Chapter 40
Chapter 40
Ingrid’s POV
“Raya…” tawag ni Indigo sa anak namin.
“Do you want meet Lolo and Lola?” tanong niya rito kaya napatingin si Raya sa kaniya. Maski ako rin ay ganoon din, nakaramdam pa ng kaba dahil sa biglaan niyang saad. But I also want to let Raya meet her grandma and grandpa. My daughter deserve all the love.
“Opo!” nakangiting saad nito.
“We’ll go there today,” ani Indigo kaya agad kong nakita ang excitement ng anak ko samantalang ako naman ay nakaramdam lang ng kaba. Noong huling tapak ko roon ay hindi pa kami nagkakasundo ng Mama nito but it’s about years now, siguro naman ay ayos na rin ito.
The next thing I knew, nag-aayos na rin kami ni Raya para sa pagbisita sa parents ni Indigo. Hindi ko alam kung bakit pati ako kasama gayong dapat silang dalawa lang ‘tong magtungo roon.
“Do I look okay, Nanay? Maganda po ba ako? You think magugustuhan po ako nina Lolo?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako roon.
“Of course they will, ang ganda-ganda ng mahal ko, isa pa sino bang hindi gugustuhing gustuhin ka?” Malapad pa ang naging ngiti ko habang nilaladlad ang kulot-kulot niyang buhok. Hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil sa wakas ay masusuot niya na ang summer dress niya. Napatikhim naman ako nang mapansin na nakatayo pala si Indigo roon. Kita ko ang ngiti sa mga labi niya subalit nang makitang nakatingin na ako’y agad bumalik ang ekspresiyon ng mukha niya sa dati. Suplado mode na naman.
“Let’s go?” tanong niya sa amin. Halos sabay naman kami ni Raya nang tumango. Malaad ang ngiti niya nang purihin ang anak.
Parang gusto naman ng lumabas ng puso sa sobrang lakas ng pagtibok. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang kabang nararamdaman.
“They already know about Raya?” tanong ko kay Indigo. Tumango naman siya sa akin doon.
“But can I talk to Daddy first? Si Mommy pa lang kasi ang nasasabihan ko,” pagpapaplliwanag niya sa akin. Tumango naman ako nang sabihin niyang dito muna kami sa loob. Pinanood ko lang siyang lumabas bago ko binalingan ng tingin si Raya. Nagkwentuhan lang kami para hindi mainip ang anak.
Mayamaya lang ay nahinto ako nang may kumatok sa bintana. Agad kong nakita ang Mama ni Indigo roon.
“Can we talk first?” tanong niya sa akin. Ni hindi man lang nito nagawang lingunin ang anak ko. Diretso lang ang mga mata niya sa akin.
“Labas muna tayo, Anak,” ani ko kay Raya subalit nagsalita agad ang Mama ni Indigo.
“Saglit lang, iwan mo muna siya riyan,” aniya kaya napatikhim ako. Wala sanang balak na iwanan ang anak subalit impatient akong tinatawag ng Mommy ni Indigo. Sa huli’y na-aalinlangan man, iniwan ko ang anak sandali sa kotse. Hindi rin naman si Raya ‘yong tipong sumusuway sa utos.
“Dito na po tayo,” ani ko para makita ko pa rin ang anak kahit na pa may kausap. Tinignan naman ako ng Mommy ni Indigo at bahagya pang tumaas ang kilay.
“Hindi ako magpapaligoy-ligoy pa, talaga bang may anak kayo ni Indigo?” diretsahang tanong niya. Dahan-dahan naman akong tumango roon.
“Noon pa man ay ayaw na talaga kita,” sambit niya pa.
“Mas lalo na ngayon because of what you did to my son. Halos hindi makausap ng maayos ang anak ko dahil sa’yo. Araw-araw na nasa inuman. Kaya ngayong ayos na siya’y saka babalik? Manggugulo na naman sa payapang buhay ng anak ko?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin.
“Are you sure it’s Indigo’s daughter? Baka naman ay gawa-gawa mo lang para bigyan ka ng pera,” natatawa niyang saad sa akin.
“Bakit ngayon mo lang naisipang sabihin? Dahil alam mo na mayaman na ang anak ko at talagang tiba-tiba ka rin kung sakali.” Napakagat naman ako sa aking mga labi dahil doon.
“Baka mamaya’y pati ang anak mo’y tinuruan mo ring—” Bago niya pa maituloy ang sasabihin ay nagsalita na ako.
“Mawalang galang na po, Mrs. Cornel, pero huwag niyo po sanag idamay ang anak ko. Ayos lang po kung hindi niyo po ako tanggapin, kung hindi niyo man po kami tanggapin. Hindi naman ho namin pinipilit ang sarili sa inyo. Lalong-lalo na ho ang anak ko. Kayang-kaya ko hong buhayin ang anak ko na ako lang… masaya naman po kami ng kami lang… na walang Indigo at walang kayo… kaya please lang po, hindi ko po kailangan ng panlalait niyo po,” ani ko. Napakagat pa ako sa aking mga labi nang makita si Indigo na nakatayo lang sa isang gilid.
Kita ko ang sama ng tingin niya sa akin subalit wala na akong pakialam pa roon.
“Mauuna na kaming umuwi ni Raya, pasensiya na,” ani ko na tumalikod sa kaniya.
“Uuwi na tayo,” desidido niyang saad ngunit narinig ko ang tawag sa kaniya ng Mama niya.
Dire-diretso lang ako sa paglabas ng bahay nila. Pinuntahan ko si Raya na siyang naghihintay lang sa loob ng sasakyan. Nangilid naman ang luha ko nang lapitan siya subalit agad kong pinalis ‘yon.
“Nak, pwede bang next time na lang tayo bumisita sa Lolo’t Lola mo? Pasyal na lang tayo,” sambit ko sa kaniya.
“Bakit, Nay? Hindi po ba nila ako gusto?” tanong niya. Agad naman akong umiling. Bakit nga ba nakalimutan ko na matalino ang anak ko?
“No, it’s not like that,” ani ko na hinaluan pa ng tawa.
“Your Lola and Lolo is kinda busy today, pasyal na lang tayo,” ani ko. Alam kong may hinuha na siya sa akin subalit ngumiti siya at tumango.
“What about Tatay, Nay?” tanong niya.
“He’s going to stay with his parent for a while,” ani ko sa kaniya. Napatingin pa si Raya sa akin bago niya ibinaling muli ang paningin sa Tatay niya. Nakita niyang masinsinan silang nag-uusap kaya naman napatango na lang siya.
Sumama naman siya sa akin, bago kami makaalis ay nakita ko siyang kinakausap ng Mama niya. They were talking seriouly na hindi na nila kami namalayan pa. Sumakay lang kami ni Raya sa taxi at nagtungo sa sky ranch dito sa cavite. I felt bad about Mrs. Cornel said kaya dito na lang ako babawi. Ayaw na ayaw ko pa naman na nakakarinig ng masama tungkol sa anak. Hindi naman talaga ako mapagpatol. Kayang-kaya kong indain ang lahat pero ibang usapan na kasi talaga kapag tungkol na kay Raya.
Libang na libang naman si Raya sa pagsakay sa iba’t ibang rides. Ganoon din ako. Kahit panandalian lang ay nagawa ko ring libangin ang sarili. Nagawa pa naming kumuha ng litratong dalawa.
“Sayang wala po si Tatay,” aniya sa akin kaya napangiti na lang ako. Indigo is already part of her life and I can’t take her away from him. Wala rin naman akong balak gawin, depende na lang kung siya na mismo ang magtataboy sa anak. ‘Yon ang hindi ko kayang pagbigyan.
“Nay, did Tatay’s Mama say something to you?” tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.
“Wala naman, Nak, bakit?” hinaluan ko pa ng tawa ‘yon subalit nanatili pa rin ang mga mata niya sa akin.
“You’re lying. Nakita ko po kung paano nalukot ang mukha niya. You never tend to be rude to someone, lagi po’y magalang pa rin kayo kahit na nakakainis pa ang mga parents po sa school,” aniya kaya napaawang ang labi ko. Hindi ko lang inexpect na talagang mapagmasid din ang anak.
“Ikaw talaga, kung ano-anong iniisip mo. It’s nothing, wala lang ‘yon,” natatawa kong saad subalit nanatili pa rin ang seryosong mga mata niya. Manang-mana talaga siya sa kaniyang ama.
“I love you, Nay,” random na sambit niya kaya napakagat ako sa aking mga labi. Ngumiti naman ako sa kaniya bago ko siya hinalikan.
“I love you always, mahal ko.”
Nagpatuloy lang kami sa pamamasyal hanggang sa sumapit ang gabi.
“Uwi na tayo kay Tatay?” Ngumiti naman siya at malapad na tumango.
“Okay po, Ma,” aniya kaya nagtungo na kami roon.
Nang makauwi kami sa bahay. Nakita ko na maraming sasakyan sa labas. Hindi ko naman maiwasan ang mapakunot ang noo roon.
“Ano pong nangyayari, Manong Harold?” tanong ko kay Manong pagkapasok ko.
“Si Sir po, Ma’am, nagtawag na po ng investigator para po ipahanap kayo,” aniya kaya napaawang ang mga labi ko.
“Po? Ipinasyal ko lang po si Raya,” ani ko na naguguluhan.
“Halos magwala po si Sir nang umuwi at hindi po kayo nadatnan,” saad niya pa sa akin kaya hindi ko alam kung paano ako magrereact. Napatingin naman sa akin si Raya dahil doon.
“Ano raw po ang nangyayari, Nay?” tanong niya. Ngumiti lang ko at umiling.
“Pasok na tayo sa loob, Anak,” ani ko na hinawakan siya habang papasok kami sa loob. Agad napatingin ang ilang tao sa amin. Kita ko rin ang mabibigat na tingin ni Indigo sa amin.
“Tay!” nakangiting saad ni Raya na lumapit sa ama. Hinayaan ko naman siyang magtungo sa ama niya. Halo-halong emosiyon ang nakita ko sa mukha niya. Matalim ang mga mata niya nang dumapo sa akin subalit namungay naman nang magtungo kay Raya. Napakagat na lang ako sa aking mga labi habang pinagmamasdan siya. Mukha siyang nabunutan ng tinik nang makita si Raya.
“I’ll just talk to them then let’s eat outside, okay?” nakangiti niyang tanong sa anak. Halatang pinipigilan lang ang galit na kaniyang nararamdaman. Halos manigas ako nang malamig niya akong tinignan.
“Wait here.” Tumango lang ko subalit inaya ko rin si Raya na magtungo sa kwarto para makapagpalit ng damit.
Wala pa atang ilang minuto ay nasa taas na rin si Indigo. Mukha pang ayaw niyang mawalay ang tingin sa anak. Matalim pa rin ang mga mata nito kapag nagagawi sa akin. Katulad ng sinabi niya’y kumain kami sa labas. He was really cold to me. Hindi naman katulad no’ng mga nakaraang araw na sinusubukan ko pa siyang suyuin. I’m mentally drain. Pagod na rin ako sa araw na ‘to.
Nang umuwi kami’y mabilis lang na nakatulog si Raya dahil sa pagod na rin sa pamamasyal namin. Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Naramdaman ko si Indigo na siyang nakatayo sa gilid ko.
“Let’s talk,” aniya sa malamig na tinig. Noong una’y nanatili lang akong nakaupo sa kama at wala na sanang balak kausapin pa siya dahil alam kong madadagdagan lang ang sama ng loob na nararamdaman.
“Tatakbo ka na naman ba?” tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Desididong-desidido itong kausapin ako kaya sa huli’y tumango na lang bago sumunod sa kaniya sa paglabas sa kwarto ni Raya. Baka sumigaw ito’y magising ang anak namin.
“Saan kayo galing?” tanong niya sa akin.
“Namasyal lang,” ani ko.
“Namasyal lang? Tangina, halos patayin mo ako sa takot na iiwan niyo ulit ako. You said you don’t even need me in your life. Sanay na sanay ka talagang saktan ako…” Nakita ko ang galit mula sa mga mata niya subalit pagod na ako para alalahanin pa ‘yon. Gusto ko na lang din ang magpahinga.
“Pasensiya kung ganoon,” ani ko. Ni hindi na nagatubiling suyuin siya.
“Hindi ko ilalayo sa’yo ang anak mo, huwag kang mag-alala,” mahina ang tinig nang sambitin ‘yon subalit sapat na para marinig niya.
“And I won’t let you…” Parang haring nagdedeklara ng giyera habang wala naman akong balak na makipag-away sa kaniya.
“Tapos na ba? Pagod na rin kasi ako, gusto ko ng matulog,” ani ko.
“Hindi pa ako tapos,” aniya.
“Tangina naman, pwedeng bukas naman? Pagod na akong makarinig ng galit mula sa’yo… mula sa inyo… napapagod din naman ako… hindi lang naman ikaw ‘yong nasasaktan dito…” ani ko. Nangingilid na naman ang luha dahil lang sa mga simpleng bagay. Pero ‘yong simpleng bagay na ‘yon, nakakasakit sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro