Chapter 16
Chapter 16
Ingrid’s POV
“Pop corn, Ingrid?” tanong sa akin ni Indigo. Nilingon ko siya sandali bago tinanguan ang kaniyang alok. Kukuha na sana ako subalit parang tangang sinubuan pa ako.
“May kamay ako,” ani ko.
“Sinabi ko bang wala?” tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil do’n kaya matamis niya lang akong nginitian bago sinubuang muli ng pop corn. Napairap na lang ako sa kaniya bago binaling muli ang mga mata sa tv. Inabutan ko rin ng pop corn ang mga kapatid subalit abala sila sa pagkain ng ice cream na nirequest nila kay Indigo.
“May call,” ani ko na tinuro ang phone ko na nasa tabi niya lang.
“Si Cho,” Melchora is actually fun to talk to. Kung gaano siya kaintimidating tignan, kabaliktaran naman ng personalidad niya. Simula no’ng makausap ko siya no’ng nakaraang nagtungo kami sa kanila. Madalas ay kinakausap ako nito kapag may free time siya.
“Hi!” hyper niyang saad subalit alam namin ni Indigo na hindi ito ayos. Her Mima Joan died kaya naman lumipat na sila ng bahay. Wala na sila sa cavite noong nakaraang buwan pa. pagkatapos ng pasukan ay agad na umalis. Naghiwalay din sila ni Atlas pagkatapos niyon.
“Kumusta ka na, Chora?” tanong ko sa kaniya.
“Luh, ayos lang! So, ano na? Chika na,” nakangiti niyang sambit. She’s the type of person na pipiliing iwasan na pag-usapan ang mga nakakalungkot na bagay sa buhay niya.
Kinuwentuhan ko lang siya ng mga ganap sa amin ni Indigo. Nagawa niya pang asarin ang kaibigan. Hindi nga lang tulad noon na hanggang mata ang ngiti sa kaniyang labi.
“Wala ka pala, e!” natatawa kong sambit sa kaniya.
“Alam mo ba no’ng elem kami—” Agad na nagreklamo si Indigo dahil do’n.
“Cho!” aniya na aagawin pa sa akin ang phone kaya natawa ko lang na nilayo.
“Heck, I’ll really enjoy teasing him. Hiyang-hiya pagdating sa’yo samantalang makapal ang face ng hinayupak na ‘yan!” natatawang sambit ni Chora kaya mahina akong natawa. Tinignan ko naman si Indigo na napasimangot lang. Ang lakas din kasing mang-asar ni Chora, no wonder magkaibigan sila nitong si Indigo.
“How are you?” tanong ko sa kaniya sa seryosong tinig nang makalabas.
“Okay lang naman,” aniya na ngumiti pa.
“Do you want to talk to Indigo?” tanong ko. Agad siyang umiling. Ayaw na ayaw niya kasing naiiwan silang magkausap dahil pakiramdam niya lagi na pabigat siya. May pagkakahawig kami sa parteng ‘yon.
Matagal lang kaming nag-usap. We just randomly talk hanggang sa nagpaalam na siya. Lumuwas lang kasi siya kaya malakas-lakas ang signal. Ayaw na si Indigo ang tawagan dahil kokomprontahin lang siya sa huli.
Papasok na sana ako sa loob nang may makitang tao sa labas. Nahinto lang nang makita ko kung sino ang papasok.
“Anong ginagawa mo rito, Pa?” tanong ko na kunot ang noo sa kaniya.
“Kaya pala hindi ka na makadalaw sa bahay ngayon, may sarili ka ng negosiyo. Ni hindi mo man lang maalala ang Papa mo,” aniya sa akin. Dire-diretso ito sa pagpasok sa loob ng bahay. Bago pa siya tuluyang magawi roon ay nadaanan niya si Indigo na siyang nakaupo sa isang tabi. Napatayo pa ito nang makita ang lalaking dire-diretso papasok sa loob ng kwarto.
“Papa!” malakas kong sigaw nang malaman kung saan siya dumeretso. Agad kong nakitang kinuha niya sa drawer kung saan ako nagtatago ng pera ang mga naipon ko. Hindi siya ganoong tao kaya bahagya akong nagulat. Kilala niya pa rin ako dahil alam niya kung saan ko tinatago ang mga importante sa akin at isa ang pera roon.
“Hiramin ko muna ang pera mo, Ingrid. Kailangan ng kapatid mong nasa hospital. Si Antonette ay wala pa ring paramdam hanggang ngayon,” sambit niya habang kinukuha ang pera mula sa wallet na pinaglalagyan ko. Hindi ko man gusto subalit sa isang iglap ay tumulo na lang ang luha ko. Hindi ko alam kung sa iritasiyon ba ito, sa sakit o ano. Basta ang alam ko hindi ko matanggap na ang galing niya pagdating sa mga bago niyang anak samantalang pagdating sa mga kapatid ko. Ni singkong duling ay hindi siya makapaglabas. Kailangan mo pang lumuhod bago ka bigyan.
“Nagkasakit din si Sandro pero natiis mo!” Hindi ko mapigilan ang pagtataas ng boses dahil dito.
“Paano mo naatim na baliwalain kaming magkakapatid samantalang kung makapag-aruga ka sa mga bago mong anak para bang kami ‘tong anak sa labas,” ani ko. Nanginginig ang tinig at pinipigilan ang sariling maluha.
“Ang mga kapatid mo, walang kahit na sino, Ingrid. Samantalang sina Sandro’y mayroong ikaw, Anak,” aniya pa sa mahinahong tinig. Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon sa sarkastikong tinig. Ang galing niya kapag siya ‘tong may kailangan.
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Pa?” tanong ko sa kaniya.
“Paano ako? Paano naman ako, Papa? Kung mayroon silang ikaw, kung mayroon silang ako, sino sa akin?” tanong ko na hindi na namalayan ang paghagulgol ng iyak.
“Iniwan mo lahat ng responsibilidad mo sa akin bilang ama. Iniwan mo sa akin lahat ng bagay na dapat ikaw gumagawa!” ani ko na kumuyom ang kamao.
“Kasi sa totoo lang, Pa? Pagod na rin akong maging ilaw at padre ng pamilyang ‘to!” galit kong saad.
“Bakit sa akin mo lang sinisisi ang lahat?” tanong niya sa akin na may galit pa sa mga mata.
“Bakit hindi mo sisihin ‘yang ina mo na pabigat lang naman!” tanong niya na tinuro pa si Mama na siyang nasa kama.
“Pa, kung makapagsalita ka parang hindi mo minahal si Mama. Kung makapagsalita ka parang hindi mo siya naging asawa. Asawa pa nga pala.” Sarkastiko muli akong tumawa habang nakatingin sa kaniya.
“Pa, si Mama nandito. Isa sa mga pinagkukunan ko ng lakas pero ikaw nasaan ka? Nagsasaya?” tanong ko pa.
“Talaga bang naatim mong tignan si Mama sa kabila ng lahat ng ginawa mo? Umalis ka na, Pa,” ani ko na hindi na siya nilingon pa.
“Kunin mo na ‘yang pera at please lang, huwag ka ng babalik pa rito,” malamig ang tinig na sambit ko. Kahit paano’y kapatid ko rin si Jolie, ayaw ko namang mapahamak ito kung sakali. Makakaipon pa naman ako.
Dire-diretso lang siya sa paglabas. Napangiti na lang ako ng mapait dahil do’n.
Bukod sa aasa akong babalikan niya kami, ganoon din si Irah at Sandro na lagi siyang hinahanap. Laging naghahanap ng ama.
“Papa!” malakas na sigaw ni Sandro nang makita niyang palabas na ito. Si Irah naman ay nanatili lang ang tingin kay Papa.
Gustong humabol ni Sandro kay Papa na siyang palabas sa bahay subalit agad ko siyang niyakap. Pigil na pigil ang luha ko habang nadudurog na pinagmamasdan ang mga kapatid na gustong kausapin si Papa subalit dire-diretso lang sa paglabas at hindi man lang nilingon ang mga ‘to.
“Ate! Bumalik na si Papa! Bakit siya aalis ulit?” tanong ni Sandro habang si Irah ay tahimik lang. Alam kong may hinuha na ang kapatid na babae dahil hindi ko naman sinasabi sa kanila ang tungkol kay Papa. Kapag nagtatanong, simasabi lang na nasa malayong lugar dahil ayaw kong isang araw magtungo sila roon at maglimos ng atensiyon katulad ng madalas kong ginagawa.
“Ate!” Saka ko lang pinakawalan si Sandro nang alam kong wala na sa labas si Papa. Nagawa niya pang tumakbo palabas ng bahay namin para lang habulin ‘to. Mas lalo naman nangilid ang luha ko nang sundan siya at wala ng nakitang anino ni Papa.
“Sandro, laro na tayo,” ani Irah sa kaniya na inaya pa siyang magcellphone. Parang wala namang narinig ang kapatid ko.
“Sandro,” tawag ko sa kaniya.
“Papasok na po,” aniya na tahimik na bumalik sa loob. Napapikit na lang ako sa kirot na nadarama. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Sumunod naman ako sa kanila. Agad kong nakita si Sandro na umiiyak. Hindi na rin napigilan ni Irah kaya naman pinatahan ko sila habang hinahagod ang mga likod.
“Sige, lusaw na ice cream niyo sa sobrang kaiiyak niyong dalawa,” sambit ko sa kanila kaya mas lalo pa silang humagulgol. Saka lang sila huminto nang tuluyan ng mapagod. Halos makatulog na kaya hinayaan ko na silang magtungo sa kwarto.
Saka ko lang naalala na nandito nga pala si Indigo. Bago ko pa siya mangitian ng pilit. Nasa bisig niya na ako at sa isang iglap, para akong isang batang naagawan ng candy kung makaiyak. Ang kaibahan nga lang, tatay ko ang naagaw.
“I’m sorry,” pabulong na saad ko nang mapagtanto na sobrang dami kong iniyak sa kaniya. Naupo lang kami labas ng bahay habang pinagmamasdan ang maaliwalas na kalangitan. Ang ganda ng panahon pero ito ako, umiiyak.
“Why are you saying sorry when you didn’t do anything wronh?” tanong niya sa akin. Naroon pa rin ang pag-aalala mula sa kaniyang mga mata.
“It’s fine to cry whenever you feel like crying. I can always lend myself. Ayos lang na mauhugan mo,” he said trying to make me smile and he never failed to do so. Para akong tangang iyak tawa dahil sa kaniya. Mayamaya ay natahimik lang kami hanggang sa binasag ko ‘yon.
"The first man that I loved betrayed me," pagkukwento ko. Siya 'yong kauna-unahang lalaking akala ko hindi kami kailanman iiwan but he ended with his mistress. Hindi kami naging sapat na mga anak niya.
"Jayvee?" tanong niya sa akin na bahagya pang sumimangot. Ngumiti naman ako bago umiling.
"Nah, my dad..." ani ko kaya nahinto siya bago nag-aalalang na naman akong nilingon. Nginitian ko lang naman siya para sabihing ayos lang.
"He was the first person na akala ko'y mananatiling kasama ko hanggang dulo but... he choose to go... pinili ang madaliang buhay habang ibinigay naman sa amin ang responsibilidad niya bilang ama," natatawa kong sambit habang pinapalis ang luhang gusto na namang tumulo.
“Minsan gusto kong takbuhan ang lahat pero naiisip ko na worth it naman dahil masaya ang pamilya ko at masaya ako kapag masaya sila,” ani ko.
“I hope someday you’ll do things na ikaw ang may gusto. Kung saan ka masaya and I’ll watch you do that,” aniya sa akin. I hope so too.
“You’re indeed strong, My Ingrid,” pabulong na saad niya bago hinaplos ang buhok ko.
“I heard you asked your father… na paano ka, na sino ang sa’yo…” aniya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Mayroon kang ako…”
I’m glad that I really have him. Ni hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan. Iyak lang ako nang iyak sa kaniya. Ni hindi niya ako iniwanan buong gabi.
“Uwi ka na, ayos na ako,” natatawa kong sambit na pinagtulakan pa siya dahil gabi na.
“Sure ba ‘yan? Tawagan mo ako kapag hindi,” aniya sa akin kaya ngumiti ako at tumango.
“Thank you,” ani ko na hinalikan siya sa labi.
“Uy?! Hindi ‘yon valid!” aniya kaya napakibit ako ng balikat.
“Valid na, tayo na e,” ani ko bago nagmadali pumasok sa loob. Agad kong narecieve ang sunod-sunod niyang pagtawag.
“I love you,” bungad ko sa kaniya. Maski akong nagsabi lang ay ramdam na agad ang lakas ng tibok ng puso. Narinig ko ang mabibigat na hininga niya.
“Totoo ba ‘to?” tanong niya.
“Hindi. Ang lahat ng ‘to’y gawa-gawa lang ng illuminati,” ani ko.
“Ano ba ‘yan, Ingrid!” reklamo niya kaya mahina akong tumawa. I’m planning to answer him. Hindi ko lang akalain na ngayon pala ang araw na ‘yon.
“Mahal kita.” Ang naging ngiti’y hindi matatawaran ng kahit na ano. I was just genuinely happy.
Nilabas ko na rin si Mama nang matapos ang pag-uusap namin. Naabutan ko pa si Indigo no’ng una na nakatayo lang sa isang gilid. Parang sira saka lang umuwi nang paalisin na.
“Pakiss nga,” aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Siraulo, nandito si Mama,” ani ko subalit lumapit pa rin siya para lang halikan ako sa noo.
“I love you,” bulong niya. Halos magwala ang puso ko dahil do’n.
“Una na ako,” aniya na ngumiti pa.
“Bye po, Tita,” nakangiti niyang paalam kay Mama.
“I love you too,” ani ko kaya napahinto siya.
“Ma, si Indigo po, boyfriend ko,” pagpapakilala ko sa kaniya. Mas lalo pa siyang natigilan dahil sa sinabi ko.
“Teka lang, nakalimutan ko speech ko! Bakit nambibigla ka?” reklamo niya. Pinakilala niya pa ang sarili kay Mama. Akala mo naman ay hindi siya kilala nito. Kalaunan ay umalis na rin siya dahil tinaboy ko na.
Bahagya na lang akong napangiti dahil do’n. Mayamaya lang ay ako naman ang kumausap kay Mama.
“Ma, pasensiya ka na kay Papa, ah? Huwag mong isipin ang sinabi niya,” ani ko.
“Basta para sa akin, ikaw pa rin ‘yong Mama ko. Mahal na mahal kita,” sambit ko na hinalikan pa siya sa pisngi.
“Isa ka sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, Ma,” bulong ko pa sa kaniya.
Hindi ako madalas magkwento kay Mama para hindi siya pag-alalahanin, gumagaan naman ang pakiramdam ko basta katabi itong nakatingin sa kalangitan.
Napaawang naman ang labi ko nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko naman siya makapaniwalang tinignan dahil do’n. Nang mapatingin sa kaniyang mga mata’y, milyong-milyong mensahe ang gustong iparatang. Hindi ko na lang din namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil do’n. Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako sa kaniya na parang batang nagsusumbong. Sa mga nakaraang taon, laging nagpipigil ng emosiyon dahil gusto ko lang naman siyang gumaling subalit ngayon ay hindi ko na napigilan.
Nang matapos akong umiyak ay natawa na lang din sa sarili dahil halo-halong emosiyon na ang nadadama. Nagawa ko pang ikwento sa kaniya ngayon ang tungkol kay Indigo pagkatapos kong iyakan si Papa.
“Ma, sobrang swerte ko roon. I never thought I’ll love someone again. Ngayong nandito siya, ni hindi ko nga maikumpara bilang pagmamahal ‘yong nararamdaman ko para kay Jayvee.” Alam kong mas malalim ito. Sumugal ako dahil sa kaniya lang din ako nakasiguro ng ganito.
Nagkukwento lang ako habang dinadala ko siya sa kwarto para tawagan ang kaniyang doctor dahil malaking improvement din ang ginawi nitong paghawak sa akin. Parang roller coaster ang araw na ‘to.
“Good evening po, Nars Venice. Nandiyan po ba si Doc?” Ipinaliwanag ko naman dito ang nangyari.
Ang ngiti mula sa mga labi ko’y hindi mawala-wala habang pabalik ng kwarto subalit agad na natigilan nang makita ko si Mama na wala ng buhay. Sinubukan ko pang kapain ng paulit-ulit ang palapulsuhan niya subalit iniwan niya na kami… iniwan niya na ako… Ilang minuto lang akong nawala…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro