Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

"Tita! Tita!" Rinig kong sigaw sa tainga ko. "Gising na, tita!" Patuloy pa ng isang bata habang niyuyugyog ako.

Dahan-dahan kong nilingos siya at iminulat ang mata ko. Sumambulat sa akin ang matatabang pisngi at mapungay nitong mga mata.

"Oh, Aeious," sambit ko sabay hikab. "Bakit ginugulo mo si tita? Natutulog ako e,"

"Sorry, tita, pero sabi ni tito gisingin na raw kita," sagot nito habang nakayuko.

Mahinang kinurot ko ang pisngi niya saka ngumiti.

"Okay lang, teka anong oras na ba?"

"Alas singko na po tita,"

"Huh?! Alas singko na?! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Gulat kong tanong at napabalikwas. "Sabihin mo kay tito Zach mo susunod na ako,"

Pagkalabas ni Aeious ay sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri kasabay ng mahabang buntong hininga.

Tatlong taon na nang bumalik ako mula sa Manila. Wala na akong nakitang dahilan para magstay ro'n at nagsimula na rin ang paggaling ni papa kaya bumalik na ako sa probinsya. Si Aeious ay anak ng ate ni Zach at nandito ako ngayon sa bahay nila for some reason.

Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin na katabi ng kama. Makapal na kilay, mahahabang pilik mata, bilugang dark brown na mga mata, tamang tangos na ilong, natural na mapulang labi. Makinis at tamang puti ng kutis at tama rin ang katangkaran.

Binitbit ko ang phone ko at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay sinalubong na ako ni Zach.

"Ano? Ready ka na ba?" Tanong niya habang ikinakabit ang lobo sa isang tabi.

"Syempre, sorry kakagising ko lang. Ano pa bang gagawin? Saka ikaw ang dapat maging ready. Afterall, plano mo 'to lahat,"

"Actually kinakabahan pa rin ako," sambit niya at lumakad papalapit sa akin.

Ilang taon na rin ang nakalipas nang muling makapaglakad si Zach.

"Kinakabahan? Ano namang kakaba-kaba? Chill,"

Bumuga siya ng hangin. "You think she'll appreciate it?"

"Bakit hindi? Si Dhaeny? Langgam nga na nagbubuhat lang ng isang pirasong asukal naaappreciate niya. Ano pa 'yong ganito kalaking effort?"

"I hope so,"

Ilang araw nang pinaghahandaan ito ni Zach. Napakarami niyang ginawa para paghandaan ito. Dito na rin ako tumuloy kahapon mula sa trabaho dahil tinulungan ko siya sa surprise niya kay Dhaeny.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong katabi ang kaibigan kong pugad at nakaupo sa hintayan ng bus. Wala namang nagbago kay Dhaeny, ganoon pa rin ang hitsura niya bukod lamang sa lalong pagkinis ng mukha niya at pagpusyaw ng kulay. Nag-glow up ka ghorl?

"Hay... Papakabitan ko na talaga ng gulong ang paa ko para 'di na ako maghintay sa pesteng bus na iyan. Lagi na lang napakatagal," angil ni Dhaeny habang kumakamot sa ulo.

"Gurl 'wag mo kamutin ang ulo mo, nagagalaw ang buhok mo. Baka magulo ang ecosystem sa loob niyan,"

"E kung buhay mo ang guluhin ko?"

"Hindi na kailangan, dati mo pa ako ginulo,"

Hindi sumagot si Dhaeny at nagsimula magdial sa phone niya.

"Hello, yes? 911! Oh thank god you answered! I am here now stuck at the bus stop. Please reascue me. I'm the one wearing the striped shirt and jeans. Hey, any response?" Mabilis na usal ni Dhaeny dahilan para mapatingin ang mga tao sa paligid.

"Gaga, sino iyan? Nakakahiya ka," bulong ko sabay siko sa kaniya.

"Shh, silence madam I'm talking to the president,"

Sa halip na sumagot ay binatukan ko siya.

"Aray ko... Kuya Flynt, oh, si Cindy binatukan ako. Sunduin mo na kasi ako," pag-iinarte ni Dhaeny.

"Oh hi, Cindy! Oo na susunduin na kita. Ihahatid ko lang si Dexie," sambit ni Flynt.

"Hi!" Bati ko rin sa kaniya.

"'Wag ka na nga umepal. Mamaya na kayo magharutan," sambit ni Dhaeny at tinakpan ang bibig ko.

Ilang sandali pa ay dumating na si Flynt. Nakasakay ito sa motor at nakasuot ng black bottom at black leather jacket.

"Lakas maka-action star ah," sambit ko.

"Baka pinsan ko iyan," ani Dhaeny. "Pero ampon," tuloy niya at tumawa.

Dahan-dahang inalis ni Flynt ang helmet niya at muli kong nasilayan ang mukha niya. Makapal na kilay, biloy sa dulo ng labi at bahagyang maumbok na cheekbones. Ang buhok niyang pinagulo ng helmet ang nagdagdag ng lakas ng dating niya.

"Sorry, medyo natagalan. Tara na?" Sambit ni Flynt at ngumiti.

"Tara," sagot ko.

"Anong tara? Sa isang motor ipagsisiksikan mo ang sarili mo? Tatlo tayo at marami tayong dala," saad ni Dhaeny.

"E'di... babalikan ko na lang yung isa. One at a time," sagot ni Flynt.

"Ako na mauuna." wika ko,

"No, ako muna. Tinatawag na kasi ako ni mother nature," pagsingit naman ni Dhaeny at ngumisi.

"H-hindi pwede," saad ko habang iniisip na hindi siya pwede mauna dahil malalaman niya agad ang tungkol sa surprise.

"Huh? Anong hindi pwede?"

"Uh... d'yan ka na lang jumebs sa cr ng plaza,"

"What? No, no. Namamahay ang pwet ko,"

"Hindi nga pwede,"

Sandali pa kaming nagtalo hanggang sa pumayag din naman siyang ako ang mauna. Binulungan ko si Flynt na sa bahay nina Zach ako dalhin pati si Dhaeny. Tango lang naman ang isinagot niya.

"Ikaw na ang magsuot nito," sambit ni Flynt at iniabot ang helmet.

"Huh? Ikaw na,"

"It's for your safety,"

Hindi na ako nakipagtalo at isinuot ang helmet. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakaangkas sa motor ni Flynt at banayad lang ang takbo namin. Sa paghampas ng hangin sa kaniya ay inihahatid sa akin ang amoy niyang niyayakap ako. Nakahawak ako sa balikat niya at nasa hita ko ang ilang mga gamit namin ni Dhaeny. Naiwan naman sa kaniya ang iba.

Nang makarating kami ay kita ko ang pagmamadali ni Zach sa paglabas. Bakas ang mas matinding kaba niya.

"Oh, akala ko si Dhaeny na," sambit niya at ngumisi.

"Babalikan ko pa si Dhaeny sa bus stop. Hindi kasi kami kasya," paliwanag ni Flynt.

"Okay, thanks ha,"

Just then, umalis na si Flynt. Mula nang gumaling si Zach, sa tulong ni papa, ay hindi na niya kilala si Flynt. Ang alam na lamang niya ay pinsan siya ni Dhaeny.

"Oh ano? Ready ka na ba?" Tanong ko.

"I think,"

"'Yong mga sasabihin mo? Okay na ba?"

"Uh, wala akong script. K-kailangan ba? Wait,"

"Oh, no, chill. Mas maganda kung impromptu para masabi mo kung ano talaga ang gusto mo,"

"Wish me luck," ngiti niya at tinapik ang balikat ko.

Ilang sandali ay natanaw ko ang pagdating nina Flynt at Dhaeny. Pinapasok ko agad si Zach sa loob ng bahay para sa surprise.

"Gosh, teka balik tayo," sambit ni Dhaeny pagkababa ng motor.

"Huh?" Naguguluhang tanong ni Flynt.

"Kukunin ko lang yung kaluluwa ko naiwan ata. Ang bilis mo magpatakbo. Hmp! Tuktukan kita e, kapag si Cindy ang bagal tapos kapag ako kulang na lang mabura mukha ko,"

Tumawa lang si Flynt.

"Oh paano, maiwan ko na kayo. May kailangan pa ako gawin,"

"Maiwan achuchu. Umalis ka na at kuhanin mo yung kaluluwa ko baka makuha ng iba. Ibulsa mo muna kukunin ko pagkauwi,"

"Sige na, sige na. Andami mong nonsense words," natatawang usal ni Flynt.

"Syempre para humaba pa ang kwento. Ending na oh. Last exposure mo na iyan galingan mo pag-exit," sambit ni Dhaeny na ikinatawa namin.

"Uh, so hindi muna ako aalis? Joke, aalis na ako! See you next time!" Sambit niya at ilang saglit lang ay naglaho siya sa paningin namin.

"Hays, kawawang pinsan ko," rinig kong bulong ni Dhaeny. "Teka, ba't nga pala nandito tayo kina Zach?"

"Huh? Ewan," pagkukunwari ko.

"Ah basta. Tara na sa loob. Sasabog na pantog ko,"

Lumakad kami ni Dhaeny papasok at sinenyasan ko si Zach na nakasilip sa bintana. Nagsimulang tumugtog ang isang awitin. Napatigil si Dhaeny at napangiti.

"Gosh, teka ano 'to?"

"'Wag ka na magtanong. Hindi ko rin alam,"

Pagbukas namin ng pinto ay sumambulat ang nagkalat na petals ng bulaklak sa sahig. May mga petals ng roses, may sunflower at may gumamela pa.

"Ba't may sunflower at gumamela?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko naman si Dhaeny at nakita kong hindi siya magkandamayaw sa paglingon sa lahat ng sulok ng bahay. Mula sa mga petals, lobo, pictures at kung ano-anong decorations. Nakangiti lamang siya at  bakas ang malaking tuwa sa mukha niya.

Iniwan ko si Dhaeny at nagpunta sa isang tabi. Kagaya ng sinabi ni Zach na gusto niyang maging saksi akong gagawin niyang confession kay Dhaeny ay pumunta ako sa isang gilid.

Minamasdan kita, nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Pagsisimula ni Zach nang may malawak na ngiti. Si Dhaeny naman ay halos mangisay na sa kilig.

Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

"You're naughty huh! Kanta ke yen sheye eh," pabebeng sambit ni Dhaeny at may pagdadabog pa kun'wari.

"Dhaeny... Ilang taon na rin,"

"Zach?"

"When I met you, I never thought na magiging ganito ka ka-special sa akin. Every single day I spent with you made me realize na hindi lahat ng tao magiging komportable kang kasama palagi not unless you're feeling something about that particular person. And yes, I feel something for you," halatang kinakabahan si Zach.

"Y-you feel shomething fer me?" Saad ni Dhaeny. "Baka sama ng loob iyan ha? 'Wag mo na ituloy," biro niya pa.

"I ain't good at confessing so I'll go straight to the point. I want you to be my girlfriend. Question is... will yo--"

"Ehe!" reaksyon ni Dhaeny. "Ano ka ba? Ba't nikikilig ako?"

"Dhaeny... will you be my girlfriend?"

Biglang naging seryoso ang mukha ni Dhaeny.

"Zach..."

Itinaas ni Zach ang kilay niya at hinintay ang sasabihin ni Dhaeny. Maging ako ay nakaabang.

"Hindi ka pa ba kuntento na wala tayong label?" Sambit ni Dhaeny at napatakip ako sa bibig ko nang bigla akong mapatawa.

"Dhaeny..."

"Char! Syempre I want to be your girlfriend! Hays, tatlong taon Zach! Napakatagal ko hinintay ng confession mo. Ang tagal ha! Tsktsk,"

"Talaga?" Masayang tanong ni Zach.

"Talagang-talaga,"

Niyakap ni Zach si Dhaeny at saka nag-thumbs up sa akin. Ngumiti ako.

"Bagong magjowa kayo ha, hindi bagong kasal. Bawal honeymoon," bulong ko sa kanilang dalawa bago umalis.

Natagpuan ko ang sarili ko naglalakad pauwi. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si ate Eva na nagpupunas ng lamesa.

"Si papa?" Tanong ko.

"Uh, nasa trabaho pa si kuya Adam. Kumain ka muna at nakapagluto na ako riyan,"

"Ikaw ba, ate Eva, kumain ka na?"

"Hintayin ko na lang si kuya Adam. Parating na rin naman iyon,"

Iniwan ko na si ate Eva sa sala at nagpunta ako sa kusina. Nagsimula akong kumain at nakita ko ang isang message sa phone ko. Kung ano-ano na namang pinapagawa sa akin ng bagong dating na doktor. Pinatay ko na lang ang phone ko at nagpatuloy sa pag-kain.

Akmang paakyat na ako ng hagdan nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si papa. Patakbo akong lumapit sa kaniya at sinalubong siya ng yakap. Tinapik niya ang likod ko.

"How's your day?" Tanong niya.

"Pa, nag-half day ako ngayon 'di ba. Hindi ako masyadong pagod. Kayo ba?"

"Ayun stressed sa proposed project ko. I'm still working on it at ipinapaayos pa sa akin iyong failed project ni Dolph," sambit niya at nagbuntong hininga.

Kinuha ko ang mga gamit ni papa at tinulungan siya sa pagpasok. Umakyat na rin ako sa kwarto matapos ang saglit na pakikipagkwentuhan sa kanila. Nalaman kong malapit na ang graduation ng anak ni ate Eva sa elementary at si papa naman ay may nilulutong malaking project kaya busy siya lately.

Kinabukasan ay ginising ako ng kaliwa't kanang announcements. Sigaw sa megaphone dito, patugtog ng campaign jingle doon.

Yshmael Wilson for congressman! Sa darating na halalan. Matapat na serbisyo para sa masiglang bayan! Paulit-ulit na anunsiyo ng isang babae sa megaphone.

Tapos na ang maling pamamalakad. Nandito na ang pamumunong may puso sa lahat! Eileen Gutierrez para congresswoman ng distrito! sigaw naman ng isa.

Cedrick Hermes mga kababayan. Iboto sa halalan. Hindi nangangako, ngunit tutupad!

Ilang anunsyo pa ang nagdaan at halos dumagundong na ang tainga ko dahil paulit-ulit na kabulaanan lang ang sinasabi nila. Bumaba ako sa sala at nadatnan ko si ate Eva na kakapasok lang ng pintuan.

"Ano iyan?" Tanong ko nang mapansing may laman ang kamay niya.

"Uh, kendi. Namigay yung mga kumakandidato kanina. Sayang nahuli ka. Eto oh, frutos masarap iyan," ngisi ni ate Eva.

Napatawa ako.

"Hindi na, ate eva. Si papa?"

"Maaga umalis. Marami pa raw gagawin,"

"Bakit ba ang daming nangangampanya ngayon? Sa isang linggo pa ang botohan ah,"

"Ano ka ba? Meeting de avance ngayon. Pupunta ako sa plaza mamaya, sama ka?"

"Wala naman akong gagawin... sige,"

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad sa gitna ng kapal ng tao kasama si ate Eva. Magkahawak pa ang kamay namin na para kaming mag-ina. Nang magsimula ang programa ay nagsimula ring uminit ang tensyon sa pagitan ng mga kandidato.

"Sa mga nakaraang pamumuno, sino sa mga katunggali ninyo ang pinakatiwali?" Tanong ng mc na sinundan ng malakas na tawanan ng mga tao.

"Kailangan ba talaga magbanggit ng pangalan?" Natatawang tanong ng isang kandidato.

"Paalala po, ang mga tanong po ay galing sa mga mamamayan ng bayang ito. Random po ang ginagawang pagbunot ng tanong," usal ng mc.

"Parang ayaw ko magbanggit ng pangalan pero si mayor Yshmael talaga," biro ng isa pang kandidato.

Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga tao.

"Mayor Yshmael? Napakabait niyan. Pero I agree," sagot naman ng isa at tumawa.

"Baka naman kayo ang partners in crime?" Panunuya ni mayor Yshmael.

"So!" Putol ng mc. "Next question na po! Bago pa magliyab ang entablado sa init ng kasagutan," tuloy niya pa upang putulin ang tensyon.

Nagpalakpakan ang mga tao at nagtawanan.

"Kung bibigyan po kayo ng pondo at pagkakataon bigyan ng pera ang mga mamamayan, bakit po ibubulsa niyo?" Tanong ng mc at dumagundong ang plaza sa sobrang tawanan. "Miss Eileen, kayo po ang mauuna sumagot,"

"Kapag magbubulsa si miss Eileen agad? Bakit hindi si Mayor Yshmael?" Sagot ng isang kandidato.

Nagtawanan muli ang nga tao.

"Kasi may puso siya? Sa bulsa niya," paggagatong pa ng isa.

Hindi ko alam kung bakit ngunit ganito ang eksena sa tuwing may meeting de avance ang mga kandidato. Prangka sila sa isa't isa. Good thing, lumalabas ang tunay nilang kulay.

"Well..." panimula ni miss Eileen. "To answer that, hindi na lang ako magsusuot ng jeans na may bulsa. Para malaman niyong hindi ako nagbubulsa," sambit niya at lumakas ang tawanan. Maging ako ay napatawa.

"Pero magdadala iyan ng bag!" Sigaw ng isa sa nga nasa crowd at nagtawanan ang mga tao.

"Tama po kayo riyan. Hindi na po kasi kasya sa bulsa ko," sagot ni Miss Eileen para sakyan ang biro. "Biro lamang po,"

Nagtawanan muli ang mga tao.

"Required po ba na kapag politiko, uupong payat, bababang malaki ang tiyan?"

Walang nag-react sa tanong ng mc. Nagpalitan ng tingin ang lahat hanggang sa ang lahat ay tumingin kay Mayor Yshmael at tumawa.

"Oh, bakit sa akin kayo nakatingin?" Natatawang tanong niya. "Bakit parang-- bakit parang kasalanan ko?"

Umugong muli ang tawanan.

Nagkaroon pa ng mahabang programa at mas pinainit iyon ng debate. Hindi alintana ng mga tao ang init ng araw dahil naging masaya ang panggigisa nila sa isa't isa. Hanggang sa hapon ay sinubaybayan iyon ng mga tao. Naging hot topic pa sa social media ang meeting de avance ng bayan namin nang may naglive pala at marami ang nakapanood kahit ang mga nasa media.

"Cindy, saglit lang ha, ilang oras na ako nagpipigil. Hindi na talaga kaya ng pantog ko," sambit ni ate Eva ayt tinapik ako sa balikat.

Kung tutuusin ay napakatagal na nga namin doon. Hindi rin kami umalis sa kinatatayuan namin mula kanina. Naiwan ako sa kinatatayuan ko at nagbuntong hininga. May five minutes break daw kasi ang mga kandidato na kanina pa nagsasagutan.

Ilang minuto pang tumagal ang programa hanggang sa may mag anunsyong tapos na ito.

"Para po sa pangwakas na pananalita, isang kilalang personalidad po ang pumunta,"

"OMG, si Taylor Swift ba iyan?" Tanong ng katabi ko sa kasama niya.

"Hindi, baka si Brad Pitt?"

"Oh baka naman si Kuya Will?"

Nang tawagin sa harap ang magbibitaw ng pangwakas na pananalita ay may kung anong tumulak sa akin na lumapit sa stage. Hindi naman ako ganoon kalayo kaya hindi ko nahirapan.

"Ladies and gentlemen, Mr. Liam Scorr!" Anunsyo ng mc.

Narinig ko naman ang mga bulungan.

"Kilala? Hindi ko nga kilala iyan,"

"Ako rin, pero in fairness ang gwapo,"

Nagsimulang magsalita ang lalaking tinawag sa harapan at maang akong nakapakinig. Hindi ko nauunawaan ang sinasabi niya ngunit para akong hinehele ng boses niya. Parang pamilyar ito ngunit hindi ko maisip.

Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatayo pa rin at nakatingin sa lalaking nagpanghuling pananalita. Nakaalis na ang mga tao, ang mga kandidato at papalubog na ang araw. Hindi ko maipaliwanag ngunit parang nakatingin din siya sa akin. Unti-unti akong humakbang papalapit sa kaniya at bumibilis ang tibok ng puso ko.

"H-hi!" Utal kong bati sa kaniya.

"H-hi?" Nag-aalangang sagot niya.

"Ang galing mo magsalita kanina," sambit ko sabay awkward na ngiti.

"W-wait… Do... I know you?"

Hindi na ako nakasagot nang tingnan niya ako direkta sa mga mata. Nanginig ang tuhod ko at hindi ko maintindihan ngunit may kakaiba sa kaniya.

"Liam, right?" usal ko sa pangalan niya.

“Yeah, and… you are?”

“C-Cindy,”

“Hey there,”

I bit my lower lip. Nag-umpisang lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha.

"Excuse me? Miss? Cindy?" halos mawala ako sa sarili nang marinig ko muli ang boses niyang binibigkas ang pangalan ko.

"Liam?" Sambit ko at kasabay ng pagcrack ng boses ko'y nanlambot ang tuhod ko.

"Is there, uh, something you... want to say?"

"Wait... w-what does this mean?" Naguguluhang tanong ko.

"I... uh, should ask you that question. I mean, you came here and you're looking at me like that with these emotio--"

"Liam, uh-- anong--"

"Sorry, but I completely don't get what is happening. So kung wala ka nang sasabihin, I'll be going. Nice meeting you,"

"I didn't drink it... Tell me-- t-tell me, you did the same," nauutal na sambit ko.

"M-miss? Uh, anong-- hindi kita maintindihan," bakas sa mukha niya ang labis na pagkalito sa mga nangyayari.

"Liam..." usal ko kasabay ng pagbuhos ng emosyon.

"I... really can't figure out what is happening, sorry,”

"P-please... tell me, you didn't drink it. Tell me," I was trembling, damn much.

"Miss-- uh, sorry pero kailangan ko na umalis. May naghihintay pa sa akin,"

“Liam!" Sigaw ko nang akmang aalis na siya.

Nilingon niya ako ngunit walang emosyon ang mukha niya-- kasing tabang ng kulay ng papalubog na araw.

"That night, I didn't drink the cure dahil akala ko-- akala ko  you will do the same. I was so scared of losing you. Given the fact that you seemed holding back that night? Sumugal ako, hindi na para manalo kun'di kahit para matalong kasama ka," suminghap ako ng hangin. "Ang sakit... k-kasi natalo na naman akong mag-isa,"

He was baffled. Bakas na bakas sa mukha niyang naguguluhan siya.

"Cindy," he uttered my name that broke me even more. "I most certainly do not understand what you've been saying. Completely clueless kung anong pinagdaraanan mo, but... take this hug. I hope this makes you feel better,"

In no time, he started making his way to me. Every step he made breaks me. Hindi ko alam, he was walking to me but it feels like he's walking away. Huminto siya sa harapan ko. Nag-aalangan man nang una, iniangat niya ang mukha ko at iniharap sa kaniya. He smiled, a genuine one. The smile that I longed for and I know I will forever miss.

Sinimulan niya akong yakapin at ikulong sa bisig niya. I cried and cried but wala na akong magagawa. I already lost him. He made me feel his warmth for several seconds until he let go of me.

"I don't want anyone sad, smile,"

I forced a smile. Kahit hirap na hirap akong gawin ito ay pinilit ko, para sa kaniya.

"We may be living in the same world, sometimes our paths may even cross, but we have a whole different stories. I hope you feel better. The next time we see each other, make sure I'll be seeing you happy, okay?" He smiled.

"Y-yeah," my voice cracked.

He then waved his final goodbye and I almost died with every step he took as he started walking away from me. Kasabay na paglaho ng araw ay ang paglaho niya sa paningin... at buhay ko.

Someone said, ang mundo ay bilog. Minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw. May mga pagkakataong nasa liwanag, darating din naman ang puntong mawawala tayo sa gitna ng dilim. Aaraw, uulan, minsan babagyo pa ng problema. Pero hindi na mahalaga iyon. Magiging problema lang iyan kung poproblemahin. Dahil kailan lamang ba nagiging mahalaga ang alon na humahampas sa bangka? Hindi ba tuwing payapa lamang ang dagat? Kasi ito ang bumubuhat sa bangka, unti-unting nagdadala at tumutulak patungo sa iba't-ibang direksyon. Kapag naman lumakas na ang alon, kapag nawawala na sa kontrol, nagiging mas mahalaga na ang pagsagwan. Mas kailangan mo nang matuto kontrolin ang bangka at harapin ang pagsubok.

Siguro ganito talaga binuo ang konsepto ng buhay. Sa tuwing nagiging magulo ang mga bagay-bagay, mapipilitan tayong mamili. Itutuloy ba natin o hindi? Kung tatapusin natin agad, paniguradong wala tayong mapapala. Sabi nga 'di ba, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Kung itutuloy naman natin, mahirap. Hindi natin alam kung anong nahihintay sa dulo. Kung gaano kahaba ang daang kakailangan natin lakbayin, kung ano ang mga pagsubok na dadagdag pa sa isa pang pagsubok at kung kailan nga ba natin masasabi na nalagpasan na natin lahat-- walang nakakaalam.

Kaya ang tanong, ano ang mas mabuti gawin? Magpatuloy o hindi? Walang tamang sagot, kasi lahat tayo magkakaiba ng perspektibo.

Pero sa panig ko, pinili ko magpatuloy. Ang sabi ko, sige, ipagpapatuloy ko ito kasi wala namang mawawala. Sa halip na gupitin ang buhol-buhol na tali, pinili kong ayusin at kalasin isa-isa.

Nasaktan na ako, maraming beses na. Pero sinanay akong magtiis at manatiling nakatayo kahit nahihirapan. When I had Harvey, akala ko kumpleto na ako. Akala ko nalampasan ko na iyong tinatawag na pagsubok dahil nakuha ko na ang lalaking gusto ko. Iyong pakiramdam na lagi akong masaya kapag kasama siya, hindi ko mapigilan mapangiti kapag kausap ko siya at pakiramdam ko wala na akong hahanapin pa kasi nasa tabi ko siya. Pero mali ako.

Ang pag-ibig pala hindi ganoon ka-simple. Hindi lang pala tungkol sa kasiyahang nakukuha mo kapag kasama mo siya, kasi darating talaga sa puntong susubukin ang pagsasama niyong dalawa. At nang dumating kami ni Harvey sa point na iyon, ako na lang pala mag-isa. O siguro mula pa nang una ako lang naman talaga.

I broke Liam, to have Harvey yet Harvey chose to break me as well. Kaya nang mabigyan ng pagkakataon ayusin ang lahat, hindi ko na sinayang pa. Pinili ko namang piliin si Liam, ngunit pinili na niyang bumitaw.

Hindi naging madali ang lahat, pero walang choice kung hindi magpatuloy. Pinili kong ayusin ang buhol-buhol na tali ngunit nasakal lamang ako.

Ang sabi ko, magpapatuloy ako kasi wala namang mawawala. Ngunit sa pagpalatuloy ko, hindi ko namalayang nawala na rin ang sarili ko.

THE END...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro