Chapter 18
Chapter 18
Ingrid’s POV
It’s been 4 months since Mama left us pero araw-araw mas lalo ko pa ata ‘tong naalala. Minsan ay hindi maiwasang matulala at maalala ang lahat ng mga memoryang kasama ko siya.
“Hey, tulala ka na naman,” ani Indigo sa akin nang madaan siya sa harap ko. Ibinigay niya sa akin ang kape.
“Madami ka pang tatapusin, aba, galaw-galaw,” aniya sa akin bago nangalumbaba pang tinignan ang mga schoolworks ko.
“Then give me a reason to keep going," sambit ko sa kaniya.
Napakunot ang noo ko nang makita siyang nagsusulat sa isang tabi. Iniabot niya naman ang pinunit na papel galing sa notebook niya
"Reason"
"Alam mo tangina mo," ani ko kaya napatawa siya sa akin.
“Akala ko ba bawal magmura kapag nasa bahay niyo?” tanong niya.
“Tulog na mga kapatid ko,” ani ko kaya mas lalo lang siyang natawa.
“Bakit ba nandito ka pa? Umuwi ka na nga, may tatapusin ka pa rin, hindi ba?” tanong niya sa akin.
“Yup, pinagtimpla lang kitang kape,” aniya kaya napailing na lang ako. Minsan kasi’y kakatatok ‘yan sa bahay kapag katapos niya akong tawagan para lang magbigay ng kape sa akin lalo na kapag kailangan kong tapusin ang maraming bagay.
“Oh, may text ka,” ani Indigo sa akin na ipinakita pa ang cellphone kong kanina niya pa kinakalikot. Hinahayaan ko lang dahil wala rin naman akong kahit na anong importanteng bagay na naroon. Mabuti na ring reply-an niya ang mga nag-iinquire sa business namin.
“Bukas daw 6:30 ang alis natin,” aniya pa kaya agad akong napatingin sa kaniya at kumunot ang noo.
“Anong natin? Kasama ka?” tanong ko na nakataas ang kilay.
“Oo, sasama kami nina Sandro at Irah,” aniya pa kaya hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
“Siraulo! Project ‘yon, hindi kami bastang maggagala lang,” reklamo ko sa kaniya. Magtutungo kasi kami sa kalsada bukas para magturo sa mga batang lansangan.
“Alam namin? Hindi naman kami manggugulo. Grabe ka, ano namang palagay mo sa amin?” tanong niya sa akin. Siya rin ang humigop sa kape’ng tinimpla para sa akin. Mayamaya lang ay tumayo na siya at lumabas. Ni hindi man lang nagpaalam ang kupal. Naiiling na lang akong tumayo para sana isara na ang pinto subalit patakbo siyang pumasok habang may dala-dalang unan at pati ang laptop niya.
“Pasleep over. Dito ko na tatapusin ang project ko para may inspirasiyon.” Malapad pa siyang ngumisi sa akin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Siguradong isisiksik niya na naman ang sarili sa kama ko. Parang nagaacrobatic pa naman kung matulog. Para akong nakipagkarate pagkagising ko dahil sa hinayupak na ‘yan.
Tahimik lang naming ginawa ang kaniya-kaniya naming trabaho. Naging abala lang ako sa paggawa ng mga props para bukas. Sa katunayan ay excited din talaga ako. Talagang nagugustuhan ko ang kursong kinuha kaya sa tingin ko’y ito na ang karerang gusto kong sundan.
“Galing naman ni Ma’am Ingrid,” ani Indigo na nag-iinat-inat nang lingunin niya ako. Mukhang natapos na rin sa trabaho. Tinignan ko naman ang oras. Mag-aalas does na at hindi pa rin ako tapos dito.
“Tulungan na kita,” aniya at kumuha na agad ng gunting.
“Ayusin mo!” ani ko dahil kahit na gaano siya kagaling sa pag-iisip ng props, hindi naman pantay-pantay kung maggupit nito.
“Yes, Ma’am,” aniya at mayamaya lang ay malapad pang ngumiti. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti dahil do’n. It feels nice hearing that from someone.
“Kinilig ka naman,” pang-aasar niya kaya inirapan ko siya. Mas mabilis namang natapos dahil sa pagtulong niya.
Nagligpit lang sandali at balak ko ng matulog, nakasunod na agad sa akin si Indigo. Nang nasa kwarto na’y nakikita ko siyang nagtitipa sa twitter niya. Adik talaga ang isang ‘to pagdating sa twitter. Napailing na lang ako at hinayaan siyang magscroll scroll doon. Handa na akong matulog subalit napamulagat din dahil hindi ko pala nacheck ang mga mensahe sa page. Ako kasi ang gumagawa niyon.
“What the heck?” mahina kong bulong nang makita ang mga mensahe sa akin. Kita kong nireply-an ni Indigo ang mga may message request sa facebook account ko. Pinagsesend niya pa ang selfie nila ni Sandro.
“What the fuck, Indigo Cornel?!” Handa na akong hampasin siya ng unan subalit nagtutulog-tulugan na ang siraulo. Hindi ko naman mapigilan ang samaan siya ng tingin dahil kanina lang ay nagtutwitter pa ang isang ‘to. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa hiya. Baka mamaya’y customer pala ang mga ‘yon at nakakahiya pa dahil kaklase ko ang iba!
Nabasa ko rin ang mensahe niya kay Alexandro, isa sa mga makakasama ko bukas.
Alexandro Marquez: Hi, Ingrid…
Ingrid Galang: Boyfriend niya ‘to. Anong kailangan mo sa girlfriend ko?
Sa baba niyon ang litrato nila ni Sandro habang nakapeace sign.
Alexandro Marquez: Oh. I just want to ask her about our proj.
Ingrid Galang: We? Parang crush mo e! May heart pa unang chat mo!
Alexandro Marquez: Yeah, lil bit but it’s really about our project. 6:30 tom, we’ll going to set up.
Napapikit na lang ako sa hiya.
“Tangina talaga…” bulong ko na gusto ng magpalamon sa lupa. Binalik ko ulit ang masamang tingin kay Indigo subalit nagtutulugtulugan pa rin.
Nagsimula na lang akong magtipa ng mensahe para kay Alexandro.
Ingrid Galang: Hi, this is Ingrid. I’m really sorry about my boyfriend. He can be really shameless sometimes. Sorry again, Alexandro.
Wala pang ilang segundo’y may reply galing dito.
Alexandro Marquez: Oh… so, you really have a boyfriend…
Napakunot naman ang noo ko dahil do’n. Hindi ko na sana rereply-an subalit may chat ulit galing dito.
Alexandro Marquez: Can I call u?? I can’t really understand this one.
Nagsend pa ‘to ng litrato. Sa huli’y pumayag din ako kahit na gusto ko ng matulog. Kaysa naman hindi niya magawa ng tama ang parte niya.
Pinagtaasan ko ng kilay ang kanina lang ay tulug-tulugan na si Indigo. Nabuhayan nang marinig na may tumatawag galing sa phone ko.
“Ano ba? Layo nga, ang dami mong pinaggagawa sa phone ko! Nagawa mo pang magmyday ng mukha mo. Mukha ko nga hindi ko minamyday dito,” reklamo ko sa kaniya.
“Don’t worry, quits lang. Ikaw lang minamyday ko sa akin,” aniya na malapad pang ngumisi bago niya sinagot ang tawag.
“Bakit ka tumawag, Pare? Patulog na kami ng Misis ko,” aniya subalit sinamaan ko siya ng tingin bago hinablot sa kaniya ang phone.
“I’m really sorry about that,” ani ko at hindi na dinugtungan pa bagkus ay pinaliwanag lang ang hindi niya maintindihan.
“Thank you, Ingrid. See you tomorrow. Good night,” nakangiti niyang saad sa akin. Ngumiti lang din ako ng tipid bago siya binabaan ng tawag. He’s actually friendly. Wala lang talaga akong nagiging kaibigan sa room dahil bukod sa ayaw ko, ayaw din naman nila sa akin kaya what’s the use pa of being friendly, ‘di ba?
“May gusto sa’yo ‘yon,” casual na saad ni Indigo kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Alam mo assuming ka lang masiyado. Ano namang akala mo, sobrang ganda ko? Nakakainis ka! Nakakahiya!” ani ko.
“Talaga namang sobrang ganda mo?” patanong na sambit niya.
“Kaya hindi nakapagtataka kung may gusto man sila sa’yo,” ani ko.
“So, okay lang na magkagusto sila sa akin?” tanong ko.
“Oo naman, ganda mo e. Hindi ‘yon maiiwasan. Ang mahalaga, ako lang gusto mo,” aniya na kinabig pa ako sa baywang. Napangiti na lang ako nang yumakap dito. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakayakap ako. Mararamdaman mo pala talaga na mahal ka ng isang tao kahit hindi nito sabihin ‘no? Sa pamamagitan lang ng puso’y mapapasabi ka na lang ng…
“Ah, mahal ako nito.”
“I love you too,” nakangiti kong saad na nilingon siya. Hinalikan niya naman ako sa noo.
“Mahal kita. Lagi.” Para bang hinele ako ng simpleng salita niyang ‘yon sa pagtulog. Hindi ko na lang din namalayan ang pagngiti mula sa aking mga labi. Kapag alam niyang hindi ako makatulog, random lang siyang kakanta ng kahit na ano kahit hindi naman siya magaling pagdating doon and I love that about him. I love to see him try with everything.
Nagising lang ako kinaumagahan na wala na siya sa tabi ko. He’s probably outside, nakikipaglaro na kay Sandro. Hindi nga ako nagkamali nang makita siyang nasa sala at katabi na ang bunso kong kapatid.
Si Irah ay abala naman sa pagdidilig ng halaman mula sa labas ng bahay. Nakahiligan niya na ‘yan. It keep her sane. Ang mga kinikita niya sa pagtitinda-tinda sa school ay pinambibili minsan ng halaman para itinda rin. Kahit paano’y nadadagdagan ko naman na rin ang mga baon nila dahil lumalago rin ang negosiyo namin ni Indigo.
“Let’s eat,” sambit ni Indigo kaya agad akong napatingin sa kaniya.
“Nagluto ka?” tanong ko. Umiling naman siya.
“Lumabas na kami ni Sandro kanina, bumiling pandesal saka may palabok diyan.” Napatango na lang ako at babayaran na ‘yon subalit para siyang walang nakita at niyaya lang ang mga kapatid ko. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kaniya. Kulang na lang ay huwag niya ng rentahan ang kabilang bahay dahil oras-oras naman siyang nandito sa bahay namin.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Minsan nga lang ay natatahimik dahil naalala rin si Mama subalit kapag naalala ko ang aking panaginip, naiisip lang na baka masaya na nga talaga ito.
“Ate, tara na!” anyaya sa akin ni Sandro nang makita niyang tahimik lang ako.
“Talaga bang sasama pa kayo?” kunot noo kong tanong sa kanila.
“Opo, Ate, wala rin naman kaming gagawin dito,” anila na malapad pa ang naging ngiti. Hindi ko na lang maiwasan ang pag-iling. Sa huli’y napatango na lang din ako. Talagang hindi nila ako tatantanan hangga’t hindi ako napapapayag.
Naghanda lang kami ng ilang sandwich, kahit paano’y nakakaahon din kami sa kahirapan ngayon kaya naman hindi rin masamang tumulong lalo na kung mayroong pera ngayon.
“Tara?” tanong ko sa kanila nang matapos kami. Buhat-buhat na ni Indigo ang mga pagkain at juice habang ang akin naman ay ang mga kailangan sa pagtuturo.
Nang makarating kami sa meeting place, kami ang nauna. Mayamaya lang din ay dumating sina Alexandro na kasama ang kaibigan niyang si Daniel. Hinintay lang namin si Maribel, isa sa mga kagrupo namin. Mahigit isang oras bago ito dumating.
“I’m really sorry about that, nalate akong nagising,” aniya na tumawa pa. Hindi naman ako tumawa o ano. Ano naman kasing nakakatawa roon? Nailing na lang ako at hinayaan na lang siya. Tapos na kaming magset up kaya naman tinawag na lang namin ang mga bata para makapagsimula na kami.
“Ang gwapo nga talaga ng boyfriend mo, Ingrid. Hindi nga nagsisinungaling si Steffanie,” nakangisi niyang saad habang nakatingin kay Indigo na siyang abala sa pag-aanyaya ng ibang bata na maupo sa mga upuan na inihanda namin.
“He is,” ani ko inalalayan ang isang batang babae. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa mga ito.
Paano kaya naaatim ng mga magulang nila na makita ang mga anak na palaboy-laboy sa kalsada? Na namamalimos sa ibang tao? Bata pa lang pero para bang sinanay na agad sa buhay na hindi naman dapat para sa kanila. Dapat ay nag-aaral ang mga ito.
Hindi mawala ang ngiti mula sa mga labi ko nang makita ang isang batang babae na desididong-desidido habang nakikinig sa tinuturo ko.
“Hi, anong pangalan mo?” tanong ko sa kaniya.
“Cheska po,” aniya sa akin.
“Gusto mo ba nito?” tanong ko na pinakita ang libro ko. Agad siyang tumango sa akin dahil do’n.
“You can use it, babalik ulit ako sa susunod dito, pahihiramin ulit kita,” ani ko dahil sa hindi malamang dahilan, gusto ko pa muling ulitin. Hindi dahil sa project o kahit na anong dahilan. Gusto ko lang.
Tumayo ako para alalayan siyang magtungo kina Sandro na naghahanda ng pagkain.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Indigo na nakikipagkwentuhan sa mga ito. Ni wala kang makikitang pandidiri o kahit na ano sa mukha niya kumpara kina Maribel na kasama namin. He was just genuinely happy why looking at them.
Ah. I really want to build a familly with this guy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro