Chapter 37
Chapter 37
Ingrid’s POV
Hanggang sa pagtulog ay hindi talaga nilubayan ni Indigo ang anak. Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan niya ‘tong natutulog. Halos mataranta naman ako nang tumayo siya kaya nagkunwari lang akong pumasok sa cr. Halos magtagal ako roon kahit wala naman talagang gagawin.
Nakapaglinis naman na ako ng katawan kanina pa, hindi ko lang talaga alam kung saan ako matutulog ngayon. Baka kasi tabihan niya ang anak, alangan naman tumabi pa ako sa kanila.
Nang lumabas ako’y halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Indigo na nakatayo lang sa tapat ng cr habang nakahalukipkip. Hindi ko naman mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi nang makita ko ang seryosong mga mata nitong dumeretso sa akin. Nunuot tingin niya sa aking kalamnan.
“Let’s talk.” Nanindig ang balahibo ko sa deklerasiyon nito. Napakagat na lang ako sa aking mga labi bago tumango. Para akong tuta na may nagawang masama nang magtungo kami sa may veranda ng hotel. Pinaglalaruan ko lang din ang aking mga daliri dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kaniya.
“What do you want to talk about?” tanong ko. Ni hindi makatingin sa kaniya habang ramdam na ramdam ko naman ang mga mata niyang nasa akin.
“You can conduct a DNA test If you—” Hindi pa ako natatapos magsalita ay may nasabi na ito.
“Sa tingin mo hindi ko paniniwalaan na anak ko si Raya gayong ako lang naman ang lalaking dumaan sa buhay mo?” Putol niya sa sinabi ko. Napakagat lang ako sa aking mga labi at hindi rin alam ang sasabihin sa kaniya.
Narinig ko pa ang mahinang mura nito, halata ring pinipigilan lang ang sariling magalit sa akin. Alam ko naman na nakakagalit talaga ang ginawa ko. Hindi ko lang talaga alam kung paano sasabihin or should I say hindi ko alam kung dapat bang sabihin. Baka nga ang totoo’y natakot lang talaga ako. Natakot ako sa maraming posibilidad na mangyari kasi masaya kami ngayon. Masaya naman ‘yong nga buhay namin kaya natakot ako na maging komplikado.
“I’m sorry… hindi ko lang alam kung paano ko aaminin… hindi ko lang alam…” Ni hindi ko maituloy ang sasabihin dahil ramdam na ang paninikip ng dibdib.
“Hindi lang talaga ako handa… pasensiya na…” ani ko na nakatingin pa rin sa kamay ko.
“Kailan ka magiging handa, Ingrid?” tanong niya.
“Sasabihib ko rin naman…”
“Kailan? Kapag tumanda na siya? Kapag hindi na ako mabibigyan ng pagkakataon na alagaan siya? Kailan, Ingrid?” tanong niya. Bakas ang galit sa mukha nito nang lingunin ko siya subalit sinusubukan pa ring pakalmahin ang kaniyang sarili. Tahimik ko lang tinanggap abg galit niya.
“Tangina naman, Ingrid…” bulalas niya. Kita pa rin ang galit mula sa kaniyang mukha.
“Maraming pagkakataon na pupwede mong sabihin na may anak tayo pero pinili mo pa ring…” Ni hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa paninikip ng dibdib.
“Paano ko sasabihin kung nakikita kong masaya ka na?” tanong ko na hindi na napigilan pa ang pangingilid ng luha.
“Paano ko sasabihin kung ayos na ‘yong buhay mo? Ayaw kong guluhin ka pa, Indigo!”
“Paano mo nalaman na masaya ako? Mind reader ka na ba?” sarkastikong tanong niya. Nakikita ko na naman ang Indigo noong college kami na kapag galit ay laging pabalang kung sumagot. Napakagat naman ako sa aking mga labi dahil sa sinabi nito.
“Sorry… I’m sorry…” Wala na akong ibang masabi dahil kahit anong gawin ko. Alam ko rin na may kasalanan talaga ako. Matagal lang kaming natahimik dahil doon. Mukhang malalim na rin ang iniisip niya habang ako’y nanatili lang na nakayuko. Hindi rin alam kung paano haharapin ang galit mula sa mukha nito. Mukha namang pinapakalma niya rin ang kaniyang sarili.
“Tell me about her,” aniya kaya tumango ako. Doon lang nabigyan ng pagkakataon na mapatingin sa labas.
“Raya Francheska Cornel.” Ramdam ko ang pagtingin niya sa akin dahil sa sinabi ko. Kahit naman na hindi na kami ay hindi ko pa rin ipagkakait ang apilyedo nito sa kaniya. Pinagkaitan nga lang na makita ang anak.
“6 years old. She’s currently in grade 1. Madaling mapikon pero hindi iyakin. She’s the type of person na talagang matatag. Hindi niya madalas sinasabi ang kung anong naririnig sa ibang tao. Madalas ay tinatago ang tunay na emosiyon. She’s friendly, madalas makipag-usap sa kahit na sino. Magalang kaya madaling magustuhan ng ibang tao. Matalino, top 1 noong grumaduate.” Nang lingunin ko si Indigo. Nakita kong nagtetake down notes siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang notebook niya pero seryoso lang siya sa ginagawa.
“She loves to plant, mayroong 57 na halaman sa garden namin. Part ng organization na ang plataporma’y pagtatanim. Madami siyang kaibigan,” ani ko.
“Mga ilan?”
“Mga 25 siguro,” ani ko.
“Sino-sino?” tanong niya. Akala ko’y nagbibiro lang ito subalit nang lingunin ko’y seryoso siya habang hinihintay akong banggitin ang mga pangalan ng kaibigan ni Raya. Napaawang lang ang labi ko dahil doon. Sa huli’y binanggit ko na lang ang close friend nito.
“She likes palabok, menudo, and halo-halo. Madalas niyang kasama ang mga Tita niya when I’m not around para magstroll. She likes nature. Madalas na gusto niya lang pinagmamasdan ito. Gustong-gusto niya ring nananatili sa garden ng school. May naitanim ng sampung halaman doon,” ani ko. Kita ko naman ang pagkamangha kay Indigo habang sinusulat ‘yon.
Halos natapos ata ako sa pagkukwento sa kaniya tungkol kay Raya mag-mamadaling araw na. Ang dami niya rin kasing tanong na matiyaga ko namang sinasagot. Nakikita ko rin kasi kung gaano siya kadesidido na kilalanin ang anak, pati ba naman ‘yon ay ipagkakait ko pa?
“You can sleep with Raya, ako na rito,” ani ko na tinuro ang upuan sa sala. Alam ko naman na gusto niya rin na makasama ang anak. Gusto ko lang siyang pagbigyan. Ngayon din kasi ang unang gabi na makakasama niya ito.
“It’s fine—” Pinutol ko naman na siya roon.
“Ayos lang, dito na ako,” ani ko na tipid pang ngumiti at dumeretso na sa upuan. Inayos ko lang ang unan ko bago ako tumalikod para subukan ng matulog. Hindi naman naging mahirap sa akin ‘yon dahil napagod din talaga kaiiyak. Magaan din sa pakiramdam dahil wala na akong tinatago pa.
Nagising lang ako kinabukasan sa mahinang bulungan ni Indigo at Raya. Napatingin pa ako sa kumot na ipinatong sa akin. Hindi ko naman maiwasang palihim na mapangiti roon. Hindi ko alam kung si Raya ba o si Indigo ang naglagay, kahit sino pa masaya pa rin ako.
“Good morning, Nay!” malapad ang naging ngiti ni Raya sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi. Napangiti naman ako roon at nagawa pang guluhin ang buhok ng anak.
“Good morning, Raya,” bati ko sa kaniya.
“Nay, kain na po tayo, nagluto na po si Tatay,” aniya kaya napatango ako. Mabilis din siyang lumapit sa ama. Napanguso ako dahil mukhang talagang may kaagaw na ako sa atensiyon nito but they’re actually cute. Hindi ko alam kung saan nakabili ng apron si Indigo pero talagang terno pa sila ni Raya.
“Good morning,” bati ko kay Indigo na siyang na kay Raya lang ang atensiyon. Alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin ito, nagtiyaga lang talaga kagabi na kausapin ako.
“Morning,” tipid na bati niya dahil tinititigan siya ng anak.
Pinagmasdan ko lang siya nang inupo niya si Raya sa tabi niya. Napangiti na lang din ako nang makita kong pinaglalagay niya ito ng pagkain. Pasubo pa lang ako nang mahinto dahil hindi lang si Raya ang nilagyan niya ng ulam pati ako. Parang tumalon naman ang puso ko roon subalit agad ding nalaglag nang makitang sinesenyasan lang siya ni Raya. Sa anak ko na lang ako napangiti.
Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya na nagtatanong sa anak.
Nang matapos kaming kumain ay balak ko na sanang umuwi subalit nagsalita si Indigo.
“Sandro already brought your clothes pati ang kay Raya. You can just take a bath here, sabay-sabay na rin tayong pumuntansa eskwela,” aniya kaya napatango na lang ako.
Pagkarating na pagkarating pa lang namin doon ay nang-uusisa na ang mga estudyante at idagdag mo pa ang mga co-teachers ko na talaga namang ipinaabot na agad sa faculty. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng hiya samantalang ang dalawa ay parang walang nakikita.
“Ikaw na ba ang maghahatid kay Raya? Ito ang lunch box niya,” sambit ko na iaabot pa sana sa kaniya ang lunch box para makalayo na sa chismis subalit tinignan niya lang ako.
“Hindi ko kayang buhatin ‘yan, buhat ko sa Raya.” Napaawang lang ang labi ko at wala akong choice kung hindi ang mapatango na lang.
Gusto ko na sanang lumayo sa mga ito subalit hawak-hawak ko lang ang lunch ng anak habang nakasunod sa kanila sa elem department. Nang madaanan pa namin ang team niya’y malapad na agad ang ngisi ng mga ito sa amin. Hindi ko alam kung anong iniisip ng mga ito pero dahil sa pagmamadali ko kahapon at pagsunod ni Indigo sa amin, parang alam ko na.
“Bye, Nay! Bye, Tay!” ani Raya na hinalikan pa kaming parehas ni Indigo sa pisngi. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil do’n.
“Bye, Ma’am, see you later,” aniya pa sa akin kaya napatawa ako. Hindi talaga makakalimutan ang kakulitan. Napatingin sa akin si Indigo kaya nakanguso ko lang na iniwas ang tingin. Nauna na akong naglakad subalit mayamaya lang ay nasabayan niya rin dahil sa laki ng mga biyas nito.
“Good morning, Ma’am, Ingrid! Siya na po ba ang the one?” natatawang tanong ng ilang estudyante sa high school department. Hindi ko naman mapigilan ang mapapikit at nagawa pang paggalitan ang mga ito. Kapag nalaman pa ni Ma’am Santillan na lumalandi ako rito sa school ground ay baka mapatalsik ako ng wala sa oras. Mahirap na.
Nauna ang faculty kaysa sa field kaya hindi ko alam kung magpaalam ba ako kay Indigo o ano.
“Dito na ako,” ani ko kaya hinintay niya lang akong makapasok sa loob. Napakagat lang ako sa aking mga labi para pigilan ang mangiti. Galit, ‘yong tao sa’yo, Ingrid. Huwag lang humarot!
“Grabe, Ma’am, Ingrid! Ikaw na talaga! Kaya naman pala walang sinasagot, may type ka pala!” natatawang saad sa akin ng mga co-teachers ko. Nahihiya naman akong nagtungo sa upuan ko at sinubukang ibaling na lang ang atensiyon gamit ko. Hindi nga lang nila ako tinantanan.
“Inom na lang tayo, Sir Jonan,” natatawa nilang sambit sa isang co-teachers namin. Nailing na lang ako at hindi na pinansin pa ang pang-aasar nila.
“Hoy, gaga ka! Masiyado kang mabilis, may pakilala na agad sa anak,” nakangising saad ni Gracia na siyang lumapit pa kahit napakalayo ng table para lang makapang-asar.
“Marami rin namang gwapong nanliligaw sa’yo pero may pinipili pala talaga ang anak mo,” natatawa niyang saad.
“Magaling, manang-mana sa akin,” aniya pa na halos pumalakpak. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing sa kaniya dahil doon.
“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa’yong siya ang tatay ni Raya?” tanong ko sa kaniya.
“Bakit naman hindi—Huh?” Halos magulantang ito sa sinabi ko kaya natawa na lang ako ng mahina. Hindi ko na sana papansinin pa ang pangungulit niya subalit mas lalo lang itong naging kuryoso dahil sa sinabi ko.
“Wow, kaya naman pala ang pili! High standard pala ang ex!” malakas niyang saad kaya maski ang ilang co-teachers ko ay napatingin din sa akin.
“Alam mo minsan nangungutos ako ng kaibigan,” ani ko kaya tumawa lang siya.
Nang palabas na ako para pumasok na sa klase ko, nahinto nang makita si Indigo na siyang nasa labas pa rin ng faculty.
“You forget your lunch,” aniya kaya napaawang ang labi ko. Akala ko’y para sa kaniya ang dala-dala niyang lunch kanina. Napakagat naman ako sa aking mga labi roon bago tinanggap ang paperbag. Tumalikod naman na siya subalit huminto rin para harapin ako.
“Huwag kang magpapalipas ng gutom.” Totoo pala talaga ang paru-paro sa tiyan, ‘no?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro