Chapter 33
Chapter 33
Ingrid’s POV
“Ingrid!” Halos maout of balance ako nang may dumamba ng yakap sa akin. Agad naman na napaawang ang labi ko nang makita si Chora na siyang mas lalo lang nagmukhang bata sa kaniyang itsura.
Akala ko’y makakalabas na ako ng payapa subalit malabo na ata ‘yon ngayon.
“Omg! True nga talagang nandito ka! Mas lalo ka pang gumanda! Grabe, wala man lang papores pores, ikaw na talaga ang pinagpala!” aniya na malapad ang ngiti sa akin. Bahagya naman akong nahiya dahil doon.
“Nakakahiya, galing talaga sa’yo ‘yan? Ang ganda mo,” ani ko dahil kapag nakikita ko siya sa mga magazine, talaga namang hahanga ka sa ganda niya. Para bang habang patagal nang patagal mas lalo lang siyang nagmumukhang bata at gumaganda.
“Grabe, bolera ka na ngayon?” natatawa niyang tanong.
“Let’s go, come with us. Kain tayo! Ang tagal kitang hindi nakita, pati facebook ay hindi ka active!” aniya na napanguso pa sa akin. I changed my facebook account. Hindi ko rin gaanong ginagamit ‘yon, depende kung kailangan kong iupdate ang ilang magulang. Mas updated pa nga ata ako pagdating sa ig parang lang makibalita.
“Hindi na, kailangan ko na ring umuwi.” Ayaw kong sumama dahil makikita ko lang si Indigo at Andra.
“Oo nga, sama ka na, Ingrid! Minsan lang naman ‘to. Why ba? May magagalit ba?” tanong sa akin ni Andra na siyang nakatabi na lang ngayon kay Indigo. Ni hindi na siya nakakapit o ano. Malapad din ang ngisi niya sa akin ngayon.
“Kailangan ko lang talagang umuwi ng maaga ngayon,” ani ko.
“Bakit? May naghihintay ba?” tanong ni Indigo na nakataas pa ang kilay sa akin.
“Oo.” Anak mo. Well, nasa byahe pa lang naman sila pero ayaw ko rin naman na maghintay pa ito.
Kita ko naman ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko.
“Saglit lang naman, hindi naman siguro maiinip ‘yon,” sabi ni Chora sa akin. Hindi niya rin ako tinigilan hanggang sa mapapayag. Hindi rin naman mainipin si Raya dahil alam na alam ng isang ‘yon kung paano libangin ang sarili. Manang-mana sa ama.
“Saglit lang ako kung ganoon,” sambit ko kaya agad na napangiti si Chora. Agad niya ring ikinawit ang kamay sa akin.
“Hindi sa ayaw kita rito pero bakit ka pala nagawi roon?” tanong ko kay Chora nang nasa parking na kami. Napakunot naman ang noo ko nang ngumisi siya at lumingon pa kay Indigo sa huli’y tumawa na lang siya.
“Ah, dumaan ako sa branch ng salon dito kaya dinaanan ko na rin si Indigo at Andra,” aniya na naroon pa rin ang mapaglarong ngisi. Akala ko’y may dalang kotse ito subalit mukhang makikisabay lang din kay Indigo.
Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa dalawa nang nagtatawanan sila nang umupo si Andra sa front seat. Hindi ko alam kung bakit ko pa ba sila tinitignan gayong nasasaktan na nga ako. Nakita kong napatingin sa akin si Indigo sa rear mirror, sa hindi ko malamang dahilan agad na lang akong nag-iwas ng tingin. Masiyado ka na namang nagpapahalata, Ingrid.
Nakipagkwentuhan lang sa akin si Chora, sinubukan ko namang ifocus ang atensiyon sa mga kwento nito subalit hindi ko rin talaga maiwasang madistract dahil kay Indigo at Andra na sweet na nag-uusap. Pare-parehas lang kaming nahinto nang marinig ang malakas na pagriring ng cellphone ko. Napapikit naman ako dahil doon. Hindi ko pala naisilent ito. Nagiging alarm ko na rin kasi ang tawag ng anak.
Sinagot ko naman ‘yon nang makita ang pangalan ni Jolie.
“Nay!” Agad na bumungad ang tinig ng anak ko.
“Hello, baby?” hininaan ko lang ang tinig nang sagutin ‘yon.
“Nay, malapit na kami sa manila! When I saw you I’ll kiss you hundred times! Can’t wait to hug you po, Nanay!” aniya kaya hindi ko mapigilan ang ngiti mula sa aking mga labi. Mataas na naman ang enerhiya nito. Napatawa pa ako nang mahina nang marinig ang tunog ng halik niya.
“I can’t wait to see you too, I’ll kiss you hundred times too. Siguraduhin mo lang na hundred times ‘yan, huh? Ingat kayo, mahal ko,” ani ko. Mabilis lang ang naging tawag namin dahil nasa byahe rin ang mga ‘to.
Nawala lang ang ngiti mula sa mga labi ko nang mapansin na natahimik silang tatlo. Napatikhim pa nang makitang ibinaba ko na ang cellphone ko. Maski si Andra at Indigo na nagtatawanan kanina’y natahimik ngayon. Napanguso naman ako at bahagya pang kinabahan dahil baka narinig nila ang tinig ng anak ko. Hindi naman nakaloud speaker ang phone kaya malabo rin talaga ‘yon.
“That’s why you’re glowing,” ani Chora kaya napatingin ako sa kaniya.
“Huh?” tanong.
“You look in peace and you look like you’re living your best life,” aniya sa akin.
“I am,” ani ko na naimagine pa ang mukha ng anak. I can’t wait to hug her. Napatitig lang sa akin si Chora kaya nagtataka ko siyang tinignan. Mayamaya lang ay ngumiti lang siya sa akin.
“I’m happy for you,” aniya.
Mayamaya lang ay dumating na rin kami sa kakainan. Agad naman akong nahinto nang makita kung nasaan kami. Main branch ng Ing&Ind.
“Tara na,” anyaya sa akin ni Chora. Nabato balani naman ako sa kinauupuan. Ni hindi alam kung paano ako lalabas ng kotse para magtungo roon. Ramdam ko agad ang paninikip ng dibdib nang lumabas kami ng kotse. Agad na binati si Andra at Indigo ng guard nila. Halatang kilalang-kilala na rito.
“Good evening po,” bati nila sa amin ni Chora. Maligalig naman silang binati nito.
Nang pumasok kami sa loob ay mas lalo lang akong natahimik. Ang laki ng shop nila. Lahat no’ng pinangarap naming dalawa ni Indigo na gawin dito, wala. Probably because it’s andra’s concept. Nadagdagan din ‘yong mga paninda naming sweets noon pero nandito pa rin naman ‘yong mga ginagawa ko dati.
“Dito tayo, Ingrid,” nakangiting sambit sa akin ni Chora. Ngumiti lang din ako nang lumapit dito. Madaldal si Chora kaya hindi naman ako naop habang nagkukwentuhan si Andra at Indigo.
I was just looking at them, bagay na bagay nga talaga sila. Mukhang kilalang-kilala na ni Andra si Indigo, of course, they were together for how many years now, mas matagal pa sa relasiyon naming dalawa ni Indigo noon. Palihim ko lang silang pinagmamasdan. Sige, saktan mo ang sarili, Ingrid.
“Uy, ‘yan lang kakainin mo?” tanong niya sa akin.
“Diet ka?” tanong niya pa sa akin kaya agad akong umiling.
“You should eat more, may magagalit,” natatawa niyang saad. Hindi ko alam kung inaasar ba ako o ano. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
“Pwede na ba akong umuwi?” tanong ko. Napatitig naman siya sa akin dahil doon. Ngumiti lang siya at tumango.
“Magtake out ka na lang din kung ganoon, ang kaunti lang ng nakain mo,” aniya sa akin na sumenyas sa isang waiter.
Napatingin naman ako kay Indigo at Andra. Abalang-abala sila sa pagkukwentuhan na hindi na rin nila ako namamalayan saka lang nang makita ako ni Andra na nakatayo.
“Uuwi ka na?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti.
“Ang aga pa! Pinapauwi ka na agad? Grabe naman, hindi ka man lang ba nasasakal?” tanong niya kaya kumunot ang noo ko.
“Ah, hindi, ako naman ang may kagustuhang umuwi,” ani ko na ngumiti lang. Napatango naman siya roon at kita ko pa ang kaniyang pagngisi.
“May sundo ka ba? Pahatid ka na kay Indigo!” sambit ni Chora kaya umiling lang ako.
“Hindi na, malapit lang naman,” ani ko.
“Tara, ihahatid na kita,” aniya ngunit agad akong umiling. Ayaw ko dahil kanina pa pinipigilan ang maluha.
“Magtataxi na lang ako, salamat sa inyo.” Matamis pa ulit akong ngumiti bago naglakad palayo sa kanila. Agad din akong pumara ng taxi nang makalabas. Sinabi ko lang kung saan ako.
Nang nasa loob na ng taxi, napatitig lang ako sa paperbag ng sweets nina Indigo at Andra. Sweets na kaming dalawa ang nagsimula. I was happy and hurt at the same time. Masaya ko dahil naituloy niya pa rin ang business naming dalawa na sa kanila na ngayon at masakit kasi hindi na ako. Hindi na ako ‘yong kasama niyang bubuo nang pangarap naming dalawa.
He was already happy and successful with her kaya paano ko naman masasabi sa kaniya na may anak kami? Na may anak siya? Ayaw ko siyang saktan. Ayaw kong masira ‘yong saya na tinatamasa niya ngayon dahil alam kong deserve niya lahat ng ‘yon.
Hindi ko na namamalayan na tahimik na akong umiiyak. Walang tunog. Pawang sakit lang.
“Ma’am, tissue po,” ani Manong kaya ngumiti lang ako. I’m mentally tired. Imbes na dumeretso sa bahay, pinababa ko lang ang taxi malayo-layo roon.
Nang bumaba ay sa sidewalks lang ako umiyak. Ang bigat sa pakiramdam. Ayaw kong makita ako ng anak ko na ganito kaya tahimik ko lang pinapahupa ang luha. Nakita ko pang may tawag mula sa kaniya kaya pinahid ko lang ang luha mula sa mga mata ko.
“Hello, Baby?” bati ko sa kaniya.
“Nay, nandito na po kami! Saan ka na po?” tanong niya sa akin mula sa kabilang linya. Pinigilan ko naman ang sarili na humikbi o kahit ano mang sign na umiiyak ako ngayon.
“Pauwi na rin ako, mahal ko,” ani ko mula sa kabilang linya.
“Okay po, see you po!” Napangiti na lang ako dahil doon.
Pinahid ko lang ang luha at nagawa pang tignan ang sarili sa salamin. Hindi ka pupwedeng makita ng anak mong umiiyak, Ingrid. Umayos ka. Nang tuluyan ng makapag-ayos ay nagtungo na rin naman ako sa apartment.
Agad naman akong sinalubong nang mahigpit na yakap ng anak ko. Hindi ko mapigilan ang pagtalon ng puso. Kailangan na kailangan ko ‘yon ngayon. Pinaghahalikan niya rin ako kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.
“Hundred kiss na ba ‘yon? Parang hindi naman,” natatawa kong saad.
“Mamaya na po ‘yong 50 kapag matutulog na tayo,” aniya kaya napangiti ako bago ko siya binuhat papasok sa loob.
“Namiss mo ba si Nanay?” tanong ko sa kaniya na pinanggigigilan na ang pisngi.
“Opo, sobra!” sambit niya na malapad pa ang ngiti sa akin.
“Nay! Ang dami ng nadagdag sa halaman ko po! Puno na po ang garden natin!” aniya na humagikhik pa. Napangiti naman ako nang ibaba ko siya sa may sofa.
“Nagpabili ka na naman sa Lolo mo?” tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang umiling.
“Kasi inaasar ako nina Tito at Tita tapos sabi nila huwag daw po akong magsumbong,” aniya kaya agad kong nilingon si Jolie na siyang abala lang sa pag-aayos ng kaniyang pinilikmata.
“Babawiin namin ‘yon, nagsumbong ka!” anito kaya napanguso ang anak ko.
“Hehe, joke lang po pala,” ani Raya kaya napatawa ako nang mahina.
“Inaway ka ba nila habang wala ako?” tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya sa akin dahil doon.
“Hindi namin ‘yan inaway, Ate. Baka mamaya umiyak, walang magpapatahan,” ani Jolie kaya hindi ko maiwasan ang mapailing. Alam nilang wala ako kaya sila ang mag-aalo kung sakali.
“Si Sandro ang madalas nang-aasar kaya binibilhan niya ng halaman,” natatawang sambit ni Jolie. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil doon. Naiimagine ang reaksiyon ni Sandro.
“Alam mo, Nay, nagtanim po kami last year, ‘di ba po? Ang lalaki na po ng mga tinanim namin!” pagkukwento niya. Napangiti naman ako dahil ang saya-saya nito habang nagkukwento.
“Tapos kahapon po, halos lahat po ng dala naming seed naitanim po namin,” nakangiting saad ni Raya.
Napawi naman ang ngiti sa mga labi ko habang tinitignan ang malapad niyang ngiti. I don’t want that smile to be gone. Siguro’y tama lang na huwag na lang talagang sabihin kay Indigo at sa kaniya ang tungkol sa isa’t isa. Ayaw kong mawala ang ngiti nilang dalawa. Masaya naman sila sa buhay sa ideyang wala ang presensiya ng isa’t isa kaya bakit ko pa sisirain ‘yon, ‘di ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro