Chapter 11
Chapter 11
Ingrid’s POV
“Ingrid, paper mo?” tanong ng isang kaklase ko sa akin. Iniabot ko lang ang papel na sinagutan bago isinubsob ang sarili sa desk ko. Lamig na lamig ako. Hindi ko mapigilan ang pag-ubo habang yakap-yakap ang sarili.
Pinilit kong tumayo kahit na gusto ko na lang pumikit sa pananakit ng ulo.
“Grabe, Ingrid. Ang galing mo talagang manungkit ng lalaki ‘no? Paturo naman,” ani Steffanie sa akin nang tumayo ako. Wala ako sa mood at lakas para makipagtalo rito kaya naman nagdire-diretso lang ako sa paglalakad palabas ng classroom subalit bago ko pa ‘yon nagawa ay masamang tingin na ang ibinigay sa akin.
“Masiyado ka na atang mapagmataas!” sambit niya na sinamaan pa ako ng tingin.
“Pupwede bang bukas mo na lang ako sumbatan, Steffanie?” tanong ko dahil nahihilo na talaga. Patuloy pa rin naman siya sa pang-iinsulto sa akin na siyang tinanggap ko na lang din.
Saka lang ako tuluyang makalabas ng matapos siya. Pinilit ko lang maglakad palabas. Sana naman ay makauwi ako ng buo.
When I was young, gustong-gusto ko na nagkakasakit ako. Bukod sa naibibigay ang mga gusto ko, nakukuha ko ang atensiyon ng aking magulang. But now? I fucking hate being sick. Mas lalo ko lang napagtatanto na mag-isa lang ako. Na hindi ako pupwedeng dapuan ng kahit anong sakit. Na kahit may sakit kailangan ko pa ring kumilos dahil ako ang panganay at ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko.
“Ingrid.” Napatingin ako kay Indigo nang makita siyang naghihintay sa tapat ng school. Ngumiti lang din naman ako sa kaniya. Magsasalita pa sana siya nang may magsalita sa likod ko.
“Uy, Indigo!” Nilapitan pa siya ni Steffanie para kausapin.
“Nandito ka ulit,” nakangiti nitong sambit.
“Ah, yeah, sinusundo ko si Ingrid.” He tried to be nice kahit na nasa akin ang mga mata tila ba nanantiya.
“I need to go,” I murmured. Hindi ko na kasi kakayanin kung magtatagal pa ako rito. Gusto ko ng mahiga at matulog.
Ayaw ko namang mangyari ulit ang kahapon lalo na’t napagtanto ko rin kung gaano ‘yon kamali.
“Upfilm ka—” Hindi pa natutuloy ni Steffanie ang sinasabi nang magsalita si Indigo.
“Sorry but we really need to go,” aniya rito at tipid na ngumiti bago ako nilapitan.
“What’s wrong?” nag-aalala niyang tanong sa akin.
“Wala naman. You’re still talking, nakakauwi na ako,” mahina kong sambit.
“Uwi na tayo,” aniya naman bago kinuha sa akin ang bag ko.
Ramdam ko pa ang tingin sa amin ni Steffanie nang paalis kami. Hindi ko na lang pinansin dahil wala na rin naman akong panahon oara roon.
“Can we skip our daily pafoods after school?” tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako dahil do’n. Mayamaya lang ay dumapo na ang likod ng palad niya sa noo ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil do’n.
“Heck. You’re burning! Let’s go!” sambit nito na hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin. Kita ko ang pag-aalala mula sa mukha niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapatitig doon. Hanggang kailan?
“Jeep na,” ani ko subalit hindi siya nakinig sa akin nang isakay niya ako sa cab. Mukha rin siyang natataranta.
“Sa bahay na!” hindi ko mapigilang sambitin nang sambitin niya ang hospital.
“Baba ako rito, Indigo,” seryoso kong sambit. Ayaw kong magtungo sa hospital dahil pupwede naman ang over counter na gamot at sayang din ang pera pambayad doon. Ang dami ko ng utang sa kaniya. Ayaw ko ng dagdagan pa.
“Hindi ako makakampante, Ingrid,” sambit niya.
“Maiiwan ang mga kapatid ko sa bahay at bukod doon sakit lang ng ulo ang nararamdaman,” ani ko. Kahit na late na akong umuuwi galing part time. Hindi naman ako natutulog sa ibang bahay. Hindi pupwedeng hindi ko macheck ang mga ito.
“Please,” nanghihina ko ng saad. Napatitig lang siya sa akin dahil doon. Ilang beses pa akong nakiusap bago siya pumayag.
Nang dumating sa bahay ay siya pa ang nag-ayos ng ilang gamit ko.
“Ate, bakit?” tanong ng mga kapatid ko ngunit talagang hinihila na ako ng antok.
“Shh, may lagnat si Ate. Quiet lang po tayo, okay?” Bago pa tuluyang mahila ng antok. Narinig ko ang malamyos na tinig niya habang kausap ang mga kapatid ko.
Nang dumating ang alas quatro ng madaling araw, nakaramdam naman ako ng kaunting ginhawa. Napahawak naman ako sa aking noo nang mapansing may towel doon. Napatingin din ako kay Indigo na siyang natutulog lang sa upuan. Sa itsura pa lang niya. Mukha siyang hindi komportable sa kaniyang pagkakasandal sa upuan. Sakop na sakop niya rin kasi ‘yon sa laki ba naman ng katawan nito.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti at magpasalamat dito kahit na hindi niya pa naririnig. Ang sarap lang sa pakiramdam na may nag-aalaga sa’yo.
Nagising ito nang maramdaman akong gumalaw.
“Hey, guminhawa na ba ang pakiramdam mo?’ tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya dahil do’n.
“Anong gusto mo? You should eat now para makainom ka ulit ng gamot.”
“Hindi ako gutom.”
“Kahit hindi ka pa gutom, Ingrid, kakain ka pa rin.”
“Kaya ko,” nakangusong saad nang susubuan niya pa sana ako. Tumango naman siya at hinayaan ako. Ramdam ko na titig na titig pa rin ito sa akin kaya nagawa ko pa siyang pagtaasan ng kilay.
“I’m good now,” ani ko.
“Kailangan mo pa ring magpahinga. Magpaalam ka muna kay Aling Gloria na hindi pa ulit papasok this evening.” Magsasalita na sana ako nang magsalita muli siya.
“Mas manghihinayang ka kung kapalit niyon ang pagkalasakit mo ng mas matagal, Ingrid.” Tama naman siya kaya sa huli’y napasang-ayon lang din ako.
“What about you? Aren’t you going to get ready?” tanong ko.
“It’s Saturday.” Agad naman akong napatango. Wala nga pala siyang Saturday class.
“Gusto mo bang ipaglatag kita ng banig? Mukhang hindi ka kumportable riyan,” puna ko sa kaniya kaya ngumiti lang siya sa akin at umiling.
“Dito na, nakakatulog naman ako,” aniya sa akin.
“Nakakatulog ka sa lagay na ‘yan?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay. Tinawanan niya naman ang pamumuna ko sa kaniya.
“Promise, oks lang,” sambit niya na tinaas pa ang isang kamay. Nailing na lang ako at hinayaan siya. Nag-usap lang kami sandali hanggang sa napagpasiyahan na ulit na matulog.
Nagising lang ako na wala na ang bigat na nararamdaman. Pakiramdam ko’y magaling na ako kaya tumayo na para lumabas ng kwarto. Wala na rin kasi si Indigo. Baka umuwi na which is ayos lang naman dahil buong araw na siyang nandito.
Napakunot naman ang noo ko nang makarinig ng mahinang tugtog mula sa kusina at ang mabangong halimuyak na nanggagaling mula rito.
Nakita ko si Sandro na siyang sumasayaw sa harap ng camera habang si Indigo ay nagluluto sa gilid habang tinitignan si Sandro. Napapatawa na lang din ito habang pinapanood ang kapatid ko. Napanguso ako nang makitang suot niya ang isa sa pinakamaluwag kong damit subalit mukhang maliit pa rin para sa kaniya.
“What are you doing?” tanong ko sa kanila. Napatingin naman sa akin si Indigo dahil do’n.
“Pinagtitrip-an mo ba ang kapatid ko, Indigo?” tanong ko kaya nanlaki ang mga mata niya.
“Hoy, grabe ka! Hindi no! He was the one who likes to do it, pinagbigyan ko lang naman,” aniya na napanguso pa. Naiiling na lang ako dahil do’n. Sa araw-araw niyang pagpunta rito sa bahay at araw-araw niyang pakikipaglaro sa mga kapatid ko, talaga namang nagiging malapit sila sa isa’t isa.
“Nagpadownload pa siya ng tiktok kay Kuya Indigo, Ate,” natatawang sambit ni Irah na siyang gumagawa ng assignment sa lamesa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o mahihiya.
“Pasensiya na,” ani ko kay Indigo kaya tumawa siya.
“It’s fine,” natatawa niyang sambit na naiiling pa sa akin.
“I’m not using it,” dagdag niya pa.
“Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya sa akin kaya tumango ako.
“I’m good now, thank you,” I sincerely said.
“Itabi mo, ako na,” sambit ko subalit agad kumunot ang noo niya. Pinigilan niya rin ang matawa dahil linyahan niya ‘yon.
“Tigil-tigilan mo ako, Ingrid. Ako na ‘to,” sabi niya na pailing-iling pa. Lumapit pa siya sa akin para iupo pa ako sa upuan dito sa hapag.
“Hindi ako baldado, Indigo, tigil-tigilan mo ako,” natatawa kong sambit sa kaniya. Hindi niya naman ‘yon pinansin at nagpatuloy lang sa pagluluto.
Nang matapos ay inaya niya na rin ang mga kapatid ko na kumain.
Tatayo pa ako para sana mag-ayos subalit agad na siyang umangal.
“Ako na, pahinga sabi,” aniya na umirap pa.
“Parang sira, hindi naman ako baldado,” reklamo ko rito.
“Kahit na,” aniya na nagawa pa akong ipaglagay ng pagkain sa pinggan. Pinigilan ko naman ang mangiti roon.
“Sabaw para mas mainitan ka,” sambit niya pa na pinaglagay ako ng sabaw sa mangkok. Pagkatapos niyang ayusin ang pagkain ko, hiniharap niya naman ang mga kapatid ko at pinaglagyan din ng pagkain.
“Kain ng kain, Sandro, gusto mong magkamuscle tulad ko, ‘di ba?” nakangisi niya pang tanong sa kapatid kong si Sandro. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ng kapatid ko kaya hindi ko maiwasan ang mapangiti.
“Kumain ka rin,” sambit ko na nilagyan ang plato niya. Hindi pa kasi nagsisimulang kumain dahil pinapanood pa kami.
“Huwag mo akong alalahanin, magpagaling ka. Mamamatay ako sa nerbiyos sa’yo,” aniya kaya napatawa na lang ako ng mahina. Kahit kailan ay over talaga kung makapagreact ang isang ‘to.
Pinapakinggan niya lang ang kwento ng mga kapatid ko at paminsan-minsan ay nasasabayan niya pa ang mga ‘to. Hindi ko naman maiwasan ang ngiti ko dahil do’n. Pakiramdam ko kapag narito siya’y hindi ka talaga pupwedeng hindi ngumiti dahil sa madaming bagay na ginagawa niya.
“You can go home after this, pahinga ka rin,” sambit ko.
“Hindi na. Dito na ako magpapahinga,” sambit niya sa akin.
“Lalo na’t kilala kita. Bibiglain mo na naman sarili mo.”
Ganoon nga ang nangyari, nagawa niya pang ilabas si Mama para makalanghap ito ng fresh hair habang bilin siya sa akin nang bilin na magpahinga raw ako samantalang siya na ‘tong gumagawa ng mga resposinbilidad na ako dapat ang gumagawa.
Mayamaya lang ay natapos na rin naman siya sa kakaparoon at parito rito sa bahay. Tumabi na siya sa akin sa upuan namin dito sa sala. Nanonood lang din sa lumang tv namin. Nang magsawa ang mga kapatid ko’y ibinigay sa kaniya ang phone.
“Loads, isang game ako,” aniya sa akin. I know he’s also addicted to online games. Nakakahiya nga na imbis na naglalaro siya ngayon. Abalang-abala siya rito sa bahay namin.
“Tanga niyo.” Narinig kong bulong niya. Mukhang ayaw pang iparinig sa akin subalit narinig ko rin.
“Bawal magmura rito sa bahay, Indigo, naririnig ka ng mga kapatid ko.” Napanguso naman siya dahil sa panenermon ko.
He’s smooth talker. Minsan ay kausap niya ‘to tungkol sa laro subalit mayamaya lang bigla na lang niyang binebentahan ng puto at kakanin ang mga ito. Hindi ko tuloy maiwasan ang tawa ko dahil do’n. At the same time ay thankful ako sa dami ng tulong niya sa akin. Ang dami ko ng utang na loob dito.
“Pero syempre next week pa ‘yan,” sambit niya.
“Order ka, ah, bawal bogus buyer dito,” saad niya pa kaya mahina akong natawa. Sira talaga.
Talagang isang game nga lang siya dahil balik na naman siya sa pakikipagkwentuhan sa akin kalaunan. Kinagabihan nga lang ay kinailangan niya na ring umuwi.
Ako:
Hi, nakauwi ka na ba?
Ilang minuto ang lumipas bago siya nagreply.
Indigo:
Yes yes. Huwag kang magpapabinat, Loads! Sleep ng maaga.
Ako:
You should sleep too. I know na hindi ka nakatulog kagabi dahil sa akin.
Indigo:
Sgdfsgsgshsgs pafall ‘yarn?
Hindi ko alam kung natatawa ba ako sa reply nito o ano. Hindi ko maiwasang mapailing habang binabasa ‘yon.
He’s the pafall one here.
The walking danger.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro