Chapter 2
Chapter 2
Ingrid’s POV
“What is it?” malamig ang tinig ko ng tanungin siya. Kapag nakikita ko ‘to’y naaalala ang pagtataksil nila sa akin ni Sarah. Tinuring ko silang kaibigan subalit nagawa pa rin nila akong lokohin.
Kaibigan ko si Jayvee simula bata pa kami. Halos sabay na ng lumaki. He’s there when I needed someone to talk to. Lagi siyang nakikinig sa hinanakit ko sa buhay hanggang sa napagpasiyahan naming subukang tignan kung magkiclick ba kaming dalawa. I dated him for a year now, siya ‘yong naging pahinga sa nakakapagod na mundo subalit hindi ko akalain na hindi lang pala ako ng pugad nito. Sa tuwing gabi pala’y iba ang pinupuntahan dahil hindi ako nakakasama.
I fucking hated the fact na nagustuhan ko siya, iritado ako na minsan sa isang buhay ko inisip ko na siya na. Siya lang ‘yong gugustuhin kong makasama. I was naïve and young. But now, no… I won’t let him came in to my life again.
“Babe,” tawag niya sa akin at sinubukan pang haplusin ang pisngi ko. Bahagya akong napangiwi nang tapikin ang kamay niya upang hindi matuloy ang paghawak. Nakakadiri. Kapag naaalala ko ang mukha ni Sarah na nakikipaglaplapan dito’y gusto kong masuka.
“I’m sorry, Babe, it’s not what you think… ikaw lang ang gusto ko,” aniya habang nangungusap ang mga matang nakatingin sa akin subalit malamig ko lang siyang binalingan ng tingin. Kung gusto niya pala ako’y bakit hindi siya nakuntento?
“Kahit lumuhod ako’y gagawin ko, bumalik ka lang sa akin, Ingrid. Please, nagkamali lang ako. Lahat naman ng tao’y nagkakamali, sorry,” aniya pa sa akin. Bahagya akong napangisi sa sinabi niya.
“Pagsubok lang ‘to ng Diyos sa atin, Ingrid, huwag ka naman sanang bumitaw,” aniya sa akin na susubukan pang hawakan ang kamay ko. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa katagang binitawan nito. Dinamay pa ni Tanga ang Diyos sa kagaguhan niya.
“Huwag ka namang ganiyan, Ingrid, pakinggan mo naman ako, please,” aniya. Ano sa tingin niya ang ginagawa ko? Kahit gustong-gusto ko siyang saktan at pagsalitaan ng masasakit na salita. Pinipili kong isarili na lang ‘yon upang wala ng gulo.
“Magsalita ka naman oh,” sambit niya pa.
“Gusto mo talagang makarinig ng salita galing sa akin?” tanong ko sa kaniya. Malamig ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.
“Get your fact straight here. Huwag mong madamay-damay ang Diyos sa kasalanan mong gago ka. Pinili mo akong lokohin kaya tigilan mo ako sa drama mo,” nakangisi kong saad na napailing pa sa kaniya.
“You’re fucking disgusting, huwag mong ihawak sa akin ang madumi mong kamay. Hindi rin ako santo na tatanggapin ka dahil lang nagmakaawa ka. Binuo ko ang tiwala ko sa’yo pero sa isang iglap ay winasak mo. I won’t give you a second chance. Hindi ako tanga para lang balikan ka,” ani ko.
“I’m sorry. Huwag namang ganito, Ingrid. Mahal na mahal kita.” Lumuhod pa ‘to sa harapan ko subalit inalis ko lang ang kaniyang mga kamay sa akin.
“Don’t be, I’m actually thankful, Jayvee. Thank you for saving me from an asshole like you,” nakangiti kong saad.
“No, don’t do this to me, Ingrid… kailangan mo ako… kailangan din kita,” aniya na hinahawakan pa ang laylayan ng damit ko.
“Busy akong tao, wala akong oras para sayangin sa isang katulad mong gago,” nalamig kong saad at nilagpasan siya. Bago ko pa siya tuluyang lagpasan ay huminto ako para harapin ang estrangherong lalaking kanina pa kami pinapanood. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya bago ko siya nilagpasan.
Well, I’m kinda thankful dahil nasabi ko ang mga gustong sabihin pero napakapakialamero ng hinayupak.
“Ingrid—” Humabol si Jayvee subalit hinarang na siya n’ong lalaki. Hindi ko na lang din pinagtuunan pa ng atensiyon.
Wala rin akong oras para iyakan ang panlolokong ginawa nila sa akin. Para ring wala naman kasi akong karapatang magpahinga. I was mentally drain nang makarating ako sa bahay.
“Ate, nandito ka na!” nakangiting saad ng mga kapatid ko bago nila ako niyakap ng mahigpit.
“Mabuti na ba ang pakiramdam mo, Sandro? Huwag ka na munang maglaro sa labas at magpahinga ka muna rito,” sambit ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Malaki ang pasasalamat ko na madali lang pagsabihan ang mga kapatid ko.
“Kain na muna tayo,” ani ko na pinakita ang biniling tuna mula sa labas.
Nang matapos kaming kumain ay kaniya-kaniya na silang hilamos sa cr habang ako naman ay nagliligpit ng mga kalat dito sa bahay. Kaunting tiis at makakabili rin ako ng ilang gamit dito sa bahay. Kapagkuwan ay naglinis na rin ako ng katawan bago nagtungo sa kwarto kung nasaan si Mama.
“Ma, labas po kita,” nakangiti kong saad sa kaniya bago inayos ang wheelchair. Kinausap ko lang ‘to kahit na pa hindi niya binabalik ang mga sinasabi ko.
Sa labas lang naman kami ng bahay pupunta para lang makalanghap ‘to ng sariwang hangin. Maghapon lang kasi siya sa loob. Gusto kong magrant sa kaniya subalit pinili kong manahimik na lang. Ayaw ko lang na mag-isip pa ‘to dahil lang sa akin.
“Ang ganda ng mga bituin, Ma… ipapasyal kita sa mas magandang lugar kapag may pera na tayo. Magtatrabaho ako para sa inyo nina Irah, Ma,” nakangiti kong saad. I just talk to her for a while bago kami pumasok muli sa loob.
Mabilis din akong nakatulog that night, siguro’y sa sobrang pagod na rin.
Kinabukasan ay maagang nagising para magluto ng pagkain naming magkakapatid. Pinakain ko na rin si Mama nang matapos. Babalik ulit mamaya rito sa bahay para pakainin siya ng tanghalian, ganoon din ang mga kapatid ko.
“Sigurado ka bang kaya mo ng pumasok, Sandro? Pupwede ka namang magpahinga muna rito,” ani ko sa kaniya.
“Ayos na po ako, Ate! Malakas na ako!” aniya na pinakita pa ang muscle niya. Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon. Ginulo ko lang ang buhok niya bago sila inalalayan palabas ni Irah.
“Bye, Ate!” paalam nila nang maihatid ko sila sa school. Ngumiti naman ako bago sila kinawayan. Nawala lang ang mga ngiti ko nang maisip na papasok na naman ako sa school. I just want to end it. I can’t wait for the graduation to move faster. Kaunti na lang, Ingrid, magtiis ka lang.
“Uy, nandiyan ka na pala, Ingrid!” Ngumiti lang ako ng tipid sa nga plastik na kaibigan nang madaanan ko sila. Maaga pa subalit nagchichismisan na ang mga ‘to.
“How’s your brother? Ayos na ba?” tanong ni Steffanie sa akin.
“Oo, salamat, Steffanie, bayaran ko na lang kapag nakaluwag-luwag na,” ani ko.
“It’s fine. You can give it back anytime tutal ay galing lang naman sa allowance ko,” nakangiti niyang saad. Tumango naman ako. Papasok na sana sa loob ng magsalita siya.
“Are you still mad at Sarah?” tanong niya at tinuro si Sarah na siyang nakahalukipkip lang habang nakatingin sa akin. Hindi ko gusto ang ngisi mula sa mga labi nito at sa tingin niya na para bang naghahamon ng gulo. Ngumiti naman ako. Yes, I kinda hate her but not as much as I hate Jayvee.
“Hmm, not really. Ayos lang,” ani ko dahil ‘yon naman ang gusto nilang marinig.
“Ang bait mo talaga, Ingrid, pati boyfriend mo pinapamigay sa kaibigan,” natatawang saad ni Cassy.
“Oh, you can have him as much as you want we already ended our relationship,” sambit ko. Tumaas lang ang mga kilay nito. Hindi sila nagsalita hanggang si Steffanie na ang bumasag no’n.
If they think they can hurt me, they already did pero kahit anong mangyari’y hindi ko ‘yon aaminin.
“Pupwede bang magpabili ng breakfast, Ingrid? I’m really hungry na!” aniya pa sa akin. Napangisi na lang ako sa aking isipan. I know that this will happen. It’s fine, Ingrid, pasalamat ka na lang at nagpahiram ‘to.
“I’ll buy it for you, Steffanie,” anang tinig mula sa likod ko. It’s Jayvee. I’m sure of that.
I thought he was my knight in shining armor but no. He’s actually one of them and I fucking hate him for that. Sana’y no’ng una pa lang hindi niya na pinaramdam sa aking mahalaga ako.
“I thought you ended your relationship with him?” kunot noong tanong ni Sarah. Hindi ko napigilan ang ngisi mula sa aking mga labi kaya kita ko ang iritasiyon mula sa kanilang mga mukha. All of them are Jayvee’s friend. Madalas ko lang silang nakakasama dahil madalas akong isama ni Jayvee sa kanilang grupo but I know how toxic their friendship are.
“We did.”
“No, it’s not like it’s already over, Ingrid. Hear my explanation, please,” ani Jayvee na hahawakan pa ako subalit binantaan ko na siya gamit ang mga mata.
“I already did. Kahit baliktarin mo pa ang mundo, hindi mo mababago na niloko mo ako,” mariin at mahina kong sambit sa kaniya. Kinuha ko lang din ang pera ni Steffanie oara bilhin ang mga inuutos nila.
“Akala mo kung sinong mayabang. She’s nothing. Hindi naman siya kawalan.” Narinig kong sambit nina Steffanie nang pabalik na ako sa room. Sanay na akong marinig ang mga ‘yon. Tumahimik sila nang makita ako at plastik pang ngumiti. Iniabot ko lang ang mga pagkain ng mga ‘to bago ako nagtungo sa upuan ko. Binasa ang ilang notes na nasa notebook ko.
Maski ang ibang section ay pinag-uusapan lang ang hiwalayan namin ni Jayvee and worst kinakampihan pa nila ang mga ito because they look good together daw kumpara sa aming dalawa. Nagmukhang ako pa ang kontrabida sa mga ‘to.
He keeps chasing after me hanggang sa hindi niya na rin natiis at nagpadala na rin sa kaniyang kalandian. They really became couple ni Sarah.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. I fucking hate how it feels. Para akong tinapak-tapakan ng maraming beses. Sa tuwing nakikita ko sila? Gusto kong masuka.
“Ingrid, let’s eat!” ani Sarah sa akin na niyaya pa ako sa table nila habang nakakandong siya kay Jayvee. Kita ko pa ang mga mata ni Jayvee sa akin habang nakangising pinagmamasdan ang reaksiyon ko but sorry na lang siya. Wala siyang makikitang kahit na anong sakit mula sa mukha ko. Nanatili lang malamig ang mga mata.
“It’s fine, Sarah. I still have couple of things to do,” ani ko na nginitian silang magkakaibigan.
“Come on. Para namang hindi tayo magkaibigan! Join us. Libre ko na!” nakangiti niyang saad sa akin.
Hindi naman kami magkaibigan.
Nilingon ko lang siya. Hindi ko alam kung anong gusto nitong ipamukha sa akin pero hindi ko kailanman ipapakita na mahina ako. Naupo ako sa harap nila at nagawa pang mag-isip ng order.
“Pupwede bang itake ko ‘tong iba?” tanong ko sa kaniya. Kita ko ang dumaang disgusto sa mukha niya bago tumango. Palihim naman akong ngumisi. Kahit naman hindi ko ‘to gawin ay ayaw na nila sa akin so sulitin ko na lang din ang panlilibre nila para naman hindi lang ako ang nakatikim. Paniguradong matutuwa sina Irah at Sandro kapag inuwi ko ‘to.
Halos masuka ako nang makita si Jayvee at Sarah na nagsusubuan. Ngayon talaga ako magpapasalamat sa Diyos na nilayo ako sa taong katulad ni Jayvee.
Hindi naman ako nawalan ng ganang kumain doon dahil masarap ang inorder ko. Hinayaan ko silang maglampungan sa harapan ko habang nananatili lang akong tahimik na kumakain. Alam kong kapag nagpakita ako ng anumang sakit, paniguradong matutuwa pa lalo ang mga ‘to. Nasasaktan ako pero nandito na ‘to. Hindi na mabababago pa at wala akong balak na baguhin. They can fuck all they want. It will hurt but I don’t care.
Nang matapos akong kumain kinuha ko na ang take out at nakangiting nagpaalam sa kanila. Lumabas naman na ako ng cafeteria na excited umuwi para ibigay ang pasalubong sa mga kapatid.
“Dagdag mo na ‘to,” ani Jayvee. Nilingon ko ‘to ng humabol pala sa akin.
“Para kay Sandro at Irah,” aniya sa akin. Nang lumingon ako sa loob ng cafeteria. Nakita ko ang masamang tingin ni Sarah. I smile truimphly nang makita ko ang inis na dumaan sa kaniyang mukha. Hindi lang ako ang pwedeng mayamot dito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro