Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

Chapter 36

Ingrid’s POV

Sumunod ang tingin nang lahat sa gawi ko. Ganoon din ang mga mata ni Indigo.

“Akala ko po may meeting ka pa?” tanong niya sa akin.

“Hmm, baka mainip ka,” mahinang saad ko.

“Kaya pala matalino, teacher pala nanay.”

“Si Ma’am Ingrid pala ang mama!”

“Grabe, kaya ang ganda rin, ang ganda rin ng ina!”

Ni hindi na naging malinaw ang tinig ng mga ito dahil nanatili na ang mga mata ko kay Indigo na siyang nakatingin lang sa akin. Napatingin din siya kay Raya na siyang nakayakap sa akin ngayon.

“Anak, uwi na tayo,” ani ko. Ito na naman ako, naduduwag na naman. Binuhat ko si Raya paalis sa kumpulan ng taong naroon, paalis sa mata ng isang taong pinapanood ang bawat galaw ko.

Nasa parking na kami nang kotse at papapasukin ko na sana si Raya sa loob nang makita si Indigo na papalapit sa amin. Hindi ko maiwasan ang mapakagat sa aking mga labi dahil dito.

“Indigo…” tawag ko kay Indigo na siyang nakatitig lang sa amin. Nakita ko ang matagal na titig niya kay Raya. Napatingin naman si Raya rito.

“Indigo? ‘Di ba po ‘yon ang Tatay ko?” tanong ni Raya na nilingon pa ako. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nanatili lang ang tingin kay Indigo.

"So, siya nga po talaga ang tatay ko, Nay?" tanong niya sa akin. Matagal bago ko siya nasagot. Nangingilid na ang luha mula sa mga mata ko dahil kita ko na namumuo na rin ang kay Raya.

"Siya nga," ani ko kaya kumunot ang noo ng anak ko. Indigo was just looking at her, nakita ko kung paano ‘yon namuo.

"Sabi ko na po e! Kamukha mo nga po ang tatay ko, sabi mo hindi ikaw!” aniya na tuluyan ng umiyak ngayon. Pinigilan ko naman ang mapahikbi nang lumapit sa kaniya si Raya at umiyak lang sa kaniyang ama. Hindi ko alam kung nanghina ba si Indigo kaya napaupo na lang sa tapat ng anak pero isa lang ang sigurado ko. Sa higpit ng yakap nito’y parang ayaw niya nang alisin ang yakap sa anak. Tahimik lang akong umiiyak habang pinapanood silang dalawa.

“Tatay… bakit mo kami iniwan?” umiiyak na tanong ng anak ko. I never saw Raya cried this hard. Hindi rin siya kailanman nagtanong tungkol sa tatay niya pero kapag ikinukwento ko ito’y lagi siyang desididong makinig.

“I’m sorry…” Narinig kong sambit ni Indigo.

“Ayaw mo ba sa akin?” paputol-putol pa ang tinig si Raya nang itanong ‘yon.

“Bakit sabi mo hindi mo ako anak?” tanong pa nito na mas lalong humagulgol ng iyak ngayon. Panay lang ang hingi ng tawad ni Indigo. He rarely cry kaya habang pinagmamasdan siyang umiiyak sa anak ko ngayon, para akong mawawasak.

“I’m sorry… I didn’t know…” Ni hindi niya mabuong mabuti ang simpleng salita. “I’m sorry… anak ko…”

Walang tunog ang iyak ko habang nasa bibig pa rin ang kamay.

“Nakikita kita sa tv… mukha kang happy… masaya ka ba na wala kami?” tanong ni Raya kaya napaawang ang mga labi ko. Kapag nanood kasi kami ng news, akala ko’y abala lang siya palagi sa mga puzzle na mayroon siya. Hindi ko alam na palihim niya pala talagang pinapanood ang ama.

“I’m not… I…” Kita ko ang sakit mula sa mga mata ni Indigo habang sinusubukang punasan ang luha mula sa mga ni Raya. Parang ilog na hindi matapos sa pagtulo ang luha nito.

“Iiwan mo po ba… ulit… kami?” tanong ni Raya na napatingin pa kay Indigo. Tinignan naman siya sa mata ni Indigo. Totoo pala talagang makikita mo kung paanong unti-unting nagigiba ang mundo ng isang tao dahil lang sa mga mata nito. Ni hindi ko masilayan ang masiyahing Indigo ngayon.

“I won’t… Tatay is here now… hindi ko na kayo iiwan ulit… hindi na… patawarin mo ako, anak ko,” aniya na sinubukan pang ngumiti. Kita ko ang panginginig ng kaniyang mga labi. Ni hindi ko na napigilan pa ang paghagulgol ng iyak nang makita ko kung paano pahirin ng maliit na kamay ni Raya ang luha mula sa mga mata ni Indigo. Imbis na mabawasan ay mas lalo namang tumulo ang likido mula sa mga mata ni Indigo dahil sa ginawa ng anak ko. Mahigpit na yumakap sa kaniya si Raya nang bahagya itong kumalma.

“Mahal kita, Tatay… mahal mo rin naman kami ni Nanay, ‘di ba? Hindi tulad ng sinasabi ng mga kaklase ko… na… iniwan mo kami kasi hindi kami mahalaga sa’yo… ‘di ba po?” Tanong pa ni Raya. Para bang naipon lahat ng gusto niyang itanong at ito na ang pagkakataon para alamin ang lahat ng ‘yon. Sinubukan ko ring pigilan ang emosiyon nararamdaman pero hindi ko magawa lalo na’t hindi niya sinasabi sa akin ang mga bagay na ‘yan. My daugther is indeed strong.

“Mahal kita… mahal ko kayo… sobra… mahalaga ka, mahal ko…” bulong niya rito habang niyayakap siya. Patuloy lang ang naging iyakan nilang mag-ama hanggang sa humupa ‘yon.

Nakita kong kinakabisado ni Raya ang bawat parte ng mukha ng kaniyang ama. Ganoon din si Indigo na nanatili lang din ang titig sa kaniyang anak. Mayamaya lang ay ngumiti si Raya sa kaniya. Para naman akong matutunaw dahil doon. Ako ata ‘tong hindi pa rin kumakalma dahil hindi pa rin nagsasawa ang luha ko sa pagtulo.

“Ang pogi mo po pala talaga, Tatay, sa personal,” anang anak ko kaya kita ko ang dahan-dahan na pagkurba ng ngiti mula sa mga labi ni Indigo.

“Sa tv hindi?” natatawa niyang tanong sa anak namin.

“Gwapo rin po,” aniya na tumango pa. Nakita ko naman ang panggigil ni Indigo rito. Nagawa niya pang kurutin ang ilong ng anak ko.

“Ano ba ‘yan? May uhog pa,” pang-aasar niya rito kaya sinimangutan siya ng anak.

“Hah! Ikaw rin naman po!” Pinahid ko ang luha nang tumingin sa akin si Raya.

“Wait lang po,” paalam niya sa ama bago ako nilapitan. Umupo naman ako para tapatan siya. Napangiti ako kahit namumuo ang luha nang pahirin niya ang mga likidong nasa mata ko gamit ang maliit niyang mga kamay.

“Huwag ka na pong umiyak, Nay, ayos na po kami,” aniya na malapad pang ngumiti sa akin.

“Nay, tapos na po ang drama,” bulong niya nang niyakap ako. Napatawa naman ako nang mahina bago pinanggilan ang pisngi nito.

“Aba’t pinampunas mo ‘yang kamay mo sa akin gayong galing ka sa paghahawak ng lupa,” sambit ko sa kaniya. Ngumuso naman siya dahil doon.

“Nakagloves po ako,” aniya kaya natawa na lang ako. Kita kong nakatingin lang sa amin si Indigo. Bahagya rin akong kinabahan sa paraan ng tingin niya sa akin. Para bang galit na galit at nang-aakusa. Napapikit na lang ako dahil mayroon naman talaga siyang karapatan na magalit sa akin.

Lumapit si Raya sa kaniya. Kahit na medyo mabigat na ito’y nagawa pa rin niyang buhatin.

“Can we go to your place, Tatay?” tanong ng anak ko.

“We will,” sambit nito na nilingon pa ako. Napatango naman ako dahil doon. Hindi naman pupwedeng hindi ko siya pagbibigyan gayong ilang taon ang ipinagkait ko sa kaniya.

Hinintay ko lang sila na umalis sa harapan ko. Naglakad na sila papunta sa kotse ni Indigo subalit bago ‘yon ay nilingon niya ako.

“Let’s go,” ani Indigo. Napaawang naman ang labi ko dahil akala ko’y wala itong balak na isama ako. Napakagat na lang ako sa aking mga labi bago napatangong sumunod sa kaniya.

Tahimik lang ako nang nasa kotse kami. Abala naman sa pagkukwentuhan si Raya at Indigo. Si Raya pa nga ‘tong mas madaldal sa kanilang dalawa dahil sa hindi malamang dahilan parang nauubusan ng topic ang ama niya. Namana rin ni Raya ang pagiging palakaibigan sa kahit na kanino. Minsan nga’y nakikita ko siyang nakikipagkwentuhan kina Manang sa canteen. Aliw na aliw naman ang mga ito sa kaniya kaya dinadagdagan ang palabok niya kapag bumibili siya roon.

“Kapag hindi ka na po busy, sama ka po sa amin ni Nanay, magpaplant po kami,” ani Raya sa kaniya kaya agad din siyang nilingon ng ama.

“Kailan? I’ll make time for the both of you,” aniya agad. Kung makapangako ito’y akala mo naman talaga ay tutuparin. Sana lang ay may isang salita siya dahil madalas na tumatatak lang sa isipan ng anak ko ‘yon kung sakali. Lagi pa namang kumakapit ‘yan sa pangako.

“Talaga po, Tay? Sabi mo po ‘yan, ah?!” nakangiting saad ni Raya. Mayamaya lang ay dumating kami sa hotel na pinagtutuluyan nito. Isa sa pinakamahal na hotel ‘yon dito kaya naman mayayaman lang din ang halos lahat ng nagchecheck in. Isang buwan na sahod ko na nga ata ang 3 days lang na pagtuloy dito e.

“Dito ka po natutulog, Tatay? Sana pala ay sa amin na lang tayo dumeretso, wala pa pong bayad doon,” ani Raya sa kaniya. Buhat-buhat pa ni Indigo ang anak. Nagpapababy naman ang anak ko dahil hindi rin talaga bumibitaw sa kaniyang ama.

“So, you like plants? Do you want to build a garden?” tanong sa kaniya ni Indigo.

“I have garden in our house po pero puno na po,” aniya.

“We’ll build another one in our house,” ani Indigo.

“May house po tayo?” tanong ni Raya sa kaniya. Tumango naman siya rito. Hindi ko alam kung totoo ba o gumagawa lang siya ng kwento. Pero hindi naman mahilig mambluff si Indigo kaya sa palagay ko ay talagang totoo.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanilang dalawa.

“What do you want to eat? Tatay will cook for you,” ani Indigo na ngumiti sa kaniya.

“Menudo po!” agad na sambit ng anak ko. Napatingin naman sa akin si Indigo roon.

“That’s her favourite,” aniya kaya tumango siya sa akin at ngumiti muli sa anak namin. 

“Menudo it is,” saad niya.

Nakakapagtaka na two days lang naman siya rito pero ang dami niyang putahe na nasa ref. Akala mo’y balak ng dito manirahan.

“I can cook, pupwede kang makipagbonding na lang kay Raya,” sambit ko sa kaniya.

“Ako na,” malamig niyang saad sa akin. Napakagat naman ako sa aking mga labi. He’s really mad at me. Mukha ring gusto niyang bumawi sa anak kaya napatango na lang ako.

“Nanay, dito ka na lang po, panoorin na lang natin si Tatay,” nakangiting saad sa akin ni Raya. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Nangalumbaba lang si Raya habang pinapanood ang Tatay niya. Silang dalawa lang halos ang nag-uusap, paminsa-minsan ay sinasama ako ni Raya sa usapan nila. Si Indigo’y interesadong-interesado sa mga kwento ng anak kahit na pa mga random na bagay lang ‘yon. Kahit nga ata ang kwento nitong nawala ang lapis niya’y talagang pinapakinggan ni Indigo.

“I’ll buy you two box,” aniya kaya agad nanlaki ang mga mata ni Raya.

“Hindi ko po kailangan ng ganoon karami po, sayang po ang mga puno po,” sambit niya kaya napatitig sa kaniya si Indigo. Mayamaya lang ay bigla na lang ‘tong napangiti sa anak. Ginulo niya pa ang buhok nito at tila proud niya pang pinagmamasdan ang anak namin. Napangiti na lang din ako roon.

“Alam niyo po bang ilang puno ang napuputol dahil lang sa papel at ballpen?” tanong niya pa rito.

“So you can repay them by planting a single plant po,” sambit pa nito na malapad na ngumiti.

“You really like nature, don’t you?” tanong sa kaniya ni Indigo. Tila sa isang araw lang niyang kasama ito’y alam na alam na agad ang hilig ng anak.

“Opo, that’s why I can’t believe lang po na they’re building more buildings than planting trees or plants, gayong mas madali naman po ‘yong gawin,” aniya pa na mukhang napapaisip pa. Napatawa naman ko dahil talagang nakatitig lang sa kaniya si Indigo at mukhang nag-isip din. Nawala ang ngiti ko nang balingan niya ako ng tingin.

“You did well raising this young lady,” ani Indigo. Hindi naman na nakatingin sa akin subalit alam kong para sa akin ang kaniyang sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro