Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Chapter 32

Ingrid’s POV

I was sleeping to tight nang magising dahil sa tawag mula kay Jolie.

“Nay!” Agad na bumungad ang tinig ng anak ko kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. I love waking up with her voice.

“Hmm, good morning, My Angel,” bati ko sa kaniya.

“Look at my plant! May tumubo na po!” excited niyang saad na ipinakita pa ang paso ng halaman niya. Sinabayan ko naman ang excitement na pinapakita nito.

“Wow! Very good naman ng mahal ko, kiss mo nga ako,” ani ko. Hinalikan niya naman ang phone kaya napatawa ako ng mahina. Gusto ko na agad panggigilan ito ng halik.

“Bye na po, Nay! Maghahanda na po ako para sa plant day!” excited na excited ito kaya napatawa ako nang mahina. I’m really happy when she’s this hyper. She deserve all the love. That’s why you need to do something today, Ingrid, tell Indigo na may anak kayo.

Isa ‘yon sa mga naging pokus ko ngayong araw. Habang nag-aaral ay nakatitig lang ako kay Indigo. Hindi alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na mayroon siyang anak. Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa akin.

“Any problem, Ma’am?” tanong niya sa akin. Agad naman akong napatikhim dahil doon.

“Po? Wala naman po?” patanong na saad ko.

“Really? Bakit kunot na kunot ‘yang noo mo habang nakatingin sa akin?” tanong niya.

“Ah, it’s nothing, pasensiya na,” ani ko na hinaluhan pa ng awkward na tawa. Nakita ko naman na napatingin sa akin ang iba. Napanguso lang ako bago nag-iwas ng tingin.

Nagpatuloy naman siya sa discussion habang tahimik lang akong nakikinig.

Nang matapos ‘yon ay hinintay ko lang na magsialis ang mga taong nasa loob ng hall. Ang tagal niyon dahil wala pa silang balak umalis kung hindi lang sila sinabihan ni Indigo na umuwi na dahil maggagabi na.

Napansin niya naman na nanatili pa rin ako sa upuan ko. Ngumiti naman ako sa kaniya kaya kumunot ang noo niya sa akin. Nagpatuloy na lang siya ng pagliligpit. Aba’t ni hindi man lang ako pinansin ng hinayupak.

“Hi, uuwi ka na?” tanong ko na ako na mismo ang lumapit ngayon.

“No, may dadaanan pa,” aniya.

“Saan?” tanong ko. Sinabi niya naman ang lugar kung saan siya tutungo.

“Talaga? Along the way lang din ang pupuntahan ko,” ani ko. Tinignan niya lang ako dahil doon tila pa nagsasabi ng ‘Anong paki ko?’

“Pwedeng sumabay? Baka matagalan kung magcocommute e,” dagdag ko pa.

“Edi sana’y kanina ka pa umalis,” sambit niya sa akin.

“Ito naman parang wala tayong pinagsamahan, isasabay mo lang naman ako,” ani ko. Hindi alam kung saan nakuha ang kakapalan ng mukha. Kita naman ang pagtiim ng bagang niya dahil doon. Napanguso pa ako nang makita kong nagpatuloy siya sa pagkuha ng gamit at naglakad na paalis nang hindi ako tinitignan.

Napabuntonghininga na lang ako. Napakagat na lang ako sa aking mga labi dahil doon.

“Let’s go,” aniya na nilingon pa ako.

“Talaga?” nakangiti kong tanong na sinabayan pa siya sa paglalakad. May mga bumati naman sa kaniya na binati niya rin pabalik. Minsan ay napapahinto pa siya para makipagkwentuhan sa mga ito. Still the same old Indigo, ‘yong tipong kahit na nakasabay niya lang sa jeep, may topic na rin agad siyang maiisip. He was always that way.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti and be proud of him. Sa kabila ng success at kasikatan na tinatamasa, he remain humble. Napatingin naman siya sa akin dahil dito.

“Bakit?” tanong niya sa akin. Umiling naman ako at nanatili pa rin ang ngiti mula sa mga labi. Naningkit lang ang mga mata niya sa akin. Mayamaya ang ay dumating kami sa parking. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto. Bahagya naman akong kinabahan dahil iniipon na ang lakas ng loob at hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Shit, hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.

“Ang ganda ng langit ngayon,” kaswal kong saad. Pasimple niya naman akong nilingon bago nanatili ang mga mata sa daan.

“It is.”

“Indigo…” tawag ko sa kaniya sa gitna ng matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napalingon naman siya sa akin dahil doon.

“Hmm?” tanong niya.

“I—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, narinig ang tawag sa kaniyang cellphone. Agad ko ring nakita kung sino ‘yon.

Andra.

 

At first he was hesitant to answer the call.

“Oks lang, sagutin mo na, hindi ako makikinig,” ani ko. Sinungaling ka, Ingrid.

 

Wala siyang choice kung hindi sagutin ang tawag kahit nandito ako. Para naman akong sinampal ng katotohanan na he was already with someone. Napakagat na lang ako sa aking mga labi bago ko binaling ang mga mata sa labas.

“I’m already on my way… hmm… alright, see you in a bit…” Malambing ang tinig nito habang kausap ito. Malayo sa tinig kapag ibang tao ang kausap. Napangiti na lang ako nang mapait sa sarili. Bakit nga ba hindi mo ‘to naisip, Ingrid? Tanga ka, masaya ma siya sa buhay niya. Masaya na rin naman kayo ng anak mo na kayo lang. Hindi na kailangang guluhin pa.

“Ano na ‘yong sinasabi mo?” tanong niya sa akin.

“Ah, sasabihin ko sana na bababa na ako roon, nakakahiya lang magsalita,” natatawa kong saad. Binabaliwala ang paninikip ng dibdib.

“Ibaba mo na lang ako riyan,” turo ko sa isang gilid.

“Saan ka dapat bababa?” tanong niya sa akin.

“Okay lang, igilid mo na lang diyan,” sabi ko na nginitian pa siya subalit hindi pa rin siya nakinig. Sa halip na ibaba niya lang ako sa gilid, nagtanong siya kung saan ang sinasabi ko.

 

“Huwag na, traffic pa, ikaw lang din ang mahihirapan. Salamat na lang,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Shit naman, Indigo, tignan mo sasabihin ko talagang sa Baguio ako bababa kung hindi ka pa hihinyo kakapilit.

Sa huli’y nagsabi na lang ako ng lugar oara makababa na. Hindi ko na ata kayang magtagal pa roon. Para akong masosuffocate dahil kasama siya sa iisang kotse.

“Salamat, ingat ka,” nakangiti kong saad na hindi naman umaabot hanggang sa mga mata. Nanatili lang ang tingin niya sa akin. Ngumiti na lang ako at nagawa pang kumaway para lang paalisin siya.

Nang tuluyan na ‘tong makaalis ay napaupo na lang din ako sa side walks. Ramdam ko ang ilang punyal na tumama sa dibdib ko. Para kay Raya at para rin sa sarili ko. Tanga ka, Ingrid, akala ko ba wala na ‘yon sa’yo? Akala ko ba nakamove on ka na? Pero kung nakamove on na ako, bakit ang sakit?

Pinahid ko ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Gaga ka, Ingrid. Anong iniiyak-iyak mo riyang boba ka?

Ang tagal kong nanatili lang na nakaupo roon. Walang dadating na Indigo kaya magtigil ka, Ingrid. Oo nga pala, hindi na nga pala siya ‘yong Indigo ko.

Nang maikalma na ang sarili, agad din akong tumayo. May naghihintay pa nga pala sa pag-uwi ko. Baka kanina pa ako hinihintay ng anak ko.

Pagkarating ko sa bahay ay agad ko ring tinawagan si Jolie. May ngiti na sa labi tila ba hindi nag-eemote kanina lang sa kalsada.

“Hi, Nay!” hyper niyang bati nang makita ako. Pakaway-kaway pa ito kaya hindi ko mapigilan ang mapangiti.

“Kumusta naman ang araw ng mahal ko?” tanong ko sa kaniya.

“Masaya po, Nay! Ang dami po naming natanim na halaman! Excited na po akong tumubo ‘yon at lumaki!” nakangiti niyang saad. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti dahil doon.

“Wow, very good naman ng prinsesa namin,” ani ko kaya tumango-tango pa siya. Napatawa naman ako nang humagikhik siya at tinapat pa ang ulo sa camera. Madalas ko kasing haplusin ang buhok nito kapag may nagagawang maganda.

“Nanay, antok na po ako, sorry po kung hindi ko na po kayo makakausap po ng matagal,” aniya sa akin kaya mas lalo pang lumapad ang ngiti mula sa mga labi ko.

“Okay, baby, sleep ka na. I’ll watch you,” ani ko kaya tumango-tango siya. Tinapat lang naman ni Jolie ang camera sa anak ko.

“Napagod sa pagtatanim kanina, Ate. Idagdag mo pa na nakipagtakbuhan sa mga kalaro. Hyper na hyper at excited din na tumubo raw ang mga tinanim niya,” pagkukwento ni Jolie. Hindi ko naman maiwasan ang ngiti mula sa mga labi ko dahil doon. Ang kulit talaga ng anak ko. Masaya ako na umpisa pa lang ay naturuan namin si Raya. Madalas din kasi siyang nanonood sa amin ni Irah.

Simula kasi ng lumipat kami sa Neuva Ecija, ‘yon na talaga ang naging hobby namin. Masaya at nakakarefresh din ng utak.

Nag-usap lang kami ni Jolie bago ko pinanood lang ang anak na natutulog. Ramdam ko naman ang pagkirot ng puso sa ideyang pinagkaitan ko siya ng ama.

“Sorry, Anak,” mahinang bulong ko sa sarili at pinalis lang ang luhang kumawala. Napabuntonghininga na lang ako at naisip na hindi magandang pagkaitan ko rin mismo ang bata ng ama. Kung hindi man siya pananagutan ni Indigo, edi bahala na. Ang mahalaga nasabi ko.

Sa sumunod na araw ay nag-aalinlangan at malalim lang ang iniisip kung sasabihin ba o hindi. Gustong-gusto kong ipaalam sa kaniya. Malapit naman siya sa bata kaya hindi niya naman siguro itatakwil ang sariling anak, ‘di ba?

“Ingrid, para kang malulunod sa iniisip mo,” ani Jacob na siyang tumabi sa akin. Tipid ko lang siyang nginitian habang pinaglalaruan lang ang ballpen ko.

Madalas magtama ang mga mata namin ni Indigo. Hindi tulad ng madalas kong gawin, hindi ko siya mangitian ngayon. Seryoso lang ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. He’s just curiously looking at me.

“See you tomorrow,” ani Indigo sa amin. Kaniya-kaniya naman na silang alis at lapit sa kaniga. Katulad kahapon, nanatili lang akong nakaupo sa upuan ko. Balak sana siyang kausapin subalit nahinto nang pumasok si Andra. She’s smiling from ears to ears. Bakas naman ang gulat ni Indigo sa kaniya dahil doon. Mukhang surprise visit ng kaniyang nobya.

Nagulat din ang ilang kumakausap kay Indigo sa presensiya ni Andra. Sikat pa rin naman kasi si Andra hanggang ngayon. She’s still gaining popularity, hindi naman kasi maitatanggi na magaling siyang aktres.

“Hi!” bati niya kay Indigo. Tinaas niya pa ang dala-dalang paperbag. Hindi ko naman mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi. Napayuko na lang ako para ilagay na ang mga gamit sa bag ko. I don’t think na I should wait pa. Allergic ako sa sakit at hindi ako manhid para manatili pa rito.

“Sana all talaga.”

“May pavisit! Grabe, ganda pala ni Ms. Andra sa personal.”

“Sabi na sila talaga e, todo deny pa kasi.”

“Tapos na ba? Tara na?” Narinig ko ang malambing na tinig ni Andra.

Nang maiayos ko na ang mga gamit ko’y naglakad na ako palabas. Bago pa tuluyang makalabas ay nagsalubong ang mga mata namin ni Indigo. Nginitian ko lang siya, hindi pinahalata ang namumuong luha mula sa akin.

“Una na ako, Mr. Cornel, see you again,” ani ko sa pormal na tinig. Ang bastos ko naman kung hindi ko siya babatiin.

“Nice to see you again, Ms. Andra,” bati ko rin kay Andra na siyang nakatitig sa akin. Kumurba ang ngiti mula sa mga labi niya bago ikinawit ang kamay sa braso ni Indigo.

“Oh, Ingrid! Nice to see you again,” aniya. Nanatili ang mga mata ko sa kamay nito bago siya nilingon. Ngumiti lang ako at nagpaalam na aalis na. Sa huli’y sakit lang ang napala. Ni hindi na naman nasabi ang pakay.

“See you around, Ingrid!” aniya pa. Ayaw ko na sanang lumingon subalit nakakahiya at baka magmukha akong bastos. Kita kong mas lalo niyang dinikit ang sarili kay Indigo habang si Indigo naman ay napatitig din sa akin. Ngumiti lang ulit ako bago tuluyan ng tumalikod.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro