
Chapter 43
Chapter 43
Ingrid’s POV
Tinulungan ko na si Garcia sa pag-aayos ng presentation. Siya kasi ang magpepresent. Kabado ito sa hindi ko malamang dahilan. Siguro’y kabado na matanong ng mga magulang.
“Kaya mo ‘yan, ang galing-galing mong magtalk,” ani ko na ngumiti pa sa kaniya. Hindi naman niya ako magawang asarin ngayon.
Mayamaya lang ay nagstart na rin ang meeting ng mga magulang. Minsanan na sa high school, senior high at elem. Sinasagot lang din namin ang mga tanong ng parents. Ang iba’y nakaagapay lang din dito sa harap. Napatawa naman ako nang mahina nang mapagtanto kung bakit kabado si Gracia, so he’s here, huh?
Napakibit na lang ako nang balikat at pasunod na sana sa ilang co-teachers ko nang may ilang lumapit na parents at guardian sa akin.
“Good morning, Ma’am Ingrid,” bati nila.
“Good morning din po.” Binati ko lang sila pabalik.
“Ma’am, may question po ako,” anila. Aba’t kung may tanong pala’y sana kanina pa nila ginawa. Hindi ko mapigilan ang bahagyang pagsimangot subalit sa huli’y ngumiti lang din dahil wala akong choice.
“Sige po, ano po ‘yon?” tanong ko.
“Nagbreakfast ka na po? Kain tayo sa labas, Ma’am,” anang Tito ng isang estudyante ko.
“She already ate.” Halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa baywang ko at hinapit pa ako palapit sa kaniya. Napaawang naman ang labi ko kay Indigo na ang yabang pa nang dating habang nakatingin sa ilang parents. Siniko ko naman siya dahil dito subalit hindi man lang nagpatinag ang hinayupak.
“Oh, totoo pala ang balita na may nobyo ka na po. Akala ko’y nagbibiro lang ang pamangkin ko.” Tumawa pa ito kaya ngumiti na lang ako.
“If you may excuse us po,” ani ko na ngumiti sa kanila.
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ko na sinamaan pa ng tingin si Indigo. Natatawa naman siyang nagtaas ng kamay kaya mas lalo ko siyang tinignan ng masama. Nakita ko si Raya na nakikipaglaro na sa ibang bata roon.
“Nambabakod,” aniya kaya agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.
“Binabakuran namin ‘yong garden,” sambit niya na tumawa pa.
“Garden ba ‘to?” tanong ko sa kaniya.
“Mamaya pa kasi, Babe,” aniya kaya kumunit ang noo ko.
“Babe amputa, kailan pa naging babe tawagan natin?” tanong ko sa kaniya kaya agad niyang tinakpan ang bibig ko.
“Teacher ka, Love,” saad niya at tumawa pa.
“Anong palagay mo sa guro? Hindi tao?” tanong ko na inirapan pa siya.
“Ang sungit naman niyarn,” natatawa niyang sambit subalit inirapan ko lang siya. Patakbo namang nagtungo sa gawin namin si Raya kaya malapad ang naging ngiti ng kaniyang ama sa kaniya.
“Tara na po?” tanong niya kaya kumunot ang noo ko. Lagi ata akong hindi kasama sa meeting ng dalawang ito, huh?
“Aba’t saan ang lakad?” tanong ko.
“Tatay said that we will go to baguio raw po,” aniya kaya nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Indigo.
“Hindi ako kasama? Ang lakas niyo kung ganoon!” ani ko na sinimangutan pa siya.
“Of course not, tara na, pinag-impake ka na namin ng gamit mo,” aniya na malapad ang ngiti sa akin. Hindi ko naman sila makapaniwalang tinignan.
“Naipagpaalam na rin kita sa Papa mo, hehe,” dagdag niya pa kaya halos kurutin ko siya. Nagawa pang tumawa nito.
“So, ako lang talaga ang walang alam dito?” tanong ko.
“Nadali mo.” Masamang tingin ang ibinigay ko kaya napanguso siya.
“Saka ka lang pumapayag kapag biglaan,” aniya na ngumuso pa.
Nangulit pa siya dahil masama na ang loob ko sa kaniya. Kumain lang muna kami ng lunch bago kami nagpatuloy sa byahe.
Nakasandal lang naman sa akin si Raya at mahimbing ang tulog samantalang gising na gising naman ang diwa ko dahil sa biglaan naming lakad. Pinagtitiisan ko na lang talagang makipagkwentuhan kay Indigo.
“Chora wants to take a vacation in Nueva Ecija, nagtatampo dahil hindi mo raw sinabing may anak na tayo at hindi mo man lanh daw kinuhang ninang,” kwento niya sa akin. Maski ang ilang kaibigan niya pa’y gusto rin daw na magbakasiyon. Wala lang oras sa ngayon.
“May oras pa si Chora na bumisita? Ang alam ko’y abala ‘yon sa trabaho niya, huh?” tanong ko sa kaniya. Ang dami na kayang branch ng salon ni Cho at idagdag mo pa na may Cho cosmetic pa silang inaasikaso. Well, nakikibalita rin naman ako tungkol sa kanila paminsan-minsan.
“Mayroon, daming oras sa chismis niyon,” aniya na tumawa pa.
“Anong sabi mo kung ganoon?” tanong ko.
“Sabi ko next baby na lang,” aniya kaya napakunot ang noo ko at napatingin sa kaniya nang nagtataka subalit sa huli’y napagtanto ang kaniyang sinasabi kaya halos maglalag ang panga ko.
“Siraulo!” ani ko kaya tumawa lang siya. Para lang kaming sirang nag-aangilan habang nasa byahe.
Nang makarating sa baguio, para na ring nakapagpahinga ang mga mata ko sa ganda. Ganoon din si Raya na gising na.
Agad din kaming namasyal dahil hanggang bukas lang kami rito. May klase pa rin kasi sa susunod na araw.
Una kaming nagpunta sa burnham park para mamangka. Kaming dalawa lang ni Indigo ang namamangka, sinubukan din naman ni Raya. Kita ko ang ngiti sa mukha ng anak dahil ngayon lang kami nakabisita sa baguio. Kinuhanan din naman siya ng litrato ni Indigo. He’s genuinely happy habang pinagmamasdan si Raya.
Nang matapos din silang magbike ay nagtungo kami sa Mines View. Doon talaga siya namangha. Ang mga mata’y para pang kumikislap.
We even go to Wright Park para mangabayo at dahil gusto ring magsuot ni Raya ng damit ng mga ifugao, pinagbigyan namin. Maski kami rin dahil gusto niyang magkapakuha ng litrato. Hindi na rin namin namamalayan na dumidilim na rin sa sobrang dami naming pinuntahan.
Matapos kaming kumain ng dinner ay nagtungo kami sa night market, kinagabihan. Mahigpit lang ang hawak namin kay Raya dahil baka mamaya’y bigla itong humiwalay. Mahirap na rin.
“Nay, bili tayo nito!” aniya na tinuro ang isang shades na hugis puso.
“Saan mo naman gagamitin ‘yan?” Iniinterview ko pa lang ito’y nabili na agad ni Indigo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti lang naman siya ng malapad dahil doon.
“Gabi na, kapag kayo nabulag, bahala kayo.” Sa huli’y napanguso na lang sila nang itago ang shades na kanilang pinamili.
Kung ano-ano pang family outfit ang pinagkukuha nila, syempre ang pasimuno ay si Indigo.
“Look, ang ganda nito, suot natin kapag balik sa Nueva Ecija,” ani Indigo na pinakita ang sapatos na binili nila.
“Dami mong alam,” ani ko kaya inirapan niya ako.
“Let’s wear it next time, Nay!” nakangiting saad ni Raya na pinakita pa ang family jacket na nabili nila. Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya.
“Bakit kapag si Raya ang nagsabi payag ka agad?” tanong ni Indigo sa akin.
“Bakit? Anak ba kita?” tanong ko na inirapan pa siya. Natatawa naman siyang umiling at ngumiti lang ng malapad sa akin.
We ended our night na naglakad-lakad lang sa payapang gabi ng Baguio. Kalaunan ay bumalik na rin sa hotel dahil pare-parehas na ring pagod.
Ako ang naunang nagising kinaumagahan dahil sa alarm ko. May plano pa kasi kaming magtungo sa Mt. Pulag para makita ang sea of cloud. ‘Yon kasi ang ikinaeexcite ng mag-ama ko. Wow, feel na feel, Ingrid.
Ginising ko naman na sila. Parehas pang mahimbing ang tulog kaya nang magising ay halos hindi pa makausap. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil mana talaga si Raya sa ama.
“Why are you smiling?” tanong ni Indigo na tumayo pa para lumapit sa akin. Iniabot ko naman sa kaniya ang kape.
“Thanks but I need this energizer more,” aniya na niyakap pa ako. Natatawa ko naman siyang tinulak dahil doon.
“May manliligaw bang ganiyan? Aba’t lakas mo naman kung ganoon,” ani ko kaya tumawa lang siya sa leeg ko. Para namang nagsitaasan ang lahat ng balahibong mayroon ako. Ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso. Tinulak ko naman siya kaya natatawa na lang niyang kinuha ang kape sa tabi. Sumunod naman na yumakap si Raya na siyang niyakap ko pabalik.
“Good morning, Mahal ko,” bati ko sa kaniya.
“Kapag naging tayo ba tatawagin mo rin akong mahal ko?” tanong ni Indigo na pinapanood lang kami ng anak niya.
“Korni mo! Asa ka munang sasagutin kita!” natatawa kong sambit sa kaniya. Ngumuso lang siya at napakibit na lang ng balikat.
Nang matapos kaming mag-ayos ay agad na rin kaming nagtungo sa Mt. Pulag. Excited pa silang parehas habang buhat-buhat ni Indigo si Raya subalit laking disappointment nilang dalawa nang makitang wala ang inaabangan nilang sea of clouds. Sa hindi ko malamang dahilan natatawa ako dahil parehas sila ng itsura. Nagawa ko pang ivideo ‘yon kaya agad nila akong pinaningkitan ng mata nang dumapo ang mga mata nila sa akin.
“Aba’t nagawa mo pang tumawa, huh?” tanong ni Indigo na kasunod si Raya’ng naniningkit din ang mata sa akin.
Parang kaming sirang naghabulan dito. Ang ending ay nawala rin ang lungkot na nararamdaman nila kanina. Inilabas ko na rin ang inihanda kong picnic basket para makakain na kami ng almusal. Libang na libang si Raya kaya hindi ko rin talaga maiwasan ang maging masaya. Basta nag-eenjoy ito’y masaya na ako.
“Let’s take a picture po, Nay, Tay,” request niya. Noong una’y silang dalawa ni Indigo ang kinuhanan ko ng litrato. Nang matapos ay kaming tatlo naman. Ang dami naming kuhang tatlo. Talagang sinusulit nila.
Nang matapos kami roon ay dumeretso kami sa La Trinidad para magtungo sa strawberry farm.
“Damihan po natin, pasalubong for Lolo ang my Titas and Titos,” ani Raya kaya napangiti ako. Hindi talaga ito nakakalimot.
Katulad ng request niya ang daming pasalubong na pinamili para sa mga kapatid at kay Papa nang matapos kaming mamasyal. Pagod na pagod din tuloy siya nang makabalik kami sa hotel.
Nag-aayos na kami ni Indigo nang mga gamit dahil diretso uwi na rin para sa bahay na ang pahinga nang makarecieve ako ng text galing kay Gracia.
Gracia:
Sana all, pinflex, Mare. Ikaw na talaga ang babaeng pinagpala!
Napakunot naman ang noo ko sa mensaheng natanggap mula sa kaniya.
Ako:
Flex na?
Gracia:
Tignan mo ig ng hot daddy mo. Ganda talaga!
Sinunod ko naman ang sinabi niya kahit na nagtataka.
Una kong nakita ang picture nilang dalawa ni Raya at sumunod ang mga kuha naming tatlo hanggang sa nakita ko ang litrato ko habang nakatingin lang sa nakakaagaw hiningang lugar ng Mt. Pulag.
‘My Bestest View.’
Tatlong salita subalit maski ata’y wala na ako roon ay mawawalan din ako ng hininga dahil lang sa simpleng sinabi nito. Napakagat na lang ako sa aking mga labi para pigilan ang ngiting kumakawala sa aking mga labi.
“Hala, may ig ka? Bakit hindi ko mahanap?” Halos mapatalon ako sa gulat nang hindi ko na namalayan si Indigo na nakikisilip na pala sa gilid ko.
“Ano ba? Epal ka?” tanong ko na sinamaan siya ng tingin dahil sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.
“Parang may ginawa kang mali, ah?” natatawa niyang tanong. Hindi ko naman siya pinansin at tumayo na. Nakasunod naman siya sa akin.
“Ano ng name mo? Follow mo ako,” pangungulit niya. Nakafollow na ako sa kaniya noon pa man.
Sinundan ko naman siya kaya kinunutan niya ako ng noo.
“Sabi mo follow kita,” natatawa kong sambit. Mayamaya lang ay natatawa na lang siyang napailing sa akin.
“Parang sira,” nakanguso niyang saad kaya tumawa lang ako. Nahawa na rin talaga sa kaniya.
Mayamaya lang ay dinala na rin namin ang mga gamit sa sasakyan at pati na rin si Raya na siyang mahimbing na ang tulog. Nang makasakay sa kotse’y napatitig lang ako sa kaniya habang nagsisimula siyang mamaneho.
“Ano ba ‘yan, Ingrid? Matunaw naman ako niyan! Iisipin ko crush mo na ako ulit,” aniya sa akin kaya natawa ako ng mahina. Higit pa roon. Mas malala kung anong mang nararamdaman ko sa kaniya sa ngayon.
“Thank you…” l genuinely said.
“For what?” tanong niya.
“For making Raya happy… at ako rin…” nakangiti kong sambit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro