Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Chapter 34

Ingrid’s POV

After a while ng pag-aaral ulit ng film. Nagulat na lang ako nang tawagan ako ni Mr. Polido para kuhaning assistant producer niya. Alam ko na madalas ay kailangan talaga ng bachelor’s degree ‘yon kaya nagulat talaga ako nang balitaan niya.

“You’re very creative, Ms. Galang, I saw the pontential on you,” anito nang tanungin ko kung bakit. Sumubok lang din naman kasi akong mag-apply sa iba’t ibang company. Well, freelance nga lang dahil hindi ko rin naman kayang talikuran ang pagiging guro.

Nasakto pa na bakasiyon pa rin ang shoot para sa film ni Mr. Polido kaya masaya ako nang tanggapin ‘yon. Ang ibang katrabaho rin naman kasi’y kilala ko na rin dahil nagtungo sila sa Neuva Ecija noong nakaraang bakasiyon.

I just wore my usual clothes bago ako lumabas para magtungo na sa paggaganapan ng shoot.

“Yup, papunta na akong shoot, Anak. Opo, see you next week,” nakangiti kong bati kay Raya na siyang nasa Neuva Ecija na ulit. Ayaw din kasi niyon dito. Hindi matagalan ang usok at polusiyon. Pero kahit paano’y nagtagal siya rito ng isang buwan. Araw-araw nga lang na sila ni Jolie ang magkasama.

Ngayon lang ulit ako bumalik dito sa manila nang kunin akong assistant producer ni Mr. Polido. Ayaw ko rin kasing palagpasin ang pagkakataon lalo na’t bakasiyon pa rin naman.

Simula rin noong nakapag-isip-isip ako, sinubukan ko na ring ilayo ang sarili kay Indigo. Ganoon din naman siya kaya hindi rin ako nahirapan.

“Good morning, Ms. Galang,” bati sa akin ng ilan. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti habang binabati rin sila pabalik. Hindi naman sila mahirap pakisamahan dahil halos lahat ay propesiyonal.

“As usual ang ganda talaga ni Ma’am,” nakangiting saad ni Mr. Reyes sa akin. Tumawa naman ako bago napailing sa mga ‘to.

Nagsimula naman na rin ang shoot kalaunan. Napagplanuhan na rin naman kasi namin ang mga ‘to. Habang nasa shoot nga lang ay may mga ideya pa ring pumapasok sa isip ko na isinasuggest ko naman kay Mr. Polido.

“That’s kinda cool. You’re really good with this one, Ms. Galang,” aniya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang matuwa sa papuri nito. Kilalang-kilala rin naman kasi si Mr. Polido bilang teacher ng mga amateurs na filming producers. Kahit nga ata sa kalye ay may nakukuha ito. Basta makitaan niya ng potensiyal kahit wala kang degree, ayos lang sa kaniya.

Kaya I was really overwhelm nang sabihin niya na kukunin niya ang akin. Nakakataba ng puso.

Ayos naman ang shoot namin no’ng unang araw. Masaya ang team dahil may mga kwela ring actor na kasama. Idagdag mo pa ang ilang staff na katrabaho namin. It was actually fun shooting with them. First movie ko ito kaya parang lahat ata ng nakikita ko ay maganda para sa akin.

Sa day 2 ng shoot, maaga akong nagising para magtungo roon. As usual, excited at hyper na naman.

“Good morning,” bati ko sa kanila. Agad naman akong sinalubong ni Lisa.

“Ms. Galang! Naaksidente po si Mr. Polido!” anila sa akin kaya napaawang ang mga labi ko. Hindi ko naman maiwasan ang mag-alala.

“Huh? Paanong—”

“Nakainom daw po kagabi,” naiiyak na saad ni Lisa. Hindi ko naman maiwasan ang mahilamos ng mukha dahil doon. Napakagat na lang ako sa aking labi. Ako ang assistant producer kaya sa akin sila nakatinging lahat. Hindi ko naman alam ang gagawin.

“We should pack up first. Bibisitahin ko muna si Mr. Polido, sa ngayon, cancel mula ang shoot,” sambit ko sa kanila. Isa-isa naman silang tumango dahil doon. ‘Yong iba’y nag-aalinlangan pa noong una. Maski rin naman ako dahil hindi ko rin naman alam ang gagawin.

Nagtungo na lang ako sa hospital kung nasaan si Mr. Polido. Hindi pa ako pinapasok noong una dahil hindi pa ito ayos subalit sa pangatlong pagkakataon na bumisita kami’y pinapasok na rin naman kami ni Direk Reyes. Pati ang head ng ilang team.

Tahimik kaming lahat nang nasa loob na. Bakas sa mukha nito ang paghingi ng tawad. Masaya ako na ayos na ito subalit hindi rin maitatanggi na malungkot dahil mukhang madedelay ang first ever movie na kabilang sana ako.

“I’m really sorry about the mess I have done,” aniya.

“Why naman kasi uminom, Mr. Polido?” tanong ni Lisa na napakamot pa sa kaniyang ulo.

“Pasensiya na,” ulit nito.

“Alam kong lahat kayo’y excited na maisakatuparan ang movie na ‘yon at malaki na rin ang nagastos natin that’s why I want to give my position to Ms. Galang,” aniya sa akin.

“Po?” tanong ko.

“I want you to guide the team, Ms. Galang, you’re good. I know you can do it,” aniya sa akin subalit mas lalo lang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin dito. What the heck?

Gulat din ang lahat sa biglaang suhestiyon nito or should I say sa pinal na desisyon nito? Ang mga team leader ay mukhang kahit mababait sa akin, mukhang hindi pa rin tiwala na kaya ko nga ‘yong gawin. Maski rin naman ako’y hindi rin sigurado sa sarili but I still did it.

Buong gabi ata akong nagplano para sa susunod na mga shoot.

Kaya nang mairesume ang shoot, halos lahat sila’y nangangamba dahil nga hindi naman din ako magaling. I was still amateur pero I did my best hanggang sa makuha na lang din ang tiwala nila. Siguro’y nakatulong din ang pagiging guro ko dahil nagawa ko silang iguide ng maayos. Nagawa ko silang turuan. Natapos namin ang movie na masasabi ko namang ilolook forward ko. Aba’t pinagpuyatan ko ‘yon ng ilang linggo.

Nang matapos ‘yon ay umuwi na rin ako sa Neuva Ecija dahil pasukan na rin ng mga bata. Hihintayin na lang naman ang releasing date ng movie at naiuupdate naman nila ako through online.

Sa mga sumunod na linggo ay naging abala ako sa pasukan kaya naging mabilis din ang araw, hindi ko namalayan na narelease na ang movie. Talagang kinulit-kulit din ako ng mga kapatid ko na magtungo sa sinehan para panoorin ‘yon. Pinagbigyan ko rin naman.

“Grabe, Ate! Ikaw talaga producer niyan?” malakas na tanong ni Jolie. Hindi ko alam kung gustong ipaalam sa mga tao sa buong sinehan. Basta ang alam ko’y kinakain na ako ng hiya. Napapatingin kasi sa amin ang ilang tao sa sinehan. Ang lakas ba naman ng tinig ng pamilya ko.

“Oh? Kayo po ang producer niyan? Ang ganda po!” May ilang lumapit sa amin nang matapos ang movie.

“Congrats po sa film niyo, Ma’am Ingrid, ang galing niyo po.” Ang dami pang bumati sa akin.

The next thing I know, viral na ako sa social media. Pati rin ang film namin ay ganoon din. Relate ang mga kabataan doon kaya naman talagang matunog sa social media.

May mga humihiling na rin ng interview with me. Ang media star. Pinagbigyan ko naman lalo na’t kilala ni Mr. Polido ang producer ng show. Siya ang humiling sa akin na magguest.

Sa mga sumunod na araw ay lumuwas na rin ako ng manila para roon. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko nang batiin ako ng mga nakasama ko sa film. Dito sila nagwowork kaya natural lang na makita ko ang mga ito. 

“Congratulations, Ms. Ingrid,” nakangiting bati sa akin ng isa sa mga nakatrabaho ko.

“No, I must say congrats to all of us, ang galing niyo! I wish for your success.” Ngumiti rin ako para ibalik sa kanila ang mainit na salubong nila sa akin.

“Ang humble talaga, Ms. Galang,” nakangiti nilang saad sa akin. Nagpaalam na rin ako dahil iginiya na ako ng isang staff patungo sa show.

Nahinto ako nang makita si Indigo na siyang nasa tapat ko. Bahagya akong nagulat sa presensiya niya although hindi naman na dapat pa dahil alam ko naman na dito rin siya nagtatrabaho.

“Good afternoon, Mr. Cornel,” bati ko sa kaniya.

“Good afternoon.” Balik niya sa aking bati. Pasimple ko siyang tinitigan. Sa hindi malamang dahilan ang mga mata’y mukhang tumalim na ngayon. Nanunuot sa aking buto ang mga tingin nito kaya napatikhim ako at nag-iwas ng tingin. Ang epekto nito’y ganoon na ganoon pa rin. Napakuyom lang ang kamao ko nang magpatuloy sa paglalakad

Dumeretso sa tv show na pag-gegguest-an.

“Let’s welcome our famous teacher-producer, Ms. Ingrid Galang!” pagwewelcome ng guest sa akin.

“Anong pakiramdam na ang sucessful ng first ever movie niyo po, Ms. Galang?” nakangiti nitong tanong sa akin.

“I’m really thankful for everyone who help me here. Masaya ako. Sobra. And it’s not possible without our team,” ani ko na ngumiti rin.

“Grabe, ang sabi ng marami’y ang galing mo raw! How did you handle the team after Mr. Polido left?” tanong niya. Umalis kasi ang producer at muntikan ng hindi matuloy ang movie. Pinush lang talaga namin dahil nasa kalagitnaan na kami at sayang naman ang budget. Assistant producer lang ako pero dahil do’n ay ako ang naghandle ng team.

“It was hard…” ipinaliwanag ko naman ang lahat ng ganap no’ng nawala si Mr. Polido para maghandle.

“How’s working with JL?” tanong pang muli nito.

“He’s a good. Mabait din na bata. Madaling pakisamahan,” sambit ko. Alam ko na tungkol sa mga artista na ang itatanong nito and I don’t really mind. It will be a great exposure.

Nang matapos ang interview ay lumabas na rin naman ako. Simula ng tumapak ako rito sa media star tila naging isang maliit na mundo na lang ang kinaroroonan naman ni Indigo. I know I should move on dahil may iba na ito. ‘Yon naman ang ginawa ko. Nagmove on but now that I saw him again. Hindi na naman siya mawala sa aking isipan.

Nakita ko kasi ‘tong nasa labas at kumakain lang ng kwek kwek habang nakikipagtawanan sa ilang katrabaho. Nang makita niya ako’y unti-unting nawala ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nanginig ang kalamnan ko nang lumapit siya sa akin o baka assuming lang ako?

“Ingrid,” tawag niya sa akin nang pumapara na ng cab.

“Gusto mo bang ihatid na kita?” tanong niya sa akin kaya nilingon ko siya.

“Gabi na,” aniya. That’s obvious. I don’t know what’s wrong with him but I don’t know what’s wrong with myself either dahil napapayag niya ako.

The next thing I know iniaayos niya na ang seatbelt ko.

Kapagkuwan ay tinuro ko lang ang apartment na tinutuluyan ko ngayon. Tahimik lang kaming dalawa tanging tibok nga lang ata ng puso ang naririnig ko. I wonder what will happen kung kami pa rin hanggang ngayon. Shit, stop thinking about that. May girlfriend na ‘yong tao, Ingrid.

Bago ko pa maalis ang seatbelt ay nagsalita na siya.

“I miss you…” pabulong na saad niya. Ang lahat ng emosiyong pinipigilan ko noon pa’y parang isang bulkang tuluyang sumabog. Bakit niya ba ako ginaganito? Gusto ko lang naman siyang kalimutan. Hindi niya na rin naman ako kinakausap kaya bakit niya sinasabi ‘to ngayon?

“I fucking hate you, you know,” ani ko sa kaniya. I said I won’t cry again just because of him but look at me crying just because of what he said. I never expected that I’ll hear that from him again.

“I hate you too…” Fuck. I never knew that words can hurt me like this. Para bang ang pira-pirasong puso’y lalo pang nawasak.

“But I still love you…” pabulong lang na saad niya na rinig na rinig ko.

“Bakit ka umalis?” tanong niya sa akin. Tila ngayon lang naitanong ang matagal ng gustong itanong sa akin.

“Sa ilang libong pinili kita, isang beses ko lang pinili ang sarili ko pero… iniwan mo pa rin ako,” aniya habang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko’y nanunuot ang tingin nito sa aking kalamnan.

“Sa isang beses mo akong tinalikuran, unti-unti akong nawasak, Indigo… Isang beses lang ‘yon pero pulidong-pulido nang tuluyan akong magiba,” umiiyak kong saad. Mas lalo pang tumulo ang luha nang unti-unti niya akong yakapin.

Nang tuluyan ng kumalma’y tila unti-unting nalinawan. Alam na mali ito.

“Ano ba? Hindi ko alam na ganiyan ka na kababa ngayon,” ani ko na pinahid ang luha mula sa mga mata ko. Hindi na nagpatangay pa sa emosiyong nararamdaman kanina.

“Mabuti pa’t patulin na lang natin ang ugnayang dalawa,” sambit ko.

“Fuck, I can’t do it, Ingrid. Gabi-gabi ikaw pa rin ‘yong nasa isip. Lagi, ikaw pa rin ‘yong nandito,” aniya na tinuro pa ang dibdib.

“Mahal pa rin kita…” pabulong na saad niya subalit tinulak ko lang siya palayo sa akin. Alam ko kung gaano ‘yon kamali.

“Hindi tama, Indigo, mabuti pa’t umuwi ka na lang. Mag-isip-isip ka. Baka gutom ka lang,” ani ko na lumabas ng kaniyang kotse.

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro