Chapter 12
Chapter 12
Ingrid’s POV
“Anong problema mo?” tanong ko sa kaniya nang makita siyang nakasubsob lang ang mukha sa lamesa. Ginulo niya naman ang buhok dahil do’n kaya napatitig ako sa kaniya.
“Madumi riyan,” ani ko na pinapatayo pa siya. Kita ko naman na nakasimangot lang ‘to nang nangalumbaba.
“Anong problema?” tanong ko na nagtataka.
“You know the film that I made?” tanong niya sa akin. Napatango naman ako sa kaniya dahil do’n. Sobrang ganda ng short film niyang ‘yon. Ang alam ko’y ipapasa nila sa isang subject.
“They said that it’s not good enough… I’m not good enough,” pabulong niyang sambit na napasimangot pa.
“I don’t think they said that for you to know that you’re not good. They said that for you to improve,” ani ko na tipid pa siyang nginitian. Napatingin naman siya sa akin dahil do’n.
“Wala ka bang tiwala sa sarili? It’s already good, just make it better and I know how wild your imagination is. You can do it, Loads,” nakangiti kong sambit sa kaniya.
“Nagtitiwala ako sa’yo,” ani ko.
Napatitig naman siya sa akin dahil do’n. Mayamaya ay kumurba ang ngiti mula sa mga labi.
“The best ka talaga, Lodicakes ko.” Pinanggigilan niya pa ang ilong ko kaya naman hinampas ko siya ng mahina. Natawa naman siya sa akin dahil do’n bago malapad ang naging ngiti sa akin.
“Para kang tanga. Lagi ka namang confident sa gawa mo kaya hindi ko gets kung bakit ka pinanghihinaan ng loob ngayon,” natatawa kong sambit. Napanguso naman siya dahil do’n.
“Well, I just realize na marunong lang pala ako, hindi magaling,” natatawa niyang sambit.
“Paano ako kung ganoon?” natatawa ko ring tanong sa kaniya. Ang galing kaya niya! I know someday he’ll be big. Hindi na ako magtataka kung sakaling ganoon nga.
Madalas ay tinuturuan niya rin ako tungkol sa mga pinag-aaralan nila dahil alam niyang interesado ako roon. Hindi ko nga alam kung paano niya napagsasabay ang lahat ng ‘yon.
“Huwag ka na munang pumunta sa amin bukas, I know na may tatapusin ka pa. Ako ng bahala sa business natin,” sambit ko. Tumango naman siya. Ganoon naman kasi ang nakasanayan namin kapag ako ang may mga project, siya ang bahala sa small business namin and vice versa. Mabuti nga’t nagagawa na naming masanay ngayon kahit nakakapagod din talaga dahil pumapasok, naghahandle ng business at nagtatrabaho.
“Ako na, kakatapos mo lang sa trabaho mo,” ani ko. Mas maaga kasi siya ng isang oras sa part time niya sa isang café sa labas. Siya ang closing at alam ko na maraming nililigpit doon.
“Para mabilis trabaho,” natatawa niyang sambit. Sa huli’y dalawa kaming nag-ayos niyon. We are busy talking with each other nang makitang may pumasok sa loob ng convenience store.
Iwewelcome ko na sana ang mga ito subalit agad ko ring nakita sina Steffanie at ang kaibigan namin no’ng senior high. Hindi ko alam kung bakit ba gustong-gusto na nilang manggulo rito. They’re too obsessed. Hindi ko maintindihan kung bakit pinagsasayangan pa nila ng oras ang mga taong ayaw nila. Hindi ba pupwedeng magfocus na lang sa mga sarili? Hindi ba pupwedeng imbis na pag-akyasahan ng oras ang isang tao, tulungan na lang ang sariling maggrow? Hindi ko talaga gets.
“Hi, Ingrid,” bati pa nila na akala mo’y ang babait na kaibigan. Ganiyan na ganiyan sila kapag nakikitang nandito si Indigo.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na type ni Steffanie si Indigo.
“Uy, Hi, Indigo! Sabi ko na nga ba nandito ka ulit!” nakangiti nilang sambit kay Indigo.
“Sama ka sa amin, shot lang sandali. Libre ko na,” anila sa kaniya ngunit nagkibit lang ng balikat si Indigo rito.
“Hard pass, Miss. Good boy ako,” aniya na nilingon pa ako. Hindi ko naman mapigilan ang ngiwian siya at bahagya pang natawa ng mahina dahil sa kaniyang sinambit.
“Tulungan na kita, Ingrid,” sambit ni Jayvee na kasama rin nila. Nandito rin kasi ang mga tropa nilang lalaki. Hindi ko alam kung bakit ginagawa na atang routine ang pagpunta rito bago magtungo sa inuman at party nila.
“Hindi na, kaya ko na ‘to.” Tipid ko lang siya nginitian.
Nagtungo na rin ako sa counter kalaunan. Tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Kinakausap ni Steffanie si Indigo nang mag-excuse ‘to para puntahan ako.
“Last na ba ‘to? Uwi na tayo pagkatapos?” tanong niya sa akin.
“Yup, magsasara na rin ako,” ani ko. Pansin ko naman ang tingin ng mga dating kaibigan sa akin. Hindi ko na lang din pinansin.
Mayamaya pa’y lumapit si Steffanie sa amin. Noong una’y malambing ang tingin niya kay Indigo subalit nang tignan ako’y ngumisi siya.
“Sama na kayo, shot lang tayo sandali, Ingrid,” aniya sa akin. Tinignan naman ako ni Indigo. Alam niya na agad ang sagot ko roon.
“Uuwi na kami,” aniya lang kaya kita ko ang bahagyang pagsimangot ni Steffanie.
“Minsan lang!” anito ngunit umiling lang ako. Wala rin balak sumama sa kanila. Kung ako lang ay gusto ko na ring putulin ang koneksiyon ko sa mga ito subalit alam kong mahihirapan din ako roon.
“How kj naman,” natatawang sambit niya at sa akin pa ang tingin. Hindi ko naman na pinansin pa ‘yon at nagpatuloy na lang sa pagsusukli sa isang libo niya.
“Keep the change,” aniya na ngumiti pa ng malapad sa akin. Umiling naman ako at pinilit ibalik sa kaniya ‘yon dahil alam kong isusumbat na naman niya ‘yon kung sakali. Nabayaran ko na ang utang ko at ayaw ko na muling madagdagan ang utang na loob dito. Alam ko kasing isusumbat niya lang nang isusumbat lalo na kapag may nga biglaang projects kami.
“Come on, parang others naman ‘to,” natatawa niyang sambit sa akin. Kahit anong pilit niya’y hindi ko ‘yon tinanggap.
“Sa’yo na ‘yang isa, Ingrid,” ani Jayvee sa akin.
“Ayos lang, hindi na ako nagkakape ngayon,” sambit ko sa kaniya.
Napatingin naman sa akin si Indigo dahil do’n. Napanguso naman ako dahil sa tingin niya. Well, palusot lang naman ‘yon.
“Oh,” aniya na tumango-tango pa.
“Una na kami. Ayaw mo ba talagang sumama sa amin?” tanong niya sa akin. Umiling lang naman ako.
“Uuwi na nga kami.” Si Indigo pa ang sumagot niyon at kita ko pa ang mayabang niyang tingin kay Jayvee. Masamang tingin naman ang ibinalik ni Jayvee sa kaniya bago sila lumabas ng convenience store.
“Tapon ko lang tapos uwi na tayo,” sambit ko kaya tumango siya sa akin. Iniwan ko lang siya sandali sa labas dahil sinara ko na rin naman ang convenience store ni Aling Gloria.
Patungo na ako sa tapunan ng mga basura nang makita ko sina Steffanie na nagsisigarilyo sa gilid. Wala na sana akong balak pansinin ang mga ito subalit sila naman ‘tong nagawa pa akong tawagin.
“Ingrid,” tawag ni Steffanie. Gusto ko na sanang umuwi ng payapa subalit mukhang hindi ‘yon mangyayari ngayon.
“Pinapahiya mo ba ako?” mayabang na tanong niya sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n. Ano na naman ba ang problema nito?
“Pinapahiya?” tanong ko na kunot ang noo sa kaniya.
“Huwag ka ng magmaang-maangan dito, Ingrid! Halata naman ‘yon ang gusto mong gawin. Ako lang naman ‘tong nagmamagandang loob na ayain kang uminom at bigyan ng pera pero kung makatanggi ka akala mo’y sinong mataas! Akala mo hindi nangungutang sa akin!” galit niyang sambit. Napakagat naman ako sa aking mga labi.
“Pasensiya na, Steffanie,” ani ko.
“Nakabayad ka lang ng kaunting utang mo’y akala mo kung sino ka na! Ni hindi pa ‘yon ang kabuoan!” saad niya pa. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo. Sa pagkakatanda ko, minsan lang ako humingi ng tulong dito at ‘yon ‘yong panahon na nahospital si Sandro.
“Ni wala pa ‘yon sa kalingkingan ng mga nilibre at ibinigay ko sa’yo! Tapos simpleng pakiusap lang, hindi mo pa magawa?!” galit na galit niyang tanong sa akin.
Tanga ka? Kaya nga libre?
Habang buhay ko na atang titiisin ang mga ito. Naiirita ako sa kanila subalit ayaw ko rin namang magsalita. Pinili na lang na sarilihin ang mga gustong sabihin sa mga ito. Pero siguro nga dapat noong una pa lang ay hindi na ako tumanggap ng kung ano-ano galing sa kanila.
“Sige, Steffanie, pag-iipunan ko na lang ulit. Wala pa akong pera para pambayad sa’yo,” sambit ko na tipid siyang nginitian. Aalis na sana subalit tila nagpantig ang tainga ko sa lumabas sa bibig nito.
“Kailan mo pa ‘yan mababayaran? ‘Yang pera mo kulang pa ‘yan sa nanay mong pabigat! Bakit kasi hindi mo pa ipanalangin na mamatay para wala kang pinoproblema?” natatawa niyang tanong sa ngayon. Nilingon ko siya roon. Wala akong pakialam kung makatanggap ako ng insulto na para sa akin subalit hindi ko ata kakayaning tanggapin kung si Mama na ang usapan.
“Anong karapatan mo para sabihin ‘yan, Steffanie, gayong ikaw mismo’y pabigat sa pamilya mo. Bakit? Saan ba nanggagaling ‘yang pera mo? Sa bulsa lang din ng magulang mo. Bukod sa pabigat na sa bahay, pabigat pa sa lipunan—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay hinihila na nito ang buhok ko. Hindi sanay na nagsasalita ako ng ganito. Hindi rin naman ako nagpatalo at nagawa ko ring hilain ang buhok niya. Hindi ako bayolanteng tao subalit hindi ko ata mapapalagpas ang sinabi niya.
Kanina pa ako naiirita subalit parang bulkan lang na sumabog ngayon.
“Teka! Teka!” May pumagitna pa sa aming dalawa. Nakita ko agad si Indigo. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do’n.
“Kaya ba?” tanong niya. Tumango naman ako roon.
Umalis din siya agad kaya bumalik kami sa paghihilaan ng buhok. Naramdaman ko rin ang ilang dating kaibigan na handa rin akong saktan subalit sa isang iglap ay hinaharang na sila.
“Isa-isa lang, malakas manok ko pero kapag ‘yan maraming kalmot—” Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Indigo dahil sinubukan pa akong kalmutin ni Steffanie. Hindi mahaba ang kuko ko kaya naman pinanggigilan ang buhok nito bago siya tinulak sa basurahan.
Dapat ay pinagsisisihan ko na ‘to, subalit sa hindi ko malamang dahilan ay satisfied ako sa ginawa.
“Tama na ‘yan, Ingrid,” sambit ng isang tinig bago ako hinila palayo kay Steffanie na masamang tingin ang ibinigay sa akin. Inalis ko lang ang kamay ni Jayvee sa akin at tinapon basura na nabitawan. Katabi lang ni Steffanie kaya galit niya akong tinignan.
Dumating din ang mga tropa niya na nagtataka sa nangyayari.
“Huwag kang mangialam dito, Jayvee!” galit na sigaw ni Steffanie na susugod pa sana ulit sa akin subalit naharang na ni Jayvee.
“Naging parte na ako ng buhay niya, dapat lang na makialam ako.” Narinig kong sambit ni Jayvee.
“Kung parte-partehin kaya kita? Tignan natin kung makapalag ka pang hinayupak ka,” mayabang na saad naman ni Indigo na siyang lumapit na sa akin. Kinurot ko siya sa tagiliran. Napanguso naman siya dahil do’n.
Nakita ko naman ang pagkuyom ng kamao nina Jayvee. Mukha ring handa na silang pagtulungan si Indigo subalit pumagitna na ako. Masamang tingin ang ibinigay ko sa mga ito.
“Subukan niyo,” hamon ko na hinawakan na sa palapulsuhan si Indigo. Handa na siyang itakbo paalis doon. Alam ko rin kasing may pagkabasagulero sina Jayvee kaya hindi ko talaga gugustuhin na makita si Indigo na bugbog sarado.
“Huwag ka ng pumalag pa. Kapag isa lang, suntok. Kapag marami, takbo,” bulong ko kay Indigo na gusto pang makipagyabangan sa nga tropa ni Jayvee. Agad naman siyang napangiwi sa akin dahil do’n. Sa huli’y sumunod na lang din sa akin habang palabas kami ng eskinita.
“Malandi pala talaga ‘yang ex mo, Jayvee. Kung sino-sino ang tinatalo. Immoral.” Narinig kong sambit ng isa sa mga kaibigan ni Jayvee. Napahinto naman si Indigo sa paglalakad dahil do’n. Maski rin ako kaya nilingon ko sila. Mahigpit ko namang hinawakan si Indigo dahil mukhang anytime ay gusto niyang makipagsuntukan sa mga ‘to.
“Saka ka na magbigay ng opinyon mo kapag hindi mo na tinotorelate ‘yang kaibigan mo pagdating sa panloloko,” malamig kong saad. Kung hindi ako iritado ngayon, malamang sa malamang ay wala silang maririnig na kung ano galing sa akin.
“Kapag lalaki ang nangaliwa, normal pero kapag babae, walang moral? Hindi ba pupwedeng parehas na immoral? Isa lang gusto kong sabihin sa inyo, tangina niyo," malutong kong mura bago sinubukang hilain si Indigo subalit masiyado siyang mabilis dahil nakasuntok na agad ‘to kay Clark bago niya ako hinila patakbo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro