Chapter 26
Chapter 26
Ingrid’s POV
“Ingrid…” tawag sa akin ni Indigo.
“Hmm?” tanong ko na nilingon siya.
“May offer sa akin…” Halos hindi niya matuloy ang sasabihin kaya kumunot ang noo ko sa kaniya.
“Tutungo sa US for training, isang taon lang naman,” aniya sa akin. Nahinto naman ako dahil sa sinabi niya.
“Tina’s offer?” tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang tumango. Napatitig lang ako sa kaniya dahil do’n. He knows how much I hate Tina at sa isipan pa lang na magkasama sila sa US ng isang taon ay para akong masisiraan ng bait. But I know how much Indigo likes me, nasa kaniya na kung sisirain niya ang tiwala ko o ano.
US. Isang taon. Ang hindi ko lang ata kaya ay ang malayo si Indigo sa akin. Siguro’y masiyado na nga akong naging dependent sa kaniya. Hindi na ‘yan maganda, Ingrid.
“But it’s an offer pa lang naman,” aniya sa akin. Malamig ko lang siyang tinignan. Hindi ko ata maatim na makita itong unti-unting lumalayo sa akin. He’s considering it. Alam ko kung gaano niya kagustong patunayan ang sarili sa Papa niya at ito na ‘yon. This is his chance.
“Okay. Bahala ka,” ani ko sa malamig na tinig. Alangan naman sabihin kong huwag dahil lang gusto ko. Ramdam ko ang tingin niya sa akin subalit pinili na hindi magsalita na mas lalo lang ikinasama ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit.
Sa loob ng ilang linggo ay naging malamig ang trato ko kay Indigo. Talagang hindi matanggap na aalis nga talaga ito. Katulad ng mga taong akala ko’y hindi ako iiwan, iiwanan niya rin pala talaga ako. Hindi ko mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi nang sabihin niyang tatanggapin niya ang offer sa kaniya.
“For the past few weeks, pinag-isipan ko ang tungkol sa offer, Ingrid…” panimula niya. Nanatili lang akong nakatingin sa mga isinusulat. Humigpit lang din ang pagkakahawak ko sa pentel pen tila alam na ang sasabihin nito.
“I’ll take it,” aniya kaya napalingon ako sa kaniya.
“1 year lang naman,” sambit niya kaya napatitig ako sa kaniya. Bakit parang ang dali lang para sa kaniya? 1 year lang… hindi ‘yon basta isang taon lang… paano ako? Ipinangako niyang hindi niya ako iiwan. But here he is, katulad nila’y aalis din siya. Sana pala hindi ko na lang sinanay ang sarili ko na kasama siya sa araw-araw.
Simpleng tango lang naman ang ibinigay ko sa kaniya. Ramdam ko ang titig niya sa akin samantalang nagkunwari akong abala lang sa aking ginagawa kahit na nagkandaletse-letse na ang utak. Kahit na nagkakabuhol-buhol na sa sobrang dami ng iniisip.
“Galit ka ba?” tanong niya sa akin.
“Bakit naman ako magagalit?” tanong ko na tumawa pa sa kaniya.
“It’s fine,” ani ko na nginitian lang siya. Nanatili naman ang titig niya.
“Are you sure, it’s just one year, after this, uuwi rin naman ako sa’yo,” malambing niyang saad.
“Ang tanong uuwi ka pa ba?” natatawa kong tanong ngunit hindi naitago ang pagkasarkastiko sa tono. Agad ko siyang nakitang napatingin sa akin dahil sa tanong ko. Hinaluan ko na lang ng tawa subalit nakita kong naging seryoso ang mukha niya.
“Of course, I will,” aniya na kunot ang noo ngayon.
“I will always come home to you, Ingrid,” sambit niya na sinubukan pa akong yakapin. Hindi naman ako nagsalita. Kahit paano’y gumaan ang loob ko subalit kapag wala na ito sa tabi ko? Ang lala ng anxiety na nararamdaman ko. Pakiramdam ko masisiraan ako ng bait sa kung ano-anong iniisip. Mga senaryong nabuo sa isipan ko. Ayaw ko ng ganito subalit dalawang beses ng nangyari sa akin.
“Ano ba naman ‘yan, Sandro?! Hindi ba’t sinabi kong huwag kang magkalat?!” galit na sermon ko kay Sandro na siyang nakaupo lang sa isang tabi habang abala sa kung ano.
“Ako na lang po ang mag-aayos mamaya, Ate. Nagdodrawing po kasi siya,” ani Irah na nanatili ang tingin sa akin. Madalas niya lang akong titigan dahil napapadalas ang pagiging moody ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito kay Indigo o ano.
“Love,” tawag ko sa kaniya nang nasa kama na kami at handa ng matulog.
“Hmm,” patanong na saad niya.
“Paano kung sabihin ko sa’yong huwag ka ng tumuloy?” tanong ko sa kaniya. Agad siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko.
“You know that this is my dream, right?” mahinahon niyang tanong sa akin. Alam ko. Alam na alam. I really want him to stay.
“Hindi ba pupwedeng nasa tabi kita while you are chasing after your dream?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi ba pwedeng nasa tabi kita while I was chasing my dream?” balik na tanong niya sa akin. May punto siya sa sinabi. Ngumiti na lang ako. Paano ako mananatili sa tabi niya kung iiwan niya ako?
“Love,” tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya.
“Trust me, please,” aniya na yumakap pa sa akin. Mahigpit lang ang naging yakap niya sa akin nang matulog kami. Sa yakap niya lang ako nakakatulog ng walang kahit na anong iniisip kaya paano ako kapag wala na siya?
“Ate, anong ginagawa mo?” tanong ni Irah nang makita akong nasa labas ng bahay at nakatulala lang sa tapat ng mga halaman nito. Hindi ko alam pero napapakalma ako nito, tinutulungang alisin ang mga hindi magandang iniisip.
“Nagpapahangin lang,” ani ko.
“Wala pa si Kuya?” tanong niya sa akin.
“Wala pa, he’s still probably with Tina…” mahina lang ang tinig nang banggitin ang pangalan ng ex ni Papa. Sa isipan pa lang na magkasama sila ngayon ay hindi na ako mapakali, paano pa kaya kapag nasa abroad na sila?
“Ate…” tawag ni Irah kaya nilingon ko siya.
“Nakita ko si Papa, sa bahay na ulit sila nakatira,” pagkukwento niya sa akin kaya nilingon ko siya.
“Huwag mo ng pangarapin pang magtungo roon,” ani ko.
“Opo, sinasabi ko lang naman po,” aniya sa akin at napayuko pa. Gusto kong tuluyang putulin ang ugnayan kay Papa subalit ama ko pa rin ‘yon at hindi pa rin talaga maiiwasan. Kahit ano pang pigil ko.
“Sure ka ba na ayos ka lang, Ate? Hindi naman po sa pangingialam pero parang this past few days ay nagiging moody ka. As much as possible lagi kang mahinahon pagdating kay Sandro kaya pakiramdam ko’y may mali.” Nag-aalinlangan man, nagpatuloy pa rin siya.
“Sinasabi mo bang may mali sa akin?” tanong ko sa kaniya na tumaas pa ang kilay.
“Hindi po sa ganoon, Ate, baka may problema ka po, you can always talk to me,” aniya ngunit umiling lang ako. Ako ang panganay rito. Ayaw ko siyang sabihan ng mga problema na dapat ako lang ang nag-iisip. As much as possible, ayaw ko siyang matulad sa akin. Gusto ko na pag-aaral lang ang iniisip niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin ngunit umiling lang ako. Refusing to say what’s on my mind. Kahit si Indigo’y hindi ko masabihan ng tunay na nararamdaman gayong dati’y siya ‘tong una pang nakakaalam.
Paano ko sasabihin gayong siya na ‘tong problema ko?
“Love, may problema ka ba?” bulong na tanong ni Indigo sa akin nang magkayakap kaming dalawa. Sa gabi ko na lang ‘to madalas makasama.
“What are you talking about?” tanong ko sa kaniya.
“You’re always spacing out kapag magkasama na tayo,” aniya sa akin.
“Is this about me leaving?” tanong niya.
“Huh? Hindi! Marami lang talagang pinagagawa sa school kasi nga alam mo na graduating,” sambit ko na lang. Isinubsob ko na lang ang mukha sa kaniyang dibdib at sinubukan ang matulog na walang kahit anong iniisip. Hindi naman ako nabigo dahil sa nasa kaniyang bisig.
“Sandro, ‘di ba sinabi ko na sa’yong huwag mong gamitin nang nakacharge ang cellphone?” tanong ko sa kaniya.
“Sorry po,” aniya. Nagiging mailap sa akin ang kapatid dahil madalas na siya ang pinag-iinitan ko. Silang dalawa ni Irah.
Hindi ko pa maiwasang mapangiwi nang makaamoy ng kung ano. Napadiretso ako sa banyo dahil nasusuka. Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Ang tagal ko lang nanatili roon hanggang sa umayos nang kaunti ang pakiramdam. Nang makalabas ay nakita ko si Irah na nakatayo sa labas.
“Ate,” tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya. May iniabot siya sa aking box na mukhang binili niya sa botika.
“Ano ‘to?” tanong ko kahit alam naman kung ano ang ibinibigay niya sa akin.
“Pregnancy test,” aniya.
“Hindi ako buntis,” mariin kong saad subalit nanatili ang tingin niya sa akin.
“Just try it, Ate. So you can check if you’re. Paano kung oo? Paano ‘yong baby?” tanong niya sa akin.
“Paano kung oo? Paano ako?” pabalik na tanong ko. Takot dahil may hinuha rin ako. Takot dahil baka nga totoo, paano ako? Paano ‘yong pangarap ko? Hindi ko rin alam.
“That’s why you need to check, Ate. Para sa’yo ‘to…” aniya sa akin na sinubukan pang ngumiti. Wala akong balak na subukan ‘yon subalit kita ko ang pag-aalala mula sa mukha ni Irah kaya sa huli’y nagtungo ako sa cr. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak lalo na nang lumabas ang resulta. Takot, saya, lungkot at pangamba. Halo-halong emosiyon ang nadama.
“Anong resulta, Ate?” tanong sa akin ni Irah nang makalabas ako. Gusto ko magkaroon ng baby pero hindi pa sa ngayon. Ni hindi pa nga ako nakakagraduate. Buwan na lang ang hihintayin… bakit ngayon pa?
“I’m pregnant,” ani ko kaya nanatili ang tingin niya sa akin. Napaawang pa ang mga labi habang nakatitig sa akin. Hindi siya nagsalita at nanatiling nanantiya.
“What should I do?” tanong ko na pinipigilan ang luha. Isang mahigpit na yakap lang ang ibinigay niya sa akin.
“Iwan mo muna ako, gusto kong mapag-isa,” ani ko subalit umiling lang siya sa akin.
“Please, baka mag-alala si Sandro kapag nakita niyang wala ni isang tao roon,” sambit ko. Tinitigan niya lang ako at wala sanang balak na iwanan subalit ayaw kong may nakakakita na mahina ako lalo na silang mga kapatid ko. Sa huli’y pumayag din siyang umalis subalit hindi rin inaalis ang tingin hanggang sa makaalis sa kwarto. Nilock ko lang ang pinto bago nanginginig na kinuha ang phone para tawagan si Indigo.
Alam kong nasa interview siya ngayon and he was probably signing the contract. Sinubukan kong idial ang numero nito. Noong una’y ring lang ‘to nang ring. Mukhang abala talaga siya ngayon. Mas lalo namang namuo ang luha mula sa mga mata ko at hindi na rin namalayan ang pagtulo nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagbubuntis ko kung bakit para akong emosiyonal ngayon o talagang makasarili lang ako sapagkat ayaw kong iwan niya ako.
“Indigo…” banggit ko sa kaniyang ngalan nang sa wakas ay sagutin niya ito.
“Hey, on going pa ang pirmahan ng kontrata, why? Bakit ganiyan ang tinig mo?” tanong niya sa akin.
“Huwag ka ng tumuloy…” ani ko kaya isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.
“Is it about your step mom, Ingrid? Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi ko siya papatulan,” aniya kaya mas lalo lang dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi nang mabanggit niya ang tungkol sa step mom ko. Mas lalo lang kumirot ang puso sa isipang makakasama niya ito sa ibang bansa habang maiiwan ako rito.
“Please… dito ka na lang sa tabi ko,” ani ko na sinusubukan ang huwag humikbi. Shit. I told myself before na hindi ko na hahayaan pa ang sariling magmakaawa sa atensiyon ng ibang tao but look at me now. ‘Yon din ang ginagawa ko ngayon.
“Huwag mo akong iwan dito, please…” sambit ko subalit matinding katahimikan ang bumalot. Narinig ko pa ang pagtatawag sa kaniya ng malambing na tinig mula sa kabilang linya.
“I need to go sign the contract, Ingrid. Sorry,” aniya. Totoo pala ‘yon no? Kaya ka pala talagang wasakin ng isang salita lang. Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagmistulang ilog na hindi na napigilan sa pag-agos. Pinipigilan ko ang maglikha ng tunog at sinarili lang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro