Chapter 30
Chapter 30
Ingrid's POV
Indigo Cornel. Producer under media star.
Sa baba niyon ang contact number niya but I don't have the courage to call him. Teka nga, bakit mo naman tatawagan, Ingrid? Wala namang kahit na anong damage ang nangyari.
But he need to know na may anak siya. Hindi ko nga lang gusto ang ideyang banggitin dito sa takot na hindi niya matanggap ang anak. He's living his best life. Isa pa, natatakot ako na mahati na ang atensiyon ng anak ko. Paano kung kunin niya sa akin ang bata? You're being selfish again, Ingrid.
Nailing na lang ako sa naiisip. Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil nakita kong nakatayo si Raya sa tapat ko. Punong-puno ng polbo ang mukha at nakasimangot pa. Natawa naman ako nang mahina dahil paniguradong natalo na naman siya sa laro nila ng mga Tito at Tita niya. Ang mga 'yon pa naman ay hindi talaga siya pagbibigyan kaya sanay na sanay ang anak sa pagkatalo.
"Oh, anong nangyari sa mukha ng baby ko?" Pinigilan ko pa ang matawa dahil talagang nakasimangot na ito.
"Nanay! Ang daya ni Kuya Sandro!" aniya na halos mangiyak-ngiyak na
Agad namang sumigaw si Sandro na siyang natatawa.
"Aba't kapag talo, manahimik," natatawa niya pang pang-aasar sa anak ko.
"Nay!" reklamo ni Raya kaya natatawa ko siyang niyakap at kunwari pang pinagsabihan sina Sandro.
"Hindi niyo man lang binigyan ng pagkakataon na pahiran kayo ng polbo sa mukha," ani ko sa kanila. Tumawa lang naman sila at mas lalo pang inasar si Raya. Mga sira talaga, alam kasing ako rin ang magpapakalma sa anak kaya ang lalakas ng loob mang-asar.
"Aba't anong ginawa niyo sa prinsesa ko?" tanong ni Papa na kararating lang. Agad naman na nagsumbong ang anak ko sa kaniyang lolo. Nailing na lang ako dahil todo kampi ito sa anak ko. 'Yong mga bagay na hindi niya nagawa sa akin, talagang binabawi niya sa apo. Masasabi ko naman na I matured through time. Kahit paano'y nagawa ko namang magpatawad.
Mabilis lang lumipas ang mga araw, ang palaisipan na nandito si Indigo'y unti-unting nasagot nang dumating ang araw na magshoshoot ang mga artista sa lugar.
"Ma'am Galang," tawag sa akin ni Ma'am Santillan. Lumapit naman ako sa kaniya na malapad ang ngiti subalit unti-unti 'yon na nawala nang makita ko si Indigo na siyang kausap nila. May kasama rin itong isang may katandaang lalaki.
"This is Ma'am Galang, she's going to assist you here. Mayroon naman po siyang alam tungkol sa filming," nakangiting pagpapakilala sa akin ni Ma'am Santillan.
"Good morning po," bati ko sa kanila. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Indigo. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Napakagat naman ako sa aking labi at nag-iwas ng tingin. I was just wearing a compy shirt and pants. Katulad noon.
"Ang ganda naman ni Ma'am Ingrid," nakangising saad ng isang lalaki. Tipid lang naman akong ngumiti nang kuhanin nito ang kamay ko para makipagkamay.
Isa-isa naman silang nagpakilala sa akin. Tinanggap ko lang ang kamay ng bawat taong nagpapakilala, ganoon din ng kay Indigo na.
"Indigo," aniya na akala mo'y hindi ko natatandaan ang pangalan niya.
"Nice to see you again, Indigo," ani ko na nginitian siya. Nakita ko naman ang tingin niya sa akin. Para bang nanantiya.
"Mr. Cornel is just here for sight seeing. Mr. Polido will be the one going to produce this movie," ani Ma'am Santillan. Nagpakilala naman ako sa producer na si Mr. Polido.
"Oh, nice to see you, Ma'am Galang. Kayo po ba 'yong mga gumagawa ng short film dito?" tanong niya sa akin. Nahihiya naman akong tumango dahil doon.
"Wow. So it's really real. You're good." Hindi ko alam kung bakit nilingon niya si Indigo nang sabihin 'yon habang si Indigo naman ay abalang-abala sa mga kausap tila wala rin ang presensiya ko sa kaniya. Well, like I said we already move on. Talaga ba, Ingrid? Bakit ang lakas ng tibok ng puso mo ngayong nandito siya? Bakit para kang tanga ngayon?
"Kumain na po ba kayo? May inihanda pong simpleng salu-salo ang faculty," anyaya ko sa kanila.
"Nako, pafall pala 'tong si Ma'am," anila kaya napakunot ang noo ko. Hindi naman na sila mga bata para mahulog pa sa simpleng 'Kumain ka na ba?'
"Sus, hirap mahulog diyan! Napakamanhid," anang isa sa mga kasama kong teacher. Nakikichismis lang dito dahil gustong makakita ng artista. Nailing na lang ako dahil inasar nila akong irereto sa kung sino.
"Pero huwag ka, maraming manliligaw 'yan. Mga Tito at tatay ng estudyante niya," sabi pa ni Gracia. Hindi ko naman maiwasan ang pamulahan ng mukha. We're supposed to talk about the place kaya bakit napunta na sa akin ang usapan?
"Hindi naman nakapagtataka na maraming manliligaw si Ma'am, ang ganda e!" ani Direk Reyes.
"Pwede ba akong mag-apply, Ma'am?" tanong nila.
"May magagalit," ani ko kaya agad na tumawa ang mga teacher na kasama ko. Alam nila kung gaano kasuplada ang anak ko sa mga nagtatangkang makipag-usap lang sa akin. Depende na lang talaga kung alam niyang pawang trabaho lang.
"Awwe, taken na pala," sambit nila kaya nagkibit lang ako ng balikat. Hindi na itinama pa 'yon.
"Tara na po sa faculty, kain muna kayong breakfast then ililibot ko kayo sa lugar. You can always ask me po," nakangiti kong sambit sa kanila. Pasimple pa akong tumingin kay Indigo na kunot lang ang noo ngayon at busangot pa ang mukha habang may kausap. Halos masamid ako sa sariling laway nang makita ko siyang napatingin sa akin. Nagkunwari lang ako na nadaanan siya ng tingin.
Nang nasa faculty na kami'y iginiya ko lang sila sa inihandang pagkain. Kasama naman ang mga guro na siyang nagpapakuha ng litrato sa mga artistang nandito.
"Mare, pass sa artista," bulong sa akin ni Gracia.
"Yes sa hot producer!" Paimpit na tumili pa siya habang palihim na tinuturo si Indigo na siyang itinutupi ang kaniyang sleeve hanggang sa siko. Napansin niya naman ang tingin ko sa kaniya, sa halip na mag-iwas ng tingin sa kaniya at magmukhang tanga, nginitian ko na lang 'to. Kita ko namang napatitig siya sa akin dahil doon.
"Gaga ka! Akin 'yan, Te, hanap ka ng iyo. Aba't nginitian mo pa talaga, huh? Isusumbong kita kay Raya," aniya sa akin kaya tumawa lang ako.
"Samahan pa kita," ani ko kaya agad siyang napasunod sa akin. Nangulit pa siya sa akin. Kung hindi lang ako kinausap ng mga bisita rito sa school baka hindi niya na talaga ako tinantanan pa.
"Kabisado mo rin ba ang bundok, Ma'am?" tanong nila sa akin.
"Puwedeng magpatulong? Pasama sana kami," anila sa akin.
"Hindi na niya trabaho 'yon, Mr. Taguimbao," ani Indigo na siyang nasa tapat ko lang. Napatingin naman ako sa kaniya roon.
"I can guide you, madalas naman akong magtungo roon. I don't really mind," ani ko. Bakasiyon din naman kasi. One month before pasukan kung mag-ayos din kami kaya hindi ko lang talaga maiwasan na magpresinta. Gustong-gusto ko rin kasi na makinood sa shoot nila.
"Talaga, Ma'am? Wow! Hindi lang po pala talaga kayo maganda, ang bait pa!" pambobola nila kaya hindi ko maiwasan ang mapailing.
Nang matapos silang kumain ay iginiya ko naman sila sa buong school. Pumunta na rin naman dito ang production team kaya naman hindi na rin sila nahirapan maghanap ng place.
Nagstart na rin agad ang shoot nang dumating na ang ilang sikat na artista. Manghang-mangha naman kaming mga guro na nakikinood. Hindi ko rin alam kung bakit dumapo ang mga mata ko kay Indigo na siyang katabi ni Mr. Polido at ni Direk Reyes. Alam kong he was on his vacation at tinitignan lang ang place pero hinihingan din siya ng suggestion ni Direk Reyes. Napatitig naman ako habang pinapanood niya sa screen ang mga artista. Seryoso lang ang mukha nito. I know how professional he is pagdating sa work.
"Uy, sino gusto mo riyan? Siguraduhin mong pasok sa standard ng anak mo," natatawang bulong sa akin ni Gracia. Sinamaan ko naman siya ng tingin at kinurot sa tagiliran. Natawa naman siya sa akin dahil doon.
"Sige na, pinapalaya ko na si Mr. Cornel. Itatabi ko na, ikaw na," aniya kaya naiiling na lang akong umalis sa tabi niya. Sobrang kulit kasi.
Buong maghapon silang nagshushoot dito, may mga estudyante rin na nakasilip sa labas ng gate. Kinakabahan nga lang dahil baka biglang maisipan ni Jolie na magpunta rito at isama si Raya. Laking pasasalamat ko nang sumapit ang hapon at wala namang dumating sa mga kapatid ko.
"I did dream to become a producer po pero ngayon po'y ginawa ko na lang na hobby," ani ko na ngumiti sa kanila.
"Oh, hindi pa naman huli ang lahat, sa nakikita ko sa'yo, mukha namang passion mo talaga ang filming. Why don't you train? May mga workshop through zoom kung hindi mo magagawang magtungo o kaya naman ay gahol ka sa oras. Mga panggabi," aniya kaya hindi ko mapigilan ang maging kuryoso.
"Talaga po?" Hindi ko mapigilan ang excitement na nadarama. Maybe I was still longing at holding to that dream. Hindi ko pa rin maiwasan na hilingin na sana matupad ang pangarap na makagawa ng sarili kong movie. Movie na talaga nga namang tatatak sa ibang tao.
"Yes," aniya at ipinakita sa akin ang isang academy na nagpapatake ng workshop sa gabi.
"You can enroll anytime. Ang ibang nagtuturo'y mga sikat din na producer," pagpapaliwanag niya. Napatango lang ako habang nakikinig. Kanina kasing nag-uusap kami nina Ma'am Santillan. Nabanggit niya sa mga ito na passion ko talaga ang filming kaya tinanong ako ni Mr. Polido. He's actually nice kahit sa team niya pati na rin sa mga kasama kong staff dito sa school. Kung tatantiyahin, mas matanda lang siya ng ilang taon kay Indigo.
Tapos na ang shoot kaya nagpaalam na rin ako sa kanila. They were going to stay on one of the hotel malapit dito sa school.
Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa academy na sinasabi nito. I was too excited kaya naman imbes na sa bahay mag-enroll. Naupo lang ako sa may tabi ng halaman at nagsimulang magregister. May bayad 'yon monthly, may ipon na rin naman ako at talagang gusto ko ng ituloy ang passion ko. Oportunidad na mismo ang kumatok kaya bakit ko naman tatanggian.
"So you're going to study again?" Halos napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko nang makita si Indigo. Sa halip na kumalma na, mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko. Shit. I thought you're already fine, Ingrid?
"Hala, bakit ba nanggugulat ka?" tanong ko sa kaniya.
"You're going to continue your dream?" Walang pag-aalinlangan naman akong tumango.
"I know you can do that," aniya na ngumiti sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi. This is not good. Parang naninikip ang dibdib ko sa kaba.
"Talaga bang may magagalit?" tanong niya sa akin.
"Huh?" tanong ko sa kaniya pabalik.
"May magagalit kung may poporma sa'yo?" tanong niya ulit. Napakunot naman ang noo ko bago siya nilingon.
"Mayroon," ani ko dahil totoo namang magagalit talaga ang anak ko. Nahinto naman siya dahil sa sinabi ko. Kita ko ang pag-igting ng bagang nito. Mayamaya lang ay nilingon ulit ako bago siya ngumiti.
"Oh," aniya na napatango na lang sa akin.
"Nice to see you again, Ma'am," bati niya sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil do'n. I can't really believe na he was talking to me at sobrang kaswal pa ng tinig samantalang halos sumabog na ang puso, nagkagulog na rin ang mga paru-paro sa tiyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro