Chapter 24
Chapter 24
Ingrid’s POV
“Aalis ka?” tanong ko sa kaniya.
“Yup, day 1 ng shoot today, I told you last week, ‘di ba?” tanong niya sa akin.
“Pwedeng sumama?” tanong ko dahil bukod sa wala kaming pasok ngayong araw, wala rin sina Sandro dahil nasa eskwela. Natapos ko na rin naman ang mga gagawin ko kahapon kaya pahinga talaga ako ngayon.
Bahagya naman siyang nagulat dahil sa tanong ko subalit sa huli’y agad ding napatango.
“Patay na patay ka na talaga sa akin ngayon, no?” natatawa niyang tanong.
“Ang kapal mo,” ani ko kaya mas lalo pa siyang natawa.
“Nagmamadali ka ba?” tanong niya.
“Aagahan ko sana para madouble check pa ang mga kailangan,” aniya.
“Okay. I’ll move faster,” ani ko. Katulad ng sabi’y naging mabilis lang din ang pagkilos. Nang lumabas ako’y nagsusuot pa lang naman ng sapatos si Indigo. Lumapit ako sa kaniya para ayusin ang buhok niya. Nang matapos ay sumakay na rin naman kami ng jeep para magtungo sa paggaganapan ng shoot.
“Mabait ba sa personal si Cruix?” tanong ko sa kaniya. Si Cruix kasi ang isa sa pinakasikat na nakuha niya sa casting. Hindi ko alam kung paano niya nauuto ang mga ‘yon.
“Mabait naman kahit paano,” aniya na naningkit pa ang mga mata sa akin.
“Huwag mong sabihing interesado ka roon gayong mas gwapo ako roon kung tutuusin,” mayabang na saad niya kaya hindi ko mapigilan ang matawa. Napakaseloso. Mabuti na lang din talaga ay hindi niya naman pinapatulan ang pang-iinis ni Alexandro kapag nagagawi siya sa school. Alam din kasi na sa kaniya lang talaga ako. Mataas na ang kumpiyansa sa sarili.
“Kapal mo, kulang ka pa ng isang daang paligo,” ani ko kahit na para sa akin ay iba talaga ang dating ni Indigo. He always have this playful aura around him. Hindi ko rin maipagkakaila na sobrang lakas ng dating ng dimple niya. Idagdag mo pa na matangkad ito. Ni hindi nga ako abot sa balikat niya.
Kita kong nakasimangot lang siya kaya natawa ako habang nang-aasar. Minsan ang sarap niyang asarin dahil saka lang siya natatahimik kapag nagseselos subalit mas gusto ko pa rin ang random na pinagsasabi niya. Kapag siya ang kasama? Hindi ako napapanisan ng laway.
Nang makarating kami sa pagdadausan ng shoot, agad siyang binati ng mga kasama nila. Mukhang respetado na rin siya kahit na bumubuo pa lang ng pangalan sa industriya.
“Oh, you’re here,” ani Eunice. Sa hindi ko malamang dahilan, tunog disappointed ito. Kumunot lang ang noo ko subalit sa huli’y hindi ko na lang din pinansin.
“Hi, ikaw ‘yong madalas imyday ni Kuya Indigo, ‘di ba?” tanong sa akin nang ilang kasama ni Indigo. Tipid lang naman akong ngumiti at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko na ba ang pagtungo rito o ano. Paano’y lahat sila sa akin na ang mga mata.
“Ikaw ‘yong pinagmamayabang ni Indigo na bebe niya raw. Ganda naman pala talaga!” anila kaya inakbayan ako ni Indigo.
“Talaga!” mayabang niya pang saad kaya tumawa ang ilan. Ang dami nilang tanong na hindi ko rin naman agad nasasagot. Tahimik pa ako nang maupo sa pwesto ko.
“Hep, tama na, minsan lang ‘yan sumama baka next time matakot na,” natatawang sabi ni Indigo sa mga kasama bago niya tinaboy ang mga ‘to.
“Damot naman ni Pd,” natatawa nilang saad na nilubayan din naman kami.
Mayamaya lang ay dumating naman si Andra, ‘yong idol din ni Irah. Isang actress na kasalukuyang sumisikat ngayon.
“Hey,” bati niya kay Indigo na malapad ang ngiti.
“Late ka na naman. Bawal late dito, bawas ‘yan sa talent fee mo,” supladong sambit ni Indigo. Propesiyunal na propesiyunal ang dating. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso dahil dito.
“Sungit naman agad! Hindi pa ako late, 5 mins pa before 8,” saad naman ni Andra. Napatingin pa siya sa akin at malapad agad na ngumiti nang makita ako.
“Uy, hi, you’re here again! Binabakuran mo si Indigo? Kahit ako rin girlfriend nito, sure akong babakuran ko. Masiyadong maraming babaeng nakaaligid,” aniya sa akin. Hindi ko alam kung bakit tunog ng aakusa ito.
“Hmm, I don’t need that. It’s up to him kung magpapatangay siya,” ani ko na ngumiti lang nang tipid. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay niya.
“I like your confidence, hindi ko nga lang alam kung hanggang saan ka dadalhin niyan,” pabulong na saad niya na ako lang ang nakarinig. Napakunot lang ang noo ko. Magsasalita pa sana kung hindi lang siya tinawag ng kaniyang mga kasama. Nagsimula na rin naman ang shoot nila. Naging abala na rin si Indigo kaya hinayaan ko siya roon. Madalas na nagtatanong siya sa akin subalit sinabi kong magfocus lang siya sa trabaho.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang pinapanood siya. He was busy guiding his team. Sobrang seryoso ng mukha nito habang nagtuturo sa mga kasama kung ano ang gagawin. He really look like a real producer. Well, he is.
Mayamaya lang ay napatingin siya sa akin, kumurba ang ngiti niya bago niya ako kinawayan. Para namang malalaglag ang puso dahil sa ngiting pinapakita niya. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam sa tuwing nakikita ko siyang ganoon.
“You should enjoy the moment, anytime ay baka pagsawaan ka rin ni Indigo.” Napakunot ang noo ko nang makita si Eunice na nasa tabi ko na.
“You like him.” Hindi ‘yon tanong. It’s a statement. Wala naman talaga akong pakialam kung may gusto siya o wala pero obvious siya masiyado.
“I do.” Napangisi na lang ako roon. As they should? Gwapo kaya ng boyfriend ko at hindi naman nakakapagtaka na may nagkakagusto rito dahil talagang respetado niya rin ang ibang babae, hindi lang ako. I like that about him.
“You can like him all you want saka mo na lang ako kausapin kapag sinabi niya ring gusto ka niya,” ani ko na ngumiti lang nang tipid. Masiyado na akong maraming kaaway para dagdagan pa. Nanahimik na lang ako sa isang tabi. Mukha siyang naasar subalit umalis na lang din. Pansin ko rin naman na gusto niya talaga si Indigo dahil kung nasaan ata ito’y naroon din siya. Idagdag mo pa ang pagsubok niyang paglingkis subalit hindi naman din siya hinahayaan ni Indigo. Napailing na lang ako habang pinapanood sila.
Nang matapos sila’y agad din akong nilapitan ng boyfriend ko.
“Nainip ka ba? Sorry!” aniya na nakanguso na ngayon. Ngumiti lang naman ako at umiling.
“I enjoy watching you,” ani ko kaya halos masamid siya sa sariling laway.
“Parang sira naman,” aniya kaya natawa na lang ako bago tumayo.
“Let’s go.” Inilahad niya pa ang kamay sa akin. Tinanggap ko rin naman ‘yon. Paalis na kami nang naharang pa ng mga kasam niya.
“Indigo, kakain kayo?” tanong ni Eunice na lumapit pa kay Indigo.
“Yup, may date pa kami ng bebe ko, why?” aniya na nakapirmi lang sa baywang ko ang kamay. Parehas naman na napatingin si Andra at Eunice doon. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing dahil ang famous pala talaga ng nobyo ko sa mga babae. Saka ko lang napagtanto na ang dami pa lang chix na nakaaligid dito. Gwapo e, anong magagawa ko?
“Pwedeng sumama?” tanong nila.
“Luh, parang mga tanga naman, minsan ko lang masolo ‘to. Huwag na!” ani Indigo na kumaway lang sa mga ito bago ako hinila paalis doon.
“Ang dami mong chix,” ani ko kaya napatingin siya sa akin.
“Huh?” tanong niya.
“Madami ka ba?” tanong niya. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n.
“Gusto ka ng mga ‘yon,” sambit ko.
“Ikaw lang gusto kong magkagusto sa akin,” natatawa niyang sambit.
“Nagseselos ka?” tanong niya na nilingon pa ako.
“Nah. Wala ka namang ginawa na dapat kong ipagkaselos,” ani ko.
“Damn, mature girlfriend is really this attractive,” aniya na malapad ang ngiti habang nakatingin sa akin.
“Ulol.” Napailing na lang ako bago naunang maglakad.
“Paano kung dumating sa puntong naging isip bata ako?” tanong ko sa kaniya na nilingon pa siya.
“It’s fine, ready naman akong maging daddy,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa bago siya hinagisan ng kung ano.
“Gago!” natatawa kong saad na napailing pa. Pumasok naman na kami sa isang fast food chain. Naghanap ako ng mauupuan habang siya naman ang umorder.
“I can’t wait for your movie to be release, I think you’ll rock it,” ani ko nang magsimula kaming kumain. Agad ko naman siyang nakita na napatingin sa akin.
“Kapag ba nanalo kami may kiss ako?” tanong niya kaya napatawa ako.
“Kahit ilang kiss pa gusto mo,” ani ko kaya kita ko agad ang tuwa sa kaniya.
“Ready mo ng mamaga labi mo,” aniya kaya natatawa ko siyang sinamaan ng tingin.
“Siraulo!” ani ko na hindi rin maiwasan ang tawa dahil sa kaniya. Pinamulahan din ng mukha dahil sa hiya rito. Halakhak niya lang naman ang narinig ko.
Nang mairelease nga ang movie, hindi ako nagkamali dahil talagang pinag-uusapan online ang ginawa nilang film. I can’t help but to be proud.
Shit. Boyfriend ko producer niyan.
“Love! Tignan mo ‘yong post online!” sambit ko na excited para sa kaniya. Nakakataba ng puso habang pinagmamasdan ang ilang review na sinasabi kung gaano kaganda ang movie niya.
“Why?” tanong niya sa akin at binigaybang same energy na pinapakita ko sa kaniya.
“Look at these!” sambit ko na pinakita ang ilang post tungkol sa movie na ginawa nila. Kita ko naman na natigilan siya dahil do’n. Hindi ko naman napigilan ang pagkurba ng ngiti mula sa mga labi habang pinagmamasdan siya. Hindi pa rin siya makapaniwala habang nakatingin doon. Agad ko naman siyang dinamba ng yakap.
“Congrats! You deserve the recognition! Sobrang galing mo kaya, laham ko,” ani ko. Para kaming tangang tumatalon-talon habang magkayakap.
“I love you,” bulong niya sa akin nang huminto kami. Napatawa naman ako dahil do’n.
“Parang sira, kinongrats lang e,” ani ko kaya tumawa rin siya.
“I just love you. So much.” Ginulo niya pa ang buhok ko kaya natatawa kong pinanggigilan ang pisngi niya.
“I love you. Lagi,” ani ko na malapad ang ngiti sa kaniya.
“Congrat! Deserve mo lahat!” sambit ko ulit. Pinagpuyatan at pinaghirapan niya ang lahat ng ‘yon kaya deserve niya ang lahat.
Sa email unang iaannounce kung nanalo ba ang film at walang lakas na loob si Indigo na buksan ‘yon.
“Ayaw ko, ibigay ko na lang ata email account ko sa mga kasama,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang matawa sa itsura niya. Patulog na kasi kami nang sabihin ng mga kasama niya na may mga email na raw na narecieve ang ilang movie producer na sumali rin.
“Ako na nga,” ani ko. Nang sumagi ang kamay ko sa kaniya, nanlalamig ‘yon. Maski tuloy ako’y kinakabahan na dahil sa kaniya. Nang iopen ang email. Hindi ko naman naiwasan ang panlalaki ng mga mata. They won! He won! Tinanghal na best film ang movie nila, hindi na ako nagtaka. Deserved!
“What?” tanong niya.
“You won!” ani ko na napatalon pa sa kama sa tuwa. Para naman siyang nakahinga nang maluwag dahil do’n.
“Worth it pagod at puyat, Lods!” sambit ko na malapad ang naging ngiti sa kaniya.
“Where’s my reward, Love?” tanong niya sa akin. Natawa naman ako nang isenyas niya ang pisngi subalit sa halip na sa pisngi ko siya halikan, ang labi ang pinuntirya ko.
“Congrats, Love,” bulong ko bago nagtama ang labi naming dalawa. Sa hindi ko malamang dahilan. Para akong malulunod. Palalim nang palalim. Painit nang painit na hindi ko na namamalayan na umabot na sa halik sa ibang parte ng katawan.
That night, we enjoy the rest of the day doing things that we shouldn’t do.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro