Chapter 19
Chapter 19
Ingrid’s POV
Safe place:
Love! Where na u? d2 na me
Hindi ko maiwasan ang matawa nang makita ang text sa akin ni Indigo. Napailing na lang ako bago nagtipa ng mensahe sa kaniya.
Ako:
Palabas na, Love.
Walang pang ilang segundo’y tumatawag na ‘to sa akin. Napaawang naman ang mga labi ko bago dahan-dahang kinagat ‘yon.
“Why?” tanong ko sa kaniya.
“Call me love again,” aniya kaya napailing na lang ako.
“Ewan ko sa’yo, tigilan mo nga ako,” ani ko. Kaya ang tagal kong pinag-iisipan kapag nagtetext sa kaniya ng ganoon. Sobrang kulit kaya nito. Hindi ako titigilan hangga’t hindi nakukuha ang gusto.
“Come on. Love lang e,” reklamo niya pa kaya hindi ko maiwasan ang mapailing. Ang kulit.
“Love,” tawag ko. Hindi naman siya nagsalita. Malalalim na hininga lang ang pinakawalan nito hanggang sa binasag niya ‘yon.
“I didn’t know I need to hear that until it came from your mouth,” aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapairap.
“Oa nito!” natatawa kong sambit.
“Patayin ko na, palabas na rin ako,” ani ko kaya sumang-ayon siya. May pahabol pang ‘I love you’ bago tuluyang namatay ang tawag.
Nang palabas na ako, nakita ko si Steffanie na nakataas lang ang kilay sa akin.
“You look happy. Ang tanong hanggang kailan ka nga ba magiging masaya?” nakangisi niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung allergic ba ‘to kapag nakikita akong nakangiti o ano. Hindi ko na lang din pinatulan pa. Wala akong oras para roon. Hindi ko gustong sayangin ang oras sa mga taong hindi importante.
“Hi.” Malapad ang naging ngiti ni Indigo nang batiin ako.
“Kwek kwek o isaw?” tanong niya sa akin.
“Isaw!” excited kong sambit kaya napatango siya sa akin. Sinubukan niya pang kunin ang gamit ko subalit masiyado na siyang maraming buhat kaya ako na ang nagbitbit bagkus ay tinulungan ko pa siya.
Habang palakad kami sa bilihan ng street food, nakita ko ang tawag sa kaniya ng Mama niya. Nilingon ko siya dahil do’n. Napangusp siya nang sagutin ‘to. Nagpaalam lang siya sandali sa akin bago kinausap ang Mama niya. Mabilis lang naman silang nag-usap bago siya lumapit muli sa akin.
“Did you already visit your mom?” tanong ko sa kaniya. Napanguso naman siya bago umiling sa akin. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata dahil dito.
“Bumisita ka naman sa bahay niyo, ang kulit mo. Lagi ka na lang sa bahay pati mga kaibigan mo nagchachat sa akin, lagi ka raw tumatanggi,” ani ko. Ayaw kong umikot lang ang mundo niya sa akin. Hindi ko naman gustong ako lang nang ako ang binibigyan nito ng atensiyon although kailangan na kailangan ko talaga ang presensiya niya ngayon at noon. But I wouldn’t want him to see him na nakapokus na lang sa akin.
“I will. Sasama ka na ba?” tanong niya na ngumiti pa sa akin.
“Sira, hindi pupwede, walang kasama sina Irah and Sandro,” ani ko.
“Edi isama mo,” aniya na malapad pa ang naging ngiti.
“Please, tagal na kaya kitang gustong ipakilala,” pamimilit niya pa kaya napangiti na lang din ako sa kaniya. Well, hindi naman masamang pagbigyan ‘to lalo na’t siya ‘tong laging nagbibigay sa amin.
“Alright,” ani ko kaya agad napaawang ang mga labi niya. Agad niya rin akong niyakap dahil dito.
“Really? I can’t wait to go home,” aniya na malapad ang naging ngiti sa akin.
We just talked about it habang pauwi na kami sa bahay. Agad din siyang nakaset ng date jung kailan niya ako dadalhin sa bahay nila. Hindi ko naman napigilan ang mapangiti dahil do’n dahil para bang talagang gusto niya akong maging parte ng buhay niya.
“Talagang pupunta tayo, Ate?” excited na tanong ng mga kapatid ko. Tumango naman ako at ngumiti sa kanila. Kita ko naman ang excitement mula sa mga mukha nila.
“Hmm, yes,” ani ko kaya tumalon sila sa tuwa. Agad pang nagtanong kay Indigo tungkol sa bahay nila.
“Mamimeet ko ba si Kuya Atlas, Kuya? Grabe, ang gwapo talaga niyon!” ani Irah kaya agad ko siyang nilingon at pinaningkitan ng mga mata.
“Aba, Irah, anong grade ka pa lang,” ani ko kaya agad siyang napanguso.
“Crush lang naman po,” aniya. Sumisikat pa kasi lalo si Atlas sa dami ng project niya. Nakakapagtaka nga na pinili nitong mag-artista samantalang no’ng nakita ko siya’y parang mas gusto nito ang payapang buhay.
Hindi naman nawalan ng komunikasiyon si Indigo at Atlas. They were still casual with each other. ‘Yon nga lang ay nagalit si Indigo noong una kay Atlas dahil nga nasaktan si Chora.
“Tawagan ko, hindi lang sigurado kung uuwi ‘yon. Masiyadong abala sa mga shoot niya,” ani Indigo kaya napatango naman si Irah. Talaga namang iniispoil niya ang mga kapatid sa gusto.
“Autograph ko, ayaw mo?” tanong pa ni Indigo kay Irah kaya napailing kaming parehas. Sanay na sanay na sa kapilyuhan nito.
Ilang linggo ang nakalipas at talagang tuloy nga ang pagpunta sa bahay nina Indigo. Balak lang naming magcommute. Katabi ko si Irah habang katabi naman ni Indigo si Sandro. Mas paborito na niya ito kaysa sa akin.
“Sa tingin mo’y ayos lang na isama mo kami, Ate?” tanong sa akin ni Irah. Nakailang ulit na ito ng tanong tungkol dito. Meet the parents daw kasi kaya dapat kami lang ni Indigo.
“Oo, sinabi naman na ng Kuya mo. They can’t wait to see you daw,” ani ko. Hindi ko nga lang inaasahan na kabaliktaran pala ang mangyayari.
Nang makarating kami sa bahay nina Indigo. Isang kasambahay ang sumalubong sa amin.
“Sir, sinundo pa lang po ni Ma’am ang Papa niyo,” anito. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Indigo subalit ngumiti na lang din siya kalaunan kay Manang na siyang nagbalita lang. Tahimik lang naman ako habang nakamasid sa bahay nila.
Talagang malaki ito. Hindi naman na rin ako magtataka dahil sa labas pa lang ay halatang yayamanin na.
Nakita ko ang palihim na pagsulyap nila sa aming magkakapatid. Iniwas ko lang naman ang tingin dahil nahihiya rin ako sa paraan ng tinginan nila.
“Manang, girlfriend ko po si Ingrid tapos si Sandro at Irah po, kapatid niya,” pakilala sa akin ni Indigo sa mga kasambahay nila. Ang lapad pa ng ngiti nito habang pinapakilala ako. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil dito.
“Ang ganda mo, Hija,” anila sa akin. Ni hindi ko alam kung paano sila pasasalamatan dahil hindi naman ako sanay sa papuri. Kay Indigo lang talaga.
“Oh, you’re here na,” anang tinig mula sa bukana ng bahay. Halos manigas ako sa pagkakatayo nang marinig ko ang tinig ng Mama niya. Pakiramdam ko’y anytime malalagutan na ako ng hininga. Parang gusto ko na lang bumalik ng manila sa sobrang kaba.
Nang humarap doon ay agad kong nakita ang isang may edad na babae subalit mukha pa rin siyang bata. Eleganteng-elegante kung pagmamasdan. Katabi nito ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Indigo. Mukhang ito ang Mama’t Papa niya.
“Good morning,” bati ng Mama niya sa amin. Napadiretso naman ako ng tayo nang dumako ang mata ng Mama niya sa akin.
“Good morning po,” bati ko rito subalit nanatili lang ang pagmamasid niya. Nagawa pa akong tignan mula ulo hanggang paa. Nakagat naman ako sa aking labi dahil dito.
“Mommy, Daddy, this is Ingrid, my girlfriend. Mga kapatid niya si Sandro at Irah. Ingrid, that’s my Mom and Dad,” kaswal na pagpapakilala ni Indigo. Ni hindi ininda ang mabigat na atmospera sa amin. Nakangiting bumati naman ang mga kapatid ko. Nanatili lang ang tingin ko sa mag-asawa. Hindi ko sila nakikitaan ng ngiti mula sa mga labi. That’s why I can’t help but to wonder kung kanino nga ba nagmana si Indigo? He always had a smile on his face samanatalang mukhang intimidating naman ang Mama’t Papa niya.
“Let’s eat, naghanda na sina Manang,” sambit ng Mommy niya. Natahimik tuloy ang mga kapatid ko. Mukha ring natakot sa mga ito.
Nang nasa hapag na’y ni hindi ko alam kung paano kakalma dahil walang makitang ngiti sa mga labi ng mga ‘to. Hinawakan naman ni Indigo ang kamay ko bago niya ako nginitian.
“Relax, hindi aso sina Mommy,” bulong niya sa akin. Sinusubukang pagaanin ang atmospera subalit mahilig talaga akong panoorin ang ekspresiyon ng isang tao para alamin kung gusto o ayaw ba ako nito. At sa ekspresiyon ng mukha ng Mommy at Daddy niya? Mukhang hindi nila gusto na nandito kami.
“So, what’s your parent’s job?” tanong sa akin ng Mommy niya. Napakagat naman ako sa labi dahil sa tanong nito. Sa totoo niyan ay hindi ako kumportableng pag-usapan ang tungkol sa magulang ko.
“Ma, next question na lang. Ano ba ‘yan? Bakit naman parang job interview ito. Nandito tayo para kumain,” natatawang saad ni Indigo habang pinaglalagay pa ako ng pagkain sa pinggan. Ganoon din ang mga kapatid ko. Nakasanayan na naming magpalitan ng paglalagay ng pagkain sa pinggan ng isa’t isa kaya parang out of habit na rin.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng Mommy niya kaya sinenyasan ko na lang si Indigo na ako na subalit hindi ‘to nagpaawat.
“Ano pang gusto niyo? Kain lang kayo ng marami,” nakangiti niyang sambit sa mga kapatid ko. Hindi ko naman mapigilan ang pagngiti ko dahil do’n.
“So you’re just really wasting your life in manila, huh?” Napatingin naman kaming parehas sa Daddy nito nang magsalita siya. Ngayon lang ‘to nagsalita at para akong mangingilabot sa sobrang lamig ng tinig niya.
“No, Dad. I’m chasing after my dream,” ani Indigo. Nawala ang paglalaro mula sa kaniyang tinig.
“Chasing after your dream o naghanap ka lang ng pabigat? Pabigat ka na nga sa bahay na ‘to, nagdagdag ka pa!” galit niyang sambit. Minsan naisip ko na sana bobo na lang ako para hindi ko gets kapag ako ang tinutukoy ng ibang tao subalit gusto lang talagang ipangalandakan ng mundo sa akin na hindi talaga ako gusto ng mga taong gusto kong gustuhin ako.
“Hanggang ngayon ay matigas pa rin talaga ang ulo mo. Imbis ata magtino ka’y you even engage yourself to people who doesn’t have class,” aniya pa habang pinagmamasdan ang mga kapatid ko na sarap na sarap sa pagkain. Nahinto lang dahil sa biglaang pagtaas ng tinig nito.
“Kung babastusin niyo lang ang mga taong nagparamdam sa akin na may silbi ako, mabuti pang tuluyan na nating putulin ang ugnayan natin sa isa’t isa tutal ay ‘yon naman ang gusto mo noon pa man,” ani Indigo kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Indigo!” malakas na sigaw ng Mommy niya. Ganoon din ang Daddy niya na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ng anak. Agad kong hinawakan ang kamay ni Indigo at umiling. Hindi ko gugustuhing gawin niya ‘yon dahil lang sa walang kwentang bagay.
“You’re really something, huh?” Padabog na tumayo ang Daddy niya sa hapag. Sinundan naman siya ng Mommy niya para pakalmahin.
“No, Indigo. You can’t do this. Talk to them. Ayusin mo dahil alam ko kung gaano kabigat sa dibdib kapag nagtanim ka ng galit diyan,” ani ko na tinuro pa ang dibdib niya. Napatitig naman siya sa akin dahil dito. Hindi naman siya nagsalita at kalaunan ay napa-buntonghininga lang.
“Sorry, It should be happy day for both of us,” aniya. Alam ko na ineexpect niyang magiging maayos ang breakfast na ‘to pero hindi naman lahat ng bagay na ineexpect natin ay ganoon nga ang mangyayari.
“It’s fine, go ahead saka mo na kami intindihin,” ani ko kaya sa huli’y napatango na lang din siya.
“Come on, huwag mo ng palalain pa,” ani ko na mahina pa siyang tinulak para lang tumayo siya at magtungo roon. Sa huli’y isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago tumayo para patungo sa Mommy at Daddy niya. Isang sulyap pa ang ibinigay niya sa akin kaya nginitian ko lang siya. Kita ko naman ang guilt mula sa mga mata niya subalit napailing na lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro