Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

Ingrid’s POV

Lumabas na muna kami nina Irah at Sandro dahil ayaw ko naman na maipit din sila rito. As much as possible, ayaw kong makarinig sila ng mga salitang ganoon lalo na si Irah dahil madali niya lang dinidibdib ang lahat.

“Uwi na kaya tayo, Ate?” tanong sa akin ni Irah habang nasa labas kami ng bahay nina Indigo. Ngumiti lang ako. Gusto ko man, ayaw ko ring iwanan si Indigo lalo na’t mukhang nagkakainitan pa sila ng Papa niya. I just want to be here with him.

“Can we talk?” Nahinto lang ako sa pag-iisip nang magtungo si Mrs. Cornel sa harap ko.  Napakagat lang ako sa aking mga labi bago napatango. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko rito lalo na’t mukhang anytime ay magbubuga siya ng apoy.

“Dito muna kayo, Irah,” ani ko dahil sinenyasan ako ng Mommy ni Indigo na sumunod sa kaniya patungo sa may garden. Tahimik lang naman ako nang sumunod dito.

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Hindi kita gusto para sa anak ko,” aniya sa akin kaya napalunok ako. Para akong matutuyuan ng laway dahil dito. I tend to mind and always overthink kapag may taong ayaw sa akin kaya hindi ko maiwasang panghinaan ng loob na marinig ‘to mula sa Mommy ni Indigo. Importante sa akin si Indigo kaya importante rin para sa akin ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

“I thought I’ll like you dahil baliw na baliw sa’yo ang anak ko na hindi niya na ako magawang bumisita rito but I don’t think na magagawa kitang gustuhin dahil imbis na nililibang ng anak ko ang sarili, mukhang sa isang iglap ay nabigyan ng responsibilidad sa’yo,” aniya.

“Nagkaroon pa ng pabigat sa buhay niya,” anito kaya hindi ko na namalayan ang pag-awang ng mga labi. Hindi ko gustong marinig ‘yon. Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang mga gusto niyang sabihin.

“Nagkasakit ang Papa niya pero hindi man lang magawang dumalaw dahil daw kailangan mo siya. Paano naman kaming pamilya niya? Kailangan din namin siya,” malamig na saad nito sa akin kaya mas lalo lang akong naguilty.

“Pasensiya na po,” ani ko. Hindi ko alam. Baka masiyado na nga talaga akong selfish. Hindi niya nasabi sa akin.

“Ano pa bang magagawa ng paghingi mo ng tawad gayong ikaw ang dahilan kung bakit tuluyan ng nabitak ang relasiyon ng mag-ama ko?” tanong niya pa. Hindi ko alam kung paano ko ‘yon

“Hindi kita pakikiusapan na layuan ang anak ko dahil kung matino kang tao, ikaw na mismo ang gagawa niyon,” aniya sa akin kaya mas lalo lang dumiin ang pagkagat sa mga labi. Nanatili naman ang sopistikadang mukha nito habang nakatingin sa akin.

“I’m sorry, Ma’am, but I don’t think I can do that. I like your son too as much as he likes me,” ani ko kaya hindi niya ako makapaniwalang tinignan. Bago pa siya makapagsalita ay nakita na naming lumabas si Indigo mula sa loob ng bahay nila. Nakasimangot lang ang mukha nito at mukhang bad trip na kahit ang aga-aga pa.

Bahagyang lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya nang mapatingin sa amin ng Mommy niya.

“I’m sorry, Mom, but we won’t be able to stay,” aniya sa Mommy niya.

“Ngayon ka na lang umuwi, aalis ka na agad?” tanong sa kaniya nito.

“My, mas lalo lang masisira ang araw mo kung makikita kaming nagtatalo ni Daddy,” aniya.

“What did you two talk about?” tanong niya sa amin. Ngumiti lang ako at umiling. It seems like he’s close with her Mom at ayaw ko na magkaroon din ng bitak ‘yon dahil lang sa akin.

“It’s nothing, girl’s secret,” ani ko dahil alam kong hindi na naman siya titigil hangga’t hindi nalalaman. Naningkit naman ang mga nata nito subalit sa huli’y tinigilan niya na rin ako. Kita ko naman ang pagmamasid ng Mommy niya sa amin.

“We’ll go now, My, I’ll visit you again next time. I’m sorry,” ani Indigo bago niya hinalikan sa pisngi ang Mommy niya. Ayaw pa siyang paalisin nito kung hindi niya lang napilit. He’s Mama’s boy, I know that dahil lagi niya ring naikukwento ang Mommy niya sa akin kaya hindi ko magagawang siraan ito sa kaniya. Isa pa, ako lang naman ang hindi nito tanggap. It’s fine, sanay naman na ako sa mga taong may ayaw sa akin.  Talaga ba, Ingrid? Okay lang? It’s different because it’s your boyfriend’s Mom.

Isinawalang bahala ko na lang din ang iniisip nang pasakay na kami. Akala ko’y didiretso na kami pauwi subalit nagtungo pa kami sa amusement park nina Indigo. Tinignan ko siya dahil dito subalit malapad na ngiti lang ang ibinigay niya.

“We’re supposed to go here at night. Akala ko’y magtatagal tayo sa bahay but I don’t want you in uncomfortable situation. I’m really sorry about My Dad, Ingrid,” paghingi niya ng tawad sa akin. Ngumiti lang naman ako at umiling.

“Naiintindihan ko naman, pasensiya na rin,” ani ko dahil nga baka masiyado na rin kaming nagiging pabigat sa kaniya.

“What are you sorry about?” tanong niya na kunot na kunot ang noo sa akin ngayon.

“If you’re thinking about what he said. Don’t. Hindi kayo kailanman naging pabigat sa akin. You were the one who keeps on making me feel na kaya ko. Na I’m capable of chasing after my dream. Look at me now, isang taon na lang ang hahabulin ko to graduate. I don’t think na lalakasan ako ng loob kung wala kayo,” aniya sa akin. Umiling naman ako dahil do’n. No, noon pa man ay alam kong maaabot niya ‘yon dahil he really likes what he was doing. Kahit wala pa kami, kayang-kaya niya ‘yon.

“Huwag mo nga kaming bigyan ng credits when in fact kami ‘tong lagi na lang humihingi ng tulong mo,” ani ko.

“You really don’t know your effects on me, huh?” tanong niya na ngumiti pa.

“Hindi mo ata talaga alam kung anong kaya mong gawin,” aniya pa.

“You’re my walking courage. Sana aware ka,” natatawa niya pang sambit. Napailing naman ako roon. Nambobola lang ito, sa aming dalawa, siya ‘tong walking reminder ko na kaya ko lahat. Na I’m good enough. Lahat. Siya. I don’t know if I can live the same way as before kung sakaling mawala siya sa buhay ko.

“Tara na nga, binibilog mo na naman ang utak ko,” ani ko ba hinila siya para kunin na sina Irah at Sandro sa isang rides.

“Roller coaster, Ate!” request ni Sandro. Agad naman akong umiling.

“Hindi ka pa pupwede roon,” sambit ko.

“Pwede ‘yan, Ate,” sambit naman ni Irah na siyang may gusto rin. Sa huli’y katabi ni Sandro si Indigo nang sumakay kami.

“Takot ka rin, Ate, kaya kay Kuya na ako,” aniya kaya pinaningkitan ko lang siya ng mga mata. Aba’t anong akala niya kay Indigo, hindi? Namumutla na nga ang hinayupak. Pakiramdam ko’y anytime ay masusuka na siya kahit hindi pa naman umaandar.

“Hoy, ayos ka pa ba? Pupwede pang umatras,” sambit ko sa kaniya. Umiling lang naman siya at nagkunwaring tumingin sa view. Hindi ko naman maiwasan ang matawa ng mahina dahil sa itsura niya.

Nang matapos ang rides ay ramdam na ang pagbaliktad ng sikmura samantalang ang dalawa kong kapatid ay nag-aaya na naman ng panibago.

Napatingin ako kay Indigo na halos magsuka na. Putlang-putla na rin ito. Hindi ko naman maiwasang mag-alala dahil sa itsura niya. Bumili lang ako ng tubig bago ko ‘yon iniabot sa kaniya.

“Ano? Okay ka na ba?” tanong ko nang bahagyang nagbabalik na ang kulay nito. Napanguso naman siya at napatango.

“Pucha, ‘yan na ata ikamamatay ko,” aniya kaya natawa ako nang mahina.

“Para ka kasing sira, sabi na huwag ng tumuloy kung hindi mo kaya,” ani ko.

“Ayos lang, nag-enjoy din ako kahit paano,” aniya pa kaya pinaningkitan ko lang siya ng mata. Pinanood lang namin sina Irah at Sandro na sumakay sa ibang rides habang nanahimik naman na kami sa isang tabi. Binasag niya lang din ang katahimikan naming dalawa at nagkwento tungkol sa kaniyang Papa.

“My Dad… he doesn’t really like my course. He always thought na I’m not serious about this, that I’m just playing,” panimula niya.

“Sa tuwing uuwi ata ako, maririnig ko sa kaniya ang salitang pabigat lang ako sa kanila. He wants me to handle our company subalit hindi ko ‘yon gusto,” aniya na umiling pa.

“Dapat ay noon pa lang, ‘yon na raw ang pinagkakaabalahan ko dahil ang totoo’y hindi naman talaga ako magaling at wala raw akong mararating sa filming kasi pagbalik-baliktarin man ang mundo kaunti lang daw ang oppprtunity dito but who cares? This is what I want,” aniya.

“Sometimes, nakakawalang gana. Dapat sila ‘yong unang naniniwala sa akin pero sila pa ‘yong unang taong nagdodown na hindi ko kakayanin. Wala akong pakialam sa opinyon ng iba but when it comes to them? It’s different. Pamilya ko sila e. I want them to believe pero mukhang malabo,” aniya na napangiti na lang ng mapait. Nilingon ko naman siya dahil do’n.

“You’re good. I know someday you’ll be big. Naniniwala ako na kaya mo,” ani ko na ngumiti pa sa kaniya.

“Ang galing mo kaya!” dagdag ko pa dahil hangang-hanga ako sa kaniya.

“Someday, you’ll make your father proud. Baka ipagmalaki niya pa sa buong mundo na isang magaling na producer ang anak,” ani ko. Ginulo niya naman ang buhok ko dahil sa sinabi.

“I can’t wait to see your name on the screen after a great movie,” nakangiti kong sambit habang iniimagine ‘yon. I can’t wait for that to happen. Hindi imposible dahil si Indigo ito e.

“Of course you’ll watch with me, right?” tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango roon.

“I will. Lakas mo sa akin e,” ani ko na malapad din ang ngiti sa kaniya.

“And someday, ikaw naman… you’ll chase after your dream, right?” nakangiti niyang tanong sa akin. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko dahil do’n.

“I can’t wait to see you with your own production team!” ani ko. Sa pag-iisip pa lang niyon ay hindi ko na maiwasan ang kiligin. Nakita ko rin ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.

“Bakit parang mas excited ka pa kaysa sa akin?” natatawa niyang tanong. Natawa naman ako nang mahina.

“Then your film, baka hindi lang pang pilipinas, pang worldwide pa! Oscar na ba this?” nakangiti kong sambit.

“Ito naman, pinapaasa mo ako masiyado. Taas niyon, magagaling din ang mga film maker sa pilipinas baka rito pa lang eguls na,” aniya kaya nginiwian ko naman siya.

“Ito naman, mangangarap ka na nga lang hindi mo pa taasan! Saka wala ka bang tiwala sa sarili mo? Kaya mo, Indigo ka, ‘di ba?” natatawa kong saad, pinapaalala sa kaniya ang mga linyahan niya. Natatawa niya namang ginulo ang buhok ko dahil do’n.

“And I can’t wait to see you with your teacher’s uniform,” aniya na tinitigan pa ako. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti roon.

“I can’t wait to go off early from work just to wait for you to be done with your class,” aniya na malapad pang ngumiti tila ba naiimagine na ‘yon. Naiimagine ko pa lang din ay nahihiya na ako.

“Sasaraduhan kita,” ani ko kaya tumawa siya.

Para kaming sira na nag-iimagine ng mga ganap sa buhay namin after graduation. Isang taon na lang. I want us to grow together.

“Thank you, Ingrid,” bulong niya sa akin kaya tinignan ko siya at pinagkunutan ng noo.

“For believing that I can,” aniya na malapad ang naging ngiti.

“And you will,” ani ko na nginitian din siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro