Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35

Ingrid’s POV

 

After ng pag-uusap namin ni Indigo ay umuwi na rin ako sa Neuva Ecija. Ayaw kong magkasala. Ayaw kong pagbigyan ‘yong sarili ko dahil alam kong mali. Alam na alam ko kung anong epekto niyon sa isang tao. Everytime you’ll ask your worth. Araw-araw mong itatanong sa sarili kung ano nga bang mali sa’yo. Ayaw kong maranasan ng kung sino ‘yon.

“Nay, tara na po,” ani Raya sa akin. Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya.

“Tulala ka na naman po,” aniya na ngumuso pa sa akin. Hindi ko pa rin naman kasi maiwasang isipin si Indigo. I still like him and I’m aware of what I feel.

“Wow, ganda naman ng anghel ko,” ani ko nang makita ang buhok niya na tinirintas ng Tita Jolie niya. Ngumuso lang siya bago bumulong.

“I said to Tita Jolie na I like to curl my hair,” aniya na napanguso pa. Napatawa naman ako dahil gusto niya rin ng ginagawa ni Jolie sa kaniyang buhok.

“Kapag old ka na,” ani ko kaya tumango siya at ngumiti. Tinawag ko naman na ang mga kapatid para isabay patungo sa school. Nakaupo lang naman sa tabi ko si Raya habang nakatingin sa labas ng bintana. She’s the type of person na kahit paulit-ulit niya pang nakikita ay hindi pa rin siya nagsasawa basta ba maganda. Aliw na aliw lagi ang anak ko na pinagmamasdan ang paligid.

“Bye, Ma’am!” aniya na hinalikan pa ako sa pisngi nang ihatid ko siya sa may elem department. Napatawa naman ako dahil ganoon na talaga ang nakasanayan niya.

“Good morning, Ma’am,” bati sa akin nang mga nadaanan ko. Binati ko lang din sila pabalik.

Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang mahinto dahil may kumpulan ng mga estudyante sa gitna ng field.

“Psst. Ano ‘yan? Bell na! Bakit hindi pa rin kayo pumapasok?” tanong ko sa mga batang naroon.

“Uy, si Ma’am Ingrid, pasok na!” sigawan nila. Nanatili namang seryoso ang ekspresiyon ng mukha ko. Nagawa ko pa silang pagtaasan ng kilay kaya kaniya-kaniya na silang takbo patungo sa room nila.

Nahinto naman ako nang makita ang production team na nandito mismo sa school. Mas lalo lang akong naestatwa sa kinatatayuan nang makita si Indigo na siyang nakatingin sa akin ngayon. Napaawang naman ang labi ko dahil doon. Anong ginagawa niya rito?

Saka bakit may mga artista na nandito ngayon? Bakit hindi ako nainform na may shoot pala rito?

Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya. Aba’t kung kailan iniiwasan saka namang magpapakita. Kung hindi ba naman nang-aasar ang tadhana.

“Good morning, Ma’am,” bati nang ilang kasama niya.

“Good morning po,” bati ko rin pabalik. Ngumiti pa ako nang magpaalam na aalis na roon. Pasimple ko pang nilingon si Indigo na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Parang buong katauhan ko na ang pinagmamasdan nito sa paraan ng tingin niya.

Bago ako pumasok sa klase ko’y nagtungo muna ako kina Ma’am Santillan para magtanong.

“Oh, nandito ka na pala, Ma’am,” aniya na ngumiti sa akin.

“Tatawagin pa lang sana kita. May biglaang shoot kasi rito, ayaw ko sanang pagbigyan subalit si Mr. Cornel ang nagrequest. Dalawang araw lang naman nilang gagamitin ang school. Hindi ko rin talaga matanggian,” nakangitin saad ni Ma’am Santillan. Napaawang naman ang labi ko roon.

“Pupwede bang ikaw ang magguide kapag vacant mo?” tanong niya sa akin. Tumango na lang ako roon. Ilang oras lang ang vacant ko kaya ayos lang naman sa akin.  Ang hindi ayos ay ang makita si Indigo rito. Parang sasabog ang puso ko sa kaba dahil nandito na naman siya.

Napabuntonghininga na lang ako bago nagtungo sa klase ko. Naging abala naman na ako nang pumasok sa klase ko. Buong umaga kong ipinokus na lang ang utak kahit na gusto nitong magliwaliw sa taong nasa labas ngayon. Kung hindi pa pipigilan ay hindi pa hihinto kaiisip.

“Ma’am, time na po,” anila nang magbell na at nagtuturo pa rin ako. Napanguso naman ako bago ko tinignan ang relo.

“Fine, take your break, huwag niyong kalilimutan ang assignment niyo,” sambit ko sa kanila na kinuha na ang mga librong nasa lamesa ko. Palabas na ako nang matigilan. Nakita ko si Indigo na nakasandal sa may gilid ng pinto habang nakatingin sa akin. Halos masamid naman ako sa sarili kong laway dahil sa paraan ng pagtingin nito.

Hindi naman makadaan ang nga estudyante dahil nakaharang ako. Hinayaan ko lang muna silang lumabas. Baka sakali ring umalis na si Indigo roon. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso subalit pinilit kong pakalmahin lang ‘yon.

“Ingrid,” tawag niya sa akin nang lalagpasan ko na sana siya. Kunot noo ko naman siyang nilingon. Hindi ipinahalata ang epektong dulot niya sa akin.

“I bought you foods,” aniya na inilahad pa ang pagkain na dala-dala. Tinignan ko lang naman ‘yon. Napatikhim pa ako dahil nakatingin sa amin ang mga estudyante. Dahil nga high school student talaga namang kilig na kilig pa habang nakatingin sa amin.

“Sana all, Ma’am!”

“Ang ganda talaga ni Ma’am!”

Hindi ko naman maiwasan ang pamulahan ng mukha dahil doon. Nakaramdam din ako ng hiya dahil sa kantiyawan nila. Hinila ko naman si Indigo palayo roon.

“Ano ba?” galit kong tanong sa kaniya. Nagtataka niya naman akong tinignan dahil sa inis na pinapakita ko.

“School ground ito. Kami dapat ang modelo ng nga estudyante, hindi mo sana ginagawa ‘yan,” ani ko.

“What? Bawal ka bang bigyan ng pagkain?” tanong niya na nagtataka. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Bukod sa hindi ‘yan magandang tignan sa school, mali ang gingawa mo,” ani ko.

“Paanong mali? Ang sabi mo’y may magagalit pero wala ka naman palang nobyo,” aniya sa akin.

“Pero may magagalit pa rin,” ani ko.

“So, wala ka nga talagang nobyo?” tanong niya sa akin.

“Wala? Teka nga, ano bang pakialam mo?” tanong ko na kunot na rin ang noo sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang mura niya.

“Minumura mo ba ako?” tanong ko. Agad siyang umiling dahil sa tanong ko.

“Fuck, I wasted another year nang dahil lang sa maling akala,” bulong-bulong niya kaya tinignan ko lang siya.

“Sino bang magagalit?” tanong niya sa akin. Nahinto naman ako roon. Hindi alam kung dapat bang sabihin ko na may anak na ako o ano.

“Ano bang pakialam mo? May girlfriend ka na, hindi ka na dapat pa humaharot sa ibang tao. Huwag mong sabihin na ganiyan ka rin dati no’ng tayo?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay.

“Girlfriend? Bakit sinasagot mo na ba ulit ako? Isa pa, ikaw lang gusto ko noon hanggang ngayon. Paano ko pa makukuhang magkagusto sa ibang tao? Paano ko pa maatim na lumandi sa iba kung ikaw lang ‘tong gustong harutin?” Napaawang naman ang labi ko dahil doon. Naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi subalit sa huli’y sinamaan ko lang din siya ng tingin.

“Sinungaling!” ani ko.

“Saang parte ang hindi mo pinapaniwalaan? Gawa pa akong powerpoint para iexplain sa’yo,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Ang landi mo, girlfriend mo na si Andra nagagawa mo pang—” Ni hindi niya pa pinatapos ang sasabihin ko.

“Ikaw ang una at huli kong magiging girlfriend, Ingrid,” aniya sa akin.

“Anong mahirap intindihan sa salitang ikaw lang ang gusto ko noon hanggang ngayon? Hindi ako makikipagrelasiyon sa kahit na sino unless it’s you,” sambit niya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Sino ba namang aamin kung gustong humarot sa iba, ‘di ba? Pero hindi ganoon si Indigo, Ingrid. Who knows? Nagbabago ang tao sa paglipas ng panahon.

“I’ll call Andra, kausapin mo,” aniya. Hindi naman ako tumutol at hinayaan siyang icontact ang numero ni Andra. Mayamaya lang ay sumagot ito. Ni hindi niya na kinausap pa ito. Agad niyang ibinigay sa akin ang cellphone. Nakatingin naman ako sa kaniya habang nasa tainga ang phone niya.

“Hello? Punyeta ka nakikipagmomol pa ako tawag ka nang tawag. Ano na naman ba ‘yon? Sinabi ko naman na sa’yo na nakausap ko ‘yong kapatid niya. Wala raw siyang boyfriend.” Sunod-sunod ang pagsasalita nito kaya napatingin ako kay Indigo na nakataas ang kilay. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin dahil doon.

“Andra,” tawag ko kaya natahimik sa kabilang linya. Halos mabingi pa ako nang sumigaw ito. Nilayo ko naman sa tainga ko ‘yon paano’y tili na siya nang tili.

“OMG! Nagkabalikan na ba kayo?!” Tumitili niyang tanong.

“Ah, hindi, I just want to ask kung kayo ba,” saad ko. Agad naman siyang humagalpak ng tawa dahil doon.

“Nah, hindi ko type ‘yang si Indigo. Noon lang ‘yon.” Tumatawa niyang saad. Matagal din kaming nag-usap, tuluyan na rin nakumpirma na talagang tinitignan lang nila ang magiging reaksiyon ko.

“So? Naniwala ka na?” tanong ni Indigo na ngumiti pa sa akin. Tusukin ko ang dimple nito e. Ibinigay ko lang ang phone niya.

“May pasok pa ako,” ani ko na lalagpasan na sana siya.

“Okay, Ma’am,” nakangiti niyang saad bago hinawakan ang palapulsuhan ko upang ibigay ang paperbag na dala niya.

“Don’t forget to eat,” malapad ang naging ngiti niya habang pinagmamasdan ako. Inirapan ko lang naman siya kaya narinig ko ang halakhak nito.

“See you later, Ma’am,” aniya. Hindi ko alam kung bakit parang tumatalon ang puso dahil lang sa tawag nito. Napatikhim na lang ako at kinuha ang paperbag bago dire-diretsong naglakad.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita ko si Gracia. Ang ngisi nito’y sobrang lapad.

“Nakita ko ‘yon, Mare,” aniya na halos tusukin na ang tagiliran ko.

“Sige na, ipauubaya ko na sa’yo,” natatawang saad niya kaya hindi ko mapigilan ang mapailing.

“Tigilan mo nga ako, Ma’am Gracia,” ani ko kaya mas lalo siyang ngumisi para lang asarin ako.

“Alam mo dapat nagpalit tayo ng pangalan e, parang ikaw ‘tong maraming natatanggap na grasya,” natatawa niyang saad sa akin.

“Ganda ‘yarn e,” aniya pa. Gracia is actually pretty. Sa totoo lang ay maraming nakaabang dito, wala lang talagang pinapatulan. Single na single pero takot sa commitment. Huminto rin siya sa pang-aasar nang nasa faculty na kami.

Para naman akong nakalutang sa alapaap. Wala siyang nobya and he still like me. Gumagawa naman na ako ng senaryo sa utak ko kung paano ko sasabihin sa kaniya na may instant anak siya.

Bago ako bumalik sa klase ko’y lumapit ako sa team niya.

“Mr. Cornel,” tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang napatingin sa akin at mas lalong lumapad ang ngiting nakakurba na kanina pa.

“Hi, miss mo agad ako?” tanong niya sa akin kaya pinanliitan ko lang siya ng mata.

“Busy ka ba? Pupuwede ka bang yayain ng dinner mamaya?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang ngumisi roon.

“Syempre naman, lakas mo sa akin e,” aniya. Napairap na lang ako roon.

“Okay, see you later,” ani ko na nagawa pang tumango.

Buong hapon ata na nasa klase ako, gumagawa na ng sarili script sa utak kung paano ko ipakikilala si Raya sa kaniya at kung paano ko rin ipapaliwanag sa anak.

“Saan pala sila ngayon?” tanong ko kay Gracia habang naglalakad kami patungo sa office. May meeting kasi ang mga faculty memebers. Wala ang team nina Indigo kaya hindi ko lang maiwasang isipin na maaga silang nagpack up.

“Nasa garden sila,” ani Gracia kaya agad akong napatingin sa kaniya.

“Ano?” tanong ko na ramdam ang kalabog ng dibdib.

I always want to look formal kapag nasa school na subalit hindi ko mapigilan ang mapatakbo patungo sa garden dahil alam kong nandoon ang anak.

Hindi nga ako nagkamali nang makita ko siyang may hawak na gloves habang nagsasalita sa harap ng camera. Ineexplain ang bawat halaman na nandoon. Tuwang-tuwa naman ang mga videographer habang pinapanood siya. Halos lahat sila’y namamangha rito.

Isang tao rin ang kita kong ngiting-ngiti habang nakatingin kay Raya. Panay din ang tanong niya sa anak ko na sinasagot niya naman.

“Nay!” sigaw ni Raya nang makita ako. Malapad na agad ang ngiti mula sa mga labi nito subalit hindi ko magawang gantihan ang ngiti niya. Inalis niya naman ang gloves na hawak bago siya tumakbo para yumakap sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro