Chapter 14
Chapter 14
Ingrid’s POV
“Woah, sana all new phone,” nakangising sambit ni Indigo sa akin. Tuwang-tuwa ito para sa akin na nakabili na ako ng cellphone. Ayaw ko na rin kasing hiramin ang phone niya dahil nakakahiya pero dahil kailangan din ng phone para kausapin ang mga buyers namin, nagipon ako kahit na mumurahin lang.
Nailing na lang ako habang pinupuno niya ng kaniyang litrato ang phone gayong mas maganda naman ang camera ng kaniya. Halatang nakatrip lang talaga. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing na lang habang pinagmasdan siya. Bahagya pa akong napangiti dahil dito kaya hindi ko maiwasang kurutin ang sarili.
When he said that he likes me? ‘Yon ‘yong highlight ng first year college ko. Hindi niya nga lang binabanggit sa akin ang tungkol do’n. Hindi ko tuloy alam kung nabingi lang ba ako no’ng araw na ‘yon pero bakit ang linaw? Nailing na lang ako sa sarili dahil habang patagal nang patagal, mas lalo lang lumilinaw.
“So, are you going to create a twitter account now?” tanong niya sa akin. Ang tagal niya na akong kinukulit doon. Madalas ko rin siyang nakikitang nakatambay sa bird app na ‘yon.
“Gawan na ba kita?” natatawa niyang tanong.
“Ano bang mapapala ko riyan, Indigo?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay.
“You’re not good when it comes on expressing yourself kaya baka lang gusto mo,” aniya.
“Para lang online diary,” panghihikayat niya pa.
“Na nakikita ng maraming tao?” tanong ko. Sa ideya pa lang ‘yon ay hindi ko na agad gusto.
“Ayoko, wala akong oras para riyan,” ani ko.
“Sayang, akala ko makakapagparinig na,” bulong-bulong niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Iniba niya na rin ang usapan pagkatapos niyon.
“Are you sure na kaya mong tapusin lahat ng ‘yon?” tanong niya na tinutukoy ang mga orders sa amin. Tumango naman ako dahil dito.
“Kakayanin,” ani ko. Kasisimula pa lang din naman kasi ng klase ngayong second year college na kami kaya may oras pa. Lumalago na rin kasi ang negosiyo naming dalawa kaya parami rin ng parami ang order. Idagdag mo pa na magaling na editor ang kasama kaya talagang nakakatakam ang mga tinda kapag ipinopost niya sa social media accoung namin.
“Ikaw ba matatapos mo ang mga design? Baka maging abala na kayo?” tanong ko sa kaniya.
“Patapos na rin, basic,” aniya kaya inirapan kp siya. Well, he put an effort in everything kaya wala rin talaga akong masasabi sa kaniya.
Noong una’y Sweet Foods lang ang pangalan ng page pero ngayong lumalago kahit paano. Napagpasiyahan na rin naming gawing Ing&Ind ang pangalan ng business. Minsan nga’y nakakaproud lang kapag tinitignan ang pambalot dahil naroon ang tatlong letra ng mga pangalan namin.
Nang matapos naming dalhin ang ilang orders sa convenience store dahil maski si Aling Gloria gustong-gusto na ang mga tinda namin, dumeretso na si Indigo sa bahay. Ano pa bang bago? Tambay na ito sa amin noon pa.
Dahil hindi pa ako gaanong tapos sa trabaho ko, naging abala lang ako buong araw samantalang si Indigo’y tinutulungan ako at paminsan-minsa’y nakikipaglaro sa mga kapatid ko.
“Anong ml? Ml-in ko mukha mo riyan, Indigo. Huwag mo ngang turuan kapatid ko,” ani ko.
Nang tignan ko ang cellphone, kung ano-ano na ang pinagdadownload ni Sandro. May mobile legends, tiktok, games at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung paano nagkasiya ‘yon sa storage.
“Grabe! Nananahimik ako rito!” aniya dahil prenteng-prente lang siyang nakahiga sa upuan namin habang naglalaro roon.
Naupo naman ako sa gilid niya. Sa itsura niya’y parang ako pa ang bisita rito. Halos malagutan ako ng hininga nang sa lap ko pa siya nahiga.
“Ano ba ‘yan? Kunswelo mo na talaga,” ani ko kaya tumawa lang siya at nagpatuloy sa paglalaro. Pahinga naman na kaya nanood lang ako sa tv bago dahan-dahang hinahaplos ang buhok nito. Hindi ko naman na namalayan na nakatitig na pala siya sa akin.
Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng mukha dahil do’n. Hininto ko rin ang ginagawa bago tumikhim.
“Bakit hininto mo? Makakatulog na ako!” reklamo niya.
“Sinong niloko mo? Nakatitig ka sa akin!” ani ko kaya tumawa lang siya. Hindi pa rin naman umalis.
“Ate, kailan magiging kayo?” tanong ni Irah sa akin nang madaan siya sa harapan namin. Hindi ko naman maiwasan ang pandilatan siya ng mga mata dahil do’n.
“Oo nga, kailan ba?” tanong ni Indigo na nilingon pa ako. Naroon na naman ang mapaglarong ngisi mula sa kaniyang mga labi kaya masamang tingin ang ibinalik ko sa kaniya. Aba’t ni hindi niya nga maamin muli ang sinabi niya noon.
“Hoy, Irah, aba, saan mo natutunan ‘yan? Grade 6 ka pa lang, Hija,” ani ko.
“Hala, nagtatanong lang po, hindi gawain ng magkaibigan ‘yan,” aniya na parang gusto pang manermon. Mini version ko talaga ang isang ‘to. Napatikhim naman ako dahil sa sinabi niya.
“Doon ka na nga kasi,” ani ko na lumayo pa kay Indigo na wari ba’y napapaso. Natatawa lang naman siyang umayos na ng upo dahil nasisita pa kami ng nakababatang kapatid. Nakailang games pa kami bago napagpasiyahan ni Indigo na umuwi na dahil gabi na rin.
Matapos ang mga ritwal ay nagtungo na ako kay Mama para ilabas siya. Ganitong oras ko kasi siya kadalasang nilalabas.
“Ma, approve ba sa’yo si Indigo?” natatawang tanong ko. Wow, Ingrid, akala mo naman ay nililigawan ka n’ong tao.
“Alam mo, Ma? Simula no’ng dumating siya parang ang gaan. Ang saya ko lang kahit na hindi naman talaga araw-araw masaya. Ewan ko ba, makita ko lang ngiti niyon, pawi na ang pagod. Gusto ko na ata siya, Ma…” ani ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya kinukwento kay Mama ngayon gayong wala namang espesiyal na namamagitan sa aming dalawa pero siya? Espesiyal siya sa akin.
Papatayin ko na sana ang phone at handa na sanang matulog subalit sa hindi ko malamang dahilan napadownload ako ng twitter. Well, naalala lang ang isang tao. Indigo is always been transparent, kabaliktaran ko. But I’m kinda curious about this bird app.
Nagdadalawang isip pa ako no’ng una nang gawin ‘yon.
Ako:
Gumawa akong twitter
Nakailang bura pa ako para palitan ang itetext sa kaniya dahil medyo nahihiya rin. Sa huli’y napagpasiyahan na lowkey na lang na ipaalam sa kaniya na may twitter account na ako.
Ako:
Still awake?
Wala pang ilang minuto ay nagreply na ‘to.
Indigo:
Tulog na po
Napairap naman ako at napailing na lang dahil ang kulit talaga.
Indigo:
Why, Lods? Call na ba me? Miss mo ako agad?
Nailing na lang ako dahil do’n. Mayamaya lang ay tumatawag na ‘to.
“Uy, bakit? Parang tanga. Magtatanong tapos ‘di magrereply,” reklamo niya. How to make Indigo Cornel throw a tantrums? Make him curious. Hindi ito makakatulog hangga’t hindi napupunan ang pagkakuryoso niya.
“Tulog ka na sabi mo,” natatawa ko namang sambit.
“So, why nga?” tanong niya pa.
“Hmm, how to private a twitter account?” tanong ko kahit na pupwede ko namang panoorin sa youtube kung gusto kong alamin.
“You really download it? Anong name? Ifofollow kita!” agad niyang saad kaya mabilis kumurba ang nagbabadyang ngiti ko kanina.
Mission Success.
Wala naman talaga akong kaibigan kaya alam ko kung para kanino ko ‘to ginawa. Ang tagal pa niyang sabihin kung anong pangalan niya. Nang sabihin, I followed his twitter account na ang dami talagang followers. Bukod sa marami ‘tong kaibigan, mukha namang marami ring nagkakagusto sa kaniya. Nagfollow lang din ako ng mga nagpopost ng sky at ng kung ano-ano pang pagkain.
Sa hindi ko malamang dahilan, napadpad na lang ako sa pagsscroll sa twitter niya.
Indigo @Indigoat: Magagalit ba ang krayola kung ako ang kukulay ng buhay mo? #Ingrid
Nahinto naman ako nang mabasa ‘yon. Ingrid? Ako ba? May nga reply pa roon galing sa mga kaibigan niya.
Bren @Brentee replying to @Indigoat: pakikulayan din buhay ko lodi
Carver @Carwash replying to @Brentee and @Indigoat: I volunteer.
Hindi ko naman alam kung ako ba ang tinutukoy nito dahil sa hashtag niya subalit isa lang ang sigurado ko, hindi na maikalma ang puso. Huwag kang assuming, Ingrid. Hindi ikaw.
Indigo @Indigoat: Happy birthday sa crush ko. Sana icrushback mo ako. Jk. Always wishing for your happiness. Got your back always :))
Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig sa date niyon, eksakto sa birthday ko. Para akong mababaliw dahil sa pagwawala ng puso at sa maraming paru-paro sa aking tiyan. Mayamaya lang ay may panibagong tweet ito.
Indigo @Indigoat: hiya na ako
Cho @prettychora replying to @Indigoat: Mayroon ka pala niyon?
Sinubukan kong pindutin ang profile niyong Cho dahil madalas ko ‘tong makitang magreply kay Indigo. Bahagya akong kinabahan sa ideyang girlfriend niya ‘to. Hala, bakit ka naman kakabahan, Ingrid? Ano naman sa’yo?
Napanguso ako nang makitang may nobyo na ‘to dahil sa bio niya at sa icon sa twitter. Nakita ko naman ang recent tweet nito.
Cho @prettychora: Sino kaya yung nahihiya ngayon dahil may twitter na crush niya? Sino kaya? @Indigoat
Indigo @Indigoat replying to @prettychora: Kingina naman, Cho. Kapag nakita niya ‘to. Magkalimutan na tayo.
Bren @Brentee replying to @prettychora and @Indigoat: @Isab3lla minention ko na para sa’yo toloks
Nahinto naman ako dahil do’n. Asang-asa ka kasi masiyado, Ingrid.
Mas lalo lang akong nairita sa sarili nang makita na lang ang sariling pinuntahan ang account n’ong babae. Kagagawa niya lang niyon. Baka nga gusto niya ‘to, Ingrid? Sino ba namang hindi magkakagusto kung ganiyan ito kaganda?
Sa hindi ko malamang dahilan. Para akong pinanghinaan ng loob bago ko pinatay ang phone ko at pinilit na lang ang sariling matulog.
Ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako. Heck? Nagseselos ba ako roon?
Nag-ayos na ako para sa pagpasok. Bahagya pa akong napatingin sa cellphone at napangiwi sa naiisip.
Paasa siya, akala ko gusto talaga ako.
Napataas naman ako ng kilay nang makitang may tawag mula kay Indigo. Pinigilan ko naman ang sarili sa kung ano mang nararamdaman. Heck, I should feel this way. Hindi siya akin para pagbawalan kong magkagusto sa ibang tao.
“Hello.” Pinilit kong magtunog normal. Magaling akong artista kaya alam kong nagawa ko.
“Bakit?” tanong ko.
“Saan ka na? Tara na!” aniya sa masiglang tinig.
“Okay, see you,” ani ko. You should treasure your friendship more, Ingrid. Huwag kang maharot.
I was about to go out nang makita ang sunod-sunod na notipikasiyon ng phone ko. Kakaopen lang kasi ng data kaya saka lang nagsipasukan ang mga mensahe roon. Nireply-an ko lang sandali ang mga importanteng mensahe hanggang sa matigilan nang makita ang sunod-sunod na notification galing sa twitter ang pumasok.
Indigo @Indigoat: Good morning sa crush ko @GriditIngrid
Atlas @AtlasKaius replying to @Indigoat: @prettychora Love, Tea
Cho @prettychora replying to @Indigoat and @AtlasKaius: Hindi na ‘yan mainit na chika, Love. Tagal-tagal niya ng crush ‘yan. Ngayon lang lumalakas ng loob. Pinadalhan kong kopiko.
Carver @Carwash replying to @Indigoat: ‘Yan ba ‘yong kinababaliwan mo kaya tumatanggi ka ng makipaglaro?
Bren @Brentee replying to @Indigoat and @Carwash: Awit, sana all!
Dinouble check ko pa kung twitter ko ba talaga ang minention nito at hindi naman ako nagkamali roon dahil akin nga talaga. Crush niya ako? True ba?
Ang dami ring nagfollow sa akin na hindi ko naman kilala. Napanguso na lang ako lalo na nang makarecieve muli ng tawag mula sa kaniya.
“Palabas na.” Salubong ko agad na pilit ding pinapakalma ang sarili. Akala ko’y sa tapat na kami ng convenience store magkikita kaya ang sabi sa sarili’y mapapakalma ko pa subalit nang makita siya sa tapat ng bahay ni hindi ko na alam ang gagawin.
“Akala ko ba sa con—” Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin nang magsalita na siya.
“Starting today, dito na kita susunduin,” aniya na malapad pang ngumisi bago iniabot ang ensaymada na madalas niyang ibigay sa akin. Naglakad naman na kami ng sabay subalit maliliit ang hakbang ko dahil hindi ko pa rin mapigilan isipin ang tweet niya.
“Simula rin sa araw na ‘to, nililigawan na kita.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro