Chapter 22
Chapter 22
Ingrid’s POV
“Ingrid,” tawag sa akin ni Alexandro habang nag-aayos ako ng gamit ko. Nilingon ko naman siya dahil do’n. Hindi agad siya nagsalita. Ilang tikhim pa ang ginawa bago tuluyang ibinuka ang bibig.
“Pupwede ka ba ngayon?” tanong niya sa akin.
“Uy, si Alexandro sa wakas kumilos din! For the past four years ngayon lang nagkalakas ng loob!” natatawang sambit ng ilang blockmates kong lalaki. Kumunot lang ang noo ko habang pinapakinggan sila.
“Buti nga siya nakaipon na. Ikaw kaya, Tres, kailan?” natatawang tanong nila rito.
“Tangina niyo.” Narinig ko pang sambit nito.
“Ano ba ‘yon, Alexandro?” tanong ko dahil nawawalan na ng pasensiya. Ang tagal kasing magsalita. Kailangan ko ng umuwi, marami pa akong trabahong gagawin.
“Uh… sorry about that,” aniya na nahihiya. Tumango lang ako.
“Do you want to go with me? Naghahanap kasi ng mga batang gustong mag-aral ang pamilya namin and I know na madalas ka sa same street na pinuntahan natin niyon,” sambit niya. Nahinto naman ako sa pagpasok sa mga gamit ko sa bag dahil do’n. Bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa kaniyang sinabi.
“Talaga ba? Of course I can go with you!” nakangiti kong saad. Paniguradong matutuwa sina Cheska kung sakali. They want to study, talagang desidido ang mga ‘yon.
“Yes, Papa’s charity are looking for 5 students and I know na you have some recommendation,” aniya sa akin kaya agad akong napatango.
“Tara?” tanong sa akin ni Alexandro.
“Ngayon na?” tanong ko. Tumango naman siya sa akin dahil do’n.
“Sorry kung biglaan, ngayon lang din kasi ako nasabihan,” aniya sa akin.
“Ah, it’s fine,” ani ko na ngumiti sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang excitement na nadarama.
“Akin na,” aniya na kukunin pa ang gamit na hawak ko subalit nilayo ko lang at nginitian siya.
“No, it’s fine. Kaya ko naman. Salamat,” ani ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko naman ang tipid niyang pagngiti bago ako sinabayan.
Narinig ko pa ang usapan nina Steffanie nang madaanan kami sa tapat nila.
“Ang harot talaga, may boyfriend na nga nagagawa pang lumandi,” anito kaya hindi ko maiwasan ang tignan siya. Hindi ko alam kung ako ba ang pinaparinggan nito but it was really obvious na ako nga sa paraan pa lang ng tingin niya.
“True lang, kunwari pa-inosente,” dagdag naman ng mga kaibigan niya. Wala akong oras para pansinin pa ‘yon kaya naman tuloy-tuloy na ako sa paglabas.
“Init talaga ng ulo sa’yo nina Steffanie,” ani Alexandro sa akin. Hindi naman ako nagsalita dahil aware naman ako roon. Sabi nila nagmamature ang tao through time pero hanggang kailan kaya kay Steffanie?
“Gusto mo bang kumain muna?” tanong sa akin ni Alexandro. Umiling naman ako, gusto ko na ring magmadali dahil may lakad pa rin kami ni Indigo after this. Pinangakuan ko siya ng date kahit sa bahay lang kami.
Sumakay naman na kami sa kotse ni Alexandro. Bago tuluyang magtungo sa usual place kung saan imimeet ang mga bata. May sinundo siyang isang babae na mukhang kukuha ng information tungkol kina Cheska.
“Hi, I’m Yanie,” pagpapakilala niya bago naglahad ng kamay sa akin.
“Ingrid,” ani ko na tinanggap ang pagkakalahad ng kamay niya sa akin.
“Oh, ikaw ‘tong ikinukwento ng pinsan ko!” nakangiti niyang sambit subalit sinaway siya ni Alexandro.
Nagsimula siyang magtanong tungkol sa mga bata. Hindi ko naman maiwasang malibang habang nakikipagkwentuhan sa kaniya.
“Yup! Sinabi mo pa! Kahit ‘yong mga bata sa bundok? Sobrang sipag mag-aral. Ang unfair nga e, kung sino pa ‘yong mga desididong makapag-aral. Sila pa ‘tong walang resources para mabigyan ng pagkakataon,” aniya.
“Then ‘yong mga mayroon. They are just taking it for granted,” hindi ko mapigilang sambitin.
“’Di ba?!” aniya. She’s actually fun to talk to dahil ang dami niya na ring napuntahang lugar just to teach. Napagalaman ko rin na ang Papa ni Alexandro ay may-ari ng school kada taon din ay naghahanap talaga sila ng mga estudyanteng gustong mag-aral.
“So, kaya mo kinuha ang educ?” kuryoso kong tanong kay Alexandro na nakikinig lang sa amin.
“Labag pa sa loob niya ‘yan! Ayaw magteacher! Mababa raw kasi ang sahod,” anito. Siguro noong una’y ganoon din ako. Subalit habang patagal nang patagal. Mas lalo ko lang nagugustuhan ang kursong kinuha. Maybe it was really my calling.
“Ito naman, naninira pa. Hindi, ah! Gusto ko talagang magturo ng mga bata,” ani Alexandro at ngumiti pa.
“Plastik ka! Porket nandito lang ang crush mo,” natatawang saad ni Yanie.
“Shut up, Yanie,” ani Alexandro na hindi na makatingin sa akin ngayon. Hindi naman ako bobo para hindi malaman na ako ang crush na tinutukoy ni Yanie subalit tipid ko lang na nginitian si Alexandro dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin dito. Kapag narinig ‘to ni Indigo’y paulit-ulit niya na namang sasabihin na tama nga talaga siya. Naririnig ko na agad ang tinig nito.
Nang makarating kami sa usual spot. Agad kong nakita roon sina Cheska na naglalaro. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil katabi lang nila ang ilang libro.
Excited naman akong bumaba para batiin sila.
“Hi,” bati mo kaya agad na nabuhayan sina Cheska.
“Ate!” tawag nila na tumakbo sa akin para yumakap.
“I brought you a new book at may good news ako para sa inyo,” nakangiti kong saad. Nagsitakbuhan naman sila papunta sa gawi ko. Agad nagtanong ang mga ito sa good news na sasabihin. Si Ms. Yanie naman ang nagpaliwanag ng news sa kanila. Talagang ulila na ang mga batang ito kaya laking tuwa rin nang sabihing dadalhin sa orphanage at pag-aaralin. Maski ako ay ganoon din. Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil bakas ang galak sa kani-kanilang mukha.
“Wow! Makakapag-aral na po kami, Ate?” tanong nila. Tumango naman kami sa kanila roon. Hindi pa rin nawawala ang ngiti.
“Excited na po kaming mag-aral! Maraming salamat po!” anila. Marami pang kailangan asikasuhin para kunin ang custody ng mga ito ngunit lubos ang saya ko dahil mabibigyan na sila ng maayos na tirahan.
“For now, kain muna tayo,” ani Yanie dahil may dala-dala rin siyang pagkain para sa mga bata. Makikita rin ang tuwa mula sa mga labi nito. Napangiti na lang din ako habang pinapanood sila.
“Ingrid, kain ka na rin muna,” ani Alexandro. Tinanggap ko naman ang snack subalit hindi ko nilulubayan ang mga bata.
“Kapag nagsimula na kayo, bibilhan ko kayo ng notebook at mga lapis,” nakangiti kong sambit.
“Bastaba mag-aral kayong mabuti,” dagdag ko pa. Sunod-sunod naman ang naging pagtango nila.
“Madami ba kaming kaklaseng makikilala, Ate?” tanong pa nila. Napangiti naman ako roon bago tumango.
“Yes, sigurado rin ako na marami kayong magiging kaibigan,” sambit ko although ako mismo’y walang naging kaibigan sa eskwela o baka mayroon, hindi nga lang nagtagal.
Nalibang lang ako sa pakikipagkwentuhan sa mga ito hanggang sa dumating na ang oras para umuwi.
“Bye, Ate! Ingat po kayo!” paalam nila na kumaway pa sa akin. Malapad naman ang naging ngiti ko bago sila binati pabalik.
Nahinto ako sa pagsakay sa kotse ni Alexandro nang may maalala.
“Shit.” Hindi ko pala nasend-an ng mensahe si Indigo. Masiyado akong naexcite sa balita para sa mga bata.
“Why?” tanong ni Alexandro sa akin. Tinignan ko pa ang phone dahil kanina pa ‘to patay. Ginamit kasi ni Sandro kanina.
“Can I use your phone?” tanong ko sa kaniya.
“Bakit?” tanong niya sa akin.
“I need to call someone,” ani ko.
“Oh, boyfriend mo?” Agad naman akong tumango roon.
“Sorry but dead bat na,” aniya sa akin kaya hindi ko siya maiwasang tignan. Kanina lang ilang percent pa ito nang makita ko. Napa-buntonghininga na lang ako at sa huli’y napatango na lang.
“Ihahatid ka na ba namin sa bahay niyo?” tanong niya. Agad naman akong umiling.
“Sa school na,” ani ko dahil baka nandoon pa si Indigo. Habang nasa sasakyan ay pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ko. Kinakabahan na sa reaksiyon ni Indigo.
“Sure ka, ayaw mo pa sa bahay niyo?” tanong niya. Umiling lang ako. Pabalik-balik pa ang naging tingin nito sa akin na sa huli’y hindi ko na lang din pinansin.
“Dito na,” ani ko nang makarating sa school.
“Salamat, Yanie, Alexandro. Thanks for giving hope sa mga bata, una na ako,” saad ko na nagmamadali ring bumaba ng kotse. Bumaba rin si Alexandro para lang pagbuksan ako.
Agad ko namang nakita si Indigo na naroon. Nakikipagkwentuhan kay Manong subalit ang mga mata’y dumeretso sa akin. Nilingon niya pa ang katabi ko. Bahagyang tumaas ang kilay nito.
“I’m sorry, Bro, may biglaang lakad kami ni Ingrid. Hindi na ata nakapagpaalam sa’yo,” ani Alexandro na sumunod pa sa akin. Napapikit na lang ako dahil do’n. Gusto ko ‘tong paalisin. Hidi ko nga lang alam kung paano.
Dumilim naman ang ekspresiyon ng mukha ni Indigo dahil doon. Kita ko rin ang pagsimangot niya. Napakagat lang ako sa aking mga labi. Nanunuot sa buto ang titig nito at hindi ko alam kung paano ko siya iiwasan.
“Sorry ulit, Bro. Ihahatid ko na sana sa bahay, ayaw lang magpahatid,” ani Alexandro na tinapik pa sa braso si Indigo na mukhang hindi naman natutuwa sa pangyayari.
“Bye, Ingrid. Nalibang ako ngayon. Sana nag-enjoy ka,” aniya na nginitian pa ako. Kumunot ang noo ko roon. Hindi ko alam kung nag-uulol ba o ano. Palihim na lang akong napangiwi.
“Tara na?” tanong ko kay Indigo na siyang nanatili lang na matalim ang tingin. Nakailang tikhim pa ako. Pakiramdam ko’y inuuhaw ako kahit na may tubig namang hawak.
“Nako, Ma’am, kung sino-sino ng dinial ni Indigo para lang tawagan kayo. Akala niya kung ano ng nangyari sa inyo,” ani Manong. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil do’n.
“Una na po kami, Manong Jude, pasensiya na po sa abala,” ani Indigo kay Manong. Nang balingan niya ako ng tingin, bumalik sa talim ang mata nito.
“Tara,” malamig niyang saad na kinuha rin naman ang bag ko kahit na mukha siyang bulkang sasabog na. Napanguso na lang ako nang sumunod sa kaniya.
Habang nasa jeep ay tahimik pa rin kami, kahit na mukhang galit ay nagawa pa ring kabigan ang legs dahil nga nakapalda.
“Sorry, naghintay ka ba?” tanong ko sa kaniya kahit na diretso lang ang tingin niya. Obviously, Ingrid. Tanga ka na naman.
Hindi siya nagsalita. Nanatili lang na supladong nakatingin sa kung saan.
“Ay, LQ.” Narinig kong bulong ng katabi sa kaniyang kasama.
Nang bumaba kami’y nagpatuloy lang ako sa pangungulit sa kaniya.
“I’m sorry, biglaan lang talaga. Hindi ko magawang tanggian dahil sayang ang scholarship para sa mga bata,” pagpapaliwanag ko sa kaniya.
“You should have texted me! Anong alam ko kung nadekwat ka na pala ng mga kumaw diyan,” aniya sa akin. I know he’s serious subalit hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya.
“Are you seriously laughing right now?” tanong niya na masamang ang tingin sa akin. Napanguso naman ako roon para pigilan ang mangiti dahil talagang nagagalit na siya.
“Bahala ka na,” aniya na halos irapan na ako at naglakad na patungo sa bahay. Talagang sa apartment niya siya nagtungo ngayon. Galit nga talaga ito. Napanguso na lang ako nang magtungo sa apartment. Nakita ko namang abala na sa assignment ang mga kapatid ko.
“Ate, hinahanap ka rito ni Kuya Indigo kanina. Saan ka galing?” tanong nila sa akin.
“Kina Cheska, bibigyan sila ng scholarship.” Nagawa ko pang magkwento gayong may damulag pang susuyuin. Hindi ko ugaling magtext habang nakacharge subalit hindi ko rin napigilan ang sarili.
Ako:
Pogi, sorry na
Ako:
Luh, low bat akue kanina.
Ako:
Huwag na u magalit pls
Ako:
Luh, ‘yong crush ko galit.
Talagang kahit anong text ko’y hindi niya nirereply-an. Hindi rin talaga pumunta sa bahay para kumain.
Hindi ko na ineexpect na magsasabay kami papasok ng trabaho subalit nang palabas na ako’y hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil kahit na pa galit ito’y hindi rin ako natiis na sabayan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro