Chapter 25
Chapter 25
Ingrid’s POV
“Love! Nag-email sa akin si Mr. Torre, he want me to be part of his team. Sa tingin mo dapat akong mag-intern sa kaniya?” tanong niya sa akin. Mr. Torre is one of those famous producer in the industry, ang pumasok doon ay isa ng malaking karangalan.
“Of course! You should!” ani ko na malapad ang ngiti sa kaniya. I always want the best for him. Napangiti rin siya sa akin dahil do’n.
“Where’s my congrats?” tanong niya.
“Siraulo, kakatapos mo lang kanina, ah!” reklamo ko sa kaniya. Hindi lang isang beses na naulit ang nangyari noong nanalo sila ng best film. Nasundan pa ng ilang beses dahil sa sunod-sunod na achievements ni Indigo. Naiisahan ako ng hinayupak kakatanong kung nasaan ang congrats at reward niya. Ulol, isa ka rin, Ingrid, huwag kang magmalinis. Gusto mo rin.
“Uy, ikaw ‘tong kung ano-ano ang iniisip diyan! Congrats lang naman hinihingi ko,” aniya na natatawa.
“Hindi ako naniniwalang congrats lang,” natatawa ko namang saad sa kaniya.
“Lumayo ka nandiyan si Sandro,” ani ko na tinulak siya.
“Sa gabi ka lang talaga malambing,” aniya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Natatawa naman siyang lumayo sa akin. Napailing na lang din ako at hindi rin naman mawala ang kurba ng ngiti sa akin. He really deserve kung ano mang natatamasa niya ngayon. Ang dami ng gustong kumuha sa kaniya bilang intern at kung sakaling makagraduate na’y may trabaho na rin agad. I’m genuinely happy for him. Sobra.
May nakakakilala nga sa kaniya sa school, alam na alam ang pangalan niya. ‘Yon nga lang ay hindi nila alam ang mukha nito.
“Sayang, ‘di sila aware na gwapo producer,” mayabang niyang sambit kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
“Kapal mo talaga,” ani ko.
“Hindi ba?” tanong niya na nagtaas pa ng kilay sa akin.
“Pwede na,” sagot ko kaya tumawa siya.
“Kunwari pa, patay na patay naman sa akin,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang mapairap.
“Nga pala, I already choose a company where can I intern,” aniya sa akin.
“Saan?” tanong ko.
“Media star,” aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Wow! Bigatin ka na talaga Mr. Producer!” natatawa kong sambit sa kaniya.
“Ako lang ‘to, Ingrid,” mayabang niyang sambit kaya napailing na lang ako.
“Dami mong sinasabi, tara na nga,” ani ko na nauna ng maglakad patungo bilihan ng street food. Sa hindi ko malamang dahilan, parang bumabaliktad ang sikmura ko, naamoy pa lang ang mga tinda ni Aling Loisa.
“What’s wrong?” tanong niya sa akin. Umiling lang naman ako.
“Parang iba amoy ng tinda nila ngayon,” bulong ko sa kaniya.
“Huh? Mabango naman? Parang wala namang nagbago?” tanong niya kaya napanguso na lang ako at napatango.
Bumili na lang kami ng itetake out para na rin kasama naming kumain ang mga kapatid. Lumayo na lang ako sa usok dahil naiirita rin ako sa mga estudyanteng ang iingay. May mga talagang todo kung makasingit pa, akala mo naman ay mauubusan. Kunot na lang tuloy ang noo ko hanggang sa makasakay sa jeep.
“Bakit mukha kang bad trip? Bad trip ka na naman ba sa mga pabigat mong kagroup?” tanong niya habang inaayos ang buhok ko.
“Wala, nakakainis lang ‘yong mga estudyante kanina. Kung makatulak kasi,” reklamo ko kaya tumawa na lang siya habang nilalagay niya sa ang dala-dalang jacket sa legs ko.
“Ganoon talaga, alam mo naman, minsan nauubusan kay Aling Loisa,” natatawa niyang saad.
“Kinakampihan mo ba ang mga ‘yon?” Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iinit ang ulo ko dahil lang sa sinabi niya.
“Hindi sa ganoon, ang akin lang intindihin na lang natin. Malay mo gutom lang talaga, hindi nagrecess buong araw. Ganoon ba,” maayos niyang pagpapaliwanag subalit isa lang ang naging konklusiyon ng utak ko. Kinakampihan niya nga talaga ang mga ‘yon.
“Galit ka?” tanong niya sa akin.
“Lagot ka, Kuya, lq na ‘yan,” natatawang saad ng isang babae na nakikichismis pa ata sa usapan namin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay kaya naman agad ‘tong nag-iwas ng tingin at umakto pa na zinizipper ang bibig.
Nang makarating kami sa bahay ay nangungulit lang si Indigo. Hindi ko rin naman siya matiis dahil sa mga korni niyang jokes.
“Isaw, Ate?” excited na tanong ni Sandro nang salubungin kami. Ngumiti naman ako at tumango.
“Wow! Dami!” aniya na excited pang kinuha ‘yon para isalin sa pinggan. Napailing na lang ako at bahagyang natawa sa kaniya. Mayamaya lang ay nagsimula na rin naman kaming kumain. Bago pa ako tuluyang makasubo ay naramdaman ko na ang pagbaliktad ng sikmura. Hindi na agad maganda ang pakiramdam pagkakita ko pa lang dito. Nakita ko naman ang tingin nila sa akin.
“May nakain ata ako kaninang tanghali,” ani ko.
“Huwag mo na muna itong kainin, baka mas lalo pang mapasama,” ani Indigo kaya napanguso na lang ako at tumango. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla ko rin namang inayawan ‘yon kahit na noon lang ay ‘yon ang lagi kong inaabangan sa uwian.
Sa hindi ko rin malamang dahilan, mas napaadalas ang pagsusuka ko sa umaga. Parang araw-araw atang bumabaliktad ang sikmura ko.
“Ayos ka lang ba talaga, Ate? Pacheck up ka na kaya,” ani Irah na madalas makapansin niyon.
“Baka dahil lang sa gutom,” natatawa ko pang saad. Ayaw ko rin naman kasing isipin na baka may sakit na ako o ano.
“Hindi ka ihahatid ni Kuya Indigi ngayon?” tanong niya sa akin.
“Busy ang Kuya mo, kakatulog niya lang,” ani ko. Madalas itong napupuyat kaya naman sobrang himbing ng tulog tuwing umaga. Paano’y simula noong tumapak siya sa media star, siya na ata ‘tong madalas na utusan. Hindi ko na rin naman siya ginigising pa dahil tanghali naman siya kung magtungo sa internship niya. Ayaw ko lang istorbohin lalo na’t kaya ko namang pumasok mag-isa.
Kapag nasa kalagitnaan nga lang ng klase’y tumatawag o ‘di naman kaya’y nagtetext ito.
“Bakit hindi mo ako ginising?” reklamo niya nang sagutin ko ang kaniyang tawag. Napangiti naman ako dahil mukhang kagigising niya lang. Madalas ay nag-aalarm ito kapag papasok na ako subalit pinapatay ko rin dahil hindi rin naman siya nagigising at hindi ko rin gusto na kulangin pa siya ng pahinga para lang maihatid ako.
“Hmm, mahimbing ang tulog mo. Isa pa, kaya ko naman,” ani ko. Mabuti na lang ay nakasingit dahil wala na ang prof.
“You should eat your food now, nasa lamesa na ang pagkain,” sambit ko.
“Pinagluto kita ng tuyo at itlog,” saad ko. Napatawa naman ako nang marinig ang ‘yes’ niya, isa kasi sa mga paborito niya ‘yon.
“I’ll hang up now, kumilos ka na rin at may pasok ka pa,” paalala ko sa kaniya.
“Yes, Ma’am,” aniya kaya natawa ako.
“Susunduin kita after class!” sambit niya. Aangal pa ako subalit mukhang pinal na ang desisyon niya.
“Mahal kita,” aniya pa.
“I love you,” ani ko bago tuluyan siyang pinatayan ng tawag.
Halos ganoon naman ang ganap sa amin sa nga sumunod na araw. Madalas ay mahimbing ang tulog niya tuwing umaga dahil tambakan kung magpatrabaho sila sa media star at tuwing hapon naman ay sinusundo niya ako kapag break time niya, bumabalik din sa trabaho kinagabihan.
“Love! I think I won’t be able to go to you right now,” aniya nang tawagan ako.
“Bakit?” tanong ko kahit obvious na agad na mukhang siya na naman ang inuutusan ng mga big boss. Hindi ko alam kung dahil ba magaling siya kaya siya inuutusan, gusto siyang pahirapan o gusto siyang hasahin ng mga ito. Hindi ko rin talaga alam.
“Tambak ulit works as usual,” aniya. Alam ko naman na agad ‘yon dahil kapag dumadating siya sa apartment para matulog sa kwarto. Madalas ay marami talaga siyang trabaho.
“Hmm, it’s okay, huwag ka masiyadong magpagod,” ani ko.
“I can’t wait to go home, I want a hug from you. I’m really tired today,” aniya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang pagkurba ng ngiti mula sa mga labi ko dahil doon.
“Hmm, see you later. Kain ka pa rin, mahal kita,” ani ko bago siya pinatayan ng tawag. Imbis na magtungo na sa bahay. Bumili lang ako sandali ng meryenda at dahil isang sakayan lang naman ng jeep ang media star, sumakay na ako para bisitahin si Indigo. Lagi siya ‘tong nag-eeffort para sa akin. Ano ba naman ‘tong simpleng paghatid lang ng pagkain lalo na’t wala naman akong gaanong gagawin ngayong araw maliban sa pagpart time kina Aling Gloria.
Nagtutungo pa rin naman kasi ako sa convenience store, madalas ay sinusundo niya rin ako roon after ng internship niya. Nagresign na rin kasi siya sa part time niya. Dami na rin kasing trabaho at hindi na talaga kinakaya.
Tianwagan ko naman si Indigo nang makarating sa tapat ng media star, agad bumungad ang masiglang tinig niya.
“Miss mo agad ako?” Hindi ko man siya nakikita, alam ko na agad na may nakakalokong ngisi mula sa kaniyang mga labi.
“Labas ka sandali, nandito ako sa tapat ng media star,” ani ko kaya isang matinding katahimikan ang bumalot sa amin. Mayamaya ay nagsalita siya.
“Totoo ba? Hindi ba ‘to joke time? Huwag mo akong paasahin! Miss pa naman kita,” aniya kaya napahalakhak ako.
“It’s true. Nandito nga ako,” ani ko. Wala pang ilang segundo ay nakalabas na siya. Hinihingal pa nang luminga-linga sa paligid. Nakangiti ko naman siyang kinawayan nang makita.
“Hi,” bati ko.
“Totoo nga,” aniya na lumapit pa sa akin.
“Shit, crush mo na talaga ako,” sambit niya kaya natawa ako. Niyakap niya pa ako kaya natatawa kong pinitik ang noo niya.
“I’ll just drop your food. Ikaw pa naman ang hilig mong magpalipas ng gutom,” ani ko na iniabot sa kaniya ang mga binili kong meryenda para sa kaniya. Hindi naman niya ako makapaniwalang tinignan. Napatawa naman ako sa kaniya dahil do’n.
“Thank you,” aniya na malapad ang naging ngiti. Hahalikan pa niya sa akin sa pisngi kung hindi lang siya tinawag ng kung sino.
“Indigo, may mga kailangan ka pang tapusin sa loob,” anang isang malambing na tinig. Nang lingunin ko ito’y agad akong natigilan nang makita na ito ‘yong bago ni Papa. Mukhang bata pa rin dahil ang alam ko ilang taon lang naman ang agwat namin sa isa’t isa. Akala ko ba’y tuluyan na siyang umalis? Mukhang ginagamit muli ang kapangyarihan ng tatay niyang supervisor ng media star. Alam kong producer siya, hindi ko lang alam na nandito pa rin pala dahil binenta na rin nila ang tinitirhan noon. Hiniwalayan na rin nito si Papa.
Kahit na hindi ko man gusto, hindi ko pa rin maiwasan ang makibalita sa kanila.
Sa hindi ko malamang dahilan, naiinis na agad sa mukha nito dahil nga siya ang dahilan kung bakit binenta ang bahay. Dahil iniwan niya na lang ang anak basta-basta. Parehas na parehas talaga sila ni Papa.
“Si Ms. Tina, Ingrid, ‘yong isa sa boss ko na sinasabi ko sa’yo,” bulong ni Indigo sa akin kaya mas lalo lang kumunot ang noo ko.
“Ah,” ani ko na napatango sa kaniya.
“Ang tagal mo, need ko pa man din ang help mo for ur new scene,” nakangiti niyang saad kay Indigo.
“Wait lang po, Ms. Tina. Sunod na lang po ako,” ani Indigo sa kaniya. Nilingon naman ako ni Tina. Kusa na lang din tumaas ang kilay ko nang tignan siya. Ganoon din naman siya dahil kilala niya rin ako. Alam kong namumukhaan niya ang anak ng dati niyang asawa na madalas lumuhod sa harapan ng gate nila para humingi ng pambili ng gatas ng kapatid, para makita ang papa at para manghingi ng kakarampot na atensiyon.
“Oh, you’re here,” aniya sa akin.
“You know each other?” tanong ni Indigo. Hindi naman ako nagsalita kaya si Tina ang sumagot.
“I know her, she’s the daugther of my ex husband,” anito.
“You’re still the same, still the same girl who likes attention,” pabulong niyang saad na ako lang ang nakarinig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro