Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Chapter 28

Indigo’s POV

“Ano, Pogi? Kukunin mo na ba?” tanong sa akin n’ong ale.

“Si Ate naman, medyo lang ho,” natatawa kong biro kaya natawa siya.

“Sige na nga po dahil tinawag niyo akong pogi, kunin ko na,” ani ko kaya mas lalo siyang natawa.

Nang matapos ang paghahanap ng apartment na matutuluyan ay lumabas na rin ako para kahit paano’y may alam din dito.

Habang naglalakad sa isang eskinita, napakunot ang noo ko sa isang babaeng nagtatago sa tabi ng basurahan.

“Did you saw someone passed here?” tanong ng isang lalaki sa akin. Tinignan ko ang babaeng abalang-abala sa pagtatago. Balak ko sana ‘tong asarin lalo na nang marinig na girlfriend siya ng binata subalit ang talim ng mga mata niya’y tila tagos hanggang sa kaluluwa.

Nang sabihin ko na nandito siya, hindi ko maiwasang manatili lalo na’t baka mamaya’y scam lang naman pala ‘yon. Baka mamaya’y masamang tao pala ang lalaki. Mahirap na, pakiramdam ko’y dadalhin ng konsensiya ko ‘yon.

Narinig kong niloko siya nito kaya naman ang simpatya ay napunta sa babae. I don’t knoe kung bakit siya nagtatago gayong dapat ay sinusugod niya ‘to. Makapal din ang mukhang magpakita, hindi ko mapigilan ang mapailing doon. Bakit nga ba ako nangingialam ngayon?

“Don’t be, I’m actually thankful, Jayvee. Thank you for saving me from an asshole like you,” nakangising sambit nang babae roon sa lalaki. Gusto kong pumalakpak dahil do’n.

Damn, Girl, that’s right. Know your worth. 

Gusto kong sumabat subalit pinigil ko ang sarili, baka isipin pa nilang pakialamero ako kahit na ‘yon naman ang totoo.

Nang paalis na ito’y halos manlamig ang mukha ko nang makita ang masama niyang tingin sa akin. There’s something is her eyes na kahit masama ang ibinigay na tingin para bang ang lungkot-lungkot. Ngayon, naniniwala na talaga ako na nagsasalita ang mata.

After that day, hindi ko na magawang makalimutan ang babaeng ‘yon. Hindi ko alam kung dahil ba gusto kong malaman kung bakit siya niloko o talagang interesado lang ako sa kaniya. Hindi ko rin talaga alam.

I’m not actually simp for girls. Games pwede pa siguro. Ni hindi pa ako nagkakaroon ng nobya although marami rin akong kaibigang babae.

“Sino ‘yong nasa tweet mo? May crush ka na? Sa wakas!” ani Cho sa akin na napapalakpak pa. Chora is my best friend simula no’ng elem. We almost had the same personality.

“Tigilan mo nga ako, Chora,” ani ko na nailing pa.

“Sure na ba ‘yan?” tanong ni Chora sa akin nang makita niyang nag-iimpake na ako ng gamit ko.

“Bakit? Huwag mong sabihing mamimiss mo ako, ah?” natatawa kong pang-aasar sa kaniya.

“Ulol mo! Kahit huwag ka ng umuwi! Sawang-sawa na ako sa mukha mo!” Tinawanan ko lang ‘yon.

“Papa mo,” bulong niya sa akin kaya napatikhim ako. Paniguradong masesermonan na naman ako nito. Nagpaalam naman na si Chora sa akin at lumabas na ng bahay.

“Talagang sinusuway mo ang kagustuhan ko, Indigo?” Pagkalapit na pagkalapit pa lang ni Daddy ay nagpupuyos na ‘to sa galit.

“Anong mapapala mo riyan sa pagiging producer na ‘yan? Kung magtatrabaho ka sa kompanya’y edi sana iwas alalahanin pa!” aniya sa akin. Hinayaan ko lang naman ‘tong sermonan ako. Noon pa man ay plano ko ng maging producer sa ayaw o gusto ni Daddy kaya ready na ako sa mga bagay na kukunin nito sa akin.

“Ibalik mo ang kotse mo sa akin!” galit niyang sambit kaya ibinigay ko ang susi sa kaniya. Mas lalo naman siyang nagalit dahil do’n. Hindi niya lang inexpect na ipagpapalit ko ‘to. Ganito ako kadesidido sa gusto ko.

“Don’t expect na makakatanggap ka pa ng allowance sa akin, Indigo,” galit niyang sambit. I know that’s why unti-unti kong inipon ang allowance na binibigay niya no’ng mga nakaraang taon. Ang ilang mamahaling gamit din ay pakaunti-kaunti nang ibenta ko.

“Talaga bang ‘yan ang gusto mong kurso, Nak?” tanong ni Mama sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ako nginitian.

“Fine, if that’s what you want.” Palihim niya pa akong inabutan ng pera kaya hindi ko maiwasan ang pag-awang ng labi ko.

“My,” ani ko kaya ginulo niya lang ang buhok ko.

“Just don’t tell your dad, ingat ka roon,” aniya sa akin. Ngumiti lang naman ako at tumango.

“Best Mom ever!” ani ko na hinalikan pa siya sa pisngi. Napatawa naman siya sa akin dahil dito.

“Ako lang naman ang Mama mo,” aniya kaya natawa rin ako.

After that ay nagtungo na ulit ako sa manila lulan ng bus. Akala ko, hindi ko makikita pa ang babae subalit laking gulat ko nang makabanggang ‘to. Mukhang hindi ako natatandaan nito kaya nagawa ko pang magpakiala kahit mukhang hindi naman siya interesado.

“Ah, ikaw ‘yong pakialamero,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang mamangha habang nakatingin dito. Bahagya pa akong natawa dahil sa kaniyang sinabi. Naalala niya nga, bilang pakialamero naman. So that was what she think of me that time, huh?

Nang lingunin ko siya, she looks sad. Hindi ko alam kung bakit and I really want to cheer her up lalo na nang malaman na graduation niya pero nandito siya ngayon para magtrabaho. Ang galing lang.

Lumabas na rin ako nang maibigay sa kaniya ‘yon. Nadouble kill pa dahil hindi lang pakialamero ang tingin nito sa akin, chismoso pa.

Tina @Indigoat: Kingina, minsan na nga lang magkaron ng interes, chismoso pa tingin sa akin. #sadakue #patayinniyonalangako #lifeissad

Cho @Prettychora: Ay ngayon mo lang ba nalaman?

Cho @Prettychora: Atleast, aware ka na AHSGSGSHAGAGSHAHAHA

Carver @Carwash: Sino ba ‘yang malas na babae na ‘yan?

Natawa na lang din ako sa reply ng mga kaibigan. Nang dumapa sa kama’y hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa babae. That’s our second interaction at hindi ko rin inaasahan na madadagdagan pa.

She likes film, just like me. Malaki ang manila kaya hindi ko lang mapigilang mamangha nang maski siya’y ganoon din and that’s really nice.

Ingrid. Ingrid Galang.

What a nice name. Katulad ng pangalan ay magalang din pagdating sa nakakatanda sa kaniya. Ang ilap nga lang nito. Nakailang beses pa ata akong nag-attempt na kausapin siya saka lang ako ginustong kausapin nang makita na ang interes ko sa ilang old movies na nalaman ko lang sa lolo ko.

Unti-unti ko siyang naging kaibigan. Mailap subalit kapag nakasundo mo na’y she’s really cool to be with. Paminsan-minsan ay bigla na lang ding nagkukwento ng mga random na bagay and she always listen to me kahit na wala namang katuturan ang mga ikinukwento ko.

“Galit ka ba? Pasensiya na kung iniwan kita bigla,” aniya. Shit.

Nagtatampo ako dahil bigla niya akong iniwan sa mall pagkatapos sabihin ng kapatid ng ex niya na naaksidente ito pero ngayong nakikita ko na ang mukha niya. Parang ang hirap naman magtampo.

“It’s fine, naintindihan ko naman na kaibigan mo pa rin siya,” ani ko.

“Galit ka.” Hindi ‘yon tanong. Hindi ko mapigilan ang matuwa dahil kahit paano’y may alam na siya sa akin.

“Medyo nainis lang,” ani ko dahil ‘yon naman ang totoo. Naiinis lang ako sa tukmol na Jayvee na ‘yon. She’s too pure. Paano niya naatim na saktan ito? Ni hindi na sila pero nagawa niya pa rin siyang puntahan para lang siguraduhin kung ayos lang ba talaga siya. Swerte niya but at the same time malas din dahil nagawa niya pang pakawalan ang babaeng nasa harap ko ngayon.

“Pasensiya na,” aniya kaya ginulo ko ang buhok nito. Mukha kasi siyang maamong tupa na kailangan ng aruga.

“Ayos na, tapos naman na ‘yon. Ngayong nakita na kita parang hindi ko matitiis na mainis,” nakangiti kong sambit dahil ‘yon ang totoo. Parang ang hirap magalit sa kaniya. Isa pa, baka magsawang manuyo.

Mas lalo pa kaming napalapit sa isa’t isa nang mapag-alaman ko na desidido talaga siyang mag-aral. Ang wholesome lang makakita ng taong ganoon dahil sa school ko dati, bulakbol lang ang iba. Nagstart kami ng small business na para sa aming dalawa.

Nagdagsaan ang chat ng mga kaibigan ko nang magsimula kaming maglive selling ni Ingrid. Ang dami nilang sinasabi, wala namang katuturan ang iba. Nakakahiya pa dahil si Ingrid ang sumagot ng mga chat nila. Mukhang tukmol pa ang mga ito dahil akala ata nagbibiro ako.

“Tangina…” bulong ko nang makitang tumatawag si Ingrid. Pangarap ko lang ‘to. Hindi ko alam kung paano ako aayos ng upo para sagutin ‘yon. Napalunok na lang ako bago napagpasiyahang sagutin ang call niya.

“Someone called me, girlfriend mo ata,” bungad niya. Girlfriend? Mayroon na ako niyon?

“Girlfriend? Wala ako niyon, depende na lang kung gusto mong maging isa,” ani ko. Matinding katahimikan ang nanaig hanggang sa tumawa ako kahit na joke lang naman talaga ‘yon. Depende na lang sa kaniya kung seseryosohin niya. Willing naman ako. But I know her, she’s too focus on her life, sa pamilya niya.

“Sino ba ‘yon?” tanong ko.

“Kita mo na, sa sobrang dami mong babae hindi mo na alam kung sino,” aniya na tumawa pa. Heck. Ang sarap talaga sa pandinig ng halakhak nito. Para akong hineheleng matulog.

“Madami ka ba?” tanong ko.

“Melchora ang pangalan,” pag-iiba niya ng usapan kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti. Alam niya talaga ang mga the moves, mabuti ‘yan at ng walang pumorma. Wow, Indigo, binabakuran na, ni hindi ka nga gusto.

Gusto niya na agad ibaba ang tawag kaya hindi ko maiwasang pahabain ang usapa. Gusto ko pa siyang kausap. Tanong lang ako nang tanong tungkol sa kung ano. Mabuti nga’t hindi niya ‘yon napapansin.

“Good night, Ingrid,” ani ko dahil napaisip na baka pagod na rin ‘to.

“Good night, Indigo. Sleep well,” aniya kaya mas lalong kumurba ang ngiti mula sa aking mga labi.

“Paano ako makakatulog nang maayos nito kung siya ang nasa isip ko?”

Mayamaya lang ay nakita kong tumatawag na si Chora at ang mga kaibigan ko.

“Hoy, chika!” bungad agad nila. Hindi ko naman maiwasan ang mapailing.

“Sa wakas! Binata na ang abujingjing,” ani Bren kaya napangiwi ako. Tawanan naman ang narinig ko mula sa mga kaibigan.

“Mga gago, matutulog na ako. Bahala kayo riyan,” ani ko dahil ang lalakas mang-asar ng mga hinayupak. Bago ko pa mapatay ang tawag ay agad na silang nagsalita.

“Gago, pakilala mo sa amin!” anila.

“Tangina niyo, hindi niyon alam na may mga kupal akong kaibigan. Isa pa ‘di niya alam na crush ko siya,” ani ko.

“Hina mo naman! Turuan na ba kita ng mga the moves ko?” tanong ni Chora kaya hindi ko maiwasan ang matawa at napailing na lang din sa mga pinagsasabi nila.

“Parinig ka nang parinig sa twitter, wala naman palang twitter crush mo,” anila. Ang dami pang mga pinagsasabi kaya pinatayan ko na.

“Ikaw na lang, una na ako.” Nagmamadali itong tumakbo paalis. Napaawang ang labi ko at naestatwa dahil sa inasta nito.

“Anak ng tokwa,” bulong ko sa sarili dahil gusto ko ngang huwag siyang mabasa subalit parang wala lang ang ulan sa kaniya. Akala mo waterproof. Nagmadali nga ako sa pagtungo rito dahil alam kong uulan pero nagawa niya pa akong iwan.

“Hala, teka lang, Indigo! Akala ko ba sasabay ka,” ani Steffanie nang nakahanda na akong tumakbo. Hinawakan niya pa ang palapulsuhan ko dahil do’n.

“Hindi na, si Ingrid ang balak kong ipasabay,” ani ko na inalis ang palapulsuhan niya. Patakbo na ulit nang laylayan naman ng damit ko ang hinawakan niya.

“Ganoon talaga ang isang ‘yon. Moody masiyado. Minsan ay bigla na lang nawawala,” aniya sa akin.

“Weird pa,” dagdag naman ng isa niyang kaibigan. Kumunot naman ang noo ko dahil do’n.

“So, that’s the reason,” ani ko. Alam ko na agad na hindi maganda ang tungo nila kay Ingrid sa biglaang paninira. Inalis ko na ang hawak nila at nagmadali ng tumakbo. Agad ko naman siyang nakita na nakaupo sa isang tabi at basang-basa na. Tumiim ang bagang ko habang nang makita ang itsura niya.

Tangina.

 

She look so fragile and soft.

“Tayong dalawa ang magkasamang umuuwi, Ingrid. Anong ineexpect mo? Na sasabay ako roon ng wala ka?” tanong ko na kahit subukan pang pakalmahin ang sarili, hindi ko magawa lalo na’t nakikita ko siyang tulala sa isang tabi ngayon.

Nangyari nga ang kinatatakutan dahil nagkasakit ‘to. Ang tigas kasi ng ulo. Pumasok pa kahit na masama na ang pakiramdam.

“Papa, huwag mo kaming iwan, please.” Narinig kong sambit niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko nang tatayo na sana para kumuha ng panyo para ilagay sa noo niya.

“Papa.” Nakita ko pa ang luha mula sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para punasan ‘yon. Heck. I don’t want to see her like this. Gustong-gusto kong alagaan.

Nang kumalma siya’y saka lang din ata ako pumirmi at nang gumaling saka lang ako nakalma.

“Ano? Anong napapala mo riyan sa film na ‘yan? Mapapakain ka ba niyan in the future? Siguraduhin mo lang na hindi ka magiging pabigat sa pamilya!” galit na sambit ni Daddy nang umuwi ako. Rinding-rindi na ako sa paulit-ulit na lang na sinasabi niya. It was as if nakagawian niya ng pababain ang kumpiyansa sa sarili ko.

Sinubukan ko na lang na ipasok sa kabilang tainga at labas sa kabila subalit kahit anong gawin ko, importante pa rin para sa akin ang opinyon niya. Pero kung gaano kababa ang tingin ni Papa sa akin? Ganoon naman kataas ang tiwala ni Ingrid na kaya ko.

Sa course ko kasi, minsan mapapaisip ka kung tama ba talaga ang tinatahak mong kurso. Minsan din ay maiisip mo na hindi ka naman talaga magalit but Ingrid is there to tell me na kaya ko.

“Luh, si Indigo? Nawawala ng kumpiyansa sa sarili? Magaling ka! Sobra! Hindi ko nga alam kung paanong nagkakasya sa utak mo ang mga ideyang ‘yon,” nakangiti niyang sambit sa akin. Hindi niya alam na sa mga simpleng puri lang ay dinadala ko na sa kung saan. Unti-unting nabubup ang tiwala sa sarili na kaya ko nga talaga.

She’s always like that. Tahimik pero kapag nagsalita na’y matatameme ka na lang.

“Kapag lalaki ang nangaliwa, normal pero kapag babae, walang moral? Hindi ba pupwedeng parehas na immoral? Isa lang gusto kong sabihin sa inyo, tangina niyo," malutong kong mura niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil do’n. She’s not a saint or anything pero lagi niyanhmg sinusubukang maging isang mabuting halimbawa sa mhga kapatid niya kaya naman ang marinig siyang magmura na talagang gigil na gigil, hindi ko maiwasan ang matawa.

Pero dahil pikon din sa mga kaibigan ng ex niya, nagawa ko pang sumuntok bago siya tinakbo palayo roon.

Hindi ko maiwasan ang pagsimangot nang makita ang mga kalmot sa kaniyang mukha. Sabi ko’y hahayaan siyang makipagsabunutan dahil siya ‘tong tipong hindi naman pikon. Lagi’y iniipon ang emosiyon kaya pwede namang once in a while ay makipagsabunutan siya. Ang hindi lang matatanggap ay ang mga sugat at kalmot niya.

Kung sa buhok ay marunong naman akong magsuklay.

“But please, huwag ka sanang maging isa. I really want to keep you,” aniya kaya natigilan ako. Hindi rin talaga makapaniwala na maririnig ‘yon galing sa kaniya. Heck, I also want to. I’ll try my best not to be toxic person for her. I want to stay by her side.

“Hoy, Indigo! Pucha, lalo ka ng naging bano!” ani Carver. Wala akong balak na patulan ang mapang-asar nitong tinig.

“Paano manligaw?” random kong tanong kaya nahinto siya para tignan ako.

“Tangina mo! Rank game ‘to, hinayupak ka, ‘yan pa iniisip mo!” aniya na hindi sinagot ang tanong ko. Walang kwentang kausap amp.

Nang matapos ang game ay narinig ko ang tawa niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil dito.

“Malala ka na,” aniya sa akin na kung ano-ano pang sinuggest na gawin ko subalit panay kabobohan naman.

“Doon ka na nga! Pangit mo kabonding!” ani ko na hinagisan siya ng kung ano-ano.

“Cho! Anong gagawin ko? Gumawa ng twitter si Ingrid!” natataranta kong saad kay Cho. Paano siya ‘tong nagsabi sa akin na para raw madaling umamin, pagawain ko ng twitter tutal panay tungkol kay Ingrid naman ang tweet ko.

Narinig ko ang halakhak nila ni Atlas kaya hindi ko maiwasan ang mapairap. Alam ko na agad na pagtitrip-an ako ng mga ito subalit hindi ko pa rin maiwasan ang manghingi ng advice.

“Ano? Delete ko ba mga tweet ko tungkol sa kaniya? Gawa na lang ata akong bagong twitter account,” sambit ko kaya mas lalong natawa ang dalawa.

“Delikado ka na nga talaga,” natatawang saad ni Cho.

“Huwag na, akala ko ba balak mong umamin at manligaw? Takot ka agad? Ibigay mo na,” pandedemonyo niya. Pinagsisihan ko rin agad na nagpauto ako roon dahil nilalamon na ako ng kahihiyan sa isiping binabasa ni Ingrid ang mga tweet ko. Kumalma lang nang maisip na tamad si Ingrid na magbasa ng kung ano-ano. Alam kong hindi ‘yon mahilig sa social media subalit agad akong napatayo nang makita ang notif ko.

Ingrid likes your tweet.

Pucha.

Nabasa niya na. Agad akong dinapuan ng hiya gayong sabi nga nila, wala naman ako niyon. Shit.

Sa huli’y kumalma rin nang maisip na tama lang ‘to nang makaamin na rin sa wakas. I want to court her. I want to take care of her. I really do. And when she let me? I was the happiest.

“I love you,” bungad niya nang sagutin ang sunod-sunod kong tawag. Fuck? Pwede na akong mamamatay.

“Totoo ba ‘to?” tanong ko.

“Hindi. Ang lahat ng ‘to’y gawa-gawa lang ng illuminati.” Parang sira.

“Ano ba ‘yan, Ingrid!”

“Mahal kita.” I really do. Sobra pa sa sobra.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro