Chapter 10
Chapter 10
Ingrid’s POV
“Malas,” bulong ko sa sarili nang makita ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kung kailan wala akong dalang payong at kung kailan pauwi na saka naman bumuhos ito. Halos mag-iisang buwan na na pumapasok at araw-araw may baon na payong, ngayon pa talagang wala saka bumuhos.
I just hate the rain lalo na kapag nakikita ‘yong ibang magulang na sinusundo ang kani-kanilang anak noong bata pa. Habang ako ‘yong nananatili lang sa isang tabi dahil bukod sa walang sundo, wala ring dala-dalang payong.
“Ingrid, sabay ka na,” ani Steffanie sa akin na ngumiti pa. Nakita ko ang ilang kaibigan namin no’ng senior high na nasa loob. Hindi ko na agad gusto ang ideyang sumabay sa kanila..
“Oo nga, Ingrid, wala naman sina Jayvee at Sarah. Wala kang pagseselosan.” Narinig ko pa ang tawa nila na para bang nang-iinsulto. Hindi ko naman mapigilan ang pagkunot ng noo dahil do’n subalit tipid lang akong ngumiti.
“Hoy, grabe kayo, may bago na ‘yang si Ingrid. Binigyan pa nga siya ng cellphone,” sambit naman ni Steffanie. Gusto kong ipagtanggol ang sarili subalit ano pa ba ang use gayong makikitid ang utak ng mga ito.
“Oh, edi mababayaran na niya utang niya sa’yo?” tanong nila na nagsitawanan pa. Tumawa rin si Steffanie dahil do’n.
“Hindi naman ako naniningil gayong barya lang naman ‘yon sa Dad ko but if she will, why not?” tanong pa ni Steffanie na nilingon ako. Kaunti na lang ay makakabayad na rin ako sa kaniya. Malaki rin naman ang pasasalamat ko na tinulungan niya ako.
“Sana all may Dad, ‘no, Ingrid?” natatawang sambit ni Juliane bago niya ako nilingon. Napakuyom naman ako ng kamao dahil sa mapang-insulto nilang tingin.
“Ano sasabay ka ba?” tanong pa nila sa akin. Umiling lang naman ako roon.
“Bahala ka, ikaw din. Matatagalan kang umuwi sa lakas ng buhos ng ulan,” anito. Bago pa ako makapagsalita ay dumating si Indigo na siyang nakangiti.
“’Yan, sabi ko kasi sa’yo uulan ngayon. Hindi ka nakikinig,” natatawa niyang sambit sa akin. Saka lang napansin na may mga kausap ako. Napatikhim naman siya at malapad na ngumiti sa mga ito. Kita ko naman ang pag-awang ng labi ng mga kaibigan at ang pabalik-balik na tingin nila sa amin ni Indigo.
“Kaibigan mo?” tanong ni Indigo sa akin. Kailanman ay hindi ako nagkwento sa kaniya tungkol sa mga ito.
“Yup, we’re friends!” nakangiting saad ni Steffanie. Malambing din ito kung makatingin kay Indigo kaya sa hindi ko malamang dahilan, nakaramdam ako ng kakarampot na iritasiyon.
“I’m Steffanie,” ani Steffanie bago niya nilahad ang kamay kay Indigo. Isa-isa rin silang nagpakilala rito habang mangha pang nakatingin kay Indigo.
“Indigo,” nakangiti ring saad nito.
“Sabay na kayo sa amin, malakas ang buhos ng ulan,” aniya sa malambing na tinig. Alam ko na agad na interesado ito kay Indigo base sa kaniyang mukha.
“Pwede? Sige ba. Tara na, Ingrid,” Nilingon ako ni Indigo dahil do’n. Hindi ko alam ngunit may kirot sa puso. Siguro’y hindi lang matanggap na hindi lang ako ang ngingitian niya ng ganiyan. Maybe masiyado lang talaga akong nasanay na madalas kaming dalawa lang.
“Ikaw na lang, una na ako,” ani ko na tumakbo paalis doon. Dinama ko lang din ang ulan. Ayos lang kung mabasa ako. Ang hindi ayos ay ang kung anong nararamdaman ko ngayon. I hated the fact na baka katulad ni Jayvee ay ganoon din si Indigo.
Naiirita lang din sa mga narinig na sakita galing sa mga ito. Parang ang dali lang kasi nilang bitawan ‘yon.
May parte sa akin na nahihiya sa ginawa subalit nanaig ang iritasiyon sa sarili. Alam ko na affectionist akong tao. Kapag nabigyan ng kakarampot na atensiyon, ito na naman ako, nagiging selfish na naman. I just hate myself for being like this kasi mas lalo ko lang napapatunayan na tama sila. Kulang lang talaga ako sa aruga kaya maski ang iba’y iritado sa akin.
Naghintay lang ako na may humintong sasakyan sa harap ko subalit wala ni isa. Basang-basa na rin kasi ako, paniguradong walang magtatangkang magsakay sa akin. Yakap-yakap ko lang ang bag ko habang hinahayaang mabasa ako.
‘Tanga mo, Ingrid, paano ang mga gamit mo ngayon? Pinairal mo na naman ‘yang pride mo. Boba.’
Napakagat na lang ako sa aking mga labi dahil do’n. Napapikit na lang ako sa iritasiyon sa sarili. Kung ininda ko lang sana ang panandaliang pang-iinsulto nila sa akin, baka kanina pa ako nakauwi sa bahay nito.
Napamulagat ako nang maramdaman ang paghinto ng ulan subalit nakunot lang ang noo nang makita si Indigo na nag-aalala habang nakatingin sa akin. Kita ko ang dumaang iritasiyon dito. Ngayon lang ‘to nakitang nainis sa akin kaya iniwas ko na lang din ang tingin sa kaniya. Maski naman din kasi ako’y naiirita sa sarili. I’m being selfish again kaya wala nga talagang nagtatagal sa akin.
Hindi ko alam kung bakit kinakain na naman ako ng lungkot.
“Bakit ka tumakbo?” tanong sa akin na umupo pa sa tapat ko. Hindi ko naman siya tinignan pa.
“Look at you now… nanginginig ka na sa lamig.” Hindi ko alam subalit nababakasan sa tinig nito ang galit. Napakagat lang ako sa aking mga labi at nanatiling nakatingin sa kalsada. Mas lalo pang lumalakas ang ulan. Hindi sapat ang payong lang. Kita ko ring nababasa na siya.
“Bakit ka nandito? Bakit hindi ka pa sumabay kay Steffanie? Basa ka na rin,” malumanay kong sambit. Saka lang din napagtanto kung gaano ako kababaw. Mas gugustuhin ko pa siyang sumabay roon kaysa ang makita ako nitong ganito.
“Tayong dalawa ang magkasamang umuuwi, Ingrid. Anong ineexpect mo? Na sasabay ako roon ng wala ka?” aniya na sinubukang itago ang inis subalit hindi nakalagpas sa akin.
“Bakit ka ba nagagalit? Edi sana sumabay ka na? Wala namang nagsabi sa’yong sundan mo ako rito!” Hindi ko alam kung bakit naiirita na naman ako gayong wala naman siyang ibang ginawa.
“Kung nanghihinayang ka dahil hindi ka nakasabay kina Steffanie, marami pang next time. Pasensiya na lang ngayon. Hindi mo na ako kailangan pang sabayang umuwi sa susunod,” ani ko na pinigilan ang inis bago tumayo. Ayaw kong ibuntong sa kaniya ang inis ko at probably ang lungkot na nadarama dahil sa ulan na ‘to subalit hindi ko lang mapigilan.
“Hindi ako galit at nanghihinayang doon. Ang akin lang naman, pupwede mo naman akong sabihan edi sana’y hindi ka nabasa ng ganiyan ngayon,” aniya sa akin sa mahinahong paraan. Sinusubukan akong intindihin kahit na ako ‘tong parang sirang bigla na lang siyang sinusumbatan ngayon.
“Come here, magcab na tayo,” aniya subalit umiling ako.
“Wala akong pambayad diyan, kaya kong magcommute. Sumabay ka na sana roon edi sana hindi ka na gagastos ngayon,” ani ko. Nang lingunin ko siya pinigilan niyang mainis.
“Sagot ko na, magkakasakit ka sa ginagawa mo, Ingrid,” aniya sa akin na hinawakan na ako sa palapulsuhan.
“Huwag na, maghihintay na lang ako rito,” sambit ko subalit mukhang pinal na ang desisyon nito. Ni walang kangiti-ngiti habang nakatingin sa akin ngayon. Hindi ko tuloy alam kung sumobra lang ako sa katigasan o ano. Napabuntonghininga na lang ako at wala na rin namang lakas para makipagtalo pa dahil halos mangisay na sa sobrang lamig.
Agad naman siyang nakapara ng cab. Hawak-hawak niya pa rin ako sa palapulsuhan habang ako’y nagpapatangay lang naman sa kaniya.
“Nabasa na kayo, Sir, Ma’am. Lakas po ng ulan,” ani Manong. Kung normal na araw lang ‘to’y paniguradong nakikipagkwentuhan din ito kay Manong subalit ngayon ay mukha talagang bad trip at galit siya kaya tipid lang siyang ngumiti bago ako nilingon. Nag-iwas lang naman ako ng tingin. Nanatili lang ang mata sa labas ng bintana. Bahagyang naguilty dahil sa kaniya ko naibuhos ang frustration at inis para sa aking mga kaibigan.
Napatingin ako sa kaniya nang maglakad siya ng towel na mukhang galing sa bag niyang hindi naman nabasa kanina.
“Huwag na, pauwi na rin naman,” ani ko kahit na mukhang matatagalan pa dahil sa traffic.
“Just use it, Ingrid,” aniya sa seryosong tinig.
“Lq ba, Ma’am, Sir?” tanong ni Manong kaya nagkatinginan kami ni Indigo. Ako naman ang nag-iwas agad ng tingin dahil pakiramdam ko, tumatagos hanggang kalamnan ang tingin niya sa akin.
Imbis na sa bahay ang tungo namin. Sa apartment niya kami nagpunta dahil doon ang mas malapit at traffic na talaga patungo sa bahay. Mukha pa siyang nagmamadali.
He open his door widely para papasukin ako. It was actually the second time na magtutungo ako rito. Noong nakaraan kasi’y dito ako gumawa ng project dahil medyo maingay sa bahay.
Mukha lang siyang gago pero sobrang linis nito pagdating sa kaniyang mga gamit at apartment. May pagkaperfectionist din kasi ang isang ‘to.
Mayamaya lang ay lumabas siya sa kwarto niya na may dala ng towel at mayroon ding damit doon. Nabato balani ako sa aking kinatatayuan nang siya mismo ang nagpunas ng basa kong buhok. Katulad kanina, mukha pa rin siyang galit sa mundo. Madilim lang ang mukha habang nakatingin sa akin, malayong-malayo sa Indigo na mukhang hindi nagagalit at araw-araw ay nakangiti.
“You can go there to take a bath,” sambit niya na tinuro ang kaniyang cr. Nagpabalik-balik naman sa kaniya at sa cr ang tingin ko.
“Paano ka? Nabasa ka na rin?” tanong ko.
“Pagkatapos mo,” tipid niyang sagot. Hindi naman na ako umangal dahil mukhang pinal na ‘yon. Malalim lang ang iniisip habang nasa cr. Pinamulahan din ng mukha dahil sa panunumbat dito.
‘Hindi maganda ‘yan, Ingrid.’
Nang matapos ay nakita ko lang siyang nakatayo lang sa isang tabi.
“Ipinagtimpla kita ng kape,” aniya na tinuro lang ang kape na nasa mesa.
“Salamat…” mahina kong saad. Ni hindi ko nga alam kung may lumabas bang tinig sa akin o ano.
Tahimik naman ako ng maupo sa maliit na sofa rito sa sala niya. Amoy na amoy din ang halimuyak ng damit niya. Ang bango. Sinusuklay ko lang ang buhok habang pinag-iisipan ang sasabihin dito. Hindi ko alam kung paano siya haharapin gayong napaghimlay-himlay na ang mga katangahan kanina.
Matagal din bago siya lumabas ng cr. Habang nagpupunas ng basang buhok ay dumeretso siya sa gawi ko. Hindi katulad kanina lang, mukha na siyang kalmado ngayon. Naupo lang siya sa tabi ko. May espasiyo pa rin naman sa pagitan naming dalawa.
Mahabang katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa. Hanggang sa sabay kaming nagsalita.
“Sorry.”
“Pasensiya na.”
Nagkatinginan naman kami dahil dito at parehas pang napanguso bago nag-iwas ng tingin.
“I know you won’t act like that ng walang kahit anong dahilan but you shouldn’t run like that. Akala ko may mangyayari ng masama sa’yo, madulas ang kalsada,” sermon niya sa akin.
“Sorry, ayaw ko lang magtagal pa roon,” sambit ko na nag-iwas ng tingin. Napatikhim naman siya dahil sa sinabi ko.
“Bakit?” tanong niya subalit walang nakuhang sagot sa akin. Nabalot lang kami ng katahimikang dalawa.
“I’m sorry too… I didn’t notice that you’re uncomfortable with them…” sambit niya bago kinuha ang suklay sa akin. Siya na mismo ang nagsuklay ng buhok ko.
“Your notes. Basa na ata,” aniya sa akin nang matapos akong suklayan. Saka ko lang naalala ‘yon at gusto ko na agad maiyak habang pinagmamasdan ang ilang notebook na nabasa. We rarely take a lecture subalit sobrang importante ng mga ‘yon.
‘Tanga kasi, Ingrid.’
“Pasend ka ng lecture sa mga classmates mo, sulat natin,” ani Indigo sa akin.
“Walang magpapahiram,” ani ko dahil wala naman akong kaibigan sa room. Tinitigan niya lang ako bago siya tumango. Kinuha niya lang ang phone niya bago nagsimulang magtipa roon.
“Here,” sambit niya na pinakita ang ilang lectures na nahiram niya. Hindi ko naman mapigilan ang mapaawang ang labi dahil ang bilis niya lang na nakahiram.
Nilapag niya rin ang extra niyang binder. Tinignan niya pa ang penmanship ko sa isang notebook bago siya nagsimulang magsulat.
“Ako na,” ani ko.
“Dalawa tayo, bukas ka pa matatapos kung sakali,” saad niya bago seryosong nagsusulat. Nakipagtalo pa ako sa kaniya subalit hindi rin siya pumayag kaya sa huli’y dalawa kaming nagsusulat. He also put an effort para gayahin ang sulat ko.
Napatitig lang ako sa kaniya dahil do’n. Why would he help me? Ayaw kong masanay dahil baka sa huli, iwan niya rin ako.
“Why? Crush mo na ako?” tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Napakurap pa ako ng ilang beses bago nagsalita.
“Asa!” ani ko na inirapan pa siya.
Baka nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro