Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

Ingrid’s POV

“Halika rito,” senyas ni Indigo sa akin. Nagawa niya pang kunin ang suklay sa bag ko. Dahan-dahan niyabg sinuklay ‘yon.

“Aray, dahan-dahan naman!” reklamo ko sa kaniya.

“Ge, makipag-away ka pa,” aniya na naiiling pa sa akin.

“Wow, ah, ni hindi mo nga ako pinigilan!” sambit ko naman. Dinadahan-dahan niya na ngayon ang pagsusuklay sa akin.

“Oks lang ‘yon, handa naman akong suklayan ka pagkatapos. Ang hindi ayos, ito,” nakasimangot niyang sambit na hinawakan pa ang baba ko para makita ang ilang kalmot mula sa mukha ko. Mukha agad siyang galit habang pinagmamasdan ‘yon. Imbis na umuwi na agad ay dumaan kami sa apartment niya dahil ang arte ng mokong, gusto pang gamutin.

Sa huli’y hinayaan ko na lang din. Mabilis lang din naman kami dahil alam niyang hinihintay din ako ng mga kapatid ko.

“Hindi ka ba magtatanong?” tanong ko sa kaniya. He’s always that type of person na madalas kuryoso sa madaming bagay subalit kapag personal na’y hindi rin naman siya nagtatanong. Nilingon niya naman ako dahil do’n.

“I won’t. I’ll wait for you to finally open up. Saka na kapag kumportable ka na,” aniya sa akin. Napatitig naman ako sa kaniya dahil do’n. Mayamaya lang ay kumurba ang ngiti sa akin. Tahimik lang kami nang magpatuloy sa paglalakad.

“They were my friends since high school,” ani ko. Napatingin naman siya sa akin dahil sa biglaan kong pagsasalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento gayong pakiramdam ko’y masisiraan ko ang mga ito kung sakali. But I want to open up with someone, para akong sasabog kapag walang napagsasabihan ng tunay na nararamdaman. Lagi kasing nakatago at ayaw malaman ng iba ang nasa isip.

“At first they were good to me. Kaibigan kasi ako ni Jayvee,” ani ko.

“Subalit habang patagal nang patagal they starting to do things that I didn’t know they’ll do. Ang sabi nila magkakaibigan kami pero hindi ko ramdam. They were joking about things that it’s not even funny. Joke na ginagamit ang insecurity ko para may mapagtawanan. Mga joke na offensive pero kailangang itawa mo pa rin dahil nga kaibigan ko sila. Kung hindi, magmumukha akong kj,” ani ko na kapag naalala ang mga joke nilang years na ang lumipas subalit naalala ko pa rin.

“When it’s not funny, it’s not a joke. When it’s not funny, you don’t need to laugh. Let them feel that it’s wrong. Hindi mo resposibilidad ang patawanin sila gamit ang sarili mong kahinahan,” aniya kaya nahinto ako roon.

“I never thought that I need to hear that until you said it,” hindi ko mapigilang sambitin.

“Remove those toxic people in your life, Ingrid,” sambit niya.

“It’s not easy,” ani ko na umiling-iling pa.

“Kahit paano’y malaki rin ang utang na loob ko sa kanila. They were always the one who help me financially at malaki ang pasasalamat ko dahil nakakatikim din ng masasarap na pagkain ang mga kapatid ko dahil sa mga ito,” sambit ko kaya siya naman ang nahinto. Nilingon niya ako roon na may seryosong mukha.

“When I became toxic person in your life, don’t hesitate to cut me out.” Ako naman ang napaawang ang labi dahil sa kaniyang sinabi. Paano nga ba kapag dumating ang puntong ‘yon gayong ang daming tulong ang nagawa niya sa pamilya ko?

“Promise me,” aniya sa akin. Hindi naman ako gumalaw at nanatili lang sa pwesto ko. Itinaas niya pa ang pinky finger niya.

“Don’t hang out with me dahil sa utang na loob, Ingrid. Subukan mo lang,” aniya pa dahil hindi ko pa rin tinataas ang pinky finger ko.

“Come on, promise me,” pangungulit niya pa kaya sa huli’y tinanggap ko ‘yon.

“I promise,” pabulong kong saad.

“But please, huwag ka sanang maging isa. I really want to keep you,” ani ko sa mahinang tinig. Nilingon niya naman ako dahil sa sinabi ko. Kita ko ang pagkurba ng ngiti mula sa kaniyang mga labi. Hindi ko alam kung paano ako nagkalakas ng loob na sambitin ‘yon but that’s what I really feel and with him? Pakiramdam ko pupwede kong sabihin ang tunay na nararamdaman because he won’t judge.

“Sana nga, I really want to stay by your side too,” sambit niya naman bago malapad na ngumiti.

“Hala, para kasing tanga, wala na, kinilig na ako,” bulong-bulong niya pa kaya napailing na lang ako habang kasabay siyang maglakad. Sa hindi malamang dahilan, maski ako’y hindi na rin nawawala ang ngiti mula sa mga labi.

 

“Good night, Ingrid,” bulong niya sa akin nang makarating na kami sa bahay.

“Good night. Text me after you’re done with your project,” ani ko kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay.

“May prize ba?” tanong niya kaya napatawa ako ng mahina bago umiling sa kaniya.

“Hmm, nah, congrats lang,” sambit ko kaya kita ko ang pagngiti niya.

“I can’t wait to finish my work then,” aniya bago tuluyan ng umalis. Pinanoood ko lang naman siyang maglakad palayo. Nakikita ko pa ang paglingon niya kaya natatawa ko siyang sinesenyasan na umalis na.

Nang magtungo sa kwarto ay hindi ko na rin namalayan na hindi pa rin pala nawawala ang ngiti mula sa mga labi ko.

That night, I slept with a smile in my face. Malala ka na talaga, Ingrid. Guard your heart, hindi pupwedeng tanga ka na naman.

 

Nagising lang ako kinaumagahan na may text na mula kay Indigo.

Indigo:

Hi, I’m done now. Where’s my congrats, Loadicakes?

Hindi ko naman maiwasan ang matawa roon. He’s probably sleeping right now dahil alas quatro na niya ‘yon itext. Mas active daw kasi ang utak niya kapag gabi hanggang madaling araw kaysa sa umaga.

Ako:

Awwe, congrats!! Pawatch ako next time, lods. Job well done, Mr. Producer :))

After that nireply-an ko na ang mga nag-iinquire sa business namin. Pinag-iipunan ko na rin ang pagbili ng mumurahing cellphone para naman hindi ko na kailanganin pang manghiram kay Indigo dahil ang tagal na ring nasa akin nitong phone niya.

I was actually busy the whole time dahil inaasikaso ko rin ang bahay at mga kapatid. Inayos ko na rin ang mga ishiship na parcel para hindi madelay. Tuwing sabado kasi namin ‘yon shiniship at kapag mga kakanin naman ay pinapagrab na agad.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay Indigo na nangunot pa ang noo nang makita siya kinahapunan. Nga alas quatro ng hapon.

“Hi. Napakapagrest na!” agad niyang sambit dahil alam na sesermonan ko siya kapag inuuna niya na naman kami.

“Kumain ka ba?” tanong ko.

“Pafall,” aniya agad kaya agad ko siyang nginiwian.

“Ipapaship na?” tanong niya nang makitang natapos ko na lahat ng trabaho. Wala na akong tinira pa para naman makapagpahinga rin.

“Yup,” ani ko na tumango-tango pa.

“Then should we start our live selling again?” tanong niya. Natawa naman ako ng mahina dahil masiyado ‘tong ganado sa buhay. Sa huli’y sumang-ayon din naman ako. Nagpahinga lang kami ng ilang oras bago ‘yon. Mayamaya lang ay nagsimula na muling magtrabaho.

Nang matapos ang live selling ay gulat na gulat ako nang magsimula silabg kumanta.

“Happy birthday to you~ Happy birthday to you~” Tumayo pa si Indigo para daluhan ang mga kapatid ko. Hindi ko naman mapigilan ang pagkagat ng labi ko dahil do’n.

“Happy birthday po, Ate!” malapad na ngiti ang pinakawalan nila samantalang nanatili lang akong nakanganga dahil sa mga ‘to. I don’t really usually celebrate my birthday simula no’ng iwan kami ni Papa pero madalas namang ipaalala sa akin ‘yon ng mga kapatid ko. Ngayon lang talaga nila ako hindi kinukulit tungkol do’n. Hindi ko naman akalain na may paganito sila.

“Hindi ka namin nabilhan ng cake no’ng graduation mo, Ate, kaya pinag-ipunan na lang po namin ang sa birthday mo po,” ani Irah. Agad ko naman silang niyakap dahil do’n.

“Sana’y inipon niyo na lang para sa sarili niyo,” sambit ko na ginulo ang buhok nila.

“Hmm, ikaw po lagi bumibili ng cake para sa amin at lagi mo pong pinag-iipunan. Kaya kami naman po ngayon,” nakangiti nilang saad. Punong-puno ang puso ko. Masaya lang ako, sobra.

“I mean si Kuya ang bumili pero pera po namin,” anila na tinutukoy si Indigo. Nilingon ko naman siya dahil do’n.

“Thank you,” I murmured.

“Make your wish, Ate,” ani Irah kaya ipinikit ko lang ang mga mata para humiling.

I just wish for my family to be healthy and happy. And for that one person to stay by my side.

Mayamaya lang ay pumasok muli si Indigo na may mga dala-dalang pagkain.

“I cooked carbonara, you said you like it,” aniya sa akin. Malapad ang naging ngiti niya nang lapitan ako.

“Happy birthday, Ingrid.”

“Paano mo nalaman?”

“Ako pa ba? Baka Indigo ‘to,” mayabang na saad niya kaya hindi ko na napigilan ang iripan siya. Tigas talaga ng mukha.

Iniabot niya naman ang maliit na box sa akin. Bahagya naman akong natawa nang makitang chalk ‘yon.

“You said magtiteacher ka muna before you’ll enter filming, right?” natatawa niya ring tanong. Tumango naman ako dahil ‘yon ang plano ko sa ngayon. Nagugustuhan ko na kasi ang course ko kaya ang sabi ko sa kaniya papasok muna ako bilang isang guro bago ako pumasok sa industriya bilang isang producer. Hindi rin naman kasi lahat ng career na gusto nating tahakin ay nakukuha natin kaya natural lang na maging practical lalo na kung gusto mong makasurvive sa buhay.

We celebrate my birthday with Mama. Ang ingay ng bahay kahit gabi na. Hanggang makatulog ata’y malapad lang ang ngiti ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Sa mga sumunod na araw nga lang ay bawing-bawi naman sa pagkabadtrip dahil kay Steffanie na nagpakalat ng masasamang balita tungkol sa akin. Ipinagkalat kung gaano ako kasakim sa pera maski ang pang-iiwan ni Papa’y naikwento niya rin sa ibang tao. She’s already in college pero kung makaasta’y akala mo highschool student pa rin. Malas pa dahil sila ang kagrupo sa isang research.

“Kailan natin gagawin ang research?” tanong ko sa kanila.

“Oh, I’m still busy with other things e, matalino ka naman, baka ilang oras lang ‘yan sa’yo,” ani Gina sa akin. Anong akala niya sa akin? Magician?

“Right, kaya mo na ‘yan, Ingrid, sanay ka naman na riyan,” sabi naman ni Steffanie na malapad pang ngumisi. Hindi ko naman maiwasan ang pagkuyom ng kamao dahil dito.

“Kung hindi kayo tutulong, aalisin ko kayo,” saad ko.

“Wow, baka gusto mong ikaw pa alisin namin, importante pa naman sa’yo ang scholarship mo, hindi ba?” natatawa niyang tanong.

Ayaw pa naman ng prof namin sa selfish na tao kaya kung sakaling sasabihin ko na magsosolo ako, paniguradong magagalit lang ‘yon. Pero pagiging selfish ba ang kagustuhang pumasa habang ang mga kagrupo’y walang ibang gustong gawin kung hindi ang magliwaliw?

Sa huli’y wala akong nagawa kundi ang gawin ng mag-isa ang research.

“Sorry, may ginagawa lang sa library,” sambit ko kay Indigo na siyang naghihintay sa akin sa gate. Ngumiti naman siya sa akin doon.

“Bakit naman nagmumukha ka ng ina, Ingrid?” tanong niya sa akin. Agad naman akong napairap doon at sinubukan pang tignan ang sarili sa salamin.

“Alam ko! Pero kailangan bang sabihin pa ‘yan.” Sinamaan ko siya ng tingin doon.

“Ina ng magiging anak ko. Ganda mo pa rin kaya kahit mukhang stress,” banat niya kaya nilingon ko siya bago hinampas at siniko.

“Para kang tanga. Tigilan mo nga ako,” ani ko na napailing pa.

“Tara na. Scramble! Alam kong kanina ka pa bad trip,” aniya na hinawakan ako sa palapulsuhan. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Whenever I’m with him, pakiramdam ko’y nakakapagpahinga ako.

Nagpatuloy nga lang ang mga araw na ang dami kong trabahong kailangang tapusin na minsan ay nagkakabuhol-buhol na ang utak. Ni hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako sa convenience store kung hindi ko lang naramdaman ang paglalagay ng jacket nang pamilyar na halimuyak. Alam ko na agad na si Indigo ‘yon.

Kahit na sobrang daming bagay na kailangang gawin? It’s fine because I have him.

I was about to get up para batiin siya subalit halos mawalan ako nang hininga nang mahina siyang bumulong sa akin.

“Gusto na ata kita,” mahinang saad niya. Sapat na para marinig ko at sabayan nang malakas na dagundong ng tibok ng puso. Parang isang presong gusto ng kumawala sa kaniyang kulungan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro