Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

Ingrid’s POV

“Matulog ka na kaya? You look tired too. Patapos na ako rito,” aniya sa akin subalit umiling lang ako.

“Ayos lang, nagrereply din naman ako sa mga inquiries sa shop,” ani ko kaya tinignan niya lang ako sandali bago siya nagpatuloy sa pag-eedit. He’s really busy the whole week dahil may isasali silang film sa isang movie fest. Wala naman akong gaanong pinagkakaabalahan sa ngayon dahil bakasiyon pa namin. Fourt year college na kami this school year kaya ireready na rin talaga ang sarili.

Tumayo naman ako para magtungo sa kusina. Nagtimpla lang ng kape at kumuha ng snack para sa kaniya.

“Here,” ani ko na itinabi sa kaniya ang kape. He’s just serious sa ginagawa kaya tipid niya lang ako nangitian. Hindi ko naman mapigilan ang mapatingin sa ineedit niya. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya at random din na nakakaisip ng ideya para sa magagandang scene na pupwede niyang idagdag.

I actually enjoy talking with him about our different ideas. Talagang nagkakasundo kami kaya hindi ko maiwasang malibang habang hinihintay siyang matapos.

“I’m sorry, masiyado ba akong maingay?” natatawa kong tanong.

“No, you’re actually helping me,” aniya na ngumiti pa sa akin.

“Nagigising lalo diwa ko dahil sa’yo,” dagdag niya pa habang patuloy lang sa pakikipag-usap sa akin.

Mayamaya lang ay nahiga lang ako sa upuan dito sa sala habang nagsscroll na sa twitter. Well, it also became my comfort place. I’m not actually vocal on what I feel kaya minsan ay nailalabas ko rin dito although ang mga kaibigan ni Indigo at siya lang ang halos nakakabasa niyon dahil wala naman akong halos kaibiga. Kung mayroon man ay sina Alexandro at ang ilang kaklase lang simula noong first year college.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa fleet ni Indigo. Agad kong nakita ang litrato ko roon. Kuha kaninang umaga no’ng nagluluto ako. Nakita ko rin na may myday na naman siya sa account ko. Mukha niya na naman. Hindi na nagsawa. Well, hindi naman nagsasawa ang mga friends and followers ko dahil heart din sila nang heart sa myday ko. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa roon o ano. Ang hilig niyang kalikutin ang phone ko at magbasa ng message request samantalang hindi niya naman magawang buksan ang mga mensahe para sa kaniya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako sa pagsscroll scroll sa phone ko. Nagising na lang ako na nasa kama na and Indigo was already sleeping beside me. Sanay na sanay naman na ako roon dahil hindi na halos umuuwi ang isang ‘yan sa apartment niya. Nakayakap lang siya ng mahigpit sa akin habang tulog na tulog pa rin.

Paniguradong katutulog lang nito sa pag-eedit ng film niya. Hindi ko naman siya mapigilang pagmasdan habang tulog na tulog pa rin. Hinaplos ko lang ang buhok nito at nanatili lang sa pwesto ko hanggang sa napagpasiyahan ko na ring tumayo maipagluto sila ng almusal although alam kong hindi pa ‘to kakain dahil puyat na puyat pa siya panigurado.

Kalalabas lang din ni Sandro sa kanilang kwarto. Kagigising lang nito habang si Irah ay mukhang kanina pa gising dahil nagdidilig na ng halaman sa gilid.

Nagluto lang ako ng almusal namin bago ko sila inanyayahang kumain.

“Tulog pa si Kuya Indigo, lower your voice, okay?” tanong ko kay Sandro. Tumango naman siya sa akin dahil do’n.

“Panonoorin ba natin ang movie ni Kuya niyan, Ate?” tanong sa akin ni Irah. Ngumiti naman ako at tumango. She’s actually excited dahil may nakuhang artista sina Indigo sa film na gagawin nila. Nahuhumaling sa mga artista ‘yang kapatid ko.

“Yup,” ani ko na tumango. Nakita ko naman ang pag-yes niya dahil alam na agad na may autograph siya galing sa mga ‘yon. Panigurado kasi ipanghihingi siya ni Indigo.

After namin kumain ay kaniya-kaniya na kaming gawa ng trabaho. Naging abala lang ako sa mga orders hanggang sa hapon.  Nang matapos ako’y nagpahinga lang sandali bago nagtungo sa kwarto para matulog ulit ng hapon. Hindi pa rin gising si Indigo at hindi ko na rin naman ginising pa. Nagawa ko pang makatulog sa tabi niya. Nagising lang dahil sa mabigat na titig ng kung sino sa akin.

Nang magmulagat ay agad kong nakita si Indigo na nakatitig lang sa akin. Ngumiti siya nang mapansin na gising na ako.

“Kumain ka na, namiss mo na ang breakfast at lunch,” ani ko subalit imbis na tumayo ay hinila niya lang ako palapit sa kaniya para yakapin.

“Let me take my rest some more,” aniya kaya hindi ko maiwasan ang pag-iling.

“Aba’t hindi pa ba sapat ang pahinga mo?” natatawa kong tanong. Hindi naman siya nagsalita. Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa tinulak ko na siya dahil biglang pumasok si Sandro.

After a while ay tumayo na rin ito. We just cooked our dinner at pagkatapos niyon, naging abala ulit siya.

“I need to go outside, Love, meeting daw,” paalam niya. They became busy for a week hanggang sa dumating na rin ang movie fest.

“Don’t expect too much, baka mamaya pangit pala,” aniya sa akin habang pinapanood akong nag-aayos.

“Maganda, alam ko,” ani ko dahil napanood ko naman na ang ilang clips. Sinusubukan ko nga lang na huwag dahil ayaw kong maspoil but base on the clips na napanood ko. Masasabi kong the movie is worth looking forward for. .

“Huwag mong sabihing kinakabahan ka?” natatawa kong tanong nang lingunin siya. Mukha kasi siyang hindi mapakali dahil sa kaniyang itsura.

“Huwag ka na kayang manood?” tanong niya pa kaya hindi ko maiwasang ang natawa.

“Tigilan mo ako,” naiiling kong sambit. Bakas talaga sa mukha niya ang kaba. Nailing na lang ako bago ko tinapat sa kaniya ang damit na susuotin.

“Anong mas maganda?” tanong ko.

“Parehas, maganda ka naman sa kahit na ano,” aniya kaya tinignan ko lang siya bago inirapan. Seryosong-seryoso nang sabihin ‘yon.

Nang matapos makapagsuklay ay nilapitan ko siya. Ako na ang nagsuklay ng buhok niya dahil kanina niya pa ginugulo sa kaba.

“Ano ba kasing ikinababahala mo?” tanong ko.

“Opinyon mo,” aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Awang lang ang mga labi nang lingunin ‘to.

“Aba’t dinamay mo pa ako. Kahit ano pang kalabasan, proud ako sa’yo. Ilang araw mo kayang pinagpuyatan ‘yan,” ani ko.

“Good luck, Love,” bulong ko bago siya hinalikan sa labi.

“Kaya mo ‘yan, ikaw pa?” natatawa kong saad bago siya hinila. Pagkalabas namin ay agad na nakita sina Irah na naghihintay.

“Kuya, autograph po, ah?” Paalala niya pa kay Indigo.

“Oo, sagot kita,” ani Indigo. Hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Hindi ko naman maiwasan ang matawa.

“Parang noon lang ay excuted na excited ka pa kapag manonood sa movie fest, huh?” tanong ko dahil nanlalamig ang kamay niya ngayon.

“Iba naman ‘yon,” aniya. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa kaniya.

Nang makarating kami sa paggaganapan ng movie fest. Ang dami agad tao. Mayamaya lang din ay lumapit sa amin ang ilang kasama niya sa film na ‘to.

“Indigo!” anang isang magandang babae. Mas matangkad ito kumpara sa akin. Mukha rin siyang modelo at ang amo pa ng mukha.

“Nandito rin sina Kuya Nat,” aniya. Bahagya pang napatingin sa amin.

“Mga kapatid mo? Buti sinama mo?” nakangiti niyang tanong.

“Yup, si Irah at Sandro and this is my girlfriend. Ingrid.” Napaawang naman ang labi n’ong babae nang mapatingin sa akin. Ngumiti lang naman ako nang tipid.

“Ingrid,” pagpapakilala ko.

“I’m Eunice,” aniya. Sandali lang akong binalingan ng tingin bago ibinigay muli kay Indigo.

“Doon muna tayo, Indigo. Nagreserve na rin ako ng upuan natin nina Kuya Nat,” sambit niya kay Indigo nang balingan niya ‘to.

“Hindi na ako sasama siguro sa inyo, Eunice. I’ll watch with Ingrid. Kausapin ko na lang si Kuya Nat mamaya,” ani Indigo sa kaniya.

“Oh.” Mukhang disappointed si Eunice dahil sa sinabi ni Indigo. I don’t know kung nag-ooverthink na naman ako pero nahuli ko ‘tong palihim akong tinitignan at bigla na lang din ang pag-irap. Napakagat na lang ako sa aking mga labi at napailing sa sarili.

Paalis na kami nang magsalita ulit siya. Tamad naman siyang tinignan ni Indigo.

“Paano sina Andra? They’ll go here to watch the film daw,” ani Eunice. Napatayo naman nang diretso si Irah dahil sa sinabi ni Eunice. Idol kasi ni Irah si Andra. Hindi ko naman maiwasan ang matawa dahil do’n.

“Sige na nga, baka umiyak pa si Irah kung ‘di masusulyapan si Andra,” pang-aasar ni Indigo kay Irah. Natawa na lang ako dahil palihim pang nag-yes ang kapatid. Prente silang umupo sa upuang para dapat kay Indigo.

“Sure ka bang ayaw mo roon?” tanong ko. Imbis na nakaupo siya kasama ang mga kaibigan niya. Nandito kami sa gitna ng crowd ngayon. Ngumiti naman siya at tumango.

“I also want to hear what they’ll say about the film,” aniya.

Mayamaya lang din ay nagsimula ang movie fest. Magaganda rin ang unang film, hindi mo akalain na gawa ng mga baguhan although syempre may mga nakaligtaan din ang iba. Mayamaya lang ay ang film na nina Indigo ang pinapalabas. Tutok na tutok lang ako habang nanonood sa screen. Hindi ko mapigilan ang mapangiti kapag may mga scene na talaga namang hihilain ka ng screen para panoorin.

“Ano ba ‘yan? Nakakaantok naman ‘to?” Hindi ko mapigilan ang mapasimangot nang marinig ang sinabi ng katabi mula sa kaliwa.

“Oo nga, medyo boring. Balik na lang tayo mamaya,” anila.

“Paano niyo malalaman kung kanina pa kayo naglalampungang dalawa?” hindi ko mapigilang itanong nang madaan sila sa harap ko. Napatingin naman sa akin ang babae dahil sa sinabi ko. Naririnig ko kanina pa ang hagikhikan nila subalit nawawala rin ‘yon dahil masiyado na akong nadadala sa film.

“Anong sabi mo, Miss?” galit niyang tanong.

 Aawayin niya pa sana ako subalit hinila na siya ng nobyo niya. Napairap na lang ako dahil hindi matanggap ang sinabi niya. Hindi kasi nanonood. Sana lang ay hindi narinig ni Indigo. Mukha namang hindi dahil tutok din siya sa film.

Nang matapos ang film ay hindi ko maiwasan ang mapalingon kay Indigo. Malapad ang naging ngiti ko sa kaniya nang tignan niya ako.

“You did well! Ang galing mo, Love!” nakangiti kong saad sa kaniya habang inilalahad ang mga kamay para yakapin siya.

“I know that it’s not good enough. Narinig ko ang sinabi ng ilang nakanood. It’s boring,” aniya sa akin. Kita ko ang lungkot mula sa mga mata nito. Hinawakan ko naman ang baba niya para tignan siya sa mga mata.

Kainis, bakit ba kasi ‘yong mga ‘yon pa ang nakatabi namin gayong halos lahat ay namamangha sa ganda ng ginawa nilang film.

“Ang ganda kaya! Hindi lang sila nanonood. It’s not really boring for me, I swear! Sobrang solid! Lalo na ‘yong scene na nagtungo sila sa loob ng hotel then they found out na ‘yong owner mismo ang killer,” ani ko. Hindi naman siya nagsalita. Mukhang hindi pa rin tanggap ang mga narinig mula sa ibang nanonood.

“Mukha ka ring inaantok habang nanonood kanina,” aniya na nag-iwas ng tingin. Hindi ko naman mapigilan ang pag-awang ng mga labi.

“Ni kumurap nga hindi ko ginawa para lang matapos ang movie!” ani ko kaya kita ko ang pagkurba ng ngiti sa labi niya. Natawa siya nang mahina dahil sa sinabu ko.

“I’m just kidding. I don’t really mind about what they said. I saw you, you’re quiet enjoying the film kaya their opinion doesn’t matter although I’ll still take those to improve,” aniya sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapanguso dahil akala ko’y nadown na siya sa mga sinasabi ng mga ito.

“I never thought I’ll enjoy watching someone as much I enjoy watching a film,” aniya na malapad ang ngiti sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro