Chapter 45
Chapter 45
Ingrid’s POV
“Naihatid mo na sila?” tanong ko.
“Yup, they said their thanks one more time,” sambit niua na nasa kalsada lang ang mga mata. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi roon, mukhang badtrip nga talaga but he still manage to talk to me.
“Salamat,” ani Indigo.
“San?” tanong ko.
“Sa pagwelcome sa mga kaibigan ko.”
“Sandok,” ani ko na natawa dahil kita ko ang itsura niyang kunot na ang noo.
“Pangit kabonding,” aniya.
“Nino?” tanong ko.
“Ikaw, sino pa ba kausap ko rito?” napipikon niyang tanong. Napatawa naman ako dahil madalas ay siya naman ang ganito.
“Ninoy,” ani ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Para kasing sira,” inis niyang sambit na hindi na talaga ako pinansin.
“Galit ‘yarn?” natatawa kong tanong sa kaniya. Nagpatuloy naman ako sa pangungulit subalit hindi niya na ako pinapansin pa. Napatawa naman ako nang mahina habang nangungulit.
“I love you,” bulong ko sa kaniya kaya napahinto siya sa paglabas sa kotse. Mahinang mura ang pinakawalan niya at hindi na natuluyan sa pagpasok sa bahay. Napahagikhik naman ako dahil sa reaksiyon nito.
“Alam na alam mo talaga kung paano ako paamuhin no? Badtrip sa’yo,” reklamo niya na tinignan pa ako nang masama.
“Wala bang pa-‘mahal din kita’ riyan, Loads?” nakangisi kong sambit. Napatitig lang siya sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at ramdam na rin ang lakas ng tibok ng puso.
“I love you. Malala,” aniya bago unti-unting nilapit ang mukha sa akin. Hindi naman ako nakagalaw lalo na nang dumampi na ang labi nito sa akin. Ramdam ko lang ang init ng puso habang dinadama ang init ng kaniyang pagmamahal.
Nahinto lang kami nang makarinig ng katok mula sa bintana.
“Bawal po bold dito,” ani Sandro.
“Sandro, ‘yang bunganga mo, huh!” banta ko sa kaniya kaya agad siyang napanguso.
“Kayo kasi, Ate! Hindi tinted ‘yang kotse mo, Kuya, kitang-kita kayo ng mga kapitbahay,” aniya sa akin na tinuro pa ang ilang kapitbahay namin na nagchichismisan sa isang gilid habang nakatingin sa kotse. Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha dahil dito.
Halos gusto ko ng magpalamon nang pumasok kami sa loob. Buong linggo tuloy ay kami ang usapan mula sa labas. Mabuti na lang din ay hindi naman nakakarating sa school kaya lang ay talagang nakakahiya kapag dumadaan kami at naririnig ko ang mga usapan nila tungkol sa amin ni Indigo.
“Ang wild pala ni Ma’am,” anang ilang kapitbahay. Halos isubsob ko naman na ang mukha kay Indigo na kasabay naglalakad. Bumili kasi kami ng pandesal. Ramdam ko naman ang pagbaba taas ng kaniyang katawan kaya alam ko na agad na tumatawa ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin at siniko pa.
“Si Aling Poleng talaga oh, chinichismis niyo na naman po ang misis ko. Inayos ko lang ho ang seatbelt, issue kayo. Saka sa kama lang ho ‘to wild,” ani Indigo kaya naman agad ko siyang kinurot at hinila na lang paalis. Mas lalo pa kaming machichismis sa mga pinagsasabi niya.
“Siraulo!” ani ko na sinamaan siya ng tingin. Tumawa naman siya at imbes na matakot ay nang-asar lang.
“Bloomin na blooming ka ngayon, Ma’am,” puna sa akin ng ilang nakalasalubong ko. Ngumiti naman ako sa kanila.
“Ganoon talaga kapag may nag-aalaga,” nakangiti nilang sambit kay Indigo na siyang nasa likod ko at bitbit-bitbit lang ang pandesal.
“Syempre po, magaling mag-alaga e,” nakangising saad ni Indigo. Yabang talaga.
Parehas kaming walang pasok ni Indigo ngayon. He started working last week, lagi pa rin naman na bumabalik dito kapag katapos.
“Love, want to visit Ing&Ind today?” tanong sa akin ni Indigo. Nahinto naman ko dahil last time na nagtungo ako roon ay talagang nasaktan ako ng sobra dahil akala ko sila talaga ni Andra.
“Hmm, sure,” ani ko kaya nang magising si Raya’y agad din kaming nag-ayos para bumisita sa Ing&Ind.
“So, talagang nagwowork po kayo, Nay, habang nag-aaral?” manghang tanong ni Raya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.
“Wow,” mangha niyang sambit kaya napatawa ako.
Nang makarating kami sa Ing&Ind ay nag-aalinlangan din akong pumasok sa loob. Kung hindi lang ako nilingon ni Indigo ay baka hindi pa ako gumalaw.
Binati naman kami ng ilang staff, katulad noon.
“Nandito po pala ulit kayo, Ma’am,” bati nila sa akin.
“Good afternoon po,” bati ko naman sa mga ito.
“Oh, ito na po ba ‘yong anak niyo, Sir? Ang cute naman!” anila na nilapitan pa si Raya na nililibot lang din ang mga mata. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti habang pinagmamasdan siyang kausap ang mga ito. She’s a rays of sunrise for us kaya naman madali niya lang nakakasundo ang mga ito.
Napapirmi ang lahat ng staff ni Indigo sa isang tabi dahil may iaanounce daw ito. Tahimik naman ako habang hinihintay ‘yon.
“You’ll finally meet the owner of the Ing&Ind, this is Miss Ingrid Galang soon to be Ingrid Cornel,” pagpapakilala ni Indigo sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko habang pinoproseso ang sinabi nito.
“Huh?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“I already transfer this to your name,” nakangiti niyang saad.
“Sira ka ba? Pinaghirapan mo ang lahat ng ‘to, Indigo,” naguguluhan kong sambit.
“It’s yours, noon pa man,” aniya na ngumiti pa sa akin. Pinakita niya pa ang documents na nagpapatunay na akin nga ang Ing&Ind. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan at hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Nakatayo lang ako roon habang gulantang pa rin.
Maski nang batiin ako ng mga staff ay nakatulala lang ako.
“Ano ka ba, Indigo? Hindi bastang papel lang ang ibinigay mo! Pinaghirapan mo ang lahat ng ‘yon!” Hindi ko mapigilan ang magsalita habang nasa sasakyan na kami.
“Pinaghirapan mo ‘yan noon, you wanted to have Ing&Ind branches, ‘di ba? And I’m not really up for business. Tinakasan ko nga ang tatay ko,” natatawa niyang sambit na parang wala lang talaga ang papeles na pinamigay niya sa akin.
“Patayo tayong branch sa Nueva Ecija,” nakangisi niya pang sambit samantalang tulala pa rin ako.
“Love, patayo na tayo ng bahay,” random niyang saad kaya agad akong napatingin sa kaniya. Ang hilig manggulat. Halos hindi pa nga ako nakakamove on sa business na parang pisong ipinamigay niya lang. Ipapatransfer ko talaga ‘to sa pangalan niya. Hindi ko kayang tanggapin ‘yon.
“Huh?” naguguluhan kong tanong. Paano’y bigla-bigla na lang ‘tong nagsasabi.
“May nakita akong lupa na malapit sa inyo, minine ko na,” aniya kaya napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya.
“Let’s plan our house together,” sambit niya.
“Seryoso ba ‘yan? Nagjojoke ka na naman ba?” tanong ko.
“I’m serious, tatawagan ko na rin ang kilalang architect so we can plan it together,” aniya pa.
“May trabaho ka sa Manila. May bahay kang sarili roon, hindi mo na—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay nilingon niya na ako.
“Bahay natin. But this is the life that you want. Parehas niyong gusto ni Raya na rito manirahan so l can adjust,” aniya na ngumiti pa nang malapad.
“Ang layo ng ibabyahe mo para lang umuwi,” ani ko.
“You and Raya are my home now, dapat lang na umuwi ako rito,” nakangiti niyang saad sa akin.
Talagang hindi nga ito nagbibiro dahil ilang araw lang ang lumipas ay nagpaplano na kami dahil kauusapin na namin ang architect. May ipon din naman ako kaya may pang-ambag sa ipatatayong bahay kahit na pa ayaw pang tanggapin noong una ni Indigo. Nabantaan ko lang siya kaya tinanggap.
“Una, garden, ‘di ba, Nak?” tanong ko kay Raya na siyang nakikinood sa amin. Tumango naman siya sa akin at nag-thumbs up pa. Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon. Ibinalik niya na rin ang mata sa kaniyang dinidiligan na halaman.
“Hmm, you said that you want to have a mini library, right?” tanong ni Indigo kaya napatingin ako sa kaniya. Pinakita niya naman ang ilang litrato sa phone niya at ibinigay niya rin ang folder na may lamang design.
“’Yan ‘yong ibang design na sinend ni Architect sa akin. Tingin ka na lang,” aniya kaya napatango ako.
“How about you? Wala ka bang gusto?” tanong ko.
“’Yong mga titira lang ay ayos na ayos na sa akin,” aniya kaya inirapan ko siya. Paano’y kumindat pa. Parang sira.
Naging abala naman ako sa pagtitingin sa mga design at paminsan-minsan ay tinatanong ko sila ni Raya subalit abala na sila sa paglalaro sa cellphone ko. Hinayaan ko naman sila dahil minsan-minsan ay sumasagot din naman sa tanong ko.
“Nakapili na ako ng ilang design. Pili ka na lang din,” sambit ko sa kaniya kaya tumango lang siya.
“Ayos na ‘yan, kung saan ka masaya, masaya na rin ako,” natatawa niyang sambit kaya inirapan ko lang ang kakornihan niya.
“Ate, need ka na sa Galang’s Store,” ani Sandro na siyang sumilip pa sa amin dito sa garden. May iniinom na naman na mogu-mogu, hindi nawawalan dahil kay Indigo.
“Okay, sunod na ako,” ani ko na tumayo na. Iniabot ko lang kay Indigo ang phone niya. Bago ‘yon ay nakita kong may notification galing sa twitter account niya. May nagfollow. Napaawang naman ang labi nang makitang ang account ko ‘yon.
“Hoy, pakialamero talaga, hayp ka!” ani ko na inagaw ang phone sa kaniya. Natatawa naman niyang iniabot ‘yon.
“Stalker ka pala ng account ko, huh?” aniya na pinakita pa ang recent search ko. Napapikit na lang ako sa kahihiyan. Kagagawa ko lang ito dahil napag-alaman na active pa rin pala siya roon.
“Kapal mo,” ani ko na nilagpasan na lang siya para magmukhang wala lang ‘yon.
“Tara na, Raya,” anyaya ko kay Raya na tumatawa lang sa aming dalawa ni Indigo. Pagkasakay ko sa kotse ay sumakay rin si Indigo. Sasama rin. Napairap na lang ako dahil kitang-kita pa rin ang ngisi sa kaniyang labi. Ang dami niyang sinasabi na hindi ko na rin pinapansin.
“Sa bakasiyon, magcocollab ba tayo?” tanong niya na malapad ang ngiti sa akin.
“Ulol, hindi ikaw ang kacollab ko. Assistant producer ako ni Mr. Pollido sa bakasiyon,” ani ko. Inimbitahan na rin kasi ako nito. Maski ang ilan ding producer. Kapag sembreak ay nagagawa ko ring isingit sa schedule ko ‘yon. I really like it kaya kahit na pa-assistant producer ay ayos na ayos na talaga.
“Edi Manila date tayo niyon?” tanong niya na excited agad.
“Kung tayo pa,” ani ko kaya agad siyang napasimangot sa akin.
“Alam mo pangit ng mga joke mo,” reklamo niya kaya mahina lang akong natawa sa nakasimangot niyang mukha.
Nang makarating sa tindahan ay abalang-abala silang mag-ama sa mga costumer na naghihintay sa pila habang abala naman ako sa pagiging kahera.
Nang maging payapa sa tindahan ay nagkakatuwaan lang ang dalawa sa paglalaro sa cellphone ni Indigo habang ako naman ay binuksan na rin ang cellolphone ko. Kumunot ang noo ko nang makatanggap ng maraming mensahe.
Napaawang ang labi ko nang tignan ang mga ‘yon, ang iba’y humihingi ng tawad. Paano’y nireply-an ni Indigo ang mga message request sa facebook na kagagawa ko lang at pati ang mga text message ay hindi niya pinalagpas.
“Hoy!” tawag ko kay Indigo na siyang tumikhim na. Alam na agad ang mali niyang nagawa.
“Siraulo ka, parents ‘yong iba rito,” ani ko na nahihiya na agad dahil sa mga reply niya. Talagang pinangangalandakan na nobyo ko siya. May nabasa pa akong mensahe galing sa dating nagtangkang manligaw sa akin.
Josh Manansalang: Hi, Ma’am Ingrid. Kumusta po? Ang ganda mo pa rin talaga. Walang kupas.
Ingrid Galang: Maganda talaga ang girlfriend ko, Pre.
Josh Manansalang: Sino ‘to?
Ingrid Galang: Ako ang ama ng anak niya, bakit?
Sa baba no'n ay may selfie pa sila ng anak ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapatawa ng mahina. Siyang-siya pa rin 'yong Indigo na boyfrie ko noon, pinagkaiba lang ngayon ay talagang may anak na kami. Parang sira, akala mo naman kagandahan ang nobya niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro