Chapter 39
Chapter 39
Ingrid’s POV
“I’m planning to bring Raya in manila,” aniya kaya agad akong napalingon sa kaniya.
“She won’t agree to leave with you, hindi niyon gusto roon,” ani ko.
“Pumayag na siya,” aniya. Mas lalo naman akong nataranta dahil doon. Hindi ko ata kakayanin na mawalay sa anak ko.
“Dito siya nag-aaral, Indigo…” Alam kong iisipin niya na naman na ipinagkakaitan ko siya subalit hindi ko kaya ng wala si Raya. Tatanggapin ko ang galit niya kahit na gaano pa kalala.
“I know,” aniya sa akin na napakibit pa ng balikat. Parang wala lang sa kaniya kung ano man ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao dahil dito.
“Huwag mo namang ilayo sa akin ang anak ko, Indigo—” Agad niya namang naputol ‘yon.
“Anak natin.” Pagtatama niya.
“Katulad ng paglayo mo sa akin?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita roon subalit nanatili pa rin ang tingin sa kaniya. Nangilid na agad ang luha sa ideyang kukunin niya sa akin si Raya at ‘yon ang kinatatakutan ko. Narinig ko ang malalim na buntonghininga nito.
“3 days lang, Ingrid. Hindi ko ilalayo sa’yo si Raya katulad ng paglayo mo sa kaniya sa akin,” aniya. Lagi na lang nanunumbat. Nawala naman ang kabang nararamdaman dahil sa sinabi niya.
“And you’ll come with us.” Para bang pinal na ‘yon. Nanatili ang tingin niya sa akin kaya dahan-dahan akong tumango.
Lumipas ang mga araw at nagbyahe na nga talaga kami pa-Manila. Habang nasa byahe ay dala-dala ko rin ang record ko dahil balak ding tapusin ang trabaho. Nakatulog lang din si Raya sa may lap ko. Hindi naman ako natulog dahil mas nakakaantok ‘yon para kay Indigo.
“Anong gusto mo?” tanong niya. Sinabi ko lang naman ‘yong mga madaling kainin subalit ang dami nitong inorder.
“Para kay Raya,” aniya.
“Hindi mahilig si Raya sa fastfood,” ani ko. Nasabi ko naman sa kaniya ‘yon. He bite the inside of his mouth bago tumango.
“Okay, sa’yo na lang,” aniya kaya nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi niya rin naman ‘yon pinansin at nagpatuloy na lang sa pagdadrive. Ni hindi man lang muna ito kumain.
“Gusto mo bang subuan kita?” tanong ko sa kaniya. Pasimple niya naman akong nilingon doon. I know na nagmumukha akong clingy for the past few days, paano’y hindi man lang mapalambot ang isang ‘to. Todo lambing na kaya lang ay lagi pa rin akong sinusungitan.
“You’re holding Raya,” aniya. Edi don’t. Huwag na. Arte.
“Gising na po ako, pwede mo ng subuan si Tatay, Nay.” Hindi ko alam kung malakas ba ang radar ng anak ko o ano.
“Sa front seat ka, Nay, para makahiga po ako.” Demanding pa.
“Huwag na, baka hindi pa gutom ang Tatay mo,” ani ko na nginitian pa siya kaya lang ay inihinto ni Indigo ang kotse sa gilid. Pupwede niya naman palang ihinto edi sana’y kumain na siya.
Mas lalo naman kaming binalot ng katahimikan dito. Napatikhim pa ako dahil sa malapad na ngisi ng anak habang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung kanino niya nakukuha ito subalit alam na alam ko naman kung kanino siya nagmana.
“Water?” tanong ko kay Indigo.
“Yeah, thanks,” kaswal na saad niya.
“How about you, Nak, anong gusto mong kainin?” tanong ko kay Raya.
“Busog pa po ako, kakakain ko lang po ng sandwich, ‘di ba po?” aniya kaya napatango ako. May dala-dala rin kaming vegetable salad dahil ‘yon ang inirequest niya.
“Ano pang gusto mo?” tanong ko kay Indigo.
“Ikaw,” aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Halos masamid pa sa sariling laway dahil seryoso lang ang kaniyang mukha.
“Ikaw ng bahala.” Paasa.
Naging mabilis naman ang byahe dahil buhay na buhay kaming tatlo. Ang ingay pa ni Raya dahil sinasabayan ang kanta na pinapatugtog ng kaniyang ama.
Mayamaya lang ay nakarating na rin kami sa bahay ni Indigo. Hindi ko naman maiwasan ang mamangha dahil ang laki niyon. Napangiti na lang ako dahil ang layo na talaga ng narating niya.
“Wow, is this your house, Tatay?” tanong ni Raya sa kaniya.
“Technically it’s our house, Nak,” aniya bago hinawakan si Raya sa kamay. Tahimik lang naman ako habang papasok kami sa loob. May isang caretaker na bumati sa amin, nakipag-usap pa sandali si Indigo rito.
“Anak ko po, si Raya,” pagpapakilala niya sa anak. Mukhang gulat na gulat naman ang caretaker doon subalot sa huli’y napatango na lang din siya.
“This is Ingrid po, Mang Harold,” ani Indigo. Just Ingrid. Ano bang ineexpect mo, Ingrid? Ipakilala kang ano? Talaga namang Ingrid lang dahil hindi rin kayo magkaibigan. Pwede namang ex.
“Uy, good morning po, Ma’am Ingrid,” bati niya sa akin. Ngumiti lang din ako pabalik. Si Manong Harold lang ang tao rito dahil siya lang ata ‘tong nagtatrabaho kay Indigo.
Nakasunod lang naman ako sa kanilang mag-ama. Nakamasid lang din si Raya roon at panay rin ang tanong sa ama.
“Mag-isa mo lang dito, Tay?” tanong niya sa ama. Tumango naman sa kaniya si Indigo.
“Ang lungkot naman,” bulalas niya kaya hindi ko maiwasan ang sumang-ayon. Ngumiti lang naman si Indigo sa naging bulalas ng anak.
“But now, nandito na po kami! You won’t be lonely kasi sasamahan ka na po namin ni Nanay araw-araw.” Malapad ang naging ngiti ng anak ko kaya hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kaniya. Ngumiti naman ako roon. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Indigo kaya nginitian ko lang siya. Siya naman na ang nagkusang nag-iwas ng tingin.
“Anong gusto mong ipalagay sa bahay, Nak? We’ll have major renovation,” aniya. Isa lang nama ang nasa isip ng anak. Ang garden niya. Napangiti na lang ako nang magtungo kami sa garden. Ang daming gustong ipagawa ni Raya roon. Gusto pang lagyan ng duyan kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Nakita kong may binulo sa kaniya si Indigo nang abala ako sa pagtitingin ng mga halaman dito.
“What about you, Nay? Wala ka pong gustong ipabago sa house po natin?” tanong niya. Halos masamid naman ako sa sariling laway dahil sa biglaang tanong ng anak namin. Nang tignan si Indigo, nakatingin din ito sa akin. Ibinalik ko na lang ang tingin sa anak at ngumiti lang na umiling. Wala naman akong karapatan na ipabago ang kung ano lalo na’t bahay ito ni Indigo.
Wala naman kaming kahit na anong relasiyon, kung tutuusin ay sampid lang ako. Kasama lang dahil sa anak. Wala siyang choice kung hindi isama ako sa mga plano niya but if someday makahanap siya ng ibang babae, I should be ready dahil anak niya lang ang responsibilidad niya sa aming dalawa.
“Wala po? ‘Di ba po pangarap niyo po magkaroon ng sariling library para sa mga lectures niyo po and for editing po?” tanong niya sa akin.
“Hindi na, Nak, sa bahay natin sa Neuva Ecija. Doon ko na lang siguro gagawin,” ani ko. Napatingin naman sa akin si Indigo roon. As usual ay nakasimangot na naman nang magawi ang mga mata sa akin.
Nang matapos kaming maglibot sa buong bahay, pinasyal lang sandali si Raya pero as usual mas gusto talaga nito sa mapayapang lugar.
Naglaro pa silang mag-ama sa mall, maski rin naman ako subalit hindi rin gaanong nakisali dahil pinagbibigyan ko silang magbonding. Pagod na tuloy ang anak nang makauwi kami.
Sabay na kaming naghalf bath na dalawa. Sinusuklayan ko na siya ng buhok nang pumasok si Indigo sa loob ng kwarto. Basang-basa pa ang buhok nito. Mukhang kaliligo.
“Nay! Tabi-tabi na po tayo!” ani Raya na siyang malapad ang ngiti.
“Huh?” tanong ko na napatingin pa kay Indigo na siyang nakatayo lang sa gilid habang pinupunasan ang basang buhok. Napalunok naman ako dahil doon.
“Huwag na, marami naman ang kwarto rito sa bahay ng tatay mo,” ani ko na ngumiti.
“Wala ng bakante, hindi pa tapos ang lahat ang mga kwarto maliban sa kwarto ko,” ani Indigo kaya naman agad ko siyang nilingon. Napatikhim naman ako dahil kwarto niya nga ang pinagtutuluyan namin ngayon.
“Huh? Okay, sa sofa na lang ako. Alam kong gusto niyo ring magbonding na dalawa,” ani ko na ngumiti pa.
“Edi tayong tatlo po ang magbonding, Nay!” nakangiting saad ni Raya. Binalik ko naman ang tingin kay Indigo. Gusto kong kampihan ako nito dahil alam ko naman na ayaw niya ‘yon na mangyari. He’s still mad at me.
“Ayaw ata ng Nanay mo, Nak, huwag na lang natin pilitin,” aniya kaya hindi ko mapigilan ang pagkunutan siya ng noo sa mapang-asar niyang tono.
“Awwe, ayaw mo na ba akong tabihan ngayon, Nay? Kanina pa po kita napapansin. Siguro mas favourite mo na si Racen kaysa sa akin,” sambit niya na napanguso pa. Si Racen ang estudyante ko sa elem na sobrang talino rin. Laging nagtatanong-tanong at laging nakikita ni Raya. Selosa pa naman ang anak pagdating sa akin. Wala akong favourite sa mga estudyante ko dahil lahat naman sila’y mahalaga sa akin.
“Hindi, ah, ikaw lang ang baby ni Nanay,” ani ko na ngumiti pa sa kaniya.
“Sige na, matutulog na ako rito, huwag ka ng magtampo,” ani ko kaya kita ko ang lapad ng ngiti niya. Hindi ko naman maiwasan ang mapailing dahil nadaan niya na naman ako sa kaniyang mga linyahan. Agad naman siyang natuwa roon. Halos hindi naman na ako makagalaw sa kinauupuan ko nang tumabi si Indigo sa amin dalawa ni Raya.
Parang huminto ang tibok ng puso ko, mabuti na lang ay hindi naman huminto ang kamay sa pagsusuklay sa buhok ng anak. Amoy na amoy naman ang mabangong halimuyak ni Indigo.
“Do you want to comb her hair?” tanong ko sa kaniya. Ni hindi ko siya nilingon dahil sobrang lapit namin sa isa’t isa. Wow, Ingrid, teenager ka ba?
“Ikaw na,” aniya na mukha pinapanood lang kami.
“I want to watch your movie, Tay,” ani Raya kaya napatingin sa kaniya si Indigo. Bakas ang mangha at saya mula sa mukha niya. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti roon.
“Although I already watch some kasi po laging pinanonood ni Nanay,” aniya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Aba’t nilalaglag ako nitong anak ko. Hindi ko naman binalingan ng tingin si Indigo dahil ramdam ko ang hiya.
“Sikat kasi hehe.” Ni hindi ko alam kung paano ako tatawa. Napapikit na lang ako sa sarili ko.
Mayamaya lang ay nagsimula na kaming manood. Nasa gitna namin si Raya. She’s just seriously watching. Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan siya. Dahan-dahan ko namang hinaplos ang buhok nito dahilan kung bakit mukha na itong inaantok.
“Tay, sorry po, antok na ako,” ani Raya kay Indigo. Natawa naman sa kaniya ang ama. Ginulo niya lang ang buhok ni Raya dahil doon.
“Sleep well, anak,” aniya na hinalikan si Raya sa noo.
“Good night, Mahal ko,” bulong ko nang halikan siya sa pisngi. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siyang hindi alam kung kanino yayakap sa huli’y isniksik ang sarili sa akin.
“Should I stop the film?” tanong ni Indigo. Agad naman akong umiling.
“Tatapusin ko,” ani ko.
“You didn’t watch it?” tanong niya.
“Natapos ko but I still want to watch it,” saad ko kaya kita ko ang titig niya sa akin. Ngumiti lang ako bago binalik ang mga mata sa tv. Minsan try to watch a film ng twice, the second time you’ll watch it mapagtatanto mo na talaga ngang nagmamature ang tao through time. You’ll see the film differently.
Papatayin na sana ni Indigo nang matapos ang movie niya at lumalabas na ang mga name nila.
“Sandali,” ani ko kaya nilingon niya ako. Palihim akong napangiti nang makita ang pangalan niya. Saka ko lang naramdaman ang mga mata niyang nasa akin pa rin pala.
“Tulog na tayo, good night, Mr. Producer,” ani ko na ngumiti pa sa kaniya.
“Night,” aniya. Pabebe pa rin. Napatawa naman ako sa naisip.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang hindi lang si Raya ang yakapin nito. Hindi ko nga lang alam kung sinadya niya bang idamay ako sa yakap niya o sadyang mahaba lang ang kaniyang kamay kaya ganoon. Ano pa man ang dahilan, hindi pa rin maiwasan ng puso ang matuwa. Sa sobrang tuwa ay parang nagpainom na at nagpaparty sa sobrang lakas ng tibok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro