Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

Ingrid's POV

"Pa, kahit gamot lang, maawa ka naman sa mga anak mo." Kahit na lumuhod pa ako sa harap niya'y gagawin ko. Laging mauuna ang mga kapatid kaysa sa dignidad at pride ko.

"Bakit hindi mo hingian ang Mama mo? Sapat lang ang pera ko para sa tuition ng mga kapatid mo," aniya sa akin.

"Wow, paano naman kaming nga tunay na anak mo, Pa?" Hindi ko maiwasang itanong kaya nilingon niya ako. Kita agad ang galit na lumagpas sa kaniyang mukha.

Sabi nila kayang tiisin ng anak ang magulang subalit kailanman hindi kayang tiisin ng magulang ang kanilang mga anak subalit I don't think that it's true. Kayang-kaya kaming tiisin ni Papa. Kung hindi pa ako pupunta rito'y paniguradong hindi niya kami maalala.

"Sinusumbatan mo ba ako, Ingrid?!" Galit na galit agad ito habang nakatingin sa akin.

"Hindi po sa ganoon, Pa. Sorry po, wala ring pera si Mama, Pa... alam niyo naman po ang kalagayan niya," mahinahon ko 'tong sinagot. As much as possible ay gusto kong maging kalmado.

"Kahit kailan ay pabigat talaga 'yang ina mo! Bakit kasi hindi pa mamamatay, perwisyo lang sa—"

"Pa," mahinahon kong sambit. Umirap lang siya bago niya padabog na iniabot ang ilang coins sa bulsa niya. Ang ilan ay nahulog pa sa semento kaya hindi ko na lang maiwasan ang mapakagat sa aking mga labi.

Isa-isa ko 'yong pinulot. Napapikit lang ako habang naririnig ko ang mga masasakit na salita galing sa kaniya, galit na galit dahil nagbigay ng pera ngayon.

"Thank you po, Pa," ani ko.

"Dapat lang! Pangkain na naging bato pa! Bakit hindi ka kasi nagtrabaho? Ang tanda mo na para manghingi-hingi pa sa akin!" Akala mo'y isang milyon ang ibinigay nito kung makasumbat subalit pinigilan ko na lang ang sariling magsalita. I should be thankful ay binigyan niya pa kami ng mga kapatid ko kahit na alam kong ang mga anak niya sa bagong asawa ang priority.

"Salamat po, Pa."

Ang dami pa nitong sinabi bago ako pinalayas sa harapan niya.

Bago umuwi sa bahay, bumili lang ako ng gamot ng mga kapatid bago naglakad patungo sa bahay namin na ilang kilometro pa ang layo sa bahay na tinitirahan ni Papa. Mayaman ang bagong asawa niya subalit hindi niya kami kailanman naalala. Ayaw din kasi kami ng asawa niya roon kaya galit siya kapag nagtutungo ako para manghingi ng pera.

Kung ako lang ay ayaw na ayaw kong nagpupunta roon subalit ayos lang kahit tapak-takapan nila ako, makakain lang ang mga kapatid, masagot lang ang mga pangangailangan ng mga 'to. Ayos lang na ako na lang, huwag lang ang mga ito. Hindi ko ata kakayanin kapag nakita ko silang tinataboy dahil lang humihingi ng kakarampot na atensiyon.

"Ate," nakangiting bati sa akin ni Irah nang makita ako.

"Irah, bakit naman lumabas ka pa? Binantayan mo na lang sana si Mama," sambit ko sa kaniya.

"Hinihintay ka po namin, Ate, nanginginig na kasi kanina pa si Sandro," aniya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Nawala ang pagiging kalmado ng mukha ko at nabitawan ang gamot. Kita ko si Sandro na nagchichill habang nakahiga sa higaan, nginitian niya ako subalit hindi na ako nakangiti pabalik sa sobrang taranta. Agad ko siyang binuhat para ilabas ng bahay.

Nang pumara ng tricycle, agad akong dinala nito sa malapit na hospital. Halos hindi ko alam ang gagawin habang pinagmamasdan si Sandro na nagchichill.

"Miss," tawag ko sa isang nurse. Ilan pa ang tinawag ko subalit masiyado silang abala sa mga tao sa hospital. Nang bigyan na ng atensiyon ang kapatid ko'y agad siyang dinaluhan ng isang doctor.

"It's because of malnutrion, Ms. Galang." Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksiyon dahil do'n. Alam kong pumapayat nang pumapayat si Sandro subalit hindi ko lang akalain na ganito kalala na talagang magchichill pa siya.

May nga nirecommend itong vitamins na hindi ko alam kung mabibili ko ba. Ito pa nga lang pagpapacheck up ay hindi ko na magawang bayaran.

Wala akong ibang kamag-anak na pupwedeng tawagan kung hindi si Papa kaya nanghiram na ako ng cellphone na pantawag.

"Pa," ani ko.

"Ano nanaman ba 'yon, Ingrid? Kagagaling mo lang dito para manghingi ng pera!" galit niyang saad.

"Sinugod po sa hospital si Sandro, Pa," ani ko.

"Ano? Bakit?"

"Bakit sinugod mo pa sa hospital? Gastos lang 'yan! Pinatawas mo na lang sana, sayang pa ang pera!" sambit niya pa kaya napakagat lang ako sa aking mga labi para pigilan ang sariling magsalita. Paano niya nasasabi ang mga bagay na 'yan? Anak niya si Sandro. Sabihin man nating may bago na siyang pamilya, anak niya pa rin kami.

"Pa, huwag ka namang ganiyan, nahchichill na si Sandro no'ng umuwi ako," ani ko sa kaniya.

"Kung hindi mo kasi sana iniwan! Tanga ka rin e!" sigaw niya sa akin kaya napakunot ako ng noo. Kung hindi niya rin sana kami iniwan. Pinigilan ko na lang ang sariling magsalita. Hinayaan ko na lang siya na pagsalitaan ako ng masasakit na salita.

"Wala akong pera! Sapat na 'to para sa mga kapatid mo!" aniya na binabaan pa ako ng tawag. Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang marinig ang mga salita galing sa kaniya. Sinubukan ko ulit siyang tawagan subalit hindi niya na sinasagot ang mga call ko.

"Miss, tapos na ba?" tanong ng pinaghiraman ko ng cellphone.

"Pasensiya na po," ani ko bago iniabot sa kaniya 'yon.

"Salamat po," sambit ko.

Napaupo na lang ako sa upuan dito sa hospital. Napatitig na lang din sa kawalan. Hindi ko alam kung tatawagan ko ba ang mga dating kaibigan. Ayaw kong tawagan sila dahil lahat sila kinunsinti ang panloloko sa akin ng ex ko. Lahat sila pinanood 'tong makipaglandian kay Sarah, isa sa mga kaibigan namin.

Pero wala na akong iba pang mahihingian ng tulong. Kahit hindi ko gusto, kailangan ko.

"Steffanie," bati ko mula sa kabilang linya.

"Ingrid! Sabi ko na nga ba hindi mo ako natitiis!" Ang halakhak nito'y nanuot sa aking isip. Hindi ko maiwasan ang mairita dahil sa kaniyang tinig subalit kaya ko 'yong tiisin lalo na't hihingi ako ng tulong, hindi ko kaya ng ako lang.

"Maaari ba akong makahiram ng pera?" tanong ko.

"Oh, hindi ka talaga mabubuhay ng wala kami," aniya na sinamahan pa ng munting halakhak. Right, kahit gaano ko pa ingatan ang pride ko, kakailanganin ko pa rin ang tulong nila.

"Don't worry, I'll give it to you. Bati na tayo, huh?" Hindi ako nagsalita kalaunan ay humugot ng malalim na hininga.

"I'm really sorry about what happened. Hindi naman kasi namin alam na dumadating na sila sa puntong kinakama na ang isa't isa," natatawa niya pang saad. Kumuyom lang ang kamao ko dahil do'n. Tangina. Paano nila naaatim na makita ang kaibigang nagloloko? Hindi ba talaga sila natatakot sa karma?

"Hey, nandiyan ka pa ba?" tanong pa ni Steffanie.

"Yeah, it's fine, ayos na ako." Kahit na hindi ayos, hindi ko pa rin pupwedeng sabihin na hindi.

"Really? Bati na tayo, ah? Thank you, Ingrid! I'll send your money na, you can just give it back kapag you already have money! Love you, Girl!" Bago pa ako patayan ng tawag ay narinig ko na ang halakhak nila mula sa kabilang linya. She's probably with our friends o kaibigan nga ba talagang matuturing. They're all disgusting. Plastik na kung plastik pero kailangan namin lahat ang isa't isa.

Lahat sila, tintrato ako na para lang isang basura but it's fine, ganoon din naman ang tingin ko sa sarili ko.

Naiconfine si Sandro ng isang araw at pinauwi na rin. Hindi nga lang nakalimutan ng doctor na ipaalala sa akin ang mga vitamins na kakailanganin niya.

"Aalis muna si Ate, Irah. Maghahanap lang ako ng trabaho. Huwag mong iiwanan si Sandro, okay? Ito ang pera para pambili ng candy niyo mamaya," ani ko. Nag-abot ng limang piso sa kaniya.

"Salamat, Ate! Ingat ka po!" aniya na hinalikan pa ako sa pisngi.

"Ma, alis na po ako," paalam ko naman kay Mama na siyang nakatulala lang sa sira-sirang kisame ng bahay. Paralyze si Mama kaya nagsawa si Papa na alagaan, hindi na niya mapakinabangan kaya naman naghanap ng ibang babae and viola sa isang iglap ay nakabuo ng pamilya. Mabilis niya lang kaming nakalimutang nga anak niya.

Naghanap lang ako ng mapagsa-sideline-an, wala rin kasing mangyayari kung hindi ako kikilos. Gagraduate na ako sa senior high ilang linggo na lang at hindi ko alam kung magcocollege pa ba ako sa lagay na 'to. Baka hindi na, baka pag-aralin ko na lang si Irah ay Sandro. I don't really know, gustong-gusto kong makapagtapos para maiahon sila sa hirap subalit hindi ako pinagbibigyan ng pagkakataon.

"College graduate ang hanap namin dito, Miss. Pasensiya na, balik ka na lang ulit kapag may hiring ng mga senior high graduate." Ngumiti naman ako at tumango. Ilang beses pa akong natanggian hanggang sa maggabi na.

Nawawalan na ako ng pag-asa nang makita ang part time job mula sa isang convenience store. Nakaramdam ako ng kakarampot ng pag-asa sa akin bago ako pumasok doon. May kalayuan sa amin subalit kaya kong lakarin. Ilang oras lang din ang gugugulin kaya malaking kagalakan kung matatanggap ako.

"Good evening po, naghahanap pa po ba kayo ng part timer po?" magalang kong tanong. Inilahad ko naman ang resume ko roon.

"Magcocollege ka na, Hija?" tanong ng matandang babae sa akin.

"Opo." Sinamahan ko pa ng tango nang sumagot ako rito.

"Willing ka ba talagang magtrabaho?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko.

"Osiya, tanggap ka na. Pupwede ka ng magsimula sa susunod na lunes," aniya kaya napatigil ako at napatingin sa kaniya. Masaya akong matanggap pero masiyado kasing biglaan.

"Bakit po?" tanong ko.

"Ah, ikaw ang kauna-unahang nag-apply. Kakaalis lang kasi ng part timer namin, magtatrabaho na sa ibang bansa," nakangiti niyang saad sa akin.

I thought I was out of luck but now I think mayroon naman pa lang natitira kahit kaunti. Hindi ko mapigilan ang tuwang bumalot sa akin.  

"Maraming salamat po!" ani ko kaya ngumiti sa akin ang may katandaan ng babae.

Nag-usap lang kami sandali hanggang sa maisipan ko ng magpaalam.

"Ingrid?" Alam na alam ko ang tinig na 'yon. Agad kong nakita si Jayvee na siyang nakatingin sa akin.

"Can you hear—" Bago niya pa matapos ang sasabihin ay tinalikuran ko na siya at nanakbo palabas. Humabol siya kaya nagtago ako. I don't want to face him. Hindi siya karapat-dapat ng galit na mayroon ako. Nagpupuyos ako sa inis kapag nakikita ko ang mukha nito. Anong karapatan niya para magpakita pa sa akin?

Halos mawalan ng hininga nang maramdamang may tao pala sa likod ng kinatataguan ko.

"Did you someone passed here?" Narinig  kong tanong niya sa isang estrangherong lalaki. Nilingon ko naman ang tao sa likod ko. Mayroong mapang-asar na ngisi mula sa mga labi niya na wari'y close kami.

"She's wearing a black shirt. Nakaladlad ang buhok at morena," ani Jayvee. Nakita ko namang pasimple akong nilingon ng lalaki habang sumesenyas akong huwag magsalita. Parang gago naman itong nakiusisa.

"Bakit mo naman hinahanap?" tanong niya.

"She's my girlfriend." Tangina mo.

"Really? Bakit ka tinatakbuhan kung girlfriend mo pala?" tanong pa nitong lalaki.

"Alam mo ba o hindi? Ang dami mong tanong, huh?" taning niya.

"Pupwede namang sagutin?" natatawa pang sambit nitong estrangherong lalaki.

"She's mad at me. She doesn't want to talk but I want to clarify things!" nafufrustrate na saad ni Jayvee. Bahagya akong napangiwi nang marinig mula ang halakhak ng lalaki at nilingon pa ako.

"She's here," anito na tinuro pa ako. Nanlaki ang mga mata ko roon ngunit bumalik din ang iritasiyon. Masamang tingin lang ang ibinigay ko sa lalaki bago ako tumayo oara harapin si Jayvee.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro