Chapter 41
Chapter 41
Ingrid’s POV
This is our last day in Manila, gustong ipasyal ni Indigo si Raya sa kaniyang trabaho kaya naghahanda silang dalawa.
“What are you still doing? Hindi ka pa gumagayak.” Ni hindi ko na inintindi pa ang tono nito. Bahala na kung galit siya o ano.
“Pwede bang kayo na lang ni Raya? Alam ko namang hindi mo siya pababayaan,” ani ko.
“Bakit?” tanong niya.
“Gusto ko lang din ang magpahinga,” sambit ko kaya nanatili ang mga mata niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pagtingin niya lang ay nangingilid na ang luha ko. I just remember my Indigo… my college boy… my safe place… for years hindi ko na nakita pa ang mga matang ‘yon kaya hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang pag-aalala mula sa mga mata niya ngayon.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin, bumaon din ang kuko sa daliri sa higpit ng pagkakahawak ko.
“Ingat kayo,” ani ko na ngumiti sa kaniya. He was still looking at me na para bang isa akong palaisipan.
Magsasalita na sana siya nang dumating si Raya. Mukhang ayaw niya pa sana akong payagan na huwag sumama.
“Tay, tara na po?” tanong ni Raya na siyang malapad ang ngiti nang lumapit sa amin.
“Nay, magsleep ka po, ah? Baka gawin niyo na naman po ang record niyo po,” paalala sa akin ni Raya. Natawa naman ako roon at napatango sa kaniya. Nauna kasi akong nagpaalam dito.
“Yes, Ma’am,” ani ko kaya humagikhik siya.
“I love you, Ma’am,” aniya na hinalikan pa ako sa pisngi.
“I love you too, Mahal ko.” Pinanggigilan ko pa ang pisngi niya kaya napanguso siya sa akin.
“Tara na po, Tay,” ani Raya na hinawakan pa ang kamay ng ama. Nanatili naman ang tingin sa akin ni Indigo kaya tipid lang akong ngumiti.
“Ingat kayo,” simple kong sambit na inihatid pa sila palabas ng bahay.
Mas lalo ko lang napagtanto kahapon na hindi rin dapat ako masanay na kasama ko si Indigo dahil baka dumating ‘ying araw na makita niya rin ‘yong babaeng gusto niyang makasama sa buhay niya. Si Raya lang ang parte na ng buhay niya. Hindi ako. Tama ang Mama niya.
Gusto ko lang din sigurong patunayan sa Mama niya na wala akong kahit na anong intensiyon sa kaniyang anak. Hindi ko alam kung bakit namumuhay na naman ako sa iniisip ng ibang tao pero hindi kasi basta ibang tao lang ang Mama niya. Ina niya ‘yon e.
Napapikit na lang ako at sinubukang matulog subalit hindi ko rin naman nagawang makaidlip sa dami ng gumugulo sa aking isipan. Napabuntonghininga na lang ako bago kinuha ang ilang dala-dalang trabaho sa bag. Inabala ko na lang ang sarili roon.
Nagawa ko pang lumabas ng bahay ni Indigo nang makita kong wala ng tinta ang pentel pen na gamit ko at wala na ring bond paper. Hindi ko naman nakita si Manong Harold kaya hindi na rin ako nakapagpaalam. Mukhang nakikipagkwentuhan kasi siya sa kapitbahay nina Indigo.
Napanguso naman ako nang medyo malayo pala sa village nila ang bilihan. Aba’t mas mahal pa ang pamasahe kaysa sa binili ko kaya sa huli’y bumili na lang din ako ng pagkain para sa aming tatlo. Nagawa ko pang bumili ng isaw para sa amin ni Indigo.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang inaalala ‘yong mga ganap namin ni Indigo noon. Nawala lang ang ngiti sa aking mga labi nang mapagtanto na wala na rin pala talagang kami. But I don’t really regret what I did. Look at him now, ang taas-taas niya na at deserve niya ang lahat ng ‘yon.
I was just walking in the street nang may humablot sa akin. Titili na sana ako subalit nakasalubong ang matalim na mga mata ni Indigo.
“Bakit ka ba nanggugulat?” Ramdam ko pa rin ang kaba. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o dahil lang sa kaniya.
“What the heck, Ingrid?” galit na galit niyang saad.
“Pati anak mo iiwan mo na ngayon?” tanong niya sa akin.
“Tangina, walang aalis. Hindi mo kami iiwan. Kung nakawala ka pa noong una, asahan mong hindi na ngayon,” aniya pa kaya kumunot ang noo ko sa kaniya.
“Anong pinagsasabi mo? Bumili lang ako ng makakain at ng bond paper para sa trabaho ko,” ani ko na naguguluhan sa kaniya. Narinig ko naman ang mahihinang mura niya kaya napailing na lang ako. Hindi ko alam kung paano niya ako nakita rito subalit mukhang alam ko na nang makita ko na may private investigator na naman siyang kasama.
Nang pumasok sa loob ng sasakyan ay nakita ko naman si Raya na natutulog na sa backseat. Sa huli tuloy ay umupo na lang din sa tabi ni Indigo para hindi maistorbo ang anak.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Wala naman kasi kaming dapat na pag-usapan unless tungkol kay Raya.
“Good evening po, Manong Harold,” bati ko sa kay Manong na siyang nasa labas din ng dumating kami. Para pa siyang nakahinga ng maluwag nang makita ako kaya nagtataka ko siyang tinignan.
May sinabi lang sa kaniya si Indigo bago kami nagpatuloy sa pagpasok. Dumeretso siya sa pagdadala kay Raya sa itaas. Wala pa atang ilang minuto ay nasa baba na siya.
Nilingon ko siya nang matapos kong ayusin ang pagkain. Ramdam ko pa rin kasi ang matatalim na mga mata nito sa akin. Dapat na ata akong masanay roon.
“I bought isaw, kain ka na lang kung gusto mo,” ani ko na ngumiti sa kaniya nang tipid. Balak na munang silipin ang anak sa taas bago kumain subalit nahawakan niya na ang palapulsuhan ko.
“Let’s eat together instead,” aniya kaya napatango ako.
Walang kahit na sinong nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Ni wala ngang ingay na maririnig. Maski ang ngumuya ay parang kasalanan pa. Napatawa naman ako ng mahina sa naiisip. Nasisiraan na nga ata talaga ako ng bait.
“Aakyat na ako,” sambit ko nang matapos kaming kumain.
“Aakyat na tayo,” aniya kaya nagtataka ko siyang nilingon. Sa huli’y napakibit na lang din ako ng balikat bago naunang maglakad sa kaniya.
Payapang-payapa naman na si Raya sa pagtulog at naiayos na rin ni Indigo kaya hinalikan ko na lang ‘to sa noo.
“Sleep well, Mahal ko,” bulong ko sa kaniya.
Nagtungo na ako sa cr sa kwarto ni Indigo habang siya naman ay sa common bathroom dito sa taas. Nang matapos akong makapaglinis ng katawan ay kinuha ko lang ang antidepressant na madalas kong iniinom. Kapag nasstress at marami ng iniisip.
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita si Indigo na pumasok sa loob ng kwarto niya. He was just wearing a white shirt.
Nakita niya ang antidepressant na hawak ko. Dahan-dahan ko naman na ibinalik ‘yon sa bag ko na para bang walang nangyari subalit bago ko pa tuluyang maibalik ay nahawakan niya na. Seryoso lang ang mga mata habang nakatingin doon, binabasang mabuti. Ang mga labi ay bahagyang nakaawang, kita rin ang pagkakakunot ng noo niya at galit mula sa mga mata subalit nang ibaling niya sa akin ang paningin, nakita ko kung paano ito pumungay.
“Kailan ka pa umiinom nito?” tanong niya habang nananatili ang mga mata sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan, naroon ‘yong mga mata niya noon. ‘Yong mga matang may pag-aaruga at may pag-aalala kapag pinagmamasdan ako. Napakagat na lang ako sa aking labi habang nakatingin sa kaniya.
“Kailan pa?” Halos manghina siya nang itanong ‘yon. Bakas sa tinig ang panginginig. Matagal bago ako nakasagot.
“Simula no’ng iwan mo kami,” ani ko. Nag-aalinlangan na sabihin ang totoo. Noong maghiwalay na talaga kami, ang sabi ko’y mabubuhay ako para kay Raya subalit araw-araw akong hinihila ng masasamang bagay. I was suicidal na hindi ko alam kung paano kami kapag ipinanganak ko siya. Antidepressant was a great help to me up until now. Kapag kinakain lang talaga ako ng lungkot saka ko iniinom.
“Gabi na rin pala, tulog na tayo,” nakangiti kong saad sa kaniya subalit hindi pa rin nawawala ang mga mata niya sa akin.
Dadaan na sana ako sa harap niya para mapwesto sa tabi ni Raya subalit agad niya kong nahawakan.
“I’m sorry…” bulong niya. Hindi ko na namalayan na nasa bisig na ako nito.
“I’m sorry for not being there when you needed me the most… I’m sorry for being an asshole to you… for days sarili ko lang ang iniisip ko. I never really thought about what you feel. I’m sorry, Love…” bulong niya sa akin na hindi pa rin lumuluwag ang pagkakayakap. Napakagat lang ako sa aking mga labi at hindi na napigilan pa ang pag-iyak sa kaniyang bisig.
“I’m sorry… kung iniwan kita noon. Ni hindi ko man lang tinanong kung ano nga bang nararamdaman mo, I’m sorry mahal ko,” bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Katulad noon, para lang akong batang umiiyak sa kaniyang bisig.
Sa loob ng ilang taon, natutunan kong tumayo sa sarili kong paa but now that he’s here para na naman akong nalumpo. But I don’t really want to be dependent to him. Parehas kaming hindi pupwedeng nakadepende na naman sa isa’t isa. We both grow in our own ways.
“Nanay, why are you crying?” tanong ni Raya na siyang nagkukusot pa ng mga mata habang nakatingin sa aming dalawa ng Papa niya. Napakagat naman ako sa aking mga labi habang pinupunasan ang luha. Tumawa pa ako na parang tanga habang nakatingin sa anak na kunot ang noo sa akin ngayon.
“Pinaiyak ka po ni Tatay?” tanong niya sa akin kaya agad akong umiling.
“Hindi, Anak, napuwing lang si Nanay,” ani ko kaya lumapit siya sa akin para silipin ang mukha ko. Alam kong hindi ito maniniwala kaya bakit ba ako nagpapalusot pa?
“You’re crying.” Hindi ito nagtatanong.
“Pinaiyak mo po siya, Tay?” tanong ni Raya sa tatay niya.
“I’m sorry…” mahinang bulong ni Indigo kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ni Raya.
“No, mahal ko. It’s not like that. Hindi ako pinaiyak ng Tatay mo. Naiyak lang ako sa movie na pinanood ko kanina, ngayon ko lang narealize na masakit pala,” ani ko. Hindi naman siya naniniwala kaya tumawa lang ako na niyakap siya.
“I’m done crying, napagod lang talaga si Nanay,” ani ko na hinalikan pa siya sa pisngi.
“You said you’ll take a rest,” aniya na napanguso pa.
“Tulog na tayo so you can take a rest, ganoon din si Nanay,” nakangiti kong sambit sa kaniya kaya napatango siya sa akin.
“Are you sure you didn’t hurt Nanay, Tay?” tanong pa ni Raya na naninigurado. Napatawa naman ako ng mahina roon.
“Hindi nga po,” ani ko na pinanggigilan pa siya sa pisngi.
“Okay, you can sleep with us kung hindi mo po sinaktan si Nanay,” ani Raya kaya nanatili lang si Indigo na nakatayo roon. Titig na titig pa rin sa aming dalawa.
“Then I don’t think I can sleep with you tonight, baby,” ani Indigo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sumalubong din tuloy ang kilay ni Raya dahil sa kaniyang sinabi.
“So you really hurt her?” naguguluhang tanong ni Raya. Umiling naman ako sa kaniya bago tumayo.
“Tara na, tulog na tayo.” Nagawa ko pa siyang ngitian nang lapitan.
“Stop saying things that will confuse Raya, tara na,” bulong ko pa sa kaniya. Imbes na magsalita ay niyakap niya lang ako nang mahigpit.
“Okay, tulog na tayo,” aniya na tumabi sa aming dalawa ni Raya. Tanong pa rin nang tanong ang anak ko tungkol sa aming dalawa ni Indigo. Ayaw na maniwalang wala lang kung bakit ako umiiyak. Napagod din siya dahil lagi kong nililihis ang usapan. Nakatulog na lang ito. Napangiti naman ako habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Halos masamid naman ako nang mapatingin kay Indigo na hindi inaalis ang mga mata sa amin ni Raya. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya, ibinaling nito ang mga mata sa akin.
“Tell me about you… gusto ko rin malaman ang tungkol sa’yo…” bulong niya sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro