Chapter 23
Chapter 23
Ingrid’s POV
“Hi, hindi ka magbebreakfast?” tanong ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. Tamad niya lang akong nilingon dahil dito.
“San?” tanong niya.
“Sa bahay,” nakangiti ko pang saad.
“Sandok,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo. Talaga bang magmamatigas ito? Mula kahapon ay panay pamimikto ang sagot niya.
“Hindi mo pa rin tatanggapin ang sorry ko?” tanong ko.
“Ha?” tanong niya.
“Huh?” tanong ko rin dahil ang linaw ng tanong ko.
“Halamang gamot,” aniya. Hindi ko alam kung ginagago ba ako o ano.
“Ano ba? Sa tingin mo natutuwa pa ako sa’yo?” tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin. Hindi naman siya nagsalita at mukhang inis pa rin sa akin. Napa-buntonghininga na lang ako bago sumunod sa kaniya. Dumeretso lang siya sa kaniyang sofa bago prenteng humiga roon.
“Kain ka na muna,” mahinahon at malambing kong saad. Alam ko rin naman kasi na may kasalanan din ako. Ang nakakainis lang ay ang nakakagago niyang mga sagot.
“Para naman kina Cheska ‘yon e,” ani ko. Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nasa screen ang mga mata parang walang nakikita.
“Sorry na, hindi ko naman talaga sinasadyang makalimutan na itext ka para ipaalam na dadaan muna ako roon.” Humarang pa ako sa pinapanood niya para lang magpapansin. Pinasadahan niya lang ako ng tingin bago niya binaling ang mga mata sa kisame.
Napanguso naman ako dahil wala pa ring balak mamansin.
“Here, kumain ka na muna,” ani ko.
“Masamang baliwalain ang pagkain,” saad ko kaya tumayo siya para kunin ang pagkain sa lamesa.
Buong araw ata akong nanunuyo. Kahit na hindi niya ako pinapansin, hindi niya rin naman pinapaalis. Hindi ko tuloy alam if I should be happy about that o ano.
Ingrid @GridItIngrid: Sorry na @Indigoat :((
That was my first tweet in my private account. Nang lingunin ko siya’y kita ko ang pagkunot ng noo niya subalit hindi pa rin nawawala ang supladong ekspresiyon. Ni hindi niya ako tinignan subalit tumunog ang notif na nilike niya lang ‘yon. Nagreply naman ang mga kaibigan niya sa tweet ko.
Carver @Carwash replying to @GriditIngrid: wow bago ‘yan, ah?! Nagpapasuyo ang tukmol
Bren @Brentee replying to @GridItIngrid and @Carwash: Sana all may taga-suyo.
Nakita ko rin ang tweet ng mga ito.
Carver @Carwash: Patay ka na ba @Indigoat
Bren @Brentee replying to @Carwash: sadpeys lang pala magpapatahimik kay gago AHSGSGSGSHSGSGSSGGSHAAHA @Indigoat pakigalaw ang baso kung buhay ka pa
Napatingin muli ako sa ekspresiyon ng mukha ni Indigo. Nanatili lang ‘yon kunot. Hindi ko naman maiwasan ang mapanguso bago tumayo na para magtungo sa bahay. May mga gagawin pa ako.
“Have dinner in our house, may tatapusin pa ako,” paalam ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako sandali at hindi na pinansin pa. Napanguso na lang ako bago tumayo at magtungo na sa bahay.
Naging abala lang din ako sa mga orders hanggang sa magdinner. Hindi pa rin nagtungo si Indigo kaya napanguso ako. Ang arte talaga ng hinayupak.
Sa huli’y napagpasiyahan ko na lang siyang dalhan ng pagkain sa apartment niya. Pinagbuksan lang ako ng pinto at ni hindi pa kinuha sa akin ang dala-dala. Dire-diretso lang siya sa pagpasok. Ni walang suot na pang-itaas. Napailing na lang ako at walang nagawa kung hindi ang magtungo roon.
“Kain ka na muna, sabi ko punta ka sa bahay e,” sambit ko sa kaniya. Napangiwi ako nang parang wala itong narinig. Patuloy lang sa pagpupunas ng basa niyang buhok. Lumapit naman ako roon para ituloy ang ginagawa niya. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang ako. Pabebe rin talaga. Palihim naman akong napangiti dahil hindi rin siya nagreklamo.
“Magsuot ka ng pang-itaas, after this ay kumain ka na. Uuwi na rin ako, hindi mo rin naman ako kinakausap,” ani ko kaya kita ko ang paglingon niya sa akin. Bumuka ang bibig subalit sa huli’y wala rin namang salitang lumabas sa kaniya.
Akala ko’y hindi aabot ng isang buong araw ang tampo nito subalit dumating na ang kinabukasan ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Ni wala ang good morning na madalas niyang ipangbati sa akin tuwing umaga.
Ako:
Good morning, Love! Nagbreakfast ka na ba?
Ni walang reply galing sa kaniya. Napanguso na lang ako nang isuot ang sneakers ko at lumabas na para pumasok. Palihim naman akong napangiti nang makita ko siyang nakatayo lang sa isang gilid.
“Hi,” bati ko sa kaniya.
“Good morning! Hindi mo ba nabasa ang text ko?” tanong ko sa kaniya.
“Nabasa,” aniya kaya tumaas ang kilay ko.
“Bakit hindi ka nagreply?” tanong ko. Hindi naman siya nagsalita.
“Tara na?” tanong ko na nagawa pang ikawit ang kamay sa braso niya. Kita ko naman ang pagtingin niya roon at binalik sa akin. Matamis ko naman siyang nginitian. Kinuha niya rin ang bag na dala ko. Hindi rin inalis ang pagkakalingkis ko sa kaniya.
Akala ko dahil galit ito, hindi na kami dadaan sa jelexie para bumili ng tinapay subalit kita ko ang palihim niyang paglalagay ng ensaymada sa bag ko. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil dito.
“Bye, thank you sa paghatid. See you later,” malapad ang ngiti ko nang makarating kami sa school. Paalis na sana siya nang dumating si Alexandro lulan ng mamahalin niyang kotse. Napapikit naman ako nang lumapit pa ito sa akin. Shit talaga. Ang hirap ko na ngang sinusuyo si Indigo, mukhang mas mahihirapan pa.
“Uy, Ingrid, nabasa mo text ko?” tanong niya sa akin. Nilingon ko naman siya na nagtataka. Kahit gusto ko siyang paalisin ay hindi ko rin maiwasan ang maging kuryoso.
“Tungkol saan?” tanong ko.
“Mamaya raw ulit, punta raw tayo roon. Kasama na si Daddy,” aniya sa akin.
“Oh,” ani ko at napalingon pa kay Indigo na tumaas lang ang kilay.
“Sige, sabihan mo na lang ulit ako,” ani ko na kay Indigo ang mga mata. Nanatili lang na ganoon ang ekspresiyon ng mukha nito kaya hindi ko rin talaga maiwasan ang mapanguso.
“Tara na, sabay na tayo papasok. Maaga ang prof natin ngayon,” aniya sa akin na sinubukan pang kuhanin ang bag ko subalit ngumiti lang ako nang tipid bago ‘yon iniwas.
“Ako na, kaya ko naman,” ani ko.
“Mauna ka na,” sambit ko pa kaya tinignan niya ako.
“Oh, sige. Sa room na lang,” aniya kaya kumunot ang noo ko. Kung makaasta kasi ito’y parang close kami gayong noong nakaraan ko lang naman siya nakausap.
“Baka late ulit akong makauwi mamaya, sorry. Bawi na lang ako sa susunod,” ani ko kaya tumango lang siya sa akin.
Akala ko’y hindi na siya maghihintay sa akin kinahapunan subalit nakita ko na lang siya na nakikipagtawanan kay Manong at maski sa ilang estudyante. Sobrang friendly naman kasi ng isang ‘yan. Kahit ano’y may maiisip na topic. Kahit nga ata sabihin niya lang na hassle ang traffic ay magtutuloy-tuloy na ang usapan nila. As usual, hindi na naman nakagbutones ang uniform nito at gulo-gulo ang buhok.May suot ding camera habang ang nguti’y malapad. Nawala lang nang makita ako.
Hindi ko naman maiwasan ang mapanguso. Aba’t hindi na nga niya ako tinext maghapon, mukha pang wala siyang balak kausapin ako ngayon.
“Hey,” bati ko sa kaniya nang makita ko siya.
“Baka matagalan kami ni Alexandro, mauna ka na kaya?” tanong ko sa kaniya.
“Tara na,” aniya kaya napaawang ang labi ko.
“Hindi pwede, nakapangako na ako kay Alexandro na sasama ako sa kanila,” ani ko.
“Kaya nga. Tara na roon.”
“Sasama ka?” naguguluhan kong tanong. Tumango lang naman siya kaya hindi ko maiwasan ang mapatitig dito.
“I also want to visit the kids,” malamig niyang saad kaya napatango na lang ako sa huli.
“Ingrid!” Narinig ko na ang tinig ni Alexandro kaya napatingin ako sa gawi kung saan nanggagaling ang tinig nito.
“Sa kotse na tayo,” aniya na malapad ang ngiti sa akin.
“Uh… kasama ko si Indigo,” ani ko kaya tumingin siya kay Indigo na wala man lang kaekspre-ekspresiyon ang mukha.
“Oh, sa kotse ko na lang kayo kung ganoon,” aniya pa.
“Uh… hindi na siguro,” sabi ko dahil baka hindi ako maging kumportable. Hindi naman kasi talaga kami close ni Alexandro, kung tutuusin ay si Yanie lang ang nakausap ko noong nakaraan.
“Para mas kumportable! Pagiging pratikal lang tayo. Hindi ka naman siguro magseselos dahil lang sasakay ang girlfriend mo sa ibang kotse, Bro? Masiyado namang masasakal ang kung sino kung ganoon. Worst baka matakot pa sa’yo!” natatawang sambit ni Alexandro kaya napakunot ang noo ko. I never felt thay way kay Indigo. Supportive kaya ‘yan sa lahat ng gusto ko. Mali lang din talaga ako nitong nakaraan dahil hindi ako nagpaalam.
Nang lingunin ko si Indigo. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Pikon na ‘to. Sigurado ako roon.
“Huwag na, jeep na kami,” ani ko na ngumiti lang bago hinawakan ang palapulsuhan ni Indigo at pumara ng jeep.
“Tao tayo,” aniya nang makasakay kami. Tinignan ko naman siya dahil do’n. Walang bakas ng tuwa sa mukha maski sa tinig. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya o nagbibiro.
Nang makarating kami roon ay kumurba ang ngiti niya nang salubungin siya ng mga bata. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso dahil ang sungit niya pagdating sa akin samantalang ang bait niya sa mga ito.
“Ingrid, this is my Dad,” ani Alexandro na ipinakilala ang tatay niya sa akin.
“Good afternoon po. Ingrid po, kung may question po kayo tungkol sa mga bata, you can ask me po,” ani ko dahil kahit paano’y tumutulong na rin ako sa paglalakad ng mga papeles nila. Kita ko naman ang pagngiti niya sa akin dahil dito.
“Katulad nga ng sinabi ng anak ko, bukal nga talaga sa loob mo ang tumulong,” nakangiti niyang saad sa akin. Ngumiti lang naman ako rito.
“Boyfriend ko po, Si Indigo,” ani ko dahil nakita kong pinapanood lang ako ni Indigo na makipag-usap sa Papa ni Alexandro.
“Oh, may boyfriend ka na pala,” aniya na tumawa pa bago niya nilingon ang anak. Hindi ko naman maiwasan ang mapalingon din kay Alexandro na siyang tumawa lang.
“Asawa nga naaagaw,” anito kaya kumunot ang noo ko. I hate that fucking mindset. Bobo amputa.
“Depende kung magpapaagaw,” ani Indigo na nasa tabi ko na.
“Ililibre ko ang mga bata, tara,” anyaya ng Papa niya. Tumango naman kami rito. Ang daming tinatanong sa akin ng Papa ni Alexandro na maayos ko namang sinasagot kahit na nababastusan ako dahil nirereto ang anak sa akin kahit na alam na may nobyo ako.
“Kapag kagraduate niyo’y pupwede agad kayong magturo sa school na pinagtatrabahuan ko,” aniya sa amin. Ngumiti lang naman ako ng tipid. Hindi ko gustong makapasok dahil lang may kapit. Alam kong magaling din naman ako kahit paano kaya alam kong kaya ko rin.
Mas lalo tuloy akong hindi kinausap ni Indigo nang makauwi kami sa bahay. Kinagabihan ay hindi man lang pumunta sa apartment kaya ako ang nagtungo sa kaniya.
"Galit ka pa rin?" tanong ko.
"Sino?" tanong niya.
"Ikaw nga," ani ko.
"Sinong kausap mo?" tanong niya. That's it. He's really mad at me. Hanggang ngayon ay galit pa rin. Namimiloso pa. Parang gago.
"Edi don't! Bahala ka na sa buhay mo! Ikaw na nga sinusuyo!" sigaw ko na sinamaan pa siya ng tingin.
“Last na ‘to! Bahala ka na rin!” ani ko dahil nawawalan na rin ng pasensiya sa kaniya. Bago pa ako tuluyang makaalis ay hawak-hawak niya na ang palapulsuhan ko.
“You really know how to turn around the table, huh?” tanong niya sa akin habang tinititigan ako. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil dito.
“Ikaw kasi! Nakakainis naman ‘yang pagiging gago mo,” ani ko.
“Bawal na bang magtampo?” tanong niya naman.
“Pangit mo magtampo, nakakapanggigil,” ani ko. Umirap lang siya tila may naalala pa.
“Nakakapanggigil din manliligaw mo,” aniya pa.
“Sino?” tanong mo.
“That tukmol guy,” aniya.
“Kausap mo?” dugtong ko. Ang nakasimangot niyang mukha kanina’y mas lalo pang napasimangot ngayon dahil sa tanong ko.
“Kita mo na? ‘Di nakakapikon? Hayop ka,” ani ko kaya napanguso na lang siya.
“Wala naman akong pinayagang manligaw maliban na lang kung gusto ko,” sambit ko pa para pagaanin ang loob niya.
“Sinong bang gusto mo?” tanong niya sa akin.
“Ikaw lang,” ani ko.
“Kung may manghaharot?” tanong niya pa.
“Hindi magpapaharot,” ani ko.
“Kanino lang dapat?”
“Sa’yo lang.”
“Good.” Kumurba ang ngiti mula sa mga labi nito bago ako siniil ng malalim na halik.
“Heck. It’s much more torture on my part than yours. Ang hirap magtampo sa’yo. Miss agad kita.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro