Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27

Ingrid’s POV

“Ingrid,” tawag ni Indigo. I refuse to talk. Nanatili lang ang tingin ko sa pagkain. Tahimik lang naman na nakasubaybay si Irah habang si Sandro lang itong kumakausap kay Indigo.

Narinig ko ang buntonghininga niya bago niya ako pinaglagay ng pagkain sa pinggan. Hindi ko ‘yon kinain. Ipinokus ko lang ang atensiyon sa ibang bagay. Ayaw kong stress-in ang sarili dahil kawawa ang bata kaya as much as possible ayaw kong mag-isip ng kung ano.

“Ako na,” malamig kong saad nang tulungan niya akong ayusin ang lamesa.

“I’ll help,” aniya na ngumiti pa sa akin.

“Kaya ko na,” ani ko. Sinasanay na ang sarili na wala siya.

“Kaya ko ring tumulong,” sambit niya naman.

“Pwede ba?” Nagsisimula ng mairita. Narinig ko ang buntonghininga niya bago sa huli’y napatango na lang.

For the past few days ay mas naging malamig ang trato ko rito. Sa tuwing gusto niyang mag-usap kami’y lagi akong may palusot. Laging umiiwas.  Tanga ako dahil ako rin naman ang nasasaktan sa ginagawa.

“Ako na, Ate,” sambit ni Irah. Hindi sana ako papayag nang ibulong niya ang tungkol sa baby.

“Hindi maganda sa buntis ang magpakaagod at mastress, Ate,” aniya sa akin. Kita ko rin ang nag-aalalang tingin niya sa akin. Hindi ko pinapasabi kay Indigo ang tungkol dito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam dahil wala pa akong lakas ng loob na sabihin.

Tumayo na ako at nagtungo sa loob ng kwarto. Sumunod naman si Indigo nang pumasok ako.

“Love, kausapin mo naman ako,” bulong niya sa akin nang makahiga kami. Nakatalikod lang ako sa kaniya. Walang balak na kausapin pa ito. I just want to rest kasi sa totoo lang? Paubos na ako. Pagod na ako.

“Inaantok na ako, pakipatay na lang ang ilaw,” malamig kong saad sa kaniya. Simula noong araw na pinili niya ‘yong training niya sa ibang bansa kasama si Tina? I can’t afford to look at him. Pakiramdam ko mas lalo pa akong madudurog, he choose her over me. Katulad ng tatay ko, pinili niya rin ito.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa dami kong iniisip. Mga bagay na mangyayari sa hinaharap.

“Love,” tawag ni Indigo nang makita akong palabas ng bahay. Nilingon ko siya dahil doon.

“Ot kami ngayon sa kompanya, baka late na akong makauwi. Mayroong celebration,” aniya sa akin.

“Kahit huwag ka ng umuwi,” malamig kong saad kaya kita ko ang titig niya sa akin.

“Kahit ayaw mo, uuwi at uuwi pa rin ako sa’yo,” aniya na kunot na ang noo sa akin ngayon.

“Paano ako aalis kung ganiyan ka?” tanong niya sa akin. Edi huwag ka ng umalis.

 

“Sino bang nagsabing intindihin mo ako?” tanong ko sa kaniya.

“Huwag ka ng magtampo.” Sinubukan niya pa akong yakapin subalit agad akong nakaiwas.

“Umalis ka na, baka kailangan ka na sa trabaho mo,” malamig kong sambit. Alam kong ang hirap kong intindihin at darating ang araw na magsasawa ito. Ayos lang, iiwan niya na rin naman ako.

Kinagabihan, I was just crying on my bed, tahimik at walang tunog. Nahinto lang nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng kwarto ko. Akala ko’y late siyang uuwi. Dahan-dahan kong pinahid ‘yon at niyakap lang ang unan para ipangtabon sa mukha.

“Love.” Agad kong narinig ang tinig niya na nakaupo na sa gilid ko. Ramdam ko rin ang tingin niya. Para akong malulusaw doon.

“I’m sorry…” bulong niya. Unti-unti muling namuo ang luha mula sa mga mata ko.

“I told you that I’ll lend you my shoulder, right? Bakit naman sinasarili mo na naman ang lahat?” tanong niya. Halos mabasag ang tinig. Mahigpit lang ang naging yakap ko sa unan dahil hindi pa rin napapagod ang mga mata kaiiyak. Paano ko sasabihin kung ikaw na ang dahilan ng bawat luha?

 

Hindi ko alam kung paanong nangyari pero namalayan ko na lang na nasa bisig na ako nito.

“Hindi na lang ako aalis,” aniya pa sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Sa isang iglap? Napagtanto kung gaano ako kaselfish. He doesn’t choose Tina, he choose his dream.  Ingrid, paano mo naaatim na sarili lang lagi ang isipin?

Napagtanto na masiyado kong iniisip na masasaktan ako, na paano ako? Gayong he was always here supporting me sa lahat-lahat. Kaya paanong hindi siya kayang suportahan sa pangarap niya? Paano ko naatim na isipin na dapat niyang talikuran ang pangarap para lang sa akin. Para akong sinampal ng katotohanan na masiyado na akong nagpapakagaga.

That night, nakatulog na lang ako sa kaiiyak and Indigo is just there, embracing me with his warm hug.

“Ate, saan ka ngayon?” tanong sa akin ni Irah.

“Pachecheck-up,” ani ko kaya tumango siya.

“Sasama po ako,” aniya sa akin. Umiling naman ako roon.

“Hindi pupwede, Irah, may pasok ka pa, ‘di ba?” tanong ko sa kaniya. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin at gusto sanang umangal subalit buo na ang desisyon ko.

Nagtungo lang ako sa hospital para magpacheck up. Habang naghihintay, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kasabay ko roon. Bahagya akong napangiti nang makita ko ang isang ina na abala sa pakikipag-usap sa musmos niyang anak. Napansin niya na tinitignan ko sila kaya naman sinenyasan niya ang bata na kumaway sa akin. Just like that, namuo ang luha mula sa mga mata ko.

“Sorry, baby,” bulong ko sa tiyan ko. For weeks, madalas na sarili ko lang ang laging iniisip. Ni hindi ko man lang naisip ang kapakanan ng bata.

“I want to keep you, I really do,” bulong ko pa sa sarili. Sa nakalipas na ilang linggo, madalas kong iniiyakan na nabuntis ako. Na sana nag-ingat na lang. But now? I was just happy to welcome the little child on my belly.

Nang pumasok ako sa loob. Tinanong sa akin ng Nars kung nasaan ang mister ko. Tipid lang akong ngumiti.

“Misis, stress po kayo nitong mga nakaraan?” tanong sa akin ng doctor. Tumango naman ako sa kaniya dahil doon. Agad niya namang sinabi na muntikan na raw itong maglaglag kung hindi lang mahigpit ang kapit ng bata.

“Nanay’s waiting for you, mahal ko, kapit ka lang, huh?” bulong ko nang makalabas mula sa loob.

Hindi ko alam kung magandang desisyon ba ‘to but I really want to see Papa. Kahit saglit lang. Nagtungo ako sa bahay namin dati dahil ang sabi ni Irah ay nandoon siya. Nahinto ako sa pagtuloy nang makita ko si Irah na siyang bagsak ang balikat habang pasakay sa tric. Mukhang hindi pumasok at dito dumeretso. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Sinabi na kasing iwasan ang stress, Ingrid, ikaw pa mismo ang nagdala niyan sa sarili mo.

Imbes na tumuloy pa, nagtungo na lang ako sa apartment. Napatitig lang ako sa mga halaman para pigilan ang galit na nararamdaman. Kailangan kong kumalma para sa bata.

“Saan ka galing?” malamig ba tanong ko kay Irah nang makita ko siyang papasok ng bahay. Alam ko kung saan ito pumunta pero gusto ko lang kumpirmahin galing mismo sa bibig niya.

“Ate…” tawag niya sa akin at sinubukan pa akong hawakan. Bumuhos pa ang luha nito kaya kumuyom ang kamao ko.

“Hindi ba’t sinabi ko na sa inyong huwag na huwag kayong magmamakaawa kay Papa?” tanong ko na nagpupuyos sa galit. Hindi ko mapigilan ang inis at lungkot na nadarama sa ideyang nagmamakaawa sila roon para bigyan ng kakarampot na atensiyon. I don’t want them to feel that way. Para akong dinudurog sa isipang lumuhod sila katulad ng ginagawa ko para lang humingi ng kung ano.

“Pero, Ate… kailangan mo ng tulong ni Papa,” aniya sa akin na humahagulgol ng iyak. Nangingilid din ang luha ko habang pinagmamasdan siyang pinipigilan ang umiyak sa harap ko dahil mismo sa akin. Ni hindi ko gustong nahihirapan ang mga ito pero ako mismo ang nagpapahirap sa kanila ngayon.

“Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino, Irah,” ani ko na umiling pa.

“Sasabihin ko kay Kuya na buntis ka,” desidido niyang saad. Doon na tuluyang bumuhos ang luha ko.

“Huwag,” ani ko na umiiling.

“Gusto mo bang talikuran ng Kuya mo ang pangarap niya? Hindi ko gusto ‘yon at baka makasama lang sa baby kung iisipin kong nawala ‘yong matagal niya ng pinapangarap dahil lang sa akin,” ani ko na humahagulgol na ng iyak ngayon.

“Pero paano ka naman, Ate? Paano kayo?” tanong niya na sinusubukang pahirin ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Ngumiti lang naman ako dahil dito.

“Kaya ko. Kaunting panahon lang, kaya ko pa,” ani ko na tumango. Nakatitig lang naman siya sa akin, ni hindi alam ang gagawin. Patuloy pa rin sa pagtulo ng luha.

“Stay there, baby. Mommy’s just going to keep herself together,” bulong ko sa anak. Hindi na maganda ito. I don’t want to lost my child. Hindi pwede. Ayaw ko. I need new environment to keep my child alive. Baka masiraan na ako ng utak kung pati siya’y mawawala sa akin.

“Bought you ensaymada!” nakangiting saad ni Indigo nang dumating siya sa bahay. Tipid lang naman akong ngumiti bago ko ‘yon kinuha sa kaniya. Ang totoo’y I was really craving for this one. I just miss the old days na lagi niya akong binibilhan nito.

“Kain na tayo,” ani ko sa kanila. Sumunod naman na sila sa kusina.

“’Yan lang kakainin mo?” tanong ni Indigo sa akin nang makitang ensaymada lang ang kinakain. Napatingin din si Irah sa akin dahil doon.

“Oo, kakain din ako mamaya,” ani ko at napagtuloy na lang sa pagkain. Mabilis lang akong natapos kaya napatitig lang ako kay Indigo. Kinakabisado ang bawat parte ng mukha nito. Nahinto siya nang mapansin ang titig ko.

“Bakit?” tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako at umiling. Kita ko ang titig niya sa akin dahil doon. Nang nagliligpit na’y hinayaan ko siyang tulungan ako subalit nanatili lang ang titig ko sa kaniya. Maski nang maghuhugas na ng plato ay ganoon pa rin.

“May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya ngunit umiling lang ako.

“Ano? Crush mo na naman ako?” natatawa niyang biro, ngumiti lang ulit ako.

Nang papasok na kami sa kwarto’y nilingon ko siya.

"Let's talk, Indigo," ani ko sa kaniya. For days, he was always the one who likes to talk to me but this time ako naman.

"Huwag na, may gagawin pa ako," aniya nang makita ang mga mata ko subalit bago niya pa magawang pumasok sa aming kwarto. Nahawakan ko na ang laylayan ng damit nito.

"Usap tayo," sambit ko na ikinahinto niya.

"Ayaw ko, iiwan mo lang ako," aniya na umiling pa sa akin. So, he knows…

“You’re the one who’s pushing to talk, now, we will,” ani ko subalit nagpatuloy lang siya sa pagpasok. Mas lalo lang nakumpirma ang gusto kong gawin nang hindi man lang ako nagdeny.

“Inaantok na ako saka na tayo mag-usap,” sambit niya sa akin.

“Indigo…” tawag ko ulit subalit ayaw na niya akong lingunin subalit mas lalo lang akong nagpumilit. This time para sa bata at para sa kaniya. Hindi na para sa akin.

“Let’s take a break,” ani ko nang magtapat ang mga mata namin. Agad siyang umiling.

“Walang break na magaganap dito, Ingrid, dalawa tayong pumasok sa relasiyon na ‘to. You’re going to spend your lifetime with me dahil hindi ako papayag sa gusto mo,” aniya sa akin. Nagmamatigas subalit ganoon din ako.

“Is this about me going abroad? Hindi ko na tinanggap… dito na lang ako… sa tabi mo…” aniya sa akin kaya natigilan ako.

“No… tanggapin mo ulit ‘yong offer, Indigo… you deserve it,” ani ko sa kaniya. Ang selfish mo, Ingrid. Ngayon mas lalo ko lang naisip kung gaano ko katanga. Kung gaano ako kawalang tiwala sa kaniya. Mas lalo ko lang napagtanto na hindi ko talaga siya deserve.

“Naalala mo ‘yong promise natin sa isa’t isa?” tanong ko sa kaniya. I know na hindi ito ang dahilan pero kung ito lang ang paraan, bakit hindi?

“You said when you became a toxic person in my life, I shouldn’t hesitate to cut you out,” ani ko. Nahinto naman siya dahil sa sinabi ko. I was the toxic person on his life. Hindi ko magawang suportahan ng pangarap niya. Hindi ko siya magawang suportahan, gusto kong itali lang siya sa akin gayong hindi naman dapat.

“Isa ka na sa dahilan kung bakit hindi makatulog ng matiwasay tuwing gabi, kung bakit umiiyak nang palihim… I want to be out of this relationship,” sambit ko kaya natulala lang siya. But the truth? He’s still the one who tuck me onto sleep.

Matagal na katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa bago siya unti-unting lumapit sa akin para halikan ako sa labi. Ang luha’y wala ng humpay sa pagtulo.

“Ikaw ‘yong paborito kong libro subalit mukhang hindi ko na mababasa pa ang huling pahina. Mahal na mahal kita at kung talagang isa na ako sa dahilan kung bakit ka umiiyak tuwing gabi, kung hindi na ako maganda sa buhay mo, sige… you can go… you’re now free… you’re always my bestest view,” bulong niya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit.

“Mahal kita. Malala,” dagdag niya pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro