Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

Ingrid’s POV

“Ingrid, wala kang kasama?” tanong nila sa akin. Tumango naman ako roon. Nakita ko agad ang nakakainsultong ngisi mula sa mga labi ng mga ‘to.

“Kawawa ka naman. Hindi na mabigyan ng atensiyon ng papa mo.” Kunwaring naawa subalit kita ko ang tinatagong ngisi mula sa labi ni Steffanie. Dinagdagan pa ng palihim na tawa ng mga kaibigan.

It’s our graduation at maglalakad nanaman akong mag-isa patungo sa stage. Minsan kahit na gaano pa karami ang achievments na natatamasa ko kapag naglalakad na patungo roon hindi ko maiwasang maitanong kung para saan pa? Para saan ba?

Naupo na kami sa kaniya-kaniyang upuan. Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga graduates. Halos lahat sila’y nalulungkot dahil magtatapos na kami ng senior high. Ako lang ata ‘tong natutuwa na makaalis sa school na ‘to.

Nang tawagin ang pangalan ko bilang highest honor na may kasama pang iba’t ibang award. Kita ko ang tingin nila na para bang iniinsulto ako. Hindi ko niyuko ang ulo. Why sould I? Hindi ako magpapaapekto sa kahit anong tingin nila.

“Congrats, Ms. Galang. You did well,” nakangiting bati sa akin ng guro ko. Ngumiti lang naman ako sa kaniya.

“Bakit wala ang magulang mo?” pang-uusisa niya. Nagkibit lang naman ako ng balikat bago binaling ang tingin sa principal na cinocongrats din ako.

Nang matapos ang ceremony, kaniya-kaniya na silang paalam sa isa’t isa. Yakap-yakapan pa na wari’y hindi na magkikita.

“Omg, I’ll miss you, Ingrid,” ani Steffanie na lumapit pa sa akin para yumakap. Tinanggap ko lang kahit na alam kong plastikan lang naman. They’re that good.

“Let’s take a picture, Guys!” aniya sa kaniyang mga kaibiga. Kinuha ko naman na ang aking mga gamit, handa ng umalis dito.

“Ingrid, pakuha naman ng litrato,” anila kaya ‘yon naman ang ginawa ko. Nang matapos sa pagkuha ng litrato’y nagpakuha rin sina Jayvee at Sarah. Kita ko ang pagkakahawak ni Jayvee sa baywang nito. Nang mapansin ni Jayvee ‘yon ay malapad siyang ngumisi sa akin at mas lalo pang hinapit ang baywang nito. Ngumisi na lang din ako. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kagago.

“We look good here, Babe. Let’s frame it,” ani Sarah na lumingkis pa kay Jayvee.

“Last na, Ingrid. Kami nina Mama,” ani Sarah na sinenyasan pa ang magulang nila ni Jayvee. Bahagya akong nasaktan dahil kahit paano’y may pinagsamahan kami ni Jayvee pero kailanman, hindi niya ako pinakilala sa magulang niya bilang kaniyang nobya. What do you fuckinh expect, Ingrid?

Kinuhanan ko lang sila ng litrato. Nang matapos ay ngumiti sa akin ang Mommy ni Jayvee. Kilala niya ako bilang kaibigan nito pero I don’t think she’ll like me being Jayvee’s girlfriend.

“Congrats, Ingrid. Ang talino mo talaga, Hija,” bati niya sa akin.

“Thank you po, Tita,” ani ko na nginitian lang siya. Ngumiti naman siya at binalingan ng tingin si Sarah bago niya hinaplos ang mahaba at itim na itim nitong buhok. Kahit hindi ko gusto, nakaramdam pa rin ako ng kakapiranggot na kirot dahil do’n.

Tuluyan naman na akong nakapagpaalam sa kanila. Habang palabas ay naririnig pa ang usap-usapan ng mga tao.

“Kawawa naman si Ingrid.”

“Dapat lang sa kaniya ‘yan. Masiyadong mapagmataas.”

“Tanga kasi. Pamigay pa ng nobyo.”

“Sana all pinakilala.”

I don’t really understand kung bakit mas tinutuon pa ng mga tao ang atensiyon sa ikasisira ng iba. I mean wala ba silang sariling buhay? Can’t they focus on their self growth instead? If they choose to do that edi maganda. Aangat pa ang pilipinas.

Hindi ko na lang pinansin pa ang usap-usapam ng mga ‘to at nauna ng naglakad paalis.

Mas lalo pang nalungkot nang madaanan ang mga magulang na tuwang-tuwa dahil sa achivements ng kani-kanilang anak. Hindi man lang ako naalala ni Papa. Napailing na lang ako. Lungkot. Parang isang gutom na gutom na lion na handa kang kainin. Para kang nasa isang malaking gubat. Kailangan mong maghanap ng paraan para makasurvive and that’s what I’m doing right now.

Imbis na magmukmok ay naglakad na lang ako patungo sa convenienve store ni Aling Gloria. Para naman may maiuwi akong makakain mamaya sa bahay. Nagsimula na akong magtrabaho sa kaniya, dalawang linggo ang nakalipas.

Nilagay ko lang sa bag ko ang mga medalya pati na rin ang toga subalit habang ginagawa ‘yon ay may nakabangga. Nilingon ko lang ‘to sandali. Mukha siyang pamilyar but I don’t really have time to think about it.

“Sorry po,” ani ko bago pumasok.

“I know you,” anito sa akin na sumunod pa sa pagpasok sa convenience store.

“Ikaw ‘yong niloko ng ex, ‘di ba? ‘Yong may malateleseryeng kwento no’ng nakaraan?” tanong niya sa akin na ngumisi pa. Nilingon ko naman siya dahil do’n. Bahagya lang tumaas ang kilay ko hanggang sa matandaan siya.

“Ah, ikaw ‘yong pakialamero,” ani ko kaya napatawa siya. Hindi ko na siya pinansin at binati si Aling Gloria na siyang nagbabantay.

“Good evening po, Aling Gloria,” bati ko sa kaniya. Four hours lang ako rito at tuwing gabi ang duty ko. ‘Yon kasi ang oras na pupwede ako.

“Good evening, Ingrid,” aniya na nilingon ako. Tinignan niya ako sandali bago kumunot ang noo.

“Graduation niyo?” tanong niya na nilingon ang toga ko. Ngumiti lang naman ako bago tumango sa kaniya.

“Nako! Bakit hindi mo sinabi? Edi sana’y pinagpahinga muna kita! You should spend your day with your family, Hija!” aniya sa akin subalit ngumiti lang ako at umiling.

“Bukas na po, Aling Gloria. Tulog na rin po panigurado ang mga kapatid ko saka kailangan ko pong mag-ipon,” nakangiti kong saad. Tinignan niya lang ako at pinilit pang umuwi na lang muna subalit nandito na ako. Sayang naman kung uuwi pa.

Nagbihis na rin ako bago lumabas muli para palitan si Aling Gloria na nagmamatigas pa.

“Kaya ko na po, Aling Gloria. Ako na pong bahala,” ani ko na nginitian pa siya. Sa huli’y pumayag din dahil kita naman na antok na antok na rin siya. Umalis na rin siya sa convenience store. Napatingin naman ako sa lalaking nakasalubong ko kanina. Pinag-iisipan niya pa rin ang mga bibilhan. Kung ano-ano ang pinaglalagay niya sa kaniyang cart. Paikot-ikot lang do’n hanggang sa natigilan siya nang mapatingin sa akin. Mukha pa siyang nagulat doon kaya nanliit ang mga mata ko.

“Grabe ka naman kung makatingin! Parang handa kang tapusin ang buhay ko anumang oras!” natatawa niyang saad bago siya lumapit para magbayad. Just looking at him para ka ng mapapagod dahil parang ang dami niyang enerhiya sa katawan.

“Bakit? Balak mong magnakaw?” tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya roon.

“Hindi, no!” natatawa niyang saad.

“Yaman ko lang,” mayabang niyang pang sambit kaya napailing na lang ako. Hindi ko alam kung nagpapatawa ba siya o talagang nagyayabang. Hindi ko naman pinansin ang ngisi mula sa mga labi niya at nagpatuloy na lang sa trabaho.

“Ito pa,” ani ko nang iwan niya ang isang ice cream at inumin.

“That’s for you. I heard na graduation niyo. Congrats!” aniya kaya natigilan ako bago siya nginiwian.

“Chismoso,” bulong-bulong ko na narinig niya rin naman. Tumawa lang siya bago kumaway paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaalis. Hindi ko naman mapigilan ang mapakagat sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang ice cream na iniabot nito.

Kahit hindi ko gusto, nakaramdam ako ng tuwa. I can’t believe na sa isang estranghero ko pa matatanggap ang congrats na gusto kong marinig sa mga taong malapit sa akin.

“Hala,” bulong ko nang may namuong luha. I can’t believe I’ll cry just by a simple congratulation from a stranger.

Patapos na ako sa trabaho nang palabas na sana subalit nahinto nang makita si Aling Gloria na papapasok sa shop.

“Congrats, Hija, ito lang ang nabili namin ng asawa ko,” ani Aling Gloria na iniabutan ako ng maliit na cake. Hindi ko naman mapigilan ang mapatingin sa kaniya. Malapad naman na ngiti ang pinakawalan niya.

“Hindi mo kasi sinabing gagraduate ka pala, sana’y napaghandaan pa namin,” anito subalit nakatulala lang ako. Pinigilan ko ang sariling maiyak. How can my worst day turn into a great one kahit na ilang oras na lang matatapos na ang araw?

“Thank you po,” ani ko kaya ginulo niya lang ang buhok ko.

“Mabuti na lang ay naabutan ka pa namin,” aniya na malapad ang naging pagngiti. We took picture in their polariod camera ng asawa niya. Nang matapos ‘yon ay umuwi ako sa amin na may ngiti sa mga labi.

Akala ko ‘yon na ang highlight ng gabi ko. Mas lalo lang natuwa nang makita si Sandro at Irah na siyang nasa sala habang parehas na tulog. Mayroong biscuit na mukhang binili lang nila sa labas sa lamesa. May kasamang sulat ‘yon.

‘Congrats, Ate! Sabi na kaya mo e! I love you!’

 

Napangiti na lang ako bago ko isa-isa silang binuhat papasok ng kwarto. Pinagmasdan ko lang ang payapa nilang mukha habang mahimbing na mahimbing sa pagtulog.

Sometimes I wanted to end my life pero bigla na lang maalala ang mukha nilang dalawa. Paano sila kapag nawala ako? Ang bata pa nila pero ang dami na rin nilang ginagawang hindi naman dapat ginagawa ng mga bata. Dapat ay naglalaro at nag-aaral lang ang mga ito pero imbis na maglaro’y pinapaliguan si Mama. Gumagawa ng yema para itinda sa kanilang school para lang may maipangbaon. Kahit gustuhin ko mang awatin sila, alam ko rin na napagkukunan nila ‘yon ng baon.

But now that I have a job, I don’t think na kailangan pa nilang gawin ‘yon. Ako na ang magtatrabaho.

That night, nakatulog ako na may ngiti mula sa aking mga labi. Hindi ko na inalala pa ang unang nangyari. Basta masaya ako.

Nagising lang ako kinaumagahan na pinapanood ng mga kapatid ko.

“Anong problema niyo?” natatawa kong tanong.

“Sa atin ba ‘yong cake sa lamesa, Ate?” tanong nila na medyo naexcite pa. Hindi ko naman maiwasang matawa at napatango.

“Wow!” anila na tatakbo na sana patungo roon ngunit hinarap akong muli.

“Congrats pala, Ate! Nakita po namin ang mga medal mo po! Ang dami!” tuwang-tuwa nilang saad kaya hindi ko maiwasang matawa bago sila niyakap na dalawa.

Pinakain ko na rin naman si Mama. Naglinis na rin ako ng bahay.

“Irah, Sandro, hindi niyo na kailangan pang magtinda niyang yema niyo. May trabaho naman na si Ate,” sabi ko sa kanila habang pinapanood ang mga ‘tong abalang-abala sa pagbabalot ng mga pastillas at yema nila.

“Ayos lang, Ate. Um-order din po kasi si Aling Fey. Masarap daw po! May pag-iipunan din po kasi kami ni Sandro,” aniya kaya tumaas ang kilay ko bago sila nilingon.

“Aba, ano ‘yon?” tanong ko. Wala silang balak sabihin at parehas pang napakibit ng balikat.

“Aalis ka pa po?” tanong nila sa akin. Tumango naman ako roon. Hindi pupwedeng manatili lang ako rito sa bahay. Sayang ang mga araw. Habang bakasiyon pa’y gusto kong maghanap ng trabaho habang nagtatrabaho sa convenience store tutal ay panggabi naman ako roon.

Kailangan kong bumili ng panggamot ni Mama at ang vitamins naman ni Sandro.

“Bantayan niyo si Mama, okay? Huwag din kayong magpalaboy sa kalsada. Ako ng bibili ng pinag-iipunan niyo,” sabi ko sa kanila.

“Kami na po, Ate. Ikaw nga po nag-iipon oara sa pag-aaral niyo po sa kolehiyo, ‘di ba?” tanong ni Irah sa akin kaya nahinto ako roon. Alam kong matalino ang mga kapatid ko at maasahan subalit hindi ko lang alam na pati ‘yon ay alam nila.

“Hihinto muna si Ate, kayo na muna ang pag-aaralin ko,” sambit ko kaya nanlaki ang mata nila.

“Pero pangarap mong maging sikat na producer, Ate!” Hindi mapigilan ni Sandro ang pagsigaw. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Hindi ibig sabihin na ihihinto ko sa ngayon, tuluyan na akong titigil,” natatawa kong sambit sa kanila.

“Minsan kailangan mong huminto para magpatuloy,” sabi ko bago ginulo ang mga buhok nila.

Maybe not now but someday I’ll chase after my dream…

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro