” natatawa niyang tanong.

“Opo naman,” ani ko na malapad din ang naging pagngiti. Shet. Sarap sa feeling.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro