WHEN YOUR HEART STOPPED BEATING
Puting mahahabang tela, mga gamit pang ospital at mga kagamitang dekuryente. Ilang linggo rin akong nanahimik at nahimlay sa kamang ito.
"Guys! O... M... G...!" rinig kong tili ng babaeng natanaw ko malapit sa pintuan.
"Hoy babae!" bulyaw ko sa kaniya.
Tumili siya at halos mawasak ang lalamunan niya.
"Guys, narinig niyo iyon? That's Lev! Gising na siya! Come over here ASAP!"
"Boba ka ba? Comatose lang ako at nagising, hindi nabuhay na mummy."
"Grabe ka dai, ilang linggo ka natulog. Ang kapal na ng muta mo." sambit niya pa sa akin.
"Sikmuraan kita eh."
Ilang saglit pa ay dumalaw na ang mga kaibigan ko. Todo sa pangangamusta at pagkukwento ng kung ano ano.
"Guys, alam kong na-miss niyo ko. But please, worry no more. You know why?" tanong ko sa kanila.
"Why?" sabay sabay nilang tanong.
"THE QUEEN WAS AWAKENED..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro