Chapter 31
Chapter 31
Ingrid’s POV
“Nanay, hindi po ba talaga ako pupwedeng sumama?” tanong sa akin ni Raya.
“Do you really want to? Isasama kita kung gusto mo,” ani ko subalit agad siyang napaisip. Hindi niya rin kasi talaga kayang sumama dahil ang dami niyang kaibigan at may halaman pang binabantayan.
“Pero, Nay, puwede ko rin po bang isama ang friends ko at ang plants ko?” tanong niya. Pare-parehas naman kaming natawa nina Irah dahil sa kaniya.
“Paano mo naman madadala ‘yan doon?” natatawang tanong sa kaniya ni Sandro.
“Sige, kapag naibag mo ‘yan, isama mo,” pang-aasar pa ng kapatid ko kay Raya na siyang nakasimangot na ngayon.
“Pero mamimiss kita, Nay,” aniya sa akin na yumakap pa. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko habang niyayakap siya pabalik.
“I’ll miss you too, sama ka na lang kaya sa akin. Tanim ka na lang ng panibagong halaman doon,” sambit ko sa kaniya. Agad naman siyang napanguso dahil sa sinabi ko.
“Sasama po ako sa field day,” aniya. Ayaw din talagang sumama dahil sa org na sinalihan niya. Plant day ‘yon para sa mga bata. Siya ang may gustong sumali roon at pinagbigyan ko rin naman dahil habang bata pa lang ay nagkakaroon na ng aruga sa kalikasan.
“Susunod naman kami ni Ate Jolie po,” sambit niya kaya napatango ako. Humigpit pa ang yakap nito hanggang sa gusto na ng karga.
“Aba’t 6 na ang baby gusto pa rin ng binubuhat,” natatawa kong sambit sa kaniya. Inasar pa siya ng Tito at Tita niya na hindi niya naman pinansin.
“They were going to tease me niyan, Nay. Wala akong kakampi,” aniya pa kaya mas lalo pa akong natawa.
“Subukan niyong paiyakin,” ani ko na naningkit pa ang mata sa mga kapatid. Hindi naman iyakin ang anak ko, pikon nga lang.
Magtutungo kasi sa manila bukas para sa workshop. After one year na sa online lang ako nag-aaral. This time, personal naman. Bakasiyon ulit sa school kaya naman hindi ko rin talaga pinalagpas ang pagkakataon. Isasama ko rin talaga dapat si Raya subalit agad nila akong pinagtulungang lima. Huwag na raw, palibhasa’y happy pill ng lahat ang anak ko. Hindi nila gustong paalisin dito sa bahay but after one week ay susunod na rin naman siya sa akin doon. Hindi rin naman ako papayag na isang buwan kong hindi makakasama ang anak.
Tatapusin lang talaga niya ang field day at susunod na sa akin kasama si Jolie. Gustong-gusto ni Jolie na magtungo sa manila kaya pinagbigyan ko nang sabihin niyang gusto niyang magtungo roon.
Nagtungo naman na kami sa kwarto ni Raya. Pang-masa ang anak ko kaya naman wala pang ilang minuto ay tulog na ito. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Ang dami niya talagang namana sa ama, ang pilikmatang mahaba, ang dimple, mga mata at ilong pati na rin ang kulot-kulot na buhok. Labi at kutis nga lang ata ang akin. She’s Indigo’s daughter indeed. Napakagat ako sa aking labi nang maalala na naman si Indigo.
The last time I saw him was 1 year ago. After nang shoot sa school, hindi ko na rin siya makalimutan. Akala ko talagang nakamove on na ako pero nakita ko lang ito ng isang araw, isang taon ko na naman siyang naisip. Well, that was my chance na rin kasi na sabihing may anak siya pero sa huli’y hindi ko rin talaga nasabi.
Siguro kapag pumunta na lang din ako ng manila. I’ll tell him about it. Napatingin ako sa business card niya na kailanman ay hindi ko rin naman tinawagan. I’ll call him siguro kapag nandoon na ako. He also deserve to know. Bahala na.
Kinabukasan ay maaga na rin akong kumilos, may apartment naman na akong rerentahan. Sarili ko na lang talaga ang kailangan.
“I’ll go now,” ani ko. Nakita ko naman ang pangingilid ng luha ni Raya. Hindi ko naman mapigilan ang mapakagat sa aking mga labi. Parang bigla’y gusto ko ng umatras. One week din kasi na hindi ko ‘to makikita.
“Uhm… ingat ka, Nanay,” aniya sa akin na pinigilan ang umiyak. Hindi ko alam kung natatawa ba ako o ano dahil talagang pinapanindigan niya ang pagiging big girl.
Inihatid lang nila ako sa bus station. Ang dami kong bilin sa kanila tungkol kay Raya. ‘Di bale ng marindi sila sa akin, huwag lang talaga nilang makalimutan.
Habang nasa bus ay naiisip ko na agad si Raya. Napanguso na lang ako dahil miss ko na agad ang anak. Naging mabilis naman ang byahe ko dahil nakatulog din agad ako sa bus.
Hindi ko na dinala pa ang kotse ko dahil gagamitin din nina Papa ‘yon para sa stock sa grocery store. Isa pa, baka malate lang ako kung gagamitin ko rito sa Manila.
Nang makarating sa manila’y hindi ko mapigilan ang pagmasdan ang paligid. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Traffic at mausok subalit parang nagdagsaan ang memorya ko dahil dito na ako lumaki. Mapait at matamis. Parang isang kape. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang makababa roon. Ingat na ingat din sa gamit.
Sa mga nakaraang taon, ngayon lang ulit ako tumapak dito sa manila kaya hindi rin maiwasan ang manibago.
Nang makarating sa apartment na tutuluyan saka ko lang tinext sina Jolie at Irah. Agad naman na tumawag ang mga ito. Si Raya agad ang bumungad. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ‘tong umiiyak.
“Nanay, miss na kita.” Bago ako umalis ay ang sabi niya big girl na raw siya. Napanguso ako dahil ngayon ko lang naman kasi talaga siya iniwan doon.
“Ate, pasensiya na, bago ka umalis nagtatapang-tapangan ‘tong si Raya pero noong makaalis ka nahumagulgol na lang ng iyak,” anya. Napakamot naman ako sa ulo bago vinideo call sila. Kinausap ko naman ng masinsinan si Raya.
“If you want to be with Nanay, luluwas na kayo ni Ate Jolie,” sambit ko sa kaniya.
“Paano ‘yong field day, Nanay?” tanong niya na napanguso pa.
“Iinggitin ako nina Calie,” aniya na nakasimangot pa.
“It’s up to you… I’ll let you decide,” ani ko.
“Can I think about it the whole day?” tanong niya kaya napatawa ako nang mahina.
“Alright…” ani ko. Nag-usap lang kaming dalawa habang nag-aayos ako. Ayaw niya rin kasing ibaba and I don’t really mind about it. Mas gusto ko rin na kinakausap ito kahit na sobrang daming tanong.
After that, she decided na she’ll stay for a week muna roon at pagkatapos ng field day, pupunta na rin siya agad dito.
Hindi rin ako nakatulog agad ng gabing ‘yon. Pinanood ko lang siyang makatulog habang magkausap kami. Pinagigitnaan siya ni Jolie at Irah kaya maingay rin talaga sila.
Kinabukasan, naghanda na ako para sa workshop. Ang excitement na nadarama ay walang katumbas. I was just wearing a mommy jeans and a polo, hindi ko ibinutones ang unang dalawa.
Nang tuluyan ng makapag-ayos, sumakay lang ako ng jeep patungo sa media star academy, kung saan nagaganap ang mga workshop. Nakalimutan kong masiyado nga palang maraming tao tuwing umaga rito. Nasanay ako sa Nueva Ecija na hindi naman napupuno ang jeep o minsan ay sa tric ka sasakay.
Pakiramdam ko tuloy ay haggard na haggard na agad ako, umagang-umaga pa lang. Sinalubong lang ako ng staff at iginiya sa room na pagdadaungan ng workshop. Dala-dala ko lang ang camera na ang tagal ko ring pinag-ipunan. Kahit paano’y kumikita rin ako kapag nag-eedit dito.
Umupo lang ako sa gitnang bahagi ng room. Marami-rami rin kahit paano ang tao.
Halos manginig ako sa kaba nang makita ko kung sino ang magtuturo sa amin. It’s Indigo. So for 1 months talagang araw-araw ko siyang makikita?
“Good morning,” bati niya. Halos mangilabot ako sa lamig ng tinig nito. Malayong-malayo sa Indigo na kilala ko. Subalit makikita naman ang mapaglarong ngisi mula sa mga labi niya.
Napatingin naman ako sa nga kasama ko na talaga namang kilig na kilig habang tinititigan ang speaker na si Indigo. May nga teen ager pa na mukhang siya ang ipinunta rito. Hindi naman din kasi maipagkakaila na sikat talaga si Indigo sa social media bilang hot producer. Pakiramdam ko nga’y mas sikat pa siya sa ibang artista sa dami niyang followers sa nga accounts niya. Wow, Ingrid, hindi halatang stalker ka.
Napailing na lang ako sa sarili at itinutok na lang ang mga mata sa harapan. Napadiretso ako ng upo nang nanuot ang mga mata niya sa akin. Bakas ang gulat mula sa mukha nito nang makita ko. Ngumiti naman ako sa kaniya dahil doon.
“Let’s start.” Bumalik lang ang itsura niya sa pagiging suplado at inilibot din ang mga mata sa buong room.
Kapagkuwan ay nagsimula na rin siyang magturo. Tahimik lang naman ako habang nakikinig. Kahit paminsan-minsan ay nadidistract, sinubukan ko pa ring magfocus dahil sayang naman ang perang pinambayad ko rito kung haharot lang ako. Mahirap na ang buhay ngayon.
“Mr. Cornel, what about you? Anong sikreto mo kung bakit sobrang successful mo na ngayon?” tanong nila. Narinig ko naman ang munting halakhak mula kay Indigo.
“Hmm? I can’t say that I’m already successful. I still have a long way to go,” aniya naman dito. He looks intimidating by his look subalit kaswal at tila ba nakikipagkwentuhan lang siya habang nagtuturo. But you can say na marami ka talagang matututunan sa kaniya dahil magaling siya. Noon pa naman ay ganiyan na siya. Mas lalo lang talaga ngayon.
Mga simpleng bagay pa lang ang tinuturo nito dahil bukas pa lang naman talaga magstart ang klase sa kaniya.
Napatingin naman kami sa isang batang babae na siyang malambing na ngumiti kay Indigo nang tignan siya nito.
“May I ask what should I do po? I don’t really know how to use this po,” aniya na pinakita pa ang camera niya. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil dito. I thought this class is already advance?
Lumapit naman si Indigo sa kaniya. Ibinalik niya pa ang ngiti niyong babae sa kaniya. Hindi ko naman mapigilan ang maalala ang ganap noong college kami. Parang noon lang ako lang ang tinuturuan nito. Huwag kang atribida, Ingrid. Magtiis ka.
Sunod-sunod naman na ang nagtanong sa kanila. Hindi ko mapigilan ang magtaka roon. Nailing na lang ako at nanatili ang mga mata sa camera ko.
“Mukhang hindi ang klase ang ipinunta, mukhang ‘yong teacher pala,” natatawang saad ng isang lalaki na katabi ko.
“Hi,” bati niya pa sa akin nang hindi ko siya binalingan ng tingin.
“I’m Jacob,” pagpapakilala niya na naglahad pa ng kamay sa akin.
“Ingrid,” ani ko na ngumiti lang. Hindi naman na uso ang pakikipagkamay ngayon. Napapikit na lang ako dahil hindi niya pa rin inaalis. Tinanggap ko na lang dahil ayaw ko rin naman na mapahiya ‘to.
“Avoid talking to each other. As much as possible ay makinig sana, sayang naman ang ibinayad niyo, ‘di ba?” nakangiting tanong ni Indigo na siyang nasa harap. Ulol, ikaw nga ‘tong nagsasayang ng oras namin magturo ng basic information na dapat ay alam na nila bago pa sila pumasok dito.
Wow, bakit nga ba nagagalit ka, Ingrid?
Nailing na lang ako sa sarili at ibinalik ang mga mata sa kaniya. Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nasa akin na ang mga mata niya. Ni hindi niya man lang iniwas ‘yon sa akin. Tumaas lang ang kilay niya nang ngitian ko siya. Napangiwi naman ako nang ibaling niya na sa iba ‘yon.
Habang nakikinig sa kaniya, I can’t help but to be proud. He was really that good. Ang dami niya na talagang pinagdaanan.
Nang matapos ang lesson, hihintayin ko pa sana na lumabas ang lahat bago ako lumabas para batiin siya subalit nakita kong marami ring nag-aabang na estudyante. Napakibit na lang ako ng balikat bago naglakad patungo sa labas.
“Ingrid, nahulog,” aniya nang dumaan ako sa harapan niya. Kita ko ang keychain na nasa kamay niya na.
“Oh, thanks,” sambit ko na ngumiti lang.
“Indigo,” tawag ko sa kaniya nang tumalikod siya sa akin. Nilingon niya naman ako nang nagtataka.
“It took me years to say this to you but I really want to congratulate you. Sincerely. I’m proud of you, Indigo,” ani ko na nginitian siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro