Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4

Ingrid’s POV

“Ingrid, table 1,” utos sa akin ng ilang kasamahan ko sa trabaho. Sinunod ko naman ‘yon. Napakunot ang noo ko nang makita si Jayvee at Sarah dito. Hindi ko alam kung coincidence lang ba o talagang ayaw lang nila akong tantanan. Kahit ano pa man ay hindi ko maiwasang mapailing na lang.

Nasasanay na ako na para bang namamanhid na rin ang puso. Normal na lang. Masakit paminsan-minsan but it’s all fine now.

“Oh, you’re here nga talaga,” ani Sarah na ngumiti pa sa akin. Hindi ko alam kung bored lang ba sila sa kani-kanilang buhay o ano. Kinuha ko lang ang order nito. Ang dami pang inutos ni Sarah na sinunod ko naman.

Kapag madadaan pa ako sa kanilang table ay hindi pupwedeng wala silang ipasasabay. Hinayaan ko na lang dahil wala na rin naman akong oras para patulan pa.

“Ingrid, ikaw na maghugas tutal ay paalis ka na rin naman,” anang isa sa mga katrabaho ko. Tinanguan ko lang ‘yon. Ako ang pinakabata kaya madalas na ako ang utusan ng mga ito. Hindi ko naman din binibigyan ng pansin kapag pinag-iinitan nila ako dahil masiyado na akong maraming problema sa buhay para dagdagan pa.

Magdadalawang linggo na ako rito at kahit paano’y gusto ko ‘to dahil malaki-laki rin ang sahod. Nakakapag-ipon din ako kahit paano.

Nang matapos sa duty ko, umuwi ako sandali para ibigay ang ulam kina Irah. Nagpahinga lang muna hanggang sa napagpasiyahan ng magtungo sa convenience store nang makapalit na ng damit. Nilalakad ko lang naman kaya tipid pa rin kahit paano.

“Good evening po, Aling Gloria,” bati ko kay Aling Gloria. Napatingin naman ako sa isang pamilyar na mukha na siyang nagbabayad sa counter. Ito ‘yong lalaking nagcongrats sa akin no’ng graduation ko. Hindi ko na siya nakita pa simula no’n kaya nakapagtataka na nandito siya ngayon.

“Oh, hi,” nakangiti niyang saad at kumaway pa sa akin.

“Kilala mo, Hija?” tanong sa akin ni Aling Gloria. Umiling naman ako kaya madramang hinawakan niyong lalaki ang kaniyang dibdib. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing dahil do’n.

Nagpaalam naman na si Aling Gloria habang ‘yong lalaki naman ay nilagyan na ng mainit na tubig ang noodles na binili niya bago siya naupo sa tapat ng glass wall, kaharap ng kalsada. Pinanood ko lang siyang suotin ang earphone niya.

“Ate, magkano po ito?” Nilingon ko ang babaeng mukhang iritado pa habang nagtatanong.

“Ah, kinse lang,” ani ko. Binayaran niya naman ‘yon na mukhang iritado.

“Landi pa.” Narinig kong bulong-bulong niya kaya hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo. Sa huli’y hindi ko na rin pinatulan.

‘Nagtatrabaho ka kasi, Ingrid. Mamaya na ‘yang pagiging kuryoso mo.’

Nanatili lang akong abala habang inaayos ang ilang nagulong paninda. Kapag may customer ay nagtutungo sa counter. Abalang-abala ako nang may pumasok na isang sigang lalaki. Hindi ko naman pupwedeng harangin at sabihing hindi pupwede ang gago rito kaya hinayaan ko lang.

“Miss, may malboro ba kayo?” tanong sa akin nito habang may ngisi sa labing nakatingin sa katawan ko. Napakunot ang noo ko nang sinundan ang tingin nito, sa dibdib ko ‘yon huminto. Mabilis akong kumilos nang sagayon ay umalis na ‘to. Hindi ko alam kung judgemental lang ako o ano subalit mas maganda na ang mag-ingat.

“Miss, ang ganda mo, huh?” nakangising saad niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi nang kuhanin niya ang sukli sa kamay ko’y may kasamang paghaplos. Ang mga mata niya’y may halo ring pagnanasa na wari ba’y isang patay gutom na gustong makatikim ng masarap na putahe.

“Sama ka sa akin. Wala namang tao,” nakangisi niyang saad na hinawakan pa ang kamay ko.

“Ano ba?” inis kong sambit na pumipindot na sa teleponong nandito sa tabi ko. Si Aling Gloria mismo ang naglagay dito para kapag nagbabantay kami.

“Kung ako sa’yo bibitawan ko na bago umuwing may bali,” sambit niyong lalaki na nagbigay sa akin ng ice cream no’ng graduation. Nilingon naman siya nitong manyak na lalaki.

“Ano? Yabang mo, huh?” tanong niya pa na kinwelyuhan ang lalaki. Sinapak niya pa ‘to kaya agad akong kinabahan subalit pagkatapos niyon ay hindi ko na alam ang nangyari basta ang alam ko’y nasa sahig na ang manyakis.

“Gago ka, ipakukulong kita. Kilalanin mo muna kung sino ang binabangga mo!” galit na sigaw no’ng manyak.

“Bakit? Sino ka ba?” natatawang tanong ng estrangherong lalaki.

“And that’s self defense. You should study first bago ka magdala ng gulo,” sambit pa nito na tinapik pa ang manyak. Iritado naman ‘tong umalis sa loob ng convenience store.

Nang lingunin ko ang estrangherong lalaki, agad kong nakita ang maliit na sugat sa kakaniyang gilid na labi. Tumatanaw naman ako ng utang na loob kaya bumili ng band aid bago iniabot sa kaniya. Nagtataka niya naman akong tinignan.

“Salamat,” ani ko kaya agad siyang ngumiti.

“So you know how to say thank you, huh?” nakangisi niyang saad kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Ano naman ang palagay niya sa akin.

“Don’t you think that your job is too dangerous?” tanong niya sa akin. Akala mo naman ay close na kami dahil lang sa pagtulong niya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at iniayos lang ang mga gamit na nagulo. Ramdam ko naman na pinapanood niya lang ako. Hindi sa nagmamaganda o ano. Ayaw ko lang ibigay muli ang tiwalang mayroon ako baka sa susunod na pagkakataon na masira ito, tuluyan na akong mabaliw.

“Suplada mo,” aniya sa akin na bahagya pang tumawa. Dinaanan ko lang siya ng tingin kaya kita ko ang ngiti nitong umaabot hanggang mata.

“Hindi ka ba marunong ngumiti, Miss?” tanong niya pa sa akin.

“Close ba tayo?” tanong ko sa kaniya.

“Pwede namang starting today, kaibigan na kita,” nakangiti niyang saad.

“I’m Indigo.” Inilahad pa nito ang kamay sa akin. Tinignan ko lang siya at hindi sana papansinin pa subalit hindi niya inaalis.

“Ingrid,” pakilala ko rin sa huli.

“Nice name,” aniya na malapad pa akong nginitian.

Hindi na rin naman siya nangulit after that dahil may tumawag na sa kaniya.

“Anong oras ka uuwi?” tanong niya. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap dahil sa akin siya nakatingin subalit nakalagay naman sa tainga ang kaniyang phone. Hindi ko na lang din tuloy sinagot dahil baka hindi para sa akin ang tanong.

“Uy, anong oras ka kako uuwi,” aniya na nilagay na sa bulsa ang phone.

“Bakit?” tanong ko naman.

“Wala, pauwi na ako. Hintayin na kita. Baka bumalik ‘yong lalaki,” aniya sa akin kaya nilingon ko siya.

“May kailangan ka ba sa akin?” Hindi ko maiwasang itanong sa kaniya kaya kunot noo niya akong tinignan.

“Huh?” tanong niya na naguguluhan pa akong tinignan.

“Do you like me?” tanong ko kaya napaawang ang bibig niya kapagkuwan ay biglang tumawa. Hindi ko naman mapigilan ang mainsulto sa tawa nito kaya inirapan ko lang siya.

“Don’t get me wrong. Ayaw ko lang umuwing may iniisip. Baka mamaya’y kapag bumalik ako rito’y may nangyari na palang masama sa’yo. Ano na lang? Dala-dala ka na ng konsensiya ko,” pagpapaliwanag niya kaya napakibit ako ng balikat.

“Hindi na ‘yon babalik. Isa pa, ang daming pwedeng paghingian ng tulong diyan sa labas,” sambit ko dahil marami namang 24/7 na tindahan sa katabi ng convenience store. Nakakatakot minsan subalit kampante pa rin ako dahil marami pa ring tao kahit na gabing-gabi na.

Hindi niya na ako kinulit pa subalit kita ko siyang naglalaro lang sa phone niya at mukhang tototohanin na hintayin akong makauwi. Ganoon nga ang nangyari. Nang magsasara na ako ay saka lang din siya lumabas. Umuwi naman na rin siya after that. Nilakad lang ang eskinita malapit sa convenience store.

Akala ko’y ‘yon na rin ang huling interaksiyon naming dalawa subalit madalas ko siyang makitang tumatambay lang sa convenience store. Paiba-iba ang pagkain na binibili nito. Minsan noodles, donut, at kung ano-ano pang tinda rito.

“Ito pa,” ani ko nang iwan niya ang isang pirasong donut.

“Sa’yo na,” aniya na ngumiti pa sa akin. Kita naman ang pantay-pantay na ngipin nito. Hindi maipagkakaila na gwapo ‘to. Mukha nga rin siyang mayaman dahil sa mga damit niya.

Ibabalik ko pa sana dahil ayaw ko ng madagdagan pa ang kinauutangan ng loob subalit umalis na siya dahil may magbabayad pa. Sa una lang ‘yan mabait.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin, hindi ko tuloy maiwasang maging kuryoso rito. Baka mamaya’y masamang tao pala ito.

‘Huwag kang magpalinlang sa mga malalapad niyang ngiti, Ingrid.’

“Hi,” aniya na sinamahan pa ng kaway. Hindi ko naman maiwasan ang mapailing do’n. Hindi ko na sana papansinin pa subalit inulit niya pa. Hindi hihinto hangga’t hindi mo binabalik ang bati niya.

“Evening,” bati ko lang kaya mas lalo pang lumapad ang ngiti niya.

“Mukhang uulan ngayon. Nagdala ka ba ng payong?” friendly niya pang tanong na siyang inilingan ko. Tinignan ko pa sandali ang labas at kita na rin ang kidlat.

Bumati pa siya sa ilang taong pumasok. Sa ilang linggo niyang pamamalagi rito. Lagi ko siyang nakikitang random na nakikipag-usap sa lahat. Siya ‘yong tipong kahit na mag-isang magtravel ay hindi matutuyuan ng laway dahil kayang-kaya niyang makipag-usap kahit sa mga hindi niya kakilala.

Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng ganiyang enerhiya para bang lagi siyang masaya.

“Gwapo ko ba?” tanong niya sa akin nang mapansin ang pagtitig ko sa kaniya.

“Feeling ka?” tanong ko naman pabalik sa kaniya. Tumawa lang naman siya bago bumili ng pagkain niya ngayong araw.

Nagtungo na rin ako sa counter dahil may customer na. Naging abala naman ako. Hindi ko rin maiwasang magkwenta ng mga kailangang bilhin sa bahay. Kung sakaling may matira, baka pupwede akong mag-aral kahit pang-isang sem lang. Saka ko na ulit itutuloy kung sakaling kakapusin pang second sem. Sana’y palarin upang makapagpatuloy sa pag-aaral.

Inalis ko naman na sa aking mga isipan ang mga problema bago naglakad patungo sa kabilang side ng convenience store. Nahinto lang nang makita ang pinapanood ni Indigo.

“Wow.” Hindi ko na namalayan na naibulalas na pala. I can’t believe he’s still watching ‘Stars’ the movie that was release on 80’s. That was the first movie that I watched dahilan kung bakit gustong-gusto kong maging isang . The acting skill of the actors are good. The set are cool pati ang mga effects. Wala kang mapupuna dahil lahat ay maganda.

I remember watching that no’ng hindi pa paralyze si Mama at masaya pa ang pamilya namin. It was the reason why I became interested in filming. Nasundan pa ng ibang movies kaya ‘yon, pinapangarap ko na ngayon na maging isang producer. Pangarap kong bumuo ng movie na kasing ganda niyon.

Napatingin sa akin si Indigo nang mapansin niyang nakatayo ako sa gilid niya.

“Do you know this film?” tanong niya sa akin. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko.

“Tapos mo na ba ‘yan?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango.

“Ang cool n’ong fighting scene, no? Sobrang galing lang!” Hindi ko mapigilan ang mabulalas at naexcite pa habang nagkukwento sa kaniya. Ganoon din naman siya na hindi rin makapaniwalang napanood ko na ang film na ‘yon.

“What about ‘The Desert’? Have you watched it?” tanong niya.

“Alam mo rin ‘yon? Oo! Ang ganda! ‘Yong sound effects ang pinakapaborito ko,” ani ko.

“And of course the acting skill is a killer, the place was also superb!” aniya.

“I know right!” ani ko. Proud na proud pa tila ba ako ang producer niyon.

“Wow, how did you know about it? Ang tagal na nito, ah?” tanong ko pa sa kaniya. Interesadong-interesado.

“I watched this from my grandpa’s cd and it’s good,” aniya. Tuloy-tuloy lang kami sa pagkukwentuhan habang wala pang customer.

Habang nagkukwento ay nakikinig lang siya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapatikhim. I can’t believe I’m starting to talk with someone nang hindi man lang ako tinatanong but heck it’s about film. Hindi ko lang maiwasan lalo na’t nakikita rin siyang interesado sa kwento ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro