Chapter 17
Chapter 17
Ingrid’s POV
“Kumain ka na muna, Irah,” sambit ko kay Irah na ayaw ding kumausap ng ibang tao.
“Opo, Ate,” aniya na tumango sa akin.
“Kumain ka na rin, Sandro,” ani Indigo kay Sandro na nakikipaglaro sa ibang bata.
“Wait lang po,” ani Sandro bago niya pinhiran ng pulbos ang isa sa mga anak ng kaibigan ni Mama.
“What about you?” tanong ni Indigo sa akin.
“Mamaya na ako, magbabantay ako kay Mama,” ani ko kaya matagal niya akong tinignan bago siya napabuntonghininga at tumayo na para ipag-ahin ang mga kapatid ko. Tahimik lang akong napatitig sa kabaong ni Mama. Parang ulit-ulit na nagrerewind sa akin ang itsura nito nang mamamatay siya. Kung hindi ko lang siya iniwan ng ilang minuto baka nandito pa rin siya sa tabi ko. Baka sakaling hindi niya ako iniwan.
“Ma, iniwan na nga ako ni Papa, iniwan mo rin ako.” Nanatili akong walang kahit na anong emosiyong mababasa.
“Hindi mo man lang nahintay na maging succesful anak mo, ipapagamot pa kita sa ibang bansa, Ma,” ani ko. Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap dito hanggang sa bumalik na si Indigo.
“You should eat now, ako na sandali rito,” aniya sa akin.
“What about you?” tanong ko.
“Kumain na ako,” aniya kaya tinitigan ko siya. Ngumiti pa siya sa akin nang tipid just to assure me. Mabilis lang ang naging pagkain ko dahil ayaw kong sayangin ‘yong mga araw na kasama ko pa ang katawan ni Mama rito.
“Ate, talaga bang wala na si Mama?” tanong ng mga kapatid ko sa akin.
“Hmm, pupunta na si Mama sa heaven, Sandro,” ani ko kay Sandro na bigla na lang umiyak kaya niyakap ko silang dalawa ni Irah dahil maski ito’y naluluha rin. Nakatulog sila sa akin kaiiyak kaya dinala ko na muna sila sa kwarto dito sa bahay. Dito lang namin binurol sa bahay si Mama kaya nakakadalaw din ang mga kapitbahay.
Tahimik naman akong bumalik sa pwesto ko. Magkatabi lang kami ni Indigo. Katulad ko’y ni hindi ito umaalis dito. Lagi lang nakabantay sa tabi ko. Ni hindi niya ako hinayaang mag-isa rito. Nang wala na ang mga tao. Hindi ko na rin namalayan ang panghihina at pag-iyak dahil sa bigat na nararamdaman. Isinandal lang ako ni Indigo sa kaniya habang hinahaplos lang abg likod at hinahayaang umiyak.
“Kaiwan-iwan ba talaga ako? Bakit lahat ng taong mahalaga sa akin, umaalis? Bakit parang ang dali ko lang iwanan?” tanong ko na mas lumalakas ang paghagulgol.
“No, hindi ka kaiwan-iwan, Ingrid. Nagkataon lang na kailangan ng Mama mong umalis ngayon,” bulong niya sa akin.
“Maybe, she’s tired now, baka gusto niya ng tuluyang magpahinga,” sambit niya.
Saka lang huminto nang mapagod na sa pag-iyak.
“Sleep, Love. Ako na bahala,” aniya sa akin. Wala akong balak sundin ‘yon dahil balak kong magbantay subalit nararamdaman ko na ang bigat ng talukap ng mga mata dahil na rin sa magdamag na walang tulog sa mga nakaraang araw. Hindi ko na lang din namalayan ang sarili.
“Come on. Kakayanin mo, you’re strong, Ingrid,” sambit ni Indigo sa akin. Ngayon ang araw ng libing ni Mama at hindi ko alam kung paano ako makakasurvive sa araw na ‘to. Subalit nang yakapin ko pa lang ang picture frame nito’y napahagulgol na ako ng iyak. Pakiramdam ko’y siya ‘tong yakap-yakap ko. Pakiramdam ko nandito siya’y niyayakap din ako pabalik.
Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng tao, na baka babalik din siya pero nang makita ‘tong inililibing na’y para akong pinanghihinaan ng tuhod kung hindi lang nakita ang mga kapatid na umiiyak baka tuluyan na akong napaluhod. Tahimik lang akong umiiyak habang yakap-yakap sila. Kailangan kong maging malakas para sa mga kapatid ko.
Nang umuwi’y pagod na pagod din ang mga kapatid ko. Ganoon din ako.
Nang makita ang mga mata ni Indigo? Para akong naging mahina. Unti-unti lang nawawalan ng lakas. Talagang tinotoo ang sinabing siya ang magiging iyakan ko.
“I’m fine now. Thank you,” mahina kong sambit kaya napatitig lang siya sa akin.
“You’re not,” aniya subalit tipid lang akong ngumiti.
“Rest. Ako na,” aniya nang marinig na may kumakatok sa labas subalit umiling lang ako. Baka importante at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Papa na may kasamang kung sino.
“Nalate ka na po, Pa, kakalibing lang ni Mama,” ani ko. Wala akong lakas para makipagtalo rito.
“Hindi ako nandito para sa Mama mo, Ingrid. Ayaw mo ba niyon, wala ng pabigat sa buhay mo,” aniya sa akin. Agad naman akong napakuyom ng kamao dahil sa kaniyang sinabi.
“Hindi naging pabigat si Mama, Pa. Kumpara sa’yo’y ang gaan pa nga niya,” ani ko. Mukhang gusto nitong magalit subalit dahil may kasama ay pinili niya na lang akong samaan ng tingin. Nagawa niya pa ‘yon samantalang siya ‘tong hindi man lang nadalaw si Mama.
“Siya na ang bagong may-ari ng bahay na ‘to, Ingrid. Sa susunod na linggo’y dapat wala na kayo ng mga kapatid mo. Tutal may pera ka naman, maghanap ka muna ng bagong matitirahan niyo. Magrenta ka na lang,” aniya sa akin kaya nahinto ako at napatanga sa kaniya.
“Hindi ka man lang ba talaga makahintay ng isang araw bago gawin ang mga kagaguhan mo, Pa?” tanong ko sa kaniya na kumunot pa ang noo. Tuluyan naman na siyang nagakit dahil sa sinabi ko subalit nanatili lang akong matigas. Hindi ko lang talaga siya maatim sa dami ng kung anong pinaggagawa. Alam kong pera niya ang pinagpagawa rito sa bahay, hindi ko alam kung anong sakit ng kapatid ko pero tama bang gawin niya ito? Paano naman kami? Anak niya rin kami.
Napakuyom na lang ang kamao ko habang nakatingin sa kaniya.
“Basta, winarning-an na kita. Anytime ay pupwede nang tumira rito ang bagong may-ari. Fully paid na ang bahay na ‘to. Mapera ka naman kaya hanap ka munang matitirhan. Susubukan ko ring bawiin ito sa susunod,” sambit niya pa kaya malamig ko lang siyang tinignan. Wala akong lakas para makipagtalo.
“Pa, sure na ba ‘yan?” tanong ko sa kaniya.
“Sure na ba talagang ayaw mong magpakaama sa amin?” tanong ko nginitian pa siya ng tipid. Nanatili naman ang malamig na tingin niya sa akin dahil do’n subalit wala na akong pakialam doon.
“Huwag kang mag-alala, aalis kami rito. Nakakagalit pero sige dahil bahay mo ‘to. Sa’yo na,” malamig ko muling saad bago sila tinalikurang lahat.
For days, I was just moody. Ni hindi ko alam kung paano ako magsisimulang muli. Simula na rin ng klase kaya hindi ko na alam kung anong uunahin ko. This time parang wala na talaga akong mga magulang. Para akong masisiraan ng bait sa dami kong naiisip.
“Umuwi ka na rin, Indigo. Hindi ka pa ata natutulog,” sambit ko kay Indigo na siyang tumutulong pa sa akin sa paghuhugas ng plato.
“Dito na ako matutulog, Love, may dala na akong damit,” aniya kaya hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
“Nga pala, I asked Aling Juana kung may vacant pa siya na apartment. Mayroon pa raw. Maliit lang kaya mura,” sambit niya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Magkano?” tanong ko. Kumpara sa ibang pinagtanungan, mukhang mas kaya ko namang bayaran ito buwan-buwan.
“Tignan muna namin,” ani ko kaya tumango siya sa akin.
I’m also glad na he‘s here dahil kung wala siya? Baka tuluyan na nga talaga akong nabaliw. He was the one who keeps me sane. Kapag malalim na ang iniisip ay random niya akong pinapatawa. Lagi siyang nandiyan kahit na gaano pa ako kasungit.
“Do you like it?” tanong ko sa mga kapatid nang magtungo kami sa apartment. Agad naman silang tumango habang pinagmamasdan ang bagong titirhan. Maganda naman ito kahit na maliit lang. Mas maganda kumpara sa bahay. Sakto rin sa presiyo kaya tinanggap ko na.
Naging abala kami no’ng linggong ‘yon sa pag-aayos ng mga gamit sa bagong apartment. ‘Yon nga lang hindi pa rin matutumabasan ng pagod ang pagkaulila sa magulang dahil talagang hindi pa rin dinadapuan ng antok. Inalon lang ng antok kasama ang dami ng iniisip.
“Ma, huwag mo akong iwan, please,” ani ko na hinawakan pa siya sa kamay. Malapad lang ang naging ngiti niya sa akin bago niya ako niyakap nang mahigpit.
“Wala ng sakit na nararamdaman si Mama, Anak,” aniya sa akin habang nakangiti.
“Nakakalakad na si Mama,” aniya pa kaya hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko.
“Mahal kita, kailangan ko ng umalis,” sambit niya bago siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
“Ma!” malakas kong sigaw nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
“Shh,” mahinang bulong ni Indigo bago niya ako niyakap nang sobrang higpit.
“You’re crying,” aniya bago sinubukang pahirin ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Imbis na tuluyang gawin ‘yon ay napasubsob lang ako sa kaniyang dibdib.
“She talked to me in my dream, Indigo, she said she’s already fine. Tuluyan na siyang nagpaalam,” ani ko.
“Looks like your Mom’s happy now, Ingrid, let her go,” aniya sa akin kaya agad akong umiling.
“Then what about me? Hindi ako ayos! Gusto ko siya rito. Gusto ko siyang kasama! Gusto kong manatili lang siya sa tabi ko. Ayaw ko pa siyang pakawalan dahil wala ng matitira sa akin,” ani ko kaya niyakap niya lang ako. Hinayaan niya akong iiyak lahat ng nararamdaman ko. He’s just there letting me cry on his shoulder. Nakatulog lang sa pag-iyak sa kaniyang bisig.
Kinabukasan, nagising na lang ako na katabi si Indigo. Napaawang naman ang labi ko bago ko siya dahan-dahang nilayo. Mayamaya lang ay nag-iinat na rin ito.
“Ano na namang ginagawa mo rito, Indigo? Hindi ka na naman umuwi?” tanong ko sa kaniya.
“Kapitbahay mo na ako ngayon,” aniya na tinuro lang ang kabilang apartment. Napaawang naman ang labi ko sa kaniya dahil do’n. Tinignan ko lang siya sandali bago ako naglakad patungo sa mga kapatid ko. Dalawa ang kwarto ng apartment at gustong-gusto nila ang kwarto dito sa kabila dahil double deck ito. Nakita ko si Sandro na nakayakap sa teady bear niya habang si Irah ay nasa taas habang mahimbing ang tulog.
Ayaw ko silang ihiwalay sa akin sa pagtulog subalit baka kapag ginawa ko’y magising sila tuwing madaling araw dahil sa mga palihim na paghikbi.
“Good morning, Ate,” bati ni Sandro. Naramdaman ata na pinapanood ko siya.
“Good morning,” bati ko sa kaniya pabalik bago ko ginulo ang kaniyang buhok.
Sinubukan kong gawin ang mga kadalasang ginagawa subalit parang may kulang. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa bahay o dahil talagang may kulang. Mariin ko lang kinagat ang aking mga labi dahil sa nangingilid na luha.
Habang patagal nang patagal, mas lalo ko siyang namimiss. Habang patagal nang patagal, pasakit nang pasakit. Mas lalo ko lang nararamdaman ang presensiya nito ngayong wala na siya. Hindi ko mapigilan ang mapahagulgol ng iyak habang nakatingin lang sa madilim na kalangitan.
Naramdaman ko na lang ang pag-upo ni Indigo sa tabi ko. Hinahaplos lang nito ang buhok ko habang hinahayaan niya akong umiyak sa kaniya. Sinisuot niya rin sa akin ang hoodie niya dahil kilalang-kilala na ako nito.
“Miss ko na si Mama,” bulong ko sa kaniya.
“I know,” bulong niya sa akin bago niya ako niyakap nang mahigpit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro